Scales of Chaos

By ashiaari

153K 8.8K 2.6K

𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her home... More

I
II
Prologue
Chapter 1 | New Dawn
Chapter 2 | The Beginning of Time
Chapter 3 | A New World Awaits
Chapter 4 | Friends?
Chapter 5 | First day, First Mess
Chapter 6 | Summoned
Chapter 7 | Half Truth
Chapter 8 | Lies in Ice
Chapter 9 | Cold Night
Chapter 10 | Omen
Chapter 11 | A Tale
Chapter 12 | Storm is Coming
Chapter 13 | First Wave
Chapter 14 | Monsters Within
Chapter 15 | The beasts and the dragons
Chapter 16 | Final Blow
Chapter 11 | The Case in Clover City
Chapter 12 | Bloom
Chapter 13 | Bloody Diamonds
Chapter 14 | Cold Tears
Chapter 15 | Air and Shadow
Chapter 16 | Uncontrolled
Chapter 17 | Strings
Chapter 18 | Awaken
Chapter 19 | Diamonster
Chapter 20 | The Explosion
Chapter 21 | Hidden Palace
Chapter 22 | New Faces
Chapter 23 | Jakku Island
Chapter 24 | Phantoms
Chapter 25 | Poisoned
Chapter 26 | Amaimon Soul
Chapter 27 | The Shape Shifter
Chapter 28 | Pity
Chapter 29 | Shoot Fast
Chapter 30 | Spirit
Chapter 31 | Rainbow
Chapter 32 | There's a Traitor
Chapter 33 | Ruined
Chapter 34 | Training in the Rain
Chapter 35 | Invisible
Chapter 36 | Strength
Chapter 37 | Mystic Island
Chapter 38 | Attacked
Chapter 39 | Demon Snake
Chapter 40 | Eyes in the Dark
Chapter 41 | Falling
Chapter 42 | Drunk Ladies
Chapter 43 | Suspicion
Chapter 44 | Melted
Chapter 45 | Mystic Ball
Chapter 46 | Their Way
Chapter 47 | Sneak And Steal
Chapter 48 | The Smell of Iron
Chapter 49 | Unchained
Chapter 51 | Fear
Chapter 52 | Embrace of Death
Chapter 53 | Memories With Her
Chapter 54 | Child of Destiny
Chapter 55 | Crossroads of Destiny
Epilogue
III
BOOK II

Chapter 50 | A Drop of Blood

1.3K 94 17
By ashiaari

The Titans positioned their self when six Phantoms suddenly showed up. Nagtatakha man kung bakit anim lang ang lumabas ay binalewala nila na lang, ine-expect nila kasing naghahanda si Irish ng maraming Phantoms para labanan sila dahil palace naman ito ng mga Phantoms, kaya bakit anim lang ang nagpakita?

They didn't let their guard down as the Phantoms surrounded them.

"Where's Nix?" tanong ni Trisha kay Lemon na nasa tabi niya lang.

Nakatayo lamang sila sa gitna at hinihintay na maunang umatake ang mga Phantoms.

"He followed Musa," sagot ni Lemon habang nakatingin ng masama sa mga kalaban.

Habang binabantayan nila ang mga galaw ng Phantoms ay nakaramdam si Lemon ng hangin na tumama sa kaniyang balat at sa buhok niya, may kasama iyong bulong na sigurado siya ay si Sky. Matapos niyang marinig ang utos ay tumango lang siya bilang sagot bago siya nag-anyong ibon at saka mabilis na lumipad palayo.

Nang makalabas siya ng palace ay nilibot niya agad ang buong isla upang hanapin si Musa at si Nix, hanggang sa mapunta siya sa kagubatan ng isla. Kumunot ang nuo niya habang pinagmamasdan ang kabuuhan ng buong kagubatan mula sa himpapawid, dahil ang alam niya ay walang buhay at makulimlim ang kagubatan, bakit nababalot na 'yon ng yelo ngayon?

Nahagip ng kaniyang mga mata ang dalawang taong hinahanap niya kaya naman mabilis siyang bumaba upang harapin ang dalawa. Napatigil ang dalawa sa paglalakad nang biglang mag-anyong tao si Lemon sa harapan nila.

Tinignan muna ni Lemon si Nix bago niya binalingan ng tingin si Musa. Hindi makatingin sa kaniya ang dalaga dahilan para mapairap siya. Alam niya ng nagkabati na ang dalawa dahil sa nakikita niya ngayon, hindi nga lang niya alam kung saang panig ang dalaga.

Hindi niya pa rin ito kayang patawarin, kahit na mukhang napatawad na ni Nix si Musa. Kailangan niya ng oras para kalimutan at patawarin ang dalaga. The betrayal is still fresh in her mind and heart, it can't be forgotten that easily, it needs time, a lot of time.

Napansin niya ring umikli na ang buhok ng dalaga, ang dating buhok ni Musa ay abot hanggang bewang, ngayon ay hanggang balikat niya na lang, at mukhang hindi magaling ang gumupit niyon sa kaniya. Mayroon kasing mga iilang hibla ng buhok niya na mahaba at mayroon ring maiksi.

Sunod na bumaba ang mga mata ni Lemon sa mga kamay ni Musa na ngayon ay wala ng posas, ngunit kapansin-pansin ang markang iniwan no'n.

Ngumiwi si Lemon at saka bored na tumingin kay Nix. "They're currently fighting seven Phantoms, including Irish."

"Then let's go, we'll help them," sabi ni Nix bago niya inilabas ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bulsa.

"No," pagpigil ni Lemon. "May gustong ipagawa sa atin si Nath."

Nix's brows met. "What is it?"

"We need to get Rain out of the magic circle." Binalingan muli ni Lemon ng tingin si Musa. "Can you tell us what are they planning to do?"

Nag-aalinlangang tumingin si Musa kay Lemon habang nilalaro nito ang kaniyang kamay. "T-They're planning to transfer the soul of the Phantom Queen into Rain's body, and when that happens, the Queen will be able to control her body and own it along with her magic."

Napatango ng dahan-dahan si Lemon matapos niyang marinig ang sinabi ni Musa. "Anong mangyayari kung nailipat na 'yung kaluluwa ng reyna sa katawan ni Rain?"

Musa's eyes suddenly filled with fear as she met Lemon's eyes.

"The Queen will rise and destroy the world with the power of the Blue Dragon..." Musa licked her dry lips before she continued, "Kapag nangyari iyon ay may tatlong kapangyarihan na ang reyna, kasi dati nila na itong nagawa. Malakas rin ang babaeng inalay nila noon, may taglay ang babaeng kanilang inalay noon na makita ang hinaharap at ang nakaraan, 'yon ang narinig ko sa pag-uusap nila limang taon na ang nakakaraan."

"The Phantom Queen chose that woman's body to be her next body because the Queen's true body that time is weakening as time passed by. But then when she finally captured that woman, the woman is already dead and has no soul, that's why, ang katawan ngayon ng reyna ay isang kalansay ngunit ang kaniyang kapangyarihan at kaluluwa ay nasa loob pa ng kalansay na 'yon. And this time, she wants Rain's body and magic."

• • •

Kaharap ngayon ni Trisha ang isang mabalahibong Phantom. Nakatingin lamang ito ng masama sa kaniya habang pinapakita nito sa kaniya ang matutulis nitong pangil. Hindi niya alam kung bakit heto pa ang napunta sa kaniya. Nandidiri kasi siya dahil bahagyang nakaawang ang bibig ng kalaban niya at tumutulo na ngayon sa sahig ang laway nito.

'Maka-ewww!' sabi niya sa kaniyang isip.

Napaurong siya bigla nang dahan-dahan iyon naging isang itim na lobo. Sunod niyang ikinuyom ang mga kamay niya bago iyon binalot ng bato. Tinignan niya muna ang kaniyang mga kasama na abala sa pakikipaglaban sa ibang Phantom habang may nguso sa kaniyang mukha. Bumalik muli ang kaniyang tingin sa kaniyang kalaban at mas lalong humaba ang nguso.

"Bakit kasi werewolf ang kalaban ko ngayon?!" inis na tanong niya sa kaniyang sarili. "Ihh! Naalala ko tuloy si Luna, magkamukha kasi pero mas cute si Luna."

Napaigtad na lang siya nang biglang umalulong ng malakas ang lobo bago iyon sumugod sa kaniya. Mabilis rin siyang tumakbo palayo sa lobo at saka ginawa ang sahig sa pagitan nila na matutulis na spikes. Mas lalong sumama ang tingin sa kaniya ng Phantom dahil doon.

Ilang segundo ang lumipas ay kumunot ang nuo ni Trisha nang bigla na lang humakbang patalikod ang Phantom, nang tumigil ang kalaban ay mabilis iyong tumakbo at tumalon papunta sa kaniya. Dahil sa gulat ay hindi niya na nagawang umiwas kaya naman nadaganan siya ng lobo.

Napaungol na lamang siya dahil sa sakit nang bigla siya nitong kalmutin sa tyan. Malakas niyang sinipa ang lobo sa tyan nito dahilan ng pagtalipon niyon. Dahan-dahan siyang tumayo habang nakahawak sa nagdudugo niyang tyan. She grimaced when she tried to move her body and felt it sting.

Nagsimula ng bumigat ang paghinga niya dahil sa malaking sugat na natamo niya. Itinapat niya ang kaniyang palad sa tyan niya upang gamutin iyon ngunit hindi pa siya nakakapagsimula ay inatake na naman siya ng lobong Phantom. Nakaiwas nga siya pero nakalmot pa rin siya nito ng kaunti sa braso. Napunit ng kaunti ang suot niyang damit ngunit hindi niya na iyon pinansin at gumawa ng lamang ng espadang yari sa bato.

Tinignan niya ng masama ang lobo at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa espada. Kahit na masakit ang kaniyang katawan ay pinilit niya pa ring gumalaw upang lumaban, dahil kung hindi siya lalaban ay baka tuluyan na siya nitong paslangin.

Inihakbang niya ang isa niyang paa sa likod at saka bumwelo dahilan ng pagkawasak ng sahig sa kinatatayuan niya. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kalaban at sinubukang saksakin iyon ngunit mabilis itong umiwas.

Grrrr...

Hingal na hingal na siya. Napapakagat na lamang siya sa kaniyang labi kapag nararamdaman niya ang kirot ng kaniyang mga sugat.

Dumako bigla ang kaniyang tingin sa taas at nakita ang isang ibon na hindi naman kalakihan ngunit tamang-tama naman ang laki nito. Nasisigurado niyang si Lemon iyon dahil sa nararamdaman niya ang mahika ni Lemon na nanggagaling sa ibon.

Habang nakalipad naman si Lemon sa himpapawid ay nakatuon lamang ang kaniyang mga mata kay Rain na nasa loob ng magic circle at katabi ang kalansay, na sa tingin niya ay ang kalansay ng Phantom Queen. She just need to get Rain out of the magic circle so that the Queen can't take Rain's body.

Naglakbay ang kaniyang mga mata sa mga labanan at napatigil lamang iyon kay Trisha. Halatang nahihirapan na ang dalaga sa pakikipaglaban dahil sa natamo nitong sugat mula sa kalaban, kaya naman mabilis na bumaba si Lemon at nag-anyong lobo upang tulungan si Trisha.

Nakita niyang napatingin sa kaniya si Trisha ngunit bumalik rin agad ang tingin nito sa kalaban. Nang dinakuan ni Lemon ng tingin ang lobo ay napangiwi siya. Mas malaki pa kaysa sa kaniya ang lobong Phantom at mukhang sobrang lakas rin.

'Looks like I need to get rid of this first,' Lemon thought.

Sa isang kumpas lamang ng kamay ni Trisha ay naglaho na ang espadang hawak niya at napalitan iyon ng pana na yari sa kahoy. Nagpapasalamat siya na nandito si Lemon dahil nahihirapan na talaga siya, dahil bukod sa masakit ang kaniyang sugat sa tyan ay nararamdaman niya ring parang nauubos ang kaniyang enerhiya sa hindi malamang dahilan. Hindi rin naman niya ginamit ang lahat ng enerhiya niya, kaya bakit siya nanghihina ng ganito?

She looked at Lemon who is just gritting her fangs as she stared at the Phantom. Napaatras siya ng kaunti nang mabilis na sumugod si Lemon sa kalaban. Sinundan niya iyon ng tingin at nakitang nagkakalmutan at nagkakagatan na ang dalawang lobo, para silang mga asong nag-lalabanan.

Seconds later, when Trisha finally transferred a high amount of magic on the arrow of the bow, she positioned herself. Trisha closed her left eye as she aimed for the Phantom's head. Kailangan niyang humanap ng tamang tyempo kasi gumagalaw ang kaniyang papanain at dapat matamaan niya iyon. She can't miss this one because she can clearly see the cuts on Lemon's body as she fight the Phantom.

Nang makahanap ng tyempo ay binitawan na ni Trisha ang string ng pana kaya mas lalong umilaw ang dulo ng palaso, mabilis iyong tumama sa ulo ng Phantom. Sa isang iglap niya lang ay tumalipon na ang lobo sa kabilang bahagi ng palace dahil sa lakas ng impact nang tumama ang palaso sa ulo nito.

Gumawa ulit si Trisha ng espada bago lumapit sa lobo habang nasa tabi niya si Lemon. Nang makalapit ay hinawakan niya ang ngayon ay wasak na wasak na ulo ng Phantom at saka iyon pinugutan, natalsikan pa siya ng itim nitong dugo ngunit agad rin naman niyang pinunasan ang kaniyang mukha. Dahan-dahang gumulong ang ulo ng lobo sa sahig at unti-unti na iyong nagiging abo kasabay ang katawan niyon.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tumingin kay Lemon na ngayon ay nagbalik na sa dati niyang anyo. "Nasaan si Musa?"

"She's fine, she's on our side now," diretsang sagot ni Lemon.

Hindi pa rin alam ni Trisha kung papatawarin niya ba si Musa o hindi. Naguguluhan pa siya, kailangan niya muna ng oras para pag-isipan iyon. Naiintindihan niya rin naman ang dahilan nito kung bakit ito nagtaksil sa kanila ngunit...

Napabuntong hininga na lamang siya at ikinumpas ang kamay kaya naglaho na ang espadang hawak niya. "What's the plan?"

"Get Rain out of the magic circle before the moon change its color," sagot muli ni Lemon.

Tinignan nila muna ang mga kasama nilang nilalabanan pa ang ibang Phantoms. As much as they want to help, they can't now. May kailangan pang gawin si Lemon habang si Trisha naman ay kailangan niya pang mag-ipon muli ng enerhiya.

Naging isang ibon ulit si Lemon saka lumipad palapit sa kinahihigaan ni Rain. Paglapit niya ay nakita niyang namumutla ang dalaga at ang lamig pa ng katawan nito nung hinawakan niya, katulad noong nasa Mystic Island sila.

Sunod niyang tinignan ang kalansay. Nararamdaman niya ang malakas na itim na mahikang nakapaligid sa kalansay. Malakas iyon, ngunit alam niyang may mas malakas pa sa reyna ng mga Phantoms.

At iyon ay ang hari nila.

Nangsalubong ang kilay niya nang biglang umilaw ang magic circle, sunod na umilaw ang katawan ni Rain at ang kalansay. Dahil sa nangyayari ay bahagyang napaatras ng kaunti si Lemon, hindi niya alam kung ano na ang nangyayari. Kahit anong alala niya kung nabasa niya na ba ang tungkol dito ngunit wala talaga siyang maalala.

"It's starting." Napatingin siya kay Irish na kasalukuyang nilalabanan si Nath.

Malakas ang dalawa, sa kanilang dalawa nanggagaling ang malakas na mahikang nararamdaman ni Lemon kanina pa. Mahihirapan din si Nath na talunin si Irish dahil kaya ng dalaga na kontrolin ang bakal, alam naman ng lahat na hindi basta-basta nasusunog ang bakal.

Nag-anyong oso si Lemon bago niya dahan-dahang binuhat si Rain. Napatigil na lamang siya at nanlaki ang mga mata nang mahagip ng kaniyang mata ang sugat sa braso ni Rain, may lumalabas na ngayong dugo mula roon at tumutulo iyon sa mga linya ng magic circle.

Nataranta na lang siya nang makitang naging kulay pula ang liwanag sa magic circle dahilan para mapatakbo siya ng mabilis palabas ng palace habang dala-dala ang walang malay na katawan ni Rain. Mabuti't walang nakapansin sa kaniya dahil abala ang lahat sa pakikipaglaban.

Nang makalabas ng palace ay kaagad niyang nakita sina Nix na nasa gilid lang ng pinto. Mabilis niyang ibinigay kay Nix ang dalaga nang makalapit at nag-anyong tao. Napakagat siya sa kaniyang kuko nang maalala ang ginawa niya kanina.

"Malapit ng magpalit ng kulay ang buwan, kailangan na natin siyang ilayo sa islang ito," sabi ni Musa habang nakatingin sa walang malay na si Rain.

Kumunot ang nuo ni Nix nang may maramdaman siyang basa sa kamay niya. Tinignan niya iyon at mas lalong kumunot ang nuo nang makita ang dugo sa kamay niya. "Whose blood is this?"

Agad na nanlaki ang mga mata ni Musa habang nakatingin sa kamay ni Nix na ngayon ay napuno na ng dugo. Nanginginig niyang binalingan ng tingin si Lemon at akmang magsasalita ngunit naunahan na siya nito.

"Eh kasi... h-hindi ko alam na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kaniya kanina, at bumaon na pala ang kuko." Nanatili ang tingin ni Lemon sa baba habang sinasabi iyon.

"T-Tumulo ba ang dugo niya sa mga linya ng m-magic circle?" Pilit na pinapakalma ni Musa ang kaniyang sarili ngunit hindi niya magawa.

"U-Uh y-yes-"

"Oh no..." Nakagat ni Musa ang kaniyang kuko at hindi na napigilang ipakita sa dalawa niyang kasama ang takot niya. "This is so bad."

"What do you mean?" Nag-angat ng tingin si Lemon saka kumunot ang nuo.

Musa took a deep breath to calm herself so that she can speak properly. "I overheard the conversation between Irish and that mysterious guy five years ago. At may narinig akong sinabi ang lalaking iyon tungkol sa kailangan naming gawin upang magtagumpay ang ritwal."

"What is it?" Nix confusedly asked.

"A drop of blood shall awaken the dead from its slumber."

Continue Reading

You'll Also Like

582K 21.8K 49
With the ethereal peace which has been claimed, serenity began to embrace the demigods. But the prophecy being foretold is not yet finished- the curs...
121K 4.6K 65
✔COMPLETED (New Version) | Axphain Academy: School for Divine Angels (Metanoia Series 3) Axphain is a nation of divine winged mythical creatures. Th...
11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
53K 2.9K 38
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.