O.M.G! I'm His Slave? (BoyxBo...

By ImYourSecretReader

669K 25.6K 10.1K

Sabi nila, "Mr. Right will come at the right time." Pero pano kung si Mr. Right dumating sa wrong time? Matat... More

O.M.G! I'm His Slave? - Prologue
Chapter 1 - Mysterious Eyes
Chapter 2 - The Crossover
Chapter 3 - Bipolar
Chapter 4 - Part Of Your World
Chapter 5 - You And Me
Chapter 6 - Treat My Heart
Chapter 7 - Straight Talk
Chapter 8 - His Name
Chapter 9 - Locked
Chapter 10 - False Hope
Chapter 11 - His Presence Is Back
Chapter 12 - Secret Admirer
Chapter 13 - Sweet Kid
Chapter 14 - Chasing Cars
Chapter 15 - Almost Is Never Enough
Chapter 16 - With Him
Chapter 17 - So Confusing
Chapter 18 - Realizing
Chapter 19 - Knight In Shining Armor
Chapter 20 - The Consequence
Chapter 21 - All Of Me
Chapter 22 - Little Secret
Chapter 23 - The Beginning
Chapter 24 - The Pervert
Chapter 25 - Suffocated
Chapter 26 - First Blood
Chapter 27 - Pity Heart
Chapter 28 - Unbelievable
Chapter 29 - Don't Cry
Chapter 30 - Broken Feelings
Chapter 31 - Uncontrolled
Chapter 32 - Say Something
Chapter 33 - The Nightmare
Chapter 34 - Welcome Back Pervert
Chapter 35 - Awkward Feelings
Chapter 36 - Tough Enough
Chapter 37 - Love Me Or Leave Me
Chapter 38 - Fix You
Chapter 39 - It's Killing Me
Chapter 40 - Weakness
Chapter 41 - Two Songs For Him
Chapter 42 - Break Me
Chapter 43 - Remorse
Chapter 44 - Second Chance
Chapter 45 - New Start
Chapter 46 - The Naked Truth
Chapter 47 - Strong Heart
Chapter 48 - Some Memories
Chapter 49 - Slave On The Job
Chapter 50 - Make It Rough
Chapter 51 - Moonlight
Chapter 52 - We Could Happen
Chapter 53 - The Night Of Realization
Chapter 54 - Need You
Chapter 55 - Something Wrong
Chapter 56 - Double Trouble
Chapter 57 - Mysterious Gift
Chapter 58 - Insomnia
Chapter 59 - Confusing Heart
Chapter 60 - Choosing Him
Chapter 61 - Pure Love
Chapter 62 - Unexpected
Chapter 63 - Reminiscence
Chapter 64 - Skepticism
Chapter 65 - Ice Creamy
Chapter 66 - Covetous
Chapter 67 - Bridewell
Chapter 68 - Why Me
Chapter 69 - Invidious
Chapter 70 - Insensitive
Chapter 71 - Strong Enough
Chapter 72 - Torture
Chapter 73 - Implausible
Chapter 74 - Seclusion
Chapter 75 - Quality Time
Announcement
Chapter 77 - Nothing's Gonna Stop Us
Chapter 78 - Still Into You
Chapter 79 - Misunderstanding
Chapter 80 - Lost
Chapter 81 - The Accident
Chapter 82 - Back To You
Chapter 83 - Resentful
Chapter 84 - Insecurities
Chapter 85 - Always You
Chapter 86 - Maturity
Chapter 87 - Father-In-Law
Chapter 88 - Lying
Chapter 89 - Punishment
Chapter 90 - While The World Let Go
Chapter 91 - Agony
Chapter 92 - Adjustments
Chapter 93 - Nightingale

Chapter 76 - The Chaos

1.5K 93 105
By ImYourSecretReader

*Chris Jay's POV*

"Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Nanay." nagaalalang sabi sakin ni Storm.

