Polar Opposites

Door JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... Meer

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Origami

3.3K 233 74
Door JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 23

"Hi," bati ko kay Alec. Tapos na ang shift ko at sakto lang ang dating niya para sunduin ako.

"Kumusta?"

"Kapagod." Nagsimula na kaming maglakad. "Ikaw, nakatulog ka na ba?"

"Oo," tumingin siya sa paligid namin. "Wala ka bang nakitang kahinahinala kanina?"

Umiling ako.

"That's good." Mahinang tugon niya.

Lalong naging prominente ang black eye niya ngayon dahil isang araw na ang nakalipas noong nakuha niya ito. Pero kahit sa kadiliman ng gabi ay kita pa rin ang ganda niya. Napangiti ako nang maalala kong isa sa mga una kong naisip tungkol sa kanya ay ang posibilidad na baka bampira siya.

"Pwede na ba ako pumasok sa Monday?" Tanong ko kay Alec.

"Yeah." Buntong hininga niya. "Kailangan ko na rin siguro pumasok."

"Ayaw mo pa pumasok?"

Itinuro ni Alec ang black eye niya. "This isn't exactly easy to cover up. And I'm not exactly someone who can blend in the crowd."

Nagisip ako saglit ng pwede niyang gawin para maitago ang black eye at ang sugat niya sa labi. "Make up?"

Kumunot ang noo ni Alec. "I don't use make up."

"May onting make up ako sa bahay. Subukan natin mamaya kung matatago natin yung black eye mo. Although di ako sure pano yang sa labi mo."

Napatingin sa akin si Alec. "Bakit may make up ka?"

"Meron ako in case kailangan kong mag-ayos." Mahina kong sagot.

Tumango tango siya. "Didn't thought you'd use make up."

"Bakit naman?"

"You didn't seem to me as too girly enough or even self-conscious enough to think about making yourself look more... appropriate."  Sagot ni Alec. "I guess I was wrong."

Sumimangot ako sa sinabi niya, hindi sigurado kung dapat ba ako mainsulto o matuwa. Anong ibig sabihin niyang hindi niya naisip na self-conscious ako?

"You dress comfortably and presentably. Di ka overly affected by other people's opinion but you care enough to make sure hindi ka marumi tingnan. Normally, if a girl is like that, they stray away from using make-up. Or if they do, they'll probably only have a basic colored lipstick and powder, maybe something for the eyebrows."

"Meron ako nun."

"But you have a foundation or maybe a concealer in your make up kit?"

"May concealer ako."

"Which means you're self-conscious enough to want to hide whatever imperfections you have on your face."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Di kasi lahat katulad mo na makinis ang balat."

Natawa si Alec. "Bakit ka galit? Wala naman akong sinasabing masama gumamit ng concealer?"

"Eh kasi parang sinasabi mong pangit ako for using make up."

Umiling si Alec. "I'm talking about your self-consciousness. Your self image. Wala akong sinabing pangit ka, in fact, I think your face isn't that bad to look at."

Napatigil ako sa paglalakad. "My face isn't that bad to look at? Insulto ba yun or compliment?"

"Open to interpretation." Nakangiting sagot ni Alec.

Pinalo ko siya sa braso at nagpatuloy na sa paglalakad. "Di na kita tutulungan. Magsuot ka na lang ng eyeglasses saka face mask sa Monday."

"I actually thought of the eyeglasses already. Okay na siguro kahit di ako magsuot ng face mask."

Tiningnan ko siya at napangiti sa naisip ko. "So that means you care enough about your image to cover your black eye but not enough to cover your busted lips."

Napangiti si Alec sa pagbabalik ko ng assessment niya sa akin. "Of course I care about that. If word goes around na may nang bugbog sa akin, wala nang matatakot sa akin. Marami rin akong kaaway sa school, I don't want to get into more trouble."

"Marami kang kaaway?"

