Scales of Chaos

By ashiaari

154K 8.9K 2.6K

𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her home... More

I
II
Prologue
Chapter 1 | New Dawn
Chapter 2 | The Beginning of Time
Chapter 3 | A New World Awaits
Chapter 4 | Friends?
Chapter 5 | First day, First Mess
Chapter 6 | Summoned
Chapter 7 | Half Truth
Chapter 8 | Lies in Ice
Chapter 9 | Cold Night
Chapter 10 | Omen
Chapter 11 | A Tale
Chapter 12 | Storm is Coming
Chapter 13 | First Wave
Chapter 14 | Monsters Within
Chapter 15 | The beasts and the dragons
Chapter 16 | Final Blow
Chapter 11 | The Case in Clover City
Chapter 12 | Bloom
Chapter 13 | Bloody Diamonds
Chapter 14 | Cold Tears
Chapter 15 | Air and Shadow
Chapter 16 | Uncontrolled
Chapter 17 | Strings
Chapter 18 | Awaken
Chapter 19 | Diamonster
Chapter 20 | The Explosion
Chapter 21 | Hidden Palace
Chapter 22 | New Faces
Chapter 23 | Jakku Island
Chapter 24 | Phantoms
Chapter 25 | Poisoned
Chapter 26 | Amaimon Soul
Chapter 27 | The Shape Shifter
Chapter 28 | Pity
Chapter 29 | Shoot Fast
Chapter 31 | Rainbow
Chapter 32 | There's a Traitor
Chapter 33 | Ruined
Chapter 34 | Training in the Rain
Chapter 35 | Invisible
Chapter 36 | Strength
Chapter 37 | Mystic Island
Chapter 38 | Attacked
Chapter 39 | Demon Snake
Chapter 40 | Eyes in the Dark
Chapter 41 | Falling
Chapter 42 | Drunk Ladies
Chapter 43 | Suspicion
Chapter 44 | Melted
Chapter 45 | Mystic Ball
Chapter 46 | Their Way
Chapter 47 | Sneak And Steal
Chapter 48 | The Smell of Iron
Chapter 49 | Unchained
Chapter 50 | A Drop of Blood
Chapter 51 | Fear
Chapter 52 | Embrace of Death
Chapter 53 | Memories With Her
Chapter 54 | Child of Destiny
Chapter 55 | Crossroads of Destiny
Epilogue
III
BOOK II

Chapter 30 | Spirit

1.6K 117 15
By ashiaari

Rain's Point Of View
___

Marahan kong hinawakan ang aking braso nang tumama 'yon ng malakas sa puno. Marami na akong pasang nakuha dahil kay Tina, palagi niya akong kinokontrol at itinatapon kung saan-saan. Bakit hindi pa niya ako tapusin ng sa gano'n ay hindi na ako makaramdam ng sakit, tsk.

"Ah!" Sinubukan kong igalaw ang aking braso ngunit napapasigaw ako at napapangiwi dahil sa sakit.

Naramdaman ko na namang gumalaw ang aking katawan saka lumutang sa ere. I looked at her, glaring, hoping that it'll kill her. Nakangisi lamang siya habang nanonood sa mga pinaggagawa niya, at mukhang mas nasisiyahan pa sa nakikita.

I gave her my deadliest glare before she threw me, again.

Gabi na pero nakikita ko pa rin siyang nakatayo sa 'di kalayuan sa akin at ikinukumpas ang kaniyang kamay na may hawak na kahoy, salamat sa buwan na nagbibigay ng kahit papaanong liwanag sa kapaligiran.

Napapikit ako nang tumama na naman ako sa isang puno at mas dinama ko pa ang sakit ng aking katawan. Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong sakit sa aking katawan, dapat na siguro akong mag-seryoso sa pag-eensayo pagbalik ko ng academy, dapat makontrol ko na ng buo ang aking kapangyarihan. 'Yon ay kung makakabalik pa ako ng buhay.

"You know, I'm starting to get bored," she said and looked at me with a cold smile on her lips. "Should I finish you, or play with you a little longer."

Inikot-ikot niya sa kaniyang kamay ang kahoy na hawak niya at sa palagay ko ay 'yon ang ginagamit niya para makontrol ako. I think it is a magic wand that can control anything, nararamdaman ko rin ang mahika niya sa wand na hawak niya at hindi sa kaniyang katawan.