Andito ako sa passenger seat ng kotse nya habang sya ang nagda-drive. Yes, kotse nya. Ngayon ko lang din nalaman na may nabili pala syang kotse last time.

Pero hindi na yun mahalaga, dahil masakit ang mukha ko. Medyo nahihilo pa ko.

Naramdaman kong inabot ni Storm ang kamay ko at hinawakan nya ito.

Nararamdaman ko yung kaba at takot nya sa pagkakahawak nya sa kamay ko.

"I'm sorry!" naluluhang sabi nya sakin sabay hatak at halik sa kamay ko.

"No. Di mo kasalanan ang nangyari. Wag mo nang isipin yun. Natuwa ako dahil kahit papaano, pinaglaban mo ko." nakangiting sabi ko sakanya. Marami ding pasa sa mukha ni Storm.

Alam ko at nakikita ko sa mga mata ni Storm na nasasaktan sya sa nakikita nya sakin.

Masakit ang mukha at katawan ko.

Magulo ang nangyari kanina.

Nagkagulo sa bahay ni Storm.

At dahil yun samin.. Sakin.

-flashback-

Mabilis ang pagtibok ng puso ko.

Punong puno ng takot ang dibdib ko. Di ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko.

Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, dahil di ko ito magawang ihakbang papalit..

Papalapit sa daddy ni Storm.

"Dad, nakauwi kana pala?" sabi ni Storm. May halong takot ang boses nya. Pero sinusubukan nya itong itago.

"Yes, biglaan nga! Di pa talaga dapat ako uuwi. Kaso may nalaman ako kaya napasugod ako dito." sagot nito kay Storm. Malalim ang boses nya. Bagay ito sa histura nya.

Napatingin ito sakin at sa mga kamay namin ni Storm na magkahawak.

At muli syang napatingin kay Storm,"Mukhang totoo nga!? Na may ibang inaatupag pala ang panganay ko dito?" natatakot ako sa sinabi nya.

Parang gusto kong tumakbo. Parang gusto kong magsalita para ipagtanggol ang sarili ko kaso hindi ko magawa.

Mas naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Storm sa kamay ko.

"Wala namang masama sa ginagawa namin." sagot ni Storm.

Di pa sila nagkamustahan. Ganito agad ang takbo ng usapan nila.

"Anong wala? Normal ba yang ganyan? Na nakikipagkasintahan ka sa isang bakla!?" medyo tumaas ang tono ng boses nya. Itinuro pa nya ko habang nagsasalita sya.

Hindi ito maganda.

Alam kong hindi maganda ang patutunguhan nito. Pero wala akong magawa.

Maging sila Tita, nakatingin lang samin. Parang gusto din nyang magsalita pero may pumipigil sakanya.

"Dad, bakit naman ganyan ang pakikitungo mo samin? Kakadating mo palang, ayan agad ang pinagsasabi m-" di na natapos ni Storm ang sasabihin nya nung biglang sumagot agad ang Daddy nya.

"T*ngina mo! Ikaw ang pinunta ko dito! May nabalitaan ako, na ang panganay ko daw walang ginawa kundi kababuyan!" sagot ng Daddy nya.

"Jayson!" pag-awat sakanya ni Tita.

Nabigla ako sa sinabi nya. Straight to the point kung magsalita sya. Ngayon ko palang sya na meet sa tinagal ng relasyon namin ni Storm.

"Manahimik ka Grace! Kasalanan mo kung bakit nagkakaganito ang anak natin! Bakit hinayaan mong humantong sa ganito!?" sagot naman sakanya.

Naiiyak ako.

Kasalanan ko ang lahat.

Nagkakagulo ang pamilya ni Storm dahil sakin.

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Storm. Dahilan para mapatingin sya sakin.

Pero hindi ko sya magawang tignan. Nahihiya ako sakanya.

Dahil sakin, kaya nagkakagulo sila ngayon.