"I'm not exactly a good girl, Sophie." Sagot niya. "Of course marami akong kaaway. Alam lang nila ang consequences pag inatake nila ako kaya sila umiiwas."

"Like?"

"I know a lot about the people in our school. Who's dating who. What makes them do this and that. And I can always get more information if I wanted to. It's just a matter of how to apply those information against them."

"How about me?"

"Honestly, I don't have that much information against you."

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ko. "Pwede ka siguro mag-apply sa NBI. Feeling ko magaling ka magimbestiga if you'd use your skills properly."

"I'll take that as a compliment."

"Gusto mo bang subukan yung concealer ko? Di ako sure kung match tayo ng skin tone pero baka makatulong?"

Umiling si Alec. "Hindi na, okay na ako. Pasok ka na sa loob."

"Sure ka?"

"Yeah."

Nakatayo lang kaming dalawa sa sidewalk. Parang ayoko pang pumasok sa loob. Pero hindi ko alam kung bakit.

"Good night, Sophie." Paalam ni Alec. "I'll see you on Monday."

"Salamat sa paghatid. Good night."

Tumalikod na si Alec at naglakad papalayo. Matapos ang ilang hakbang ay lumingon siya sa akin, ngumiti at kumaway. Kumaway ako pabalik at pinanuod siyang maglakad hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Saka ko lang na-realize na nakangiti ako the whole time noong nakapasok na ako sa apartment ko. Ibinaba ko na yung gamit ko at nagayos para sa pagtulog. 


Nang mag-Monday ay nakatanggap ako ng text galing kay Leone na nagsasabing gusto niya ako makausap. Nagreply ako sa kanya na bakante ako ng lunch break ko.

Pero bago pa ako makalabas ng apartment ko ay may kumatok sa pinto. Nang buksan ko ito ay nginitian ako ni Louisse.

"Buti naabutan kita."

"Papasok na sana ako. Ba't napadaan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Nagkaayos na kami ni Leone but since we're already deep in trouble sa school we thought na it's better if she just continues with the story she started."

"Anong---ah," Naalala ko bigla yung away nila Leone at Alec sa may hagdan.

"Okay lang ba? Leone's going to act like nililigawan ka niya pero you can just act uninterested on that. Friends pa rin naman tayo di ba?"

"I think that's a bad idea," mahina kong sagot.

"It's not the best idea out there pero kung gusto mo pwede mo naman bastedin kaagad si Leone para back to friends na lang kayo. At least in the people's eyes, tapos na agad yun." Suhestiyon ni Louisse. "Better?"

"Better."

Ngumiti si Louisse. "Thank you, Sophie. Pasensya ka na sa abala namin ni Leone ah?"

"Okay lang." Kinuha ko yung bag ko at isinara na ang pinto. "Papasok ka na rin ba? Sabay na tayo pa-school."

"Tara."

Habang naglalakad kami ay kapansin pansin ang mga nagtatakang tingin ng mga tao sa amin. Medyo nasanay na ako dahil palagi naman pinagtitinginan ang banda nila Louisse pero napapansin ko pa rin ang nakasunod na tingin nila sa amin.

"Kumusta pala kayo ni Alec?" Tanong ni Louisse at tinaas taasan pa ako ng kilay.

"Wala."

"Sus, meron eh. Spill!"

Pinagisipan ko kung ikukwento ko sa kanya ang pag amin sa akin ni Alec. Pero hindi ko alam kung dapat ko ba ikwento sa iba yun kasi baka magalit si Alec.

"Dali na, kwento!" Pilit ni Louisse. "Eto naman, parang di tayo friends."

"Eh baka kasi magalit si Alec."

"And so? Kelan ka pa natakot kay Alec?"

Tiningnan ko siya at narealize na tama ang sinabi niya. Pero hindi pa rin ako kumportable na magkwento sa kanya. Pakiramdam ko yung pag-amin ni Alec ay dapat sa aming dalawa lang.

