Scales of Chaos

By ashiaari

157K 8.9K 2.7K

𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her home... More

I
II
Prologue
Chapter 1 | New Dawn
Chapter 2 | The Beginning of Time
Chapter 3 | A New World Awaits
Chapter 4 | Friends?
Chapter 5 | First day, First Mess
Chapter 6 | Summoned
Chapter 7 | Half Truth
Chapter 8 | Lies in Ice
Chapter 9 | Cold Night
Chapter 10 | Omen
Chapter 11 | A Tale
Chapter 12 | Storm is Coming
Chapter 13 | First Wave
Chapter 14 | Monsters Within
Chapter 15 | The beasts and the dragons
Chapter 16 | Final Blow
Chapter 11 | The Case in Clover City
Chapter 12 | Bloom
Chapter 13 | Bloody Diamonds
Chapter 14 | Cold Tears
Chapter 15 | Air and Shadow
Chapter 16 | Uncontrolled
Chapter 17 | Strings
Chapter 18 | Awaken
Chapter 19 | Diamonster
Chapter 21 | Hidden Palace
Chapter 22 | New Faces
Chapter 23 | Jakku Island
Chapter 24 | Phantoms
Chapter 25 | Poisoned
Chapter 26 | Amaimon Soul
Chapter 27 | The Shape Shifter
Chapter 28 | Pity
Chapter 29 | Shoot Fast
Chapter 30 | Spirit
Chapter 31 | Rainbow
Chapter 32 | There's a Traitor
Chapter 33 | Ruined
Chapter 34 | Training in the Rain
Chapter 35 | Invisible
Chapter 36 | Strength
Chapter 37 | Mystic Island
Chapter 38 | Attacked
Chapter 39 | Demon Snake
Chapter 40 | Eyes in the Dark
Chapter 41 | Falling
Chapter 42 | Drunk Ladies
Chapter 43 | Suspicion
Chapter 44 | Melted
Chapter 45 | Mystic Ball
Chapter 46 | Their Way
Chapter 47 | Sneak And Steal
Chapter 48 | The Smell of Iron
Chapter 49 | Unchained
Chapter 50 | A Drop of Blood
Chapter 51 | Fear
Chapter 52 | Embrace of Death
Chapter 53 | Memories With Her
Chapter 54 | Child of Destiny
Chapter 55 | Crossroads of Destiny
Epilogue
III
BOOK II

Chapter 20 | The Explosion

2.2K 145 20
By ashiaari

Nakabalik na kami sa academy kahapon pa, pagkabalik namin ay nag-aabang pala sa amin si Headmistress at ang mga ibang guro sa gate ng academy para batiin kami sa aming tagumpay.

They even told us that they will be posting a message with our names on it and pin it on the city's bulletin board to let the people know that we're the new Titans, the King and Queen wanted to let the world know about our existence so they sent some messengers to announce it. Also, the King and Queen sent their regards to us yesterday.

And now, I am in my room, resting. Hindi muna kami pinapasok ni Headmistress ngayong araw sa klase dahil magpahinga muna daw kami, at nagpapasalamat ako dahil nagplaplano talaga akong matulog ngayong araw. Buong araw akong matutulog at walang sino man ang makakaabala sa akin-

TOKTOK!

"Rainy, rise and shine!"

Argghhh!

Padabog akong bumangon sa kama at naglakad patungong pinto saka binuksan 'yon ng nakasimangot. Nakita ko si Trisha na mukhang hindi na nanghihina, bumalik na ata ang enerhiya niya at ngayon sa akin siya manggugulo.

"What do you want?"

"Uwuuu, ngiti naman diyan!" Humalikhik siya saka niyakap ang braso ko. "Sama ka sa'min, lilibutin natin ang academy."

Malapad ang ngiti ni Trisha habang sinasabi niya 'yon. Sinimangutan ko siya. Ayoko nga! Ang sakit-sakit ng katawan ko kahit wala naman akong naitulong tapos lilibutin lang namin ang academy. Aba! Mapapagod lang kami.

"Rain, sama ka ha!"

Sumilip ako sa labas matapos kong marinig ang sigaw ni Winter. Nakita ko silang nakaupo lahat sa couch, si Nix lang ata ang nakahiga at nakapikit ang mga mata. They're all here. Teka, wala ba silang planong magpahinga? Dadamayin nila pa 'ko sa lakad nila? Aba! Simula noong napunta ako rito sa academy ay wala na 'kong magandang pahinga.