Dahil sakin, mapapahamak nanaman sya.

Dahil sakin, nangyayari ito.

"Bakit hindi mo nalang suportahan ang anak mo? Dyan sya masaya!

Tsaka malaki na si SL, kaya nya na ang sarili nya. Kung iisipin mo, di na nya kailangan ng approval natin. Dahil kaya nya na mag desisyon para sa sarili nya..

Masaya ang anak mo, wala naman syang ginagawang ikapapahamak nya. Intindihi-" naputol ang sinasabi ni Tita.

"Masaya? Masaya ba hindi magkaroon ng pamilya? Ang hindi magkaroon ng anak?

Na kahit kelan, hindi tatanggapin ng lipunan!

Pinoprotektahan ko lang ang anak natin!" sabi ng Daddy ni Storm.

"Ngayon ka lang dumating dito. Ni hindi mo nga kami magawang kumustahin pag nasa ibang bansa ka, tapos pagdating mo dito mangingialam ka sa desisyon ko?!" sagot ni Storm na ikinagulat ko.

Nagawa nyang sagutin ang Daddy nya.

"Masaya ako kay CJ, wala kang magagawa kundi tanggapin yun..

Sana nga di ka nalang bumalik. Kung ganyan din nama-" biglang naputol ang sinasabi ni Storm nung biglang lumapit at sumugod yung Daddy nya papalapit samin.

Nagulat ako sa nangyari.

Ang nakita ko nalang, nabitawan ni Storm ang kamay ko. At tumalsik sya.

Sinuntok sya ng Daddy nya.

"Jayson! Tumigil kana!" pagaawat ni Tita, pero wala syang magawa.

Hawak hawak lang ni Storm ang pisngi nya kung saan tumama ang suntok ng Daddy nya.

"T*ngina! Nagagawa mo na kong sagutin ng ganyan!?

Eto ba? Eto ba ang tinuturo nitong baklang to!?" nagulat ako.

Dahil magkalapit na kami nung daddy nya, hinawakan ako nito sa braso ko.

Masakit.

Dahil madiin ang pagkakahawak nya sakin.

Yung parang may galit. Yung parang gusto nyang durugin yung buto ko.

"Ikaw bakla ka, wala kang ginawa dito kundi landiin ang anak ko.

Tantanan mo ang anak ko!" sigaw nito sakin.

Nabitawan ako ng Daddy ni Storm.

Dahil nakatayo si Storm at itinulak ang Daddy nya.

"Wag na wag mong sasaktan si CJ!" palaban na sabi ni Storm.

Mas nagulat ako nung lumapit ulit samin ang Daddy nya at muling sinuntok si Storm.

"Hindi ka bakla! Mabubugbog lang kita pag di ka tumigil sa kabaklaan mo!

Andami kong pangarap sayo, tapos ganyan lang ang gagawin mo? " sabi nito sabay suntok ulit kay Storm.

Binubugbog nya si Storm. Binubugbog nya ang anak nya.

"Tumigil na kayo! Jaysooon!" sigaw ni Tita. Di nya magawang umawat dahil sa takot na baka sya masaktan din kaya puro sigaw lang ang nagagawa nya.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko.

Agad akong lumapit sa daddy ni Storm at inawat sya sa pagsuntok kay Storm.

"Tama na po! Ako nalang ang saktan nyo, wag na si Storm!" ewan ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yun sakanya.

"Manahimik ka bakla! Kasalanan mo 'to!" sabi nito sakin. Pero hindi sya tumigil sa pagbugbog kay Storm.

Puro sigaw lang ni Tita ang naririnig ko. Pinapatigil nya ang asawa nya.

Pero hindi ito tumitigil.

Kaya ang ginawa ko, itinulak ko sa abot ng lakas ko ang Daddy ni Storm. Dahilan para mabitawan nya si Storm. Napatumba sya sa ginawa ko.