"What do you think?" I replied. Dahan-dahan at maingat ang aking pagtayo, ayaw kong galawin ang aking braso dahil hindi ko kaya ang sakit.

I can feel the pain in my arms, even though I didn't moved it. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil alam ko namang gagaling rin 'yon kapag ilulublob ko ang aking katawan sa tubig, it'll heal slowly and it can also relax my whole body.

I closed my eyes and shook my head, pinipilit ko ang aking sarili na mag-focus sa laban at nag-iisip rin ako kung papaano matatalo ang Phantom na ito. Ang lakas niya at natitiyak kong wala akong laban ngunit paggagamitin ko ang aking utak ay matatalo ko siya, maybe.

"Do you want more?" I opened my eyes when I heard her chuckled, mas lalo pang umiinit ang dugo ko pag-naririnig ko ang tawa ng babaeng ito.

"Rain..."

Bahagya akong napaigtad. Luminga-linga ako sa paligid nang may narinig akong tumawag sa aking pangalan ngunit wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa amin ni Tina, at natitiyak kong hindi si Tina ang tumawag sa akin dahil hindi niya naman kaboses at hindi ko rin sinabi ang aking pangalan ko kay Tina.

"Rain..."

Lumingon ako sa dagat nang marinig ko muli ang tinig ng isang babaeng tumatawag sa akin, mahiwaga ang tinig at tila'y hinihila ako nito papunta sa dagat. As I looked at the sea, I can feel the waves of the sea in my body, I can feel its energy flowing.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng enerhiyang gustong kumawala mula sa aking katawan, parang nakakonekta ang aking katawan at ang dagat. Hinawakan ko ang kabilang braso ko na sa tingin ko ay baling-bali na saka tinignan ang aking kalaban ng malamig habang siya nama'y nakangisi.

"I'm sure that my comrades had already killed your friends..." Tumawa siya ng malakas matapos niya iyong sabihin ngunit agad rin namang tumigil saka dahan-dahang tumingin sa akin ng masama. "It's your turn."

Bago pa man niya maikumpas ang kaniyang kamay at makontrol ako ay mabilis kong inangat ang aking kanang kamay saka sinubukan kontrolin ang dagat na nasa likod ko. Nakaramdam ako ng bigat dahil siguro sa enerhiyang nabawasan sa akin kasi kinontrol ko ang kalahati ng dagat.

Nakita ko kung paano lumaki ang kaniyang mata habang nakatingin sa likod ko, napatigil rin siya sa kaniyang gagawin. Mabilis kong itinapat ang aking palad kay Tina kaya naman mabilis na nagtungo sa kaniya ang tubig na kinontrol ko, unti-unti siya nitong pinalibutan dahilan para hindi siya makatakas, hanggang sa tuluyan ng naging malaking bola ang tubig na 'yon at nakakulong siya sa loob nito. She tried to swim out but the water is sucking her to the middle causing her to struggle inside of it.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko pinakawalan ang tubig kasi hindi ko na rin nararamdaman ang tibok ng kaniyang puso. Nagkalat ang tubig sa lugar ngunit mabilis naman 'yong natuyo. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at sinuri ang kaniyang kalagayan. Bahagyang nakabukas ang kaniyang mga mata at bibig, basang-basa rin ang kaniyang katawan, at may lumalabas pang tubig mula sa kaniyang bibig. Hindi naman siguro masamang pumatay ng Phantom, diba? I mean, I just drowned her using my magic.

Dumako ang aking tingin sa bracelet na suot niya at napansing hindi na umiilaw ang kulay pulang diamante sa gitna nito, unti-unti na ring nagiging abo ang katawan ni Tina dahilan para mapaatras ako sa takot. Naramdaman kong namamasa ang aking pisnge kaya mabilis ko iyong pinahid gamit ang aking kamay...

Why am I crying?

Tinuyo ko ang luhang nasa pisnge ko bago ako tumalikod at nagsimula nang maglakad papasok sa gubat. Nararamdaman ko ang mga mahika nila na nasa iisang direksyon lang, sigurado akong magkakasama na silang lahat at ako na lang ang kulang.