Nakarating na kami sa school kaya hindi na siya masyadong nagpilit na magkwento sa akin. Iba rin ang mga tingin na ipinupukol sa amin ng mga tao siguro dahil kumalat na nga ang balitang nililigawan ako ni Leone at inaangkin naman ako ni Alec.

Sa hallway ay napatigil ako nang makakita ako ng babaeng kulay pula ang buhok. Nagtama ang mga mata namin ni Rose at mukhang hindi siya masaya.

"Bakit?" Takang tanong ni Louisse. Napatingin siya sa kung saan ako nakatitig. "Kilala mo si Rose?"

"Dun na tayo sa kabila dumaan." Hinila ko si Louisse para umiwas kay Rose. Nanginginig ang kamay ko at naalala ko yung malamig na blade ng cutter niya sa pisngi ko.

"Okay ka lang?" Tanong muli ni Louisse. "May masakit ba sayo? Anong problema?"

"I'm fine." Naupo ako sa isang bakanteng bench.

"Dalhin ba kita sa clinic?"

Umiling ako. "I'm fine. Don't worry. Gusto ko lang maupo muna."

Naupo si Louisse sa tabi ko at hinawakan ang noo ko para tingnan ang temperatura ko. "Wala ka namang lagnat. Are you sure you're fine?"

"Hey,"

Napalingon kami ni Louisse sa nagsalita at nakita si Alec na papalapit sa amin. May suot siyang sunglasses kaya't di kita ang violet eyes niya pero alam kong tinatago niya yung black eye niya. Wala siyang suot na face mask kaya't kitang kita ang sugat niya sa labi.

Bago pa ako makapagsalita ay agad hinawakan ni Alec ang noo ko para tingnan din ang temperatura ko. "What's wrong with you?"

"Wala. I'm fine." Sagot ko.

Tumingin si Alec kay Louisse. "What happened?"

"Ewan ko jan. Nakita niya si Rose tapos umiwas and then took a seat." Sagot ni Louisse. "Akala ko biglang sumama pakiramdam niya kaya tiningnan ko kung may lagnat siya."

Naintindihan agad ni Alec kung bakit ako umiwas sa pagkabanggit ni Louisse kay Rose kaya't hinawakan niya ako sa braso at pinatayo.

"Tara na sa klase." Simpleng sabi niya at naglakad na, hila-hila ako.

Tumingin ako kay Louisse for help pero ngumiti lang siya sa akin at kumaway. Hindi na siya sumunod sa amin ni Alec at naglakad na siya sa kabilang direksyon.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Alec na mahigpit ang hawak sa braso ko. "Bitawan mo na ako, kaya ko maglakad."

Tumigil si Alec. "Estas segura?"

"Ha?" Medyo natigilan ako kasi iba ang ginamit niyang lengwahe. Tunog Español pero hindi ako sigurado.

"I said, are you sure?" Hawak hawak niya pa rin ang braso ko.

"Sí, señora." Pabiro kong sagot sa kanya.

Napangiti si Alec at binitawan ako. "Marunong ka mag-español?"

Umiling ako. "Hindi. Hula ko lang na nag-spanish ka. Pero may alam akong ibang words. Alam mo na, natutunan ko kay Dora."

Natawa si Alec. "Tara na nga."

Naglakad na kami papuntang klase at napansin kong pinagtitinginan na naman kami ng mga tao. Nagbubulungan sila at nakakita pa ako ng ilang kumuha ng litrato namin ni Alec. Tumingin na lang ako sa paahan namin para hindi nila makuhanan masyado ang mukha ko.

"Nilapitan ka ni Rose?" Mahinang tanong ni Alec.

"Hindi,"

"Nagkita lang kayo?"

"Oo."

Tinapik niya ako sa likuran. "Don't worry too much about her. But if she tries anything to you again, call me."

"Wala akong number mo."

"Oh, yeah. Right." Inilabas niya ang cellphone niya at may tinype. Tapos itinapat niya sa tenga niya ang phone niya na parang may tinatawagan.

Biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa kaya't kinuha ko ito para tingnan. May tumatawag sa aking unknown number. Bago ko pa ito sagutin ay napatingin ako kay Alec.

"Save mo na lang sa contacts mo."

"San mo nakuha number ko?"

"School file mo," simpleng sagot niya. "I memorized it."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung pano niya nakita yung school file ko pero minsan nakakainggit yung eidetic memory niya. Minsan.

Ini-save ko yung number niya sa contacts ko.

"Kumusta yang sugat mo?" Tanong ko kay Alec habang naglalakad kami.

"Healing." Sagot niya. "Iwas ako kumain ng may suka kasi mahapdi sa labi."

"Kawawa ka naman." Biro ko sa kanya. "Wag ka na makikipag away sa susunod ah? Saka umiwas ka na sa mga gangster."

"Sí, señora." Pabirong sagot ni Alec, kinopya yung sinabi ko kanina.

Pinalo ko siya sa braso at agad na napangiwi si Alec. "Aray ko ah!"

"Sorry, may pasa ka ba dun?" Hinawakan ko yung braso niya na tinamaan ko at itinaas yung sleeves niya. May malaki siyang pasa sa parteng tinamaan ko. 

"Ang brutal mo sakin, ah!" Reklamo ni Alec. "Palagi mo na lang ako sinasaktan."

"Sorry na, nakakaasar ka kasi eh!"

"Kasalanan ko na naman?"

Di ko na siya sinagot kasi nakarating na kami sa classroom namin. Dumiretso ako sa upuan ko sa likuran at tumabi agad si Alec sa akin. Hinarap ko siya dahil malakas ang kutob kong hindi na naman ako makakapag-aral ng maayos pag ginulo ako ni Alec mamaya.

"Kung gusto mo akong tabihan ngayon, wag mo akong guguluhin." Banta ko sa kanya.

"Ginugulo ba kita? Kakarating lang natin?"

"Eh, basta! Wag mo ako kakausapin mamaya habang lecture kung di naman importante yung sasabihin mo."

"Eh pano kung ayoko?"

"Gusto mong sapakin kita sa braso?" Banta ko sa kanya at itinaas pa ang kamao ko.

"Subukan mo lang and everyone's going to think you're the one who did damage to my beautiful face." Sagot ni Alec at itinuro ang sugat niya sa labi.

Naubo ako sa sinabi niya. "Beautiful face ka jan. Sapakin kita eh!"

Ngumiti si Alec pero bago pa siya makapagsalita ay dumating na ang professor namin. Agad kong inilabas ang notebook ko at ballpen para sa discussion.

In fairness naman kay Alec, hindi nga niya ako ginulo habang nagtuturo ang prof namin pero hindi rin siya nakinig sa lecture. Siguro nakinig lang siya sa unang limang minuto bago siya sumuko at natulog na lang.

Nagawa ko pang mag-tanong sa prof namin na hindi nagrereact si Alec para tawagin akong bobo o tanga. Natulog lang siya at saka lang nagising noong tapos na ang klase.

"Sayang tuition mo kung matutulog ka lang the whole class," kumento ko sa kanya habang inilalagay sa bag yung gamit ko.

"Nakikinig ako. I just don't want to expend unnecessary energy on stuff that I already know." Simpleng sagot ni Alec.

Naglakad na kami papunta sa susunod naming klase. Nagbubulungan pa rin ang mga tao nakikita kami. Pagkarating namin sa school grounds ay natanaw ko si Rose sa di kalayuan, masama ang tingin sa amin. Agad akong napakapit sa damit ni Alec.

Tiningnan ako ni Alec bago sinundan ang tingin ko.

"Don't worry about her. You're with me." Mahinang sabi ni Alec at hinawakan ang kamay ko.

Mainit ang kamay niya at malambot ang palad niya. Nakatingin lang ako sa magkahawak naming kamay kasi nararamdaman ko ang tingin ng mga tao at nakakarinig ako ng mga bulungan.