Agad kong hinatak si Storm, palayo sa daddy nya.

Pero nagulat ako nung hatakin ako ng daddy nya at..

Sinuntok ako.

Nabitawan ko si Storm.

"T*ngina mong bakla ka!

Gusto mo pala ng gulo ah! Ibibigay ko sayong g*go ka! " sigaw nya sakin.

Masakit yung suntok nya sa mukha ko. Tumama ito sa kaliwang pisngi ko.

Akala ko, hanggang dun nalang yun pero..

Bigla nya kong hinawakan sa leeg.

Sinakal nya ko.

Masakit. Kahit sanay ako na binubugbog nila Jeffrey dati, iba parin ang lakas ng daddy ni Storm.

Lalo na't may halo itong galit.

Naramdaman kong sinuntok nya ko sa bandang dibdib.

Nahirapan akong makahinga. Dahilan para mapayuko ako.

Pero hindi pa ito tapos, dahil inangat nya ang mukha ko at..

Sinuntok ito.

Tumama ito banda malapit sa kanang mata ko.

Malakas.

Parang umalog yung utak ko.

Nahihilo ako.

Muli akong napayuko.

Dun ko naramdaman na hinampas nya ang kaliwang pisngi ko.

Umalog ang mukha ko.

Mas lalo akong nahilo. Parang tutumba yung katawan ko.

Para akong nabingi sa nangyari.

Dun ko nakitang lumapit si Storm at itinulak ang daddy nya.

"Ano sasama ka na sa bakla mo!?

Sige magsama kayo!

Wag na wag ka nang babalik sa pamamahay ko!

Itinatakwil na kita bilang anak ko!" rinig kong sabi ng daddy nya.

Agad naman akong kinuha ni Storm at dali dali kaming lumabas ng mansion.

Dumiretso agad kami sa isang kotse at duon, isinakay nya ko.

-end of flashback-

Nakatingin ako sa bintana habang inaalala ko yung nangyari.

Masakit ang mga pasa at sugat sa mukha ko.

Alam ko, magugulat si Nanay sa makikita nya.

Di ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang lahat ng nangyari.

Tumawag kanina si Tita samin habang nagdadrive si Storm, sinabi nya na pumunta muna kami ng hospital para ipacheck ang mga sugat at pasa naming dalawa.

Pero ako na ang nagsabi, gusto ko nang umuwi.

Parang nanghihina ang buong katawan ko. Maging ang puso ko.

Dahil nalaman kong di kami pwede ni Storm. Dahil ayaw ng Daddy nya samin.

Natatakot ako.

Natatakot ako na baka isang araw mawala sakin si Storm.

Mawala ang taong mahal na mahal ko.

"Chris, sigurado ka bang di na tayo dadaaan ng hospital?" nagaalalang tanong sakin ni Storm.

"Sigurado ako. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko na makita si Nanay. Parang pagod na pagod ang katawan at kaluluwa ko." yan lang ang nasabi ko kay Storm.

"Sorry, wala akong nagawa kanina." sabi nya sakin.

"Pinaglaban mo ko, sapat na yun." sabay ngiti ko sakanya para gumaan gaan ang pakiramdam nya.

Ngumiti din sya sakin, pero bakas parin sa mukha nya ang takot at pangamba dahil sa nangyari.

Agad napukaw yung atensyon ni Storm sa leeg ko.

"May pasa ka sa leeg mo! Sa pagkakasakal siguro ni daddy yan sayo..

Di nya dapat ginawa 'to sayo!" galit na sabi ni Storm.

Agad din akong napatingin sa braso ko, may pasa na din.

Dahil nga sa maputi ako kaya mabilis makita kung nagkapasa.

"T*nginaaa! Wala nanaman akong nagawa para ipagtanggol ka!" inis na sabi ni Storm.

Hinawakan ko lang ang kamay nya.
Pinapakalma ko sya.

