A Promdi's Guide To Self-disc...

By rheahime

662K 12.4K 797

*Once featured in Teen Fiction and winner of The Best TNT Panalo Story at the Wattys 2015* Kung tatanungin mo... More

Author's Note
Prologue: Extra Tip - You Don't Know What You Got 'Til It's Gone
Tip No. 1 - Pag Wala Dito, Hanapin Sa Iba
Tip No. 2 - Wag Sasama Sa Hindi Kilala
Tip No. 3 - Hindi Lahat Ng Bagay Ay Madali
Tip No. 4 - Makipagkaibigan
Tip No. 5 - Hindi Masamang Kiligin
Tip No. 7 - Hindi Rin Maiiwasan Magkaroon Ng Boy Problems
Tip No. 8 - Linawin Ang Misunderstandings
Tip No. 9 - Humanap Ng Friends Na Sasabihan Kang Baliw, Kung Nababaliw Ka Na Nga
Tip No. 10 - May Mga Bagay Na Unexpected Na Darating
Tip No. 11 - May Mga Bagay Na Sadyang Magulo Lang Talaga
Tip No. 12 - Pag May Pangyayaring Unexpected, Sakyan Mo Na Lang
Tip No. 13 - Kung Palagay Mo Hindi Ka Magaling, Mag-practice
Tip No. 14 - Nakakabaliw Ang Sobrang Pag-iisip, Chill Lang Din Minsan
Tip No. 15 - Normal Ang Heartbreak, Matutong Mag-deal
Tip No. 16 - Hindi Maganda Ang Magtago Ng Sama Ng Loob, Ilabas Mo Yan
Tip No. 17 - May Mga Panahon Na Mas Maganda Ang Maging Honest
Tip No. 18 - Huwag Masyadong Mag-expect Para Hindi Masyadong Ma-disappoint
Tip No. 19 - Mahirap Maniwala Minsan; Matutong Kilalanin Kung Ano Ang Totoo
Tip No. 20 - Matutong Tumanggap Ng Pagkakamali
Tip No. 21 - May Times Na Kailangan Mong Pumili
Tip No. 22 - Mahirap Ang Pumili Pero Mas Mahirap Kung Hindi
Tip No. 23 - May Katapusan Din Ang Lahat
Tip No. 24 - Kapag Nabigyan Ka Ng Pagkakataon, Huwag Itong Pakawalan
Tip No. 25 - Maniwala Na Magiging Okay Din Ang Lahat, Ano Man Ang Mangyari
Epilogue: Extra Tip 1 - When One Door Closes, Another Opens
Epilogue: Extra Tip 2 - Feel The Fear But Take Action Anyway
Book Two: A Dreamer's Guide To Self-redemption
Side Story: A Rock Star's Guide To Getting The Promdi
Acknowledgments
Iba Pang Kwento Na Gawa Ni Rhea

Tip No. 6 - Hindi Maiiwasang Makakilala Ng Papansin

21.8K 451 35
By rheahime

May gig ang Heroes Not Zeroes sa ibang bansa at kinailangan nila Nathan at Benedict mag-absent sa school nang dalawang linggo. Ni-research ko isang beses sa library ang tungkol sa banda nila at nakitang hindi lang sila sa Pilipinas sikat, sa ibang bansa sa Asia din. Punk rock ang style ng music nila at nagtataka pa rin ako kung bakit hindi ko sila kilala dahil gusto ko ang genre na iyon. Apat sila sa banda; si Nathan ang lead guitars at si Benedict ang drummer.

Ayon din sa internet, sa Amerika nag-aral ang apat noong high school at nakapag-desisyon na bumuo ng banda dito sa Pilipinas pagka-graduate. Hindi sila kaagad pumasok ng college at tinutukan muna ang pagtutugtog hanggang sumikat na nga sila. Ngayong nag-aaral na sila ulit, iisang school lang, ang University of St. Lorenzo Ruiz, ang pinapasukan nilang apat.