Halos tumakbo ako dahil sa pagmamadali, lumiko ako saka natagpuan ang aking sarili na nasa harapan ng isang malaking gate na gawa sa kahoy. Nakabukas 'yon kaya nagpatuloy ako sa paglalakad at luminga sa paligid, may nakikita akong mga bahay na gawa sa kahoy, may mga torches rin sa paligid na nagsisilbing ilaw, napakalinis rin ng kapaligiran at mukhang may tao talagang nakatira rito. Siguro ito ang tinutukoy ni Sky na village dito sa isla, ngunit nasaan ang mga tao?

The place is quite, madilim rin lahat ng kabahayan dito maliban sa isa. Nararamdaman ko ang mga mahika nila sa isang bahay kaya doon ako nagtungo. A loud creaking sound was heard when I stepped on the wooden floor, when I am close to the door I stared at it for a minute before opening it slowly without knocking.

Nang tuluyan ng mabuksan ang pinto ay nakita ko silang lahat na bahagyang nakatingin sa akin. Inilibot ko ang aking paningin at napatigil kay Sky na kasalukuyang nakahiga sa isang banig na nasa sahig. Naliligo siya sa sariling pawis at napapaungol sa sakit, habol-habol niya rin ang kaniyang hininga habang nakapikit ang mga mata.
Hindi pa ba sila humihiling?

"Rain..." Mabilis na lumapit sa akin si Winter saka hinawakan ang magkabilang balikat ko bago sinuri ang kabuuhan ko.

"A-Ah!" Iniwas ko ang aking braso nang kumirot na naman iyon dahil sa paghawak niya.

Nakita ko ang pagdilim ng kaniyang mukha habang nakatitig sa braso kong nabali. "Who did this?"

"Tina," tanging sagot ko saka maingat na umupo sa isang upuan na katabi ni Musa.

Tumingin muli ako kay Sky saka nanlambot ang aking mukha nang makita ang kaniyang kalagayan, hindi ko makikipagkaila na napalapit na rin sa akin si Sky at ang iba kaya labis akong nag-aalala ngayon.

"Where is she?" Winter's voice is as cold as ice while his face is dark.

"Dead," I answered and sigh. "Is it okay to kill a Phantom?"

Tumango si Angel saka humalukipkip, nakatayo siya ngayon malapit kay Sky at katabi nito ang kaniyang kapatid. "Phantoms, they're already dead. May kumokontrol sa katawan nila at parang sinasapian sila ng demonyo-"

"Like you?" Nath cut his sister off.

Angel shook her head. "I'm not like them, my powers are. As I was saying, may nag-uutos sa mga demonyo na sapian ang patay na katawan dahilan para mabuhay silang muli, lahat ng ala-ala mula sa nakaraan ng katawan nila ay naroroon pa rin ngunit hindi na sila nakakaramdam ng pagmamahal, tanging ang poot, sakit, at malakas na mahika lamang ang kanilang nararamdaman." Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy, "Hindi rin magbabago ang ugali ng katawang sinaniban ng demonyo, kung ano ang ugali nila noong nabubuhay pa sila ay 'yon rin ang ugali nila pag-sinaniban na sila ng demonyo."

Tumango-tango ako saka binalingan ng tingin si Trisha na nasa tabi ni Sky at mukhang malungkot ito. Nakahawak ito sa kamay ng binata habang nanunubig ang kaniyang mga mata. Lumipat ang tingin ko kay Lemon na nasa tabi lamang ni Trisha at hinihimas nito ang likod ng dalaga, bumaba ang tingin ko sa belt niya kung saan nakasabit ang boteng naglalaman ng spirit.

"Did you already made a wish?" I asked while staring at the glowing bottle, there is a high amount of magic power inside of it, maybe that's why the Phantoms wants it.

"That's the problem, when we opened the bottle nothing happened. Hindi na rin ito umiilaw gaya ng una natin 'yang nakita," ani Lemon at inabot sa akin ang bote.

I scanned the bottle with my eyes and knitted my eyebrows in confusion. Nagliliwanag naman ang bote, hindi nila ba nakikita? At saka hindi nila rin ba nararamdaman ang malakas na mahikang nasa loob ng bote?