-

"Jusko! Ano ang nangyari sainyo?" gulat na sabi ni Nanay samin.

Andito na kami sa bahay. Di ko alam kung paano ko sasabihin kay Nanay ang lahat.

"Anak!? Ano bang pinaggagawa nyo? Bat puro pasa yang mukha nyo?" sabi ni Nanay.

Tapos agad din nyang hinawakan yung leeg ko.

"Bakit ka may pasa sa leeg? Sinakal ka ba!? Sino ang gumawa sainyo nito!?" nagpapanic na si Nanay.

Walang nagsasalita samin ni Storm. Di namin alam kung paano sisimulan.

"SL! Sumagot ka! Bakit nangyari kay CJ to?" tanong ni Nanay kay Storm.

"Nay, sorry po! Di ko nanaman nagawang ipagtanggol ang anak ninyo!" pagamin ni Storm kay Nanay.

"Bakit!? Sino ba ang may gawa sainyo nito?" tanong ni Nanay.

"Si Daddy po..

Umuwi na sya kanina. Nakita nya kami ni Chr-" di pa tapos yung sinasabi ni Nanay nung bigla syang naglakad.

Parang nagets agad ni Nanay ang dahilan.

"Tarantadong yon! Tara! Puntahan natin! Makikita nya kung sino ang kinakalaban nya!" galit na sabi ni Nanay.

"Nay, wag na po. Gabi na. Tsaka okay lang naman po kami ni Storm." sagot ko.

"Anong okay lang!? Nakikita nyo ba ang hitsura nyo?

Di nya dapat ginawa sainyo to!

Si Grace!? Bakit wala syang ginawa para ipagtanggol kayo!?" nagagalit na nga ang Nanay. Di ko naman sya masisisi dahil nagiisang anak nya ko.

At alam ko kung gaano nya ko kamahal.

"Kahit kelan, di ko pinagbuhatan ng kamay ang anak ko. Tapos malalaman ko, ibang tao ang gagawa sakanya nyan!?

SL, patawarin mo ko pero mapapatay ko yang Tatay mo!" galit na sabi ni Nanay.

Agad kinuha ni Nanay ang bag nya. Mukhang aalis nga talaga sya.

"Ikaw, anak ka nya bakit nya ginagawa sayo to?

Ganyan ba kakitid ang utak ng tatay mo!?

Halika, ihatid mo ko sainyo. Gusto kong makaharap yang tatay mo!" sabi ni Nanay kay Storm.

Napatingin ako kay Storm, umiling ako. Sinasabi ko na wag na ihatid si Nanay dahil baka kung ano pa ang mangyari.

"Ano!? Di mo ko ihahatid!? Sige mamamasahe nalang ako papunta dun!" sabi ni Nanay sabay lakad palabas ng bahay.

Agad naman namin syang sinundan ni Storm.

-

Andito na kami sa tapat ng mansion.

Kinakabahan ako.

Dahil galit na galit si Nanay. Sa itsura nya, parang makakapatay nga talaga sya.

Pero wala akong magagawa dahil kahit nga daw di namin sya ihatid, pupunta talaga sya.

Kaya hinatid nalang namin sya para kahit papaano, maaawat namin si Nanay sa mga pwede nyang gawin.

Agad binuksan ni Storm ang mansion.

Pagpasok namin sa loob.

"Grace! Grace!" sigaw ni Nanay sa loob. Natatakot ako.

Parang eto ang simula ng pagkakawatak watak ng pamilya namin ni Storm.

Di namin alam ang gagawin.

Di naman namin talaga mapigilan si Nanay sa gusto nyang mangyari.

May tiwala naman ako kay Nanay, alam ko naman na di sya gumagawa ng bagay na ikapapahamak nya.

"Tin? Bat naparito ka?" sabi ni Tita kay Nanay.

"Asan ang magaling mong asawa?