Pero wala rin naman akong magagawa dahil alam kong pipilitin nila ako hanggang sa pumayag ako.

"Sige-sige, mag-aayos lang ako."

Bumuntong-hininga ako bago nagpaalam sa kanila at pumasok na sa kuwarto ko sabay sara ng pinto. Hays, kahit naman mag-reklamo ako na pagod ako sigurado akong hindi rin nila ako pakikinggan at isa pa natatakot ako kay Angel, baka bigla na lang mag-transform tapos katayin ako.

I gulped at the thought.

• • •

Naglalakad kami ngayon sa hallway at sobrang pagod na pagod na ako. Marami ring nakatingin sa amin, kahit 'yung nasa loob ng klase ay tinitignan rin kami. Siguro nadagdagan ang mga tagahanga ng mga kasama ko lalo na't Titans na kami ngayon, buti nga lang hindi sila pinagkakaguluhan.

"Gutom na ako." Nakangusong saad ni Trisha sabay himas-himas ng tyan niya.

"Again?" hindi makapaniwalang tanong ni Sky. "You already ate before we left your dorm."

Mas lalo pang humaba ang nguso ni Trisha. "Alam mo namang mabilis akong magutom, saka food is life kaya manahimik kayo kung ayaw niyong kumain."

"Isn't it too early to be eating?" Nath asked and he raised his brow.

Sumimangot si Trisha saka tumingin sa kaniya. "Then, what time do stomach open? Tell me."

Inakbayan naman ni Winter si Nath habang tumatawa ng mahina. "Dude, kain na muna tayo, gutom na rin kasi ako."

"Cake. Cake na naman kakainin mo," ani Nath. "Hindi ka ba nag-sasawa sa cake?"

Umiling si Winter. "Sabihin mo sa 'kin, ano ba ang nakakasawa sa cake?"

"Tss, hayaan mo na." Rinig kong sabi ni Nix.

Lumiko kami at lumabas sa gusaling 'yon saka tinungo ang daan papuntang cafeteria. Malapit lang naman sa dorm ang cafeteria kaya madali lang kaming nakarating, agad kaming nagtungo sa isang bakanteng table, well malaki 'yon kaya sa tingin ko kasya kaming lahat.

"So, about that child of Destiny..." Hinila ni Musa ang isang upuan saka naunang umupo. "Where should we start finding 'it'?"

Sumunod kaming umupo. Tumabi ako kay Trisha na kasalukuyang may kausap na fairy at sa tingin ko ay umo-order na.

Ang mga staffs kasi dito sa academy ay mga fairies, ang mga maliliit na fairies ay for simple task lang like, accompanying you when you're still new here, making deliveries to your room, and also waiter. Samantala ang mga malalaking fairies naman ay sila ang gumagawa ng mga mabibigat na task like, cooking, laundry, cleaning, some are teaching, and all other stuffs. Ang mga satyrs naman ay ang bahala sa makina, fixing things, at iba pa basta tungkol sa mechanics.

"Well, let's start finding it today," saad naman ni Angel sabay kuha ng flower sa maliit na vase na nasa gitna ng table. "I'm sure that there is a book about that thing, so we should go to the library."

"Why go to the library when we can just wait for it to show up." Sumimangot si Nath at mukhang bored na ayon sa kaniyang ekspresyon. "Remember, Headmistress did gave us a clue."

"'A child shall rise while the sky is crying in fear.'" My lips thinned as my brows met in confusion. "Noong nasa misyon tayo ay wala rin tayong nakuhang sagot tungkol diyan."

"While the sky is crying in fear daw, tss, mamaya mag-iisip ako kung paano takutin si Sky hanggang sa umiyak siya."

"Oo nga no!" Nanlalaki ang matang tinignan ni Trisha si Winter. "Dapat pa lang paiyakin si Sky para lumabas ang batang 'yon! Ang talino mo talaga, Winter!"

Winter let out an amused smile. "Siyempre, ako pa!"

Napairap na lamang ako at hinilot ang sentinado ko. Dumadagdag sa problema ko si Winter at Trisha, akala ko matino si Winter pero maling akala lang pala. Si Trisha naman ay-okay lang, bagay naman sa kaniya.

"Idiots..." Umiling-iling si Nix saka humalukipkip. "Do you still have brains?"

"Pre, hindi kami mabubuhay kung wala kaming utak." Nakangising saad ni Winter.

"Tss, whatever."

Tumawa ng mahina si Musa saka kinuha ang mga pagkain sa mga fairies, at isa-isa iyong nilagay sa table. "Kain na muna tayo."

Naunang kumuha si Trisha ng chicken wings at sinunggaban iyon. Napailing na lamang ako habang may ngiti sa labi ko, kumuha ako ng isang cookies at nagsimula na ring kumain. Nakalimutan kong mag-breakfast kanina at hindi ko rin napansin na gutom na 'ko ngayon lang ata.

"What if maghanap na lang tayo ng taong kayang makita ang future, diba mayroong mga manghuhula sa bayan? Baka isa sa kanila ang anak ng Destiny na 'yan."

"Ate, maraming peke ngayon. Puwede silang magpanggap na sila nga ang anak ng Destiny kaya it's a no." Sinubo ni Nath ang chicken leg pagkatapos niya iyong ilublob sa sawsawan. "There's a big possibility that she is in here in the academy because the Phantoms made their first strike in here a week ago."

"Tama si Nath, alam ng mga Phantoms na nandito siya." Kumunot ng bahagya ang nuo ni Nix. "Nagtatakha pa rin ako kung paano nila nalaman na nandito nga ang anak ng Destiny."

"Hmmm, kaya ng mga Phantoms na makaramdam ng high amount ng mahika kahit malayo pa sila, hindi katulad natin na dapat malapit-lapit lang. Nagiging sensitive kasi 'yung senses nila pagdating sa malakas na kapangyarihan." Kumuha ulit si Trisha ng chicken wings at nagsimula na namang magsalita ng hindi tumitingin sa amin, "Greedy kasi sila sa power kaya gano'n, mas lumawak pa ang senses nila."

"Oh wow, I'm surprised. May laman din pala ang utak mo." Natatawang sabi ni Winter kaya nakatanggap siya ng masamang tingin mula kay Trisha.

"Nakikinig kaya ako sa lessons kasi good girl ako, hmp!"

"Trisha is right, Phantoms are sensitive when it comes to too much power. They'll go crazy when they sense a high amount of magic." Angel sipped her tea.

"And maybe they sensed her magic," singit ni Sky.

"And..." Nilunok muna ni Nath ang tsaa bago nagsalita muli, "they've tried to get inside of the academy but sadly, the barrier didn't let them in, instead, the barrier gave us a sign which is the ravens."

"Teka lang nga muna, dudugo na talaga ilong ko," ani Winter. "Babae ba 'yung child of the Destiny na 'yan?"

"Oo," sagot ko bago sinubo ang cookies na nakuha ko ulit sa bowl.

Hindi ko na nga mabilang kung ilan na ang nakain ko basta kain ng kain lang ako. Napatigil na lamang ako sa pagnguya nang may naramdaman akong nakatingin sa akin kaya nilingon ko iyon at tinaasan ng kilay.

"What?"

Umiling siya saka akmang kukunin ang panghuling cookies sa bowl pero mabilis ako kaya naunahan ko siya.

"Really?" Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin.

"Ano?" I blinked two times then smile. "I got it first."

"Kanina ka pa kain ng kain ng cookies..." Bumuntong-hininga si Nath. "Mag-order ka ulit, baka kulang pa sayo."

"Okay." I shrugged and continued eating.

"Marami akong kilalang babae sa academy, baka isa siya sa kanila."

"Of course!" Angel rolled her eyes. "Halos lahat ata ng babae dito kilala mo."

"Hindi lahat." Umirap rin si Winter at sumubo ng tinapay.

May dumaang tatlong babae at binati si Winter, at dahil may kinakain pa siyang tinapay ay ngumiti lang siya saka kinawayan ang mga ito.

"Excuse me, restroom lang ako." Tumayo si Angel saka dali-daling nagtungo sa restroom ng cafeteria.

"A-Ako rin." Nginitian muna kami ni Musa bago sumunod kay Angel sa restroom.

"Kaunti na lang, mapapagkamalan ko ng may gusto si Angel sa akin." Sumandal si Winter sa upuan ng may ngisi sa mukha.

"Tsk, impossible." Nath snorted.

"No." Bored na tumingin si Nix sa kaniya.

"Absolutely not," Sky said in a low tone.

"Never." Umiling-iling ako.

Nakita ko ang pagsimangot ni Winter saka tumingin kay Trisha na abala sa pagkain. Sabay-sabay kaming tumingin sa kaniya kaya napatigil siya at dahan-dahang tumingin sa amin, lumunok muna siya bago niya tinignan si Winter.

"Uh, siyempre..."

"Oh! Kita niyo-"

"Siyempre hindi, si Angel 'yon eh," pagpapatuloy ni Trisha dahilan para tumawa ang tatlong lalaki at mapasimangot lalo si Winter.

I chuckled. "Okay lang 'yan."

"Not funny, guys."

"First time mo atang ma-busted." Natatawang saad ni Nath.

"Excuse me-"

BOOOM!

A loud sound coming from the outside cut Winter off and it made the ground vibrate. Lahat ng estudyanteng nasa loob ng cafeteria ay dali-daling nagtakbuhan palabas, may iilang nagkagulo dahil sa malakas na tunog na 'yon.

Nagkatinginan muna kaming lahat bago tumayo at mabilis na lumabas ng cafeteria. Hindi na kami naghanap kung saan nanggaling 'yon basta sinundan lang namin ang mga estudyante at nakarating kami sa kanlurang bahagi ng academy kung saan nakatayo ang greenhouse.

Nagtungo kami sa likod nito at nagulat na lamang nang makita ang wasak na pader ng academy, at ang barrier na ngayon ay may malaking butas na.

Pinapalibutan ang academy ng barrier na ginawa ng Hari at Reyna ng mundo kasama ang mga pinuno ng apat na tribo ng mundo. They made it to make sure the safety of the students in the academy, dahil ang academy ay ang lugar kung saang maraming tao na nagtataglay ng mahika. Obviously.

Sigurado akong matibay ito.

"T-The barrier..." I heard Trisha's voice trembled. "It's broken."

Halatang hindi makapaniwala ang mga kasama ko na nawasak ang barrier na nakapalibot sa academy, kahit din naman ako. Hindi ko aakalaing na ang isa sa mga matibay na academy sa buong mundo ay mabubutas lang.

"Move!"

Napalingon kami sa sumigaw at nakita si Headmistress kasama ang mahigit na sampung kawal na papalapit sa amin. Nagsimula ng paligiran ng mga kawal ang nabutas na pader saka pinalayo na muna ang mga estudyante roon.

Agad kaming lumapit kay Headmistress.

"Go to your rooms," utos ni Headmistress habang nakatingin sa butas na pader at barrier. "Simula ngayong araw na ito ay wala na munang lalabas na estudyante sa academy hangga't hindi pa naayos ang barrier."

"So, it means no classes?" Kumikislap ang mga matang saad ni Nath.

Tinignan siya ni Headmistress saka bumuntong-hininga. "Mayroon pa ring klase, hindi lang kayo makakalabas ng academy hangga't 'di pa tapos ang barrier. And for now, it is under investigation."

"What happened?!" Nilingon namin si Angel nang sumigaw siya at nakitang papalapit siya sa amin kasama si Musa.

"There's a hole in the barrier, now," sagot ni Winter habang nakapamulsa.

"The academy is in lockdown starting this day," saad ni Headmistress at mukhang nadagdagan pa ang problema niya. "Go to your rooms, now."

Tinignan ni Angel at Musa ang nasirang barrier at pader ng may pagkabahala sa kanilang ekspresyon.

"Bago kayo pumunta sa dorm niyo ay pumunta muna kayo sa likod ng academy, mayroong tunnel doon pumasok kayo at makikita niyo ang isang palace sa loob no'n." She looked at us with a smile on her face. "A hidden palace, hope it'll help you on your mission."

My eyebrows narrowed as I tilted my head. "A hidden palace?"

Continue Reading

You'll Also Like

103K 9.6K 52
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] Reverie races against time to finish the Grand Quest and request for Hiraeth's freedom, but the mission only uncover...
49.4K 4.7K 40
Soulstone Academy is a place for soulbearers to nurture and train their abilities, but for the rebellious Raven Tempest, it is nothing more than a sc...
97.5K 3.1K 57
Everything we built started crumbling into pieces. The place we thought we're building were actually ruins that made us believe was whole. Our once m...
64.2K 2.7K 35
✯ONGOING | The Alpha Goddess (Demigod Trilogy Book 2 of 3) After Heshiena, the daughter of Poseidon and Artemis refused to accept the Olympian thron...