"If you have a problem with us, say it now or get lost." Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Alec.

Pag-angat ko ng tingin ko ay taas noo ang tingin ni Alec sa mga taong nakapalibot sa grounds at nakatingin sa amin.

"Mga chismoso," singhal ni Alec. "Eh kung imbes na pinaguusapan niyo kami ay nagaaral kayo ng maayos?"

Agad na tumakbo ang ilang grupo na nagkukumpulan sa mga bench malapit sa amin. Umiwas rin ng tingin yung iba at nagpatuloy na sa kung ano man yung ginagawa nila bago kami dumating ni Alec.

"I thought so," mahinang sabi ni Alec. Inayos niya ang hawak sa kamay ko at marahan akong hinila papalapit sa kanya para sabay kaming maglakad imbes na parang hinihila niya ako.

Napatingin ako sa grupo ni Rose at nakitang hinihila na siya ng mga kaibigan niya papalayo.

"Alec," mahina kong tawag sa kanya at sinubukang bitawan siya pero lalo lang naghigpit ang kapit niya sa akin.

"Let them see us like this." Tanging sagot ni Alec sa akin.

Nakarating kami sa susunod naming klase na magkahawak kamay pa rin. Lahat ng nakasalubong namin ay pinagtitinginan pa rin kami pero agad ring umiiwas dahil sa takot nila kay Alec. Saka lang din ako binitawan ni Alec nang makaupo na kami sa upuan namin.

Tahimik lang kaming dalawa at minabuti ko na lang din na huwag siyang kausapin. Inihanda ko na lang ang notebook ko at ballpen para sa lecture.

Naglabas rin ng papel si Alec at tahimik na tiniklop tiklop ito na parang origami. Dumating na ang prof namin at nagsimula na ang klase.

Habang nagsusulat ako ay napansin kong busy si Alec sa origami niya. Focused siya at nakakailang ulit sa pagtitiklop na tila hindi sigurado kung tama ba ang ginagawa niya. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pakikinig.

Sa kalagitnaan ng lecture ay ipinatong ni Alec ang gawa niyang bulaklak na origami sa ibabaw ng notebook ko. Gusot gusot na ang papel nito sa dami ng tiklop na ginawa niya pero maingat at maayos pa rin ang pagkakagawa.

Nginitian ako ni Alec. "Di ako magaling sa origami but I thought you'd like it."

"Thank you."

"Better than getting you flowers that would eventually wilt. At least paper has a longer life span." Bulong ni Alec.

Lumapit ako kay Alec para bulungan siya dahil ayokong may makarinig na kaklase namin. "Nililigawan mo ba ako?"

Ngumiti lang si Alec at nagkibit balikat.

Nang matapos ang klase namin ay lunch break ko na. Wala rin kasunod na klase si Alec kaya't sumunod lang siya sa akin. Ipinaalam ko sa kanyang makikipagkita ako kila Leone dahil gusto niya akong makausap pero sumunod pa rin siya sa akin sa canteen.

"Alec, alam kong ayaw mo kay Leone." Warning ko sa kanya pagkarating namin sa bungad ng canteen. "Sinabihan na kita. Kung gusto mo akong samahan. Bawal mo siya awayin. Pag inaway mo siya maiinis ako sayo. Umalis ka na lang kung di mo kaya kontrolin yang ugali mo."

"Grabe ka naman sa akin," nakangusong sagot ni Alec.

Nakita ko sila Ron sa usual na table nila pero wala pa si Leone. Agad akong lumapit sa kanila, si Alec ay nakasunod pa rin sa akin.

"Wala pa si Leone?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan si Jecko, Ron at Ed bago sumagot si Jecko sa akin. "May kinuha lang sa gate."

Kabado ang tatlo na tinitingnan si Alec. Siguro nagtataka rin sila bakit kasama ko siya.