Nakita mo ba ang pinaggagawa nya sa mga anak natin?

Bakit hinayaan mong mangyari ito!?" sabi ni Nanay.

"Sorry, wala akong nagawa..

Naiintindihan ko kung bakit ka galit na galit ngayon." malungkot na sabi ni Tita samin.

Kahit papano, natutuwa ako dahil di galit si Tita nung biglang sumugod si Nanay dito.

"Sabi ko sainyo, sa hospital na kayo dumiretso." sabi ni Tita samin.

Napatingin lang kami sakanya.

"Sana nagawa mong ipagtanggol ang mga anak natin. Kung may problema yang asawa mo, bakit dinadamay nya ang anak ko!?

Pasensyahan na Grace pero gusto kong ipakulong ang asawa mo. Nakikita mo naman siguro ang hitsura nilang dalawa..

Naiintindihan mo din naman siguro ang nararamdaman ko ngayon. Kaisa isa kong anak yan..

Tapos bubugbugin ng kung sino dyan." matapang na sabi ni Nanay.

Napayuko lang si Tita sa sinabi ni Nanay.

Hanggang sa makarinig kami ng hakbang mula sa hagdan..

Eto na sya..

Yung daddy ni Storm.

Alam ko, gulo nanaman ito.

Pagbaba ng daddy ni Storm, kami agad ang nakita nya..

"Ano, nandito nanaman kayong dalawa!? Di pa kayo nadala?

Sinabi ko na sayo SL, na tinatakwil na kit-" sabi nito samin. Pero naputol ito nung nagsalita si Nanay.

"T*ngina mo!

Sino nagsabi na saktan mo ang anak k-" naputol yung sinasabi ni Nanay nung nakita nya ang Daddy ni Storm.

"J- Jay.. Son!?

Jayson?" gulat na sabi ni Nanay.

"Christine!?" sagot naman ng Daddy ni Storm.

Nagkatinginan ang Daddy ni Storm at si Nanay.

Walang nagsasalita.

Parang may dumaang anghel sa pagkakataong ito.

Maging kami ni Storm, nanahimik.

Walang nagsasalita.

Hanggang sa maramdaman kong hinawakan ni Nanay ang kamay ko at hinatak nya ko.

"Umuwi na tayo!

At kahit kelan, wag ka nang makipagkita kay SL!" biglang sabi nya na nagpagulat sakin.

Narinig ito ni Storm at agad humabol samin.

"Nay! Bakit naman po? Hindi nyo pwedeng gawin samin ito." paghabol nya samin.

Pinipilit kong pahintuin si Nanay sa paglalakad habang tangay-tangay nya ko. Pero di parin sya humihinto.

"Inilalayo ko na sainyo ang anak ko." sagot ni Nanay kay Storm.

Parang nanghina ang tuhod ko.

Bakit sinasabi ni Nanay ito?

Nakarating na kami sa Gate ng mansion.

"Nay, bakit naman po? Akala ko sinusuportahan mo kami ni Chris?" takang tanong ni Storm kay Nanay.

"Bakit nay? Ano bang nangyayari!?" naguguluhang sabi ko kay Nanay.

"Hindi na kayo pwedeng magsama." simpleng sagot ni Nanay samin.

"Bakit po? Ipaliwanag nyo samin ang lahat." tanong ni Storm.

"Di na kayo pwedeng magsama!

Dahil magkapatid kayo!

Si Jayson ang Tatay ni Cj." sabi ni Nanay.

Itutuloy.....

(A/N: Hi guys! Nakapagupdate na ko ulittt hahaha! Nagulat ba kayo sa nangyari? Hhahaha ako din. Marami pa ang mangyayari. Abangaaan! Thank pala ulit sa mga nag antay ng update ko. Hahaha sabi sainyo e, I'm back na. Hahaha sigeee! Votes, comments and share!)

Continue Reading

You'll Also Like

1M 82.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.