Can't Fight His Feelings (Seb...

By LyksMeNot

28.8K 1K 59

• C O M P L E T E D • Sebastian Series #2 2nd Generation Si Amethyst Chandelle D. Gomez ay ang tipong bab... More

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter
SEBASTIAN SERIES
Author's Note

Chapter 34

510 19 6
By LyksMeNot

Chapter 34: Broken

"Amethyst! Tinakasan mo na naman mga bodyguards mo?!" Halos pumutok ang ugat sa noo ni cross sa sobrang galit sa'kin.

Umirap at nag patuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang galit na boses nito.

Nakabalik na kami sa manila at balik eskwela na naman kami, ilang araw lang naman ang absent namin kaya wala namang problema.

Ang nag iisang problema ko...

May mga bodyguards ako!

Oo! May dalawa akong bodyguards!

Punyeta kinikilabutan ako!

Nang malaman ng buong pamilya namin ang banta sa buhay ko agad na nag hired si tita pia ng bodyguards ko, nag dagdag din siya ng mga security guard. Wala narin natirang katulong dahil nga sa nangyari natakot na silang lahat na baka maulit ang insidente at ang ending isinama nila si sherly! At dahil wala namang alam sa gawain bahay si sherly isinama niya si manang fe. Well, wala naman kaming problema kay manang fe kasi alam namin na mapagkakatiwalaan ito. Bumalik narin ng states sina tita pia at ang asawa nito.

Sa tanang ng buhay ko never na pumasok sa isip ko na magkakaroon ako ng bodyguards, tumatayo ang balahibo ko.

Naiintindihan ko naman kung bakit labis ang pag aalala nila sa'kin, pero ayoko talagang magkaroon ng bodyguards! Ang oa lang kasi, kahit saan ako mag punta may naka buntot sa'kin. Kulang nalang pati sa cr sumama ang dalawa. Nakakailang, kaya palagi ko silang tinatakasan.

"Kami ang malilintikan sa mga pinang gagawa mo e!"

Tumigil ako at agad na hinarap si cross. "Hindi ako sanay cross! Ayokong may bodyguards! Taena ang laki laki ko na ang dami pang kaaartehan. Sobrang nag iingat na nga ako diba? Ni hindi na nga ako umiinom ng tubig kung hindi naka sealed! Eskwelahan at bahay lang ako, ni hindi narin ako kumakain sa cafeteria hindi paba sapat 'yon? Dagdag gastos lang ang dalawang yun."

Napahilamos siya ng mukha at sinalubong ang tingin ko. "Lahat ng ginagawa namin para din naman sa'yo to kaya sana maintindihan mo. Hindi biro ang kaso mo Amethyst. May gustong manakit sayo kaya unawain mo nalang." Sabi nito at umalis bigla.

Buong maghapon na wala akong gana, kahit si beks ramdam na ramdam niya din ito kaya hindi niya na ako ginulo pa.

"I'm so masaya talaga ngayon nakita ko lang brother mo. So happy din ako kasi buhay siya! My goodness!" Mas lalo akong nairita dahil sa kaartehan ng bakla.

Bigla ko tuloy naalala ang reaksyon nito ng malaman patay na si black.

Nasa harapan kami ng kabaong ni black. Ako, si sydney at tita pia, wala kaming ginawa kundi umiyak ng umiyak habang nakatingin sa mukha ni black na parang natutulog lang.

"A-Anak ko..." Tahimik lang akong umiiyak habang pinagmamasdan si tita pia at sydney na nagyayakapan at umiiyak.

Alam kong kahit sila ay hindi parin makapaniwala sa biglang pagkawala ni black. Wala siyang sakit, malakas naman siya at lalong lalo na hindi niya naman pinapabayaan ang sarili niya. Mas maarte pa nga yan sa'kin eh, suki yan ng gym, hindi din kumakain ng mga unhealthy foods. Palaging din nag e-exercise. Kaya sinong mag aakalang sa bigla niyang pagpanaw?

Habang nag iiyakan kaming tatlo sabay sabay kaming napa atras ng biglang may yumakap sa kabaong ni black, umuwang ang labi ko ng makita ko si beks habang yakap yakap ang kuya ko.