"Okay lang ba kung sumabay si Alec sa atin ngayon? Ayaw kasi ako iwan eh." Sabi ko sa grupo.

Nagkatinginan muli yung tatlo bago tumango. Gulong gulo pa rin sila pero itinabi yung gamit nila para magkaroon kami ng space ni Alec. Naupo ako sa bench at tumabi rin agad sa akin si Alec.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ko kila Jecko.

"Kumain na kami. Pero si Leone hindi pa. Sasabay daw sayo eh." Sagot ni Ron.

Tumingin ako kay Alec para tingnan kung okay pa siya and mukhang bored na siya. Mabuti na rin at wala pa si Leone.

"Hintayin natin si Leone bago bumili ng food?" Tanong ko kay Alec.

Kumunot ang noo niya pero tumango rin.

Nagbubulungan sila Jecko, Ed at Ron. Siguro nagpaplano na sila kung paano ilalayo si Leone kay Alec pag nagsimula na naman ng gulo tong si Alec.

"Gutom na ako. Ano daw ba kinuha ni Leone sa may gate?" Tanong ko kila Jecko.

Pero bago pa sumagot sila Jecko ay natanaw ko si Leone sa may pinto ng canteen. May hawak siyang bouquet ng rosas.

Naramdaman kong nag-tense si Alec sa tabi ko. Mukhang naguluhan din si Leone nang makita kami ni Alec pero lumapit pa rin siya sa amin. 

Natahimik ang buong canteen at parang lahat ay nakatingin sa amin, nag aabang ng kung anong mangyayari.

"Hey, guys!" Bati ni Leone sa grupo.

"Para kay Louisse ba yan?" Tanong ko kay Leone.

Nagdalawang isip si Leone dahil kay Alec pero ngumiti pa rin siya at inabot ang bouquet sa akin. "It's for you, actually."

Biglang napatayo si Alec at ang unang instinct ko ay hawakan siya in case gusto niyang saktan si Leone. Napatayo rin sila Jecko at hinila si Leone palayo sa amin ni Alec.

"Alec!"

Nanginginig ang braso ni Alec at nakakuyom ang kamao niya, tila handang manapak. Pero itinulak lang ako ni Alec at nagmadaling umalis.

Pinanuod namin siyang lumabas ng canteen at nang mawala siya sa paningin namin ay saka lang kami kumalma sa table. Nagsimula na rin ang bulong bulungan ng mga taong nakasaksi sa nangyari.

"What the hell was that about?" Tanong ni Ed.

Tiningnan ko si Leone at halatang naguluhan rin siya sa nangyari. Kaya't kinuha ko ang bouquet at ibinalik ito sa kanya.

"Sorry, Leone. Di ko matatanggap to."

Kinuha ko ang bag  ko at ang origami na bigay sa akin ni Alec at tumakbo palabas ng canteen para habulin yung nakakainis na henyo.

Bwisit na Alec yun! Mataas nga IQ niya, ang baba naman ng EQ niya!



============

A/N:

Ano ba, Sophie! Syempre mababa EQ ni Alec, naka Pampers siya eh HAHAHAHA charot lang!

Comment kayo kung ano sa tingin niyo susunod na mangyayari!


Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

47.6K 2K 59
"Would you give up your dream for the one you love or would you give up the one you love for your dream? What if it's me she has to give up? Tell me...
1.2M 34.2K 40
--November 8, 2016 - September 9, 2017-- 'She's plain straight!' Iyan ang itinatak ni Yna sa hopeless romantic niyang puso dalawang taon na ang naka...
1.2M 16.2K 57
Shaine is a famous young international model with the world at her feet. But, as a girl who longs to be normal again, she gives up her glamourous lif...
67.3K 4.8K 25
"It's moving!" "Ha? Alin?" "Yung larawan ng anghel!" "Alam mo Bebang kung ano ano sinasabi mo." "Bahala ka nga dyan! Basta lalabas na ako. Sabi ko na...