"We need to hurry or Sky might die-"

Napatigil bigla si Lemon sa pagsasalita kaya nag-angat ako ng tingin saka nakita si Nath na nababalot na ang katawan ng apoy, ang mga bagay na malapit sa kaniya ay nagsisimula ng masunog. Madilim ang kaniyang mukha na tila galit ito, nakakuyom ang mga kamay at bahagyang nagtatagis ang bagang.

"We came here alive so we are leaving this island alive," he said in a dangerous tone as his grip tightened. "Dapat kompleto tayong uuwi sa academy."

"Gagaling siya." Bumaling naman ang aming mga mata kay Trisha. She looked at us with a sad smile written on her face. "He is strong, I know him."

Musa walked towards Trisha and tried to comfort her. Nanatili kaming tahimik, walang ingay na maririnig mula sa amin matapos magsalita si Trisha, hanggang sa binasag 'yon ni Winter.

"Guys, puwede bang chill lang kayo?" pagpapakalma ni Winter sa amin, "We'll think for a plan, alam ko namang matagal pang mamatay si Sky kasi masamang damo siya."

"Baka ikaw 'tong masamang damo sa atin!" singhal ni Nath kay Winter.

Napailing na lamang ako nang magsimula ng magbangayan si Nath at Winter. Hindi na rin nagsalita si Angel at Nix dahil siguro pagod silang awatin ang dalawa kaya hinayaan na lang namin.

I then looked at the bottle and slowly opened it. Napapikit ako nang may liwanag na lumabas mula sa bote. Seconds later, I opened my eyes and gaped when I saw a woman in front of me, she is beautiful as a goddess. Ang mahaba niyang kulay gintong gown ay abot hanggang sahig, ang mahaba niyang puting buhok ay umiilaw rin kasama ang kaniyang suot, kumikinang ang kaniyang katawan, at mararamdaman mo ang malakas na mahikang nagmumula sa kaniya kaya mapapagkamalan mo talaga siyang isang goddess.

Napatingin ako sa mga kasama ko at napakunot na lamang ang nuo nang hindi sila tumitingin sa magandang babaeng nasa harapan ko ngayon, patuloy pa rin sila sa kanilang mga ginagawa at tila'y hindi nakikita ang spirit sa harap ko.

"They can't see me, dear."

Nilingon ko ulit ang babae habang nanlalaki ang mga mata. Even the way she speak is beautiful! How perfect can she be?

"Why?" Kinalma ko ang aking sarili, dapat mabait ako sa kaniya baka magalit ito at mapatay pa ako.

"Ako ang pipili kung kanino ako magpapakita at kanino ring hiling ang aking tutuparin." I have my brow after she said that. "And I have chosen you."

"Why did you chose me?"

She smiled. "You're as pure as water, dear."

Lumapit siya sa akin.

Dahan-dahan kong nilingon ang mga kasama kong nakatingin kay Sky na may pag-aalala sa kanilang mga mukha.

"Ano ang iyong kahilingan?" Rinig kong tanong nito. "Tandaan mong iisa lamang ang dapat kong tuparin na hiling sa isang taong napili ko."

Napatango ako bago bumuntong-hininga.

So, it's up to me then.

"Pumapasok na sa sistema niya ang lason!" sigaw ni Lemon nang mapansing bumibigat na ang paghinga ni Sky.

The poison took over his body except for his brain so he can't barely open his eyes.

Lumapit ang mga kasama ko kay Sky at naririnig ko na rin ang mga munting hikbi ni Trisha at ni Musa. That's when I looked at the spirit and made my decision. Pumikit muna ako bago ko sinabi sa kaniya ang aking kahilingan.

There's a part to me that I really wanted to wish about my past, ngunit buhay ng aking kaibigan ang nakasasalay dito...

"Masusunod."

Matapos kong marinig ang boses ng spirit ay nagmulat na ako ng mata at nakitang wala na sa aking harapan ang spirit. Mabilis kong tinignan ang bote ngunit hindi na 'yon umiilaw at wala na rin akong maramdamang mahika sa loob.