"N-NO! M-My honey, g-gumising ka. H-Honey ko!" Napatahimik kaming lahat sa pag iiyakan ng marinig namin ang hagulgul niya.

Nalilito akong tinignan ni tita pia at sydney, nagtatanong ang mga mata kung sino ba ang baklang mas malakas pang umiyak sa'min.

Mas lalo kaming nagulat sa sunod na ginawa nito ng bigla niyang buksan ang kabaong ni black at walang sabing hinalikan sa labi.

Hindi ko alam kung nagmamalikmata lang ba ako ng makita ko ang pagkuyom ng kamao ni black.

Napasinghap sina tita pia at sydney dahil sa mabilis na galaw ng bakla. Taena! Nakuha pa talagang pagnasaan ng bakla ang kuya ko kahit patay na!

Mabilis kong hinila ang bakla ng akma niya naman itong hahalikan.

Sobrang na trauma yata si black kay beks dahil kapag nakikita niya si beks kahit na malayo agad itong tatakbo ng mabilis.

Kapag inaasar namin ang ugok agad na puputla ang buong mukha nito. Taena tawa nga kami ng tawa.

Pagkatapos ng klase namin ay agad din naman kaming lumabas sa classroom, hindi na ako nagulat pa ng makita ang dalawang bodyguards ko.

"See you bukas peks!" Maarteng paalam ng bakla at hinalikan ang pisnge ko.

Habang naglalakad ako hindi ko na pinansin ang dalawang bodyguards kong naka buntot sa'kin, nasa parking lot ako at balak kong sa sasakyan nalang ni seth hintayin siya. Napahinto ako ng makita ang pamilyar na sasakyan ni Spyke. Kumunot ang noo ko ng makita ang pintuan ng backseat niyang nakabukas.

Simula ng umuwi kami dito sa manila hindi parin kami nakakapag usap ni Spyke. Lahat ng tawag at text nito hindi ko narin pinansin. Ewan ko ba! Pero talagang naiinis ako sa kanya, ayokong makita mukha niya. Nagagalit ako sa hindi ko malaman na dahilan. Basta ayoko sa kanya!

Hindi ko man gustong tignan pero wala akong choice kasi magkatabi ang sasakyan ni seth at sasakyan niya.

Dahan dahan akong lumapit sa sasakyan ni seth at hindi ko mapigilan na tignan ang backseat ni Spyke.

Umuwang ang labi ko at unti unting nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si spyke at si kylee. Naka kandong si kylee kay spyke habang naghahalikan silang dalawa.

Unti unting tumulo ang luha ko, napa hawak ako sa dibdib ko ng maramdam ang pintig ng puso ko na sa bawat pintig walang katumbas na sakit... sakit na makitang ang taong mahal mo ay pag aari na ng iba. Na sa bawat galaw ng labi niya hindi ikaw ang kahalikan niya.

Muntik na akong matumba pero mabuti nalang at mabilis akong naagapan ng isang bodyguard.

"Ma'am ayos ka lang ba? Sobrang namumutla kapo, tatawagan ko ba mga kuya mo?" Dahil sa boses ng bodyguard ko biglang napatigil ang dalawa.

Biglang nanlaki ang mga mata ni spyke ng magtama ang mata namin. Mabilis niyang naitulak si kylee at nagmamadaling lumabas. Akmang hahawakan niya na sana ako ng bigla akong umatras.

"C-Chandelle let me explain..." Umiling iling ako habang tinitignan siya, wala akong paki kung nakikita niya ang luhang lumalandas sa pisnge ko.

Gusto kong malaman niya na sobrang nasasaktan ako. Alam kong walang kami! Pero tangina ang sakit sakit e.

Masakit?! Taena mo! Diba ito naman ang gusto mo Amethyst?! Yan! Ito na 'yon, masakit diba?! Pagbayaran mo ngayon ang katangahan na ginawa mo!

"A-Ayos lang spyke. Girlfriend mo naman 'yon." Hindi ko alam kung bakit nakuha ko pang tumawa ng mahina, tama naman ako diba? Girlfriend niya si Kylee! Anong laban ko dun diba? Parausan lang naman yata ako. Tinikman niya lang ako tapos anong nangyari? Wala!