Kaming tatlo ni Shay at Kat ay nakapag-bond nitong mga nagdaang araw na wala silang dalawa at masasabing naging magkakaibigan na talaga. Sa mga klase na hindi ko kasama si Shay o si Kat, walang sa mga babae na nakikipag-usap sa akin. Minsan tinitignan pa nila ako na para akong malaking dumi na nakadikit sa pader na hindi nila matanggal-tanggal. Hindi ko na lang sila pinapansin. Ang ilan sa mga lalake naman sa klase, sobrang atensyon ang binibigay sa akin at umaabot sa point na hindi na ako komportable.

Wala pa rin akong part-time job pero nag-aapply kami ni Shay at may naatenan na na interviews sa kung saan-saan at naghihintay na lang kami ng tawag.

Madalas kaming tatlo tumambay sa dorm nila Shay o sa bahay nila Kat pagkatapos ng mga klase namin. Noong unang punta namin sa bahay nila Kat, nawindang kami ni Shay sa ganda nito. Laging nasa trabaho ang mga magulang ni Kat at nag-iisa lang syang anak kaya solo namin ang bahay. Chini-chika kami minsan ng kasambahay nila at nasabi nya isang beses na noon lang daw si Kat nakapag-imbita ng kaibigan sa bahay nila. Nakakatuwa na tinuturing talaga kami ni Kat na kaibigan pero nakakalungkot din dahil, sa tagal ng panahon, kami pa lang ang natawag nyang ganito.

Halos araw-araw din ako tawagan at i-text ni Nathan habang nasa abroad sya. Minsan seryosong bagay ang mga napag-uusapan namin, kagaya ng pagka-miss nya sa mommy nya na namatay noong high school sya, at minsan naman kung ano-ano na lang, kagaya ng nakain nya noong araw na iyon o kung paano pumiyok si Jay, ang vocalist ng banda nila, sa isang kanta. Mas nakilala ko sya ngayong wala sya dito at napansin ko na lang na parang hindi kumpleto ang araw kung hindi kami magkakausap.

Noong mga unang ilang araw na gamit ko na ang phone, madalas ko itong naiiwan sa condo dahil hindi pa ako sanay kaya lagi nya akong napagsasabihan. Ngayon, lagi ko na dinadala dahil sa pag-aabang ng tawag o text mula sa kanya. Hindi ko alam kung ganon din ang feelings nya at gusto ko sana talaga malaman pero hindi ko tinatanong. Ayokong masira kung ano man ang meron at mag-expect ng sobra. Pinipilit kong maging kontento sa kung ano lang ang kaya nyang ibigay.

Linggo na ng pasahan ng project sa History at hindi pa rin kami nakakapunta sa kahit saan. Si Nathan at Benedict nag-suggest ng Cebu at Palawan pero natawa na lang kaming tatlo dahil mukhang hindi historical places ang balak nilang puntahan doon. Sa huli, napagkasunduan naming lahat na pagdating nilang dalawa mula sa ibang bansa, ang mga pupuntahan namin ay Fort Santiago, San Agustin Church, Rizal Park, Malacañang Palace at Aguinaldo Shrine sa Cavite. 

Nakaupo kami ni Kat sa isang bilog na bench na may umbrella sa gitna malapit sa court kung saan nagpe-P.E. si Shay. Hinihintay namin silang tatlo para makapagsimula na sa project. Kaninang umaga ang flight nila Benedict at Nathan at susunduin nila kami dito sa school. Alam nila Kat at Shay na may gusto ako kay Nathan at hindi ko maitago kay Kat ang pagiging kabado. Ngayon lang ulit kami magkikita matapos ang dalawang linggo at hindi ko alam kung paano ko sya ia-approach.

"Stop fidgeting at relax ka lang. Gusto mo ba mahalata ka ni Nathan?" Paalala ni Kat. Umiling ako bilang sagot dahil parang nahihirapan ako magsalita sa kaba.

Lumapit sa amin ni Kat ang ilang kaklase namin sa History at nakipagkwentuhan. Nabanggit nila na hindi pa rin sila nakakapagsimula sa project at may hinihintay din silang mga ka-grupo na nasa loob ng court. Todo ang dikit sa amin ni Kat ng mga lalake at nagtatangka pa yatang man-chancing pero hindi kami maka-alis sa pwesto namin.

Ala-una ang tapos ng klase ni Shay sa P.E. at pinuntahan nya agad kami pagtapos nya magbihis. May ilan syang kasabay na lumapit din sa amin na namumukhaan ko mula sa iba naming klase at isa sa kanila si Beth, yung girl na humingi ng number ni Nathan.

Sa hindi ko malamang dahilan, ubod sya ng suplada pagdating sa akin. Wala naman akong alam na ginawang masama sa kanya; tatlong linggo pa lang since nagsimula ang school year at konti lang ang klase na magkasama kami. Pero ngayon, nag-iba ang kilos ni Beth - mula sa pagiging isnabera, naging biglang super friendly, at hindi ko alam kung yun ba ay dahil nakita nyang parating sila Benedict at Nathan.

Sumobra sa bilis ang heartbeat ko ng makita ko sya ulit pero nang napansin ko ang magandang babae na nakahawak sa braso nya, feeling ko na-drain ang dugo ko at biglang gusto ko tumakbo palayo. Siguro alam ni Shay at Kat ang nasa isip ko dahil napahawak silang dalawa sa akin.

"Di ba si Jasmine yun? Kapatid ni Jay Espino?" Sabi ng isa sa mga nakatambay sa tabi namin.

Sumagot ang isa. "Sila pa ba ni Nathan? Kala ko break na sila?"

Napatingin ako kay Shay at Kat, gusto ko itanong kung alam ba nila ang tungkol dito, pero nagkibit-balikat lang silang dalawa at tinignan ako na parang nalulungkot sila para sa akin.

"I don't think sila pa pero if they're still together, they'll be breaking up soon enough." Biglang singit ni Beth. 

Napatingin kaming lahat sa kanya. Kita sa mukha nya na parang kating-kati sya na sabihin sa amin ang alam nya pero may pa-demure effect din sya na nalalaman at kunwari hindi nya pwede sabihin kung ano man iyon.

"Pano mo naman nasabi?" Laking gulat ko na lang na sa akin lumabas ang tanong.

Tinignan ako ni Beth na parang kinakaawaan ako at sinabing, "We've been talking over the phone since he left. He didn't seem happy with her. I told him I liked him and I think he's starting to like me, too."

Okaaayyy. So hindi lang pala ako ang nakakausap nya sa phone. May listahan ba si Nathan na sinusunod kung sino ang tatawagan sa kung anong oras at kung ano lang ang ikukwento? Wala kasi syang ibang babae na nabanggit, kundi ang mommy nya lang.

Ako naman ang napahawak kay Shay at Kat nang makita ko na hinalikan ng tinatawag nilang Jasmine si Nathan bago ito lumayo. Kahit ilang segundo lang ang itinagal, sobrang na-bother pa rin ako dahil sa labi dumapo ang kiss na iyon.

So may girlfriend pala sya, at ayon kay Beth, may nagugustuhang iba. Naiiyak ako sa katangahan ko. Akala ko special na ako sa kanya dahil sa lahat ng atensyon na ibinigay nya sa akin. Nakakalungkot na isa lang pala ako sa nakakarami.

Continue Reading

You'll Also Like

97.4K 4.1K 35
(Forbidden Love Series #2) Every summer ay bumibisita siya sa akin. She was 6 years old when I first saw her. Gustong-gusto niya ako dahil napapalago...
2.4K 238 67
After the failure of First love, Geyl decided to not love a guy but one day she just woke up and there are three dazzling handsome hot guys that will...
Hi CRUSH! By L

Teen Fiction

5.3K 248 22
May crush ako. meron ka ba? con-amore- 2015
943K 2.7K 7
Lorraine, an orphan, found herself waking up in a room with people telling her that she's getting engaged to Jordan Fuentabella. The reason? Jordan's...