Lumapit ako kay Sky at nakitang wala na ang itim na lason sa kaniyang katawan, nakapikit lang siya at humihilik. Nakahinga ako ng maluwag nang malamang natutulog lang pala si Sky. Sunod kong tinignan isa-isa ang aking mga kasama na kasalukuyang nakapikit at nakadikit ang mga palad na animo'y nagdadasal, naririnig ko rin ang mga hikbi ni Trisha.

Kinamot ko ang batok ko habang nakatingin sa mga pinaggagawa nila. "You know you can open your eyes now, he's not dead."

"Shhhh, gumalang ka, Rain. Samahan mo kami rito at hihilingin natin na sana hindi sa impyerno mapunta si Sky, ang bait pa naman niyang bata," pag-suway ni Angel sa akin dahilan para mapairap ako.

"Dude, I know you're hearing this, please don't visit me on my room. Takot ako sa multo, ang papangit nila kasi." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Winter. "Pero kung ako ang namatay, ako na ata ang pinakaguwapong multo na makikita niyo."

"I will avenge you, Sky." Napansin ko ang pagtagis ng bagang ni Nath. "Rest in peace, langit."

"Huhu, aalagaan ko ng mabuti si Luna, promise." Suminghot-singhot si Trisha at 'di na naman napigilang umiyak.

Napasimangot ako saka umirap. "Psh."

Nakita kong gumalaw ang daliri ni Sky bago nito minulat ang kaniyang mata ng dahan-dahan. Nagtatakhang inilibot niya ang kaniyang paningin sa mga taong nakapaligid sa kaniya bago siya maingat na bumangon saka hinimas-himas ang batok niya, tapos ay tinignan niya ako na tila nagtatanong kung anong nangyayari.

Ngumiti lamang ako saka kumibit-balikat bilang sagot, umupo ako sa upuang malapit sa akin. Nakita kong lumapit sa kaniya si Luna at nilaro niya ang balahibo ng kaniyang alaga, as for me, wala akong pakialam kung nagmumukhang tanga ang mga kasama namin, sinabihan ko na sila kanina pero ayaw makinig.

"Guys," mahinang tawag ni Sky bago tumingin sa mga kasama namin.

"You know you can always visit us when you're bored up there," ani Nath.

"Nath..."

"Guys, I can hear him calling my name."

Napailing ako saka napa-face palm.

"I can hear him too..." Napatigil bigla si Winter at napakunot ang nuo. "Teka, napaaga naman ata ang pag-bisita niya sa atin."

"Visit?" tanong ni Sky ng nakakunot ang nuo.

"Shhh, are you already bored up there?" Gusto kong batukan si Nath nang matauhan.

Okay, I've had enough. "Idiots, open your eyes!"

"Geez, Rain, don't shout." I pressed my lips together after Lemon said that.

"Okay, fine." Umiwas ako ng tingin, tumingin ako sa labas ng bintana. "Para kayong tanga."

Bahagyang napakunot ang aking nuo nang may anino akong nakita-mga anino. Marami ang anino at papalapit iyon sa bahay na kung saan kami ngayon. Wala naman akong nakitang ibang tao noong nasa labas ako.

"You may now open your eyes." Narinig ko ang mahinhing tinig ni Musa ngunit hindi pa rin ako lumilingon sa kanila, nakatuon ang aking atensyon sa mga aninong papalapit sa amin.

"AAAHHHHHH!"

Agad kong nilingon ang aking mga kasama nang marinig ko ang mga sigaw nila habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Sky na nakakunot lamang ang nuo at tila'y nawe-weirduhan sa kanila.

Maya-maya lang ay nakarinig kami ng malakas na tunog mula sa pinto kaya sabay-sabay kaming lumingon doon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa takot at nanlaki ang aking mga mata nang makita ang mga nilalang na nasa pintuan ng bahay na ito.

"AAAHHHHHHH!"

Monsters!

Continue Reading

You'll Also Like

67K 3.4K 40
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
14.9K 1.3K 36
An idiot, a quad-genius prince, the silent senior, the boy, and the girl who knows a hundred codes with a whole funny venture crossing the universe f...
390K 14.3K 62
✔COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...
3.7M 125K 39
SAFIARA ACADEMY: RETOLD Being trapped and suffocated was all that Lean felt all those years trapped in a castle. Having found a portal, she enters an...