Ang bobo ko kasi 'no? Alam ko na ngang may sabit pumatol parin ako. Kasi ano? Kasi mahal ko, kasi ang tanga tanga ko.

Umasa na baka gusto niya ako, umasa na baka mamahalin niya din ako, umasa baka balang araw katulad ng pinangako niya magiging maayos ang lahat, umasa sa taong walang kasiguraduhan... umasa sa taong hindi niya maipaglaban ang sarili niyang nararamdaman.

Mabilis ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad. Hindi ko pinansin ang tawag nito. Yan ang napala mo Amethyst! Ang lantod lantod mo kasi, ang landi landi mong babae ka! Bagay lang sa'yong masaktan.

Napahinto ako sa paglalakad at suminghap ng maramdaman ang mahigpit na yakap nito sa bewang ko.

"D-Don't leave me Chandelle. I-I'm so sorry. Please don't leave me." Hindi ko pinansin ang sinabi nito, nagpupumiglas ako at sinusubukan tanggalin ang kamay nitong nakapumulot sa bewang ko pero mas lalo niya lang itong hinigpitan.

"I love you baby." Napatigil ako sa pagpupumiglas at parang tumigil ang oras ng marinig ko ang sinabi nito.

Taena! Akala niya ba maloloko niya ulit ako? Hindi na! Mabilis akong humarap sa kanya at walang sabi siyang sinampal ng malakas, sa sobrang lakas bakat na bakat ang kamay ko sa kaliwang pisnge nito.

"Tama na Spyke! Wag mo ng dagdagan ang kasinungalingan mo!" Umigting ang bagang nito at dahan dahan na humarap sa'kin.

"I'm not lying." Madiin na sabi nito at akmang hahawakan ako ng umatras ako at sarkastikong tumawa.

"Mahal pero ano? Tangina! Nagpapatawa kaba? Kung mahal mo pala ako bakit mo pinagsabay? Bakit hindi mo iwan ang girlfriend mo?!" Wala na akong paki alam kung may mga taong nanunuod sa'min. Galit na galit ako. Paki ko ba sa sasabihin nila?

Pumikit ito ng mariin bago sinalubong ang tingin ko, mga tingin nitong nag mamakaawa... pakikiusap.

"Amethyst bigyan mo pa ako ng konting oras. I'll fix this mess. Please don't leave me."

Umiling ako, "Nagkakagaguhan nalang tayo dito Spyke. Tama na, ang dami na nating kasalanan. Wag na nating dagdagan." Huling sabi ko bago lumayo sa kanya.

Imbes na umuwi dumiretso ako sa isang bar, gusto kong uminom ng uminom para kahit papano makalimutan ko ang nangyari. Masakit kasi talaga e.

Okay naman ako ng hindi ko pa siya nakilala.

Masaya naman ako ng hindi ko pa siya nakikita.

Pero bakit biglang nagbago ng magtagpo kaming dalawa?

Mali ba na minahal ko ang isang lalaking ni hindi magawang ipaglaban ang sarili niyang nararamdaman para sa'kin?

Kung mali? Bakit ito ako, hulog na hulog parin sa kanya.

Pinigilan ko naman... pero kasi siya parin talaga e. Kasi kahit anong pigil ko, siya parin ang tinitibok nitong puso ko.

"Gomez, awat na. Sarili mo lang sinasaktan mo e." Napabaling ang ulo ko sa kaibigan kong si Katherine.

"A-lam ko naman.. pero, hindi ko mapigilan e. Mahal na mahal ko kuya mo." Natatawang sabi ko at tinungga ang hawak kong beer.

Ang tanga ko, akala ko okay na. Pero ito naman si tanga, nag pauto.

Ba't ba sa kanya pa ako nahulog? Ba't dinami dami ng lalaki, bakit siya pa? Ni hindi niya nga ako kayang ipaglaban.

Katangahan ba tawag dito? Or sadyang bobo lang talaga ako?

"Gomez, please stop drinking. It's already 11 pm in the evening, I'm sure your cousins and your brothers are really concern at you." Napatingin ako kay Katherine at mabilis siyang niyakap.

"Thank you kasi palagi kang nandiyan sa akin. Kaya ikaw, wag ka munang mag bo-boyfriend okay? Sasaktan ka lang nila." Marahan siyang tumawa at niyakap din ako pabalik.

Napangiti ako, nagpapasalamat talaga ako sa diyos at binigyan niya ako ng ganitong klaseng kaibigan. Sa tanang ng buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng sobrang bait na tao at si Katherine 'yon. Ni hindi ko alam kung meron naba 'tong nagawang kasalanan, para siyang angel na inihulog dito sa lupa.

"I don't want to have a boyfriend gomez, because I was born to marry the son's of my mom bestfriend." Malungkot akong ngumiti, hindi lang naman ako ang nag iisang babaeng minamalas pagdating sa pag ibig. Alam ko sa sarili ko na mas madami pang mas grabe ang pinag dadaanan sa'kin. Pero, kahit ano pa 'yon kung talagang masakit... masakit.

"At okay lang ba sa'yo 'yon?" Agad siyang kumalas sa yakap at tinignan ako.

"Yes of course, I don't want to disappoint my mom. I'll do everything just to make them happy even though it's hard for me."

"Ang bait bait mo talaga. Sana mabait din ang kuya mo."

"I'm so sorry gomez, I'll just talk to my twin brother."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ni hindi ko nga alam kung papakinggan siya ng kuya niya, sa mga nangyayari ngayon madami na talagang nagbago kay Spyke. At kasalanan ko 'yon.

"Wag na, tara uwi na tayo. Baka mamaya hinahanap kana ng mga parents mo." Sabay kaming lumabas sa bar, ni hindi ko mapigilan na hindi ma guilty kasi alam kung first time niya lang pumasok sa bar at sa ganitong oras pa at dahil 'yon sa'kin. Ang bad influence ko talaga.

"Sorry Spykie ah, nadamay ka na naman sa problema ng buhay ko."

"No, don't say that. I'm here because I care for you. I know you're blaming yourself again, but please gomez just stop it. This is my choice, just don't drink alcohol again okay?"

Agad akong tumango, kung sana kasing talino lang ako ni Katherine edi sana hindi ako nagmumukhang tanga sa kuya niya.

Inihatid niya ako sa tapat ng bahay namin.

"Thank you Katherine."

"You're welcome. I love you gomez, just always take care." Sabi nito at agad akong hinalikan sa pisnge. Hindi naman na bago sa akin ito, masyado talagang sweet itong si Spykie Katherine K. Sebastian.

"I love you too." Sagot ko at hinalikan din siya sa pisnge.

Pagkatapos namin mag paalam sa isa't isa ay agad akong pumasok sa bahay, mabuti nalang at hindi ako nakita nila cross at black kaya nagmadali akong pumasok sa kwarto ko. Literal na napanganga ako ng makita ko ang taong nasa kwarto ko.

Anong ginagawa niya dito? Akala ko magkasama sila ng girlfriend niya?

"Amethyst..." Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Mabilis ko naman siyang tinulak ng malakas.

"Paano ka nakapasok? Ba't amoy alak ka? Alam ba 'to ng girlfriend mo Spyke?" Agad siyang umiling iling bago na umupo sa kama ko habang sapo ang kanyang ulo.

"I didn't know what to do anymore, I'm going to crazy. I love you but I can't just leave my girlfriend yet." Mapakla akong tumawa at mabilis na pinahiran ang luhang dumadaloy sa pisnge ko.

"Tigilan na natin ang kahibangan na'to Spyke. Nahihirapan kana, nasasaktan na ako. At may nasasaktan ng ibang tao ng dahil sa'tin. Tama na, pagod na pagod na ako kakaintindi sa'yo, kakahintay sa'yo. Ilang beses kong tinatak sa isip ko na, maghintay lang kasi inaalam mo pa ang tunay na nararamdaman mo. Kung sino ba talaga mas matimbang sa amin diyan ng girlfriend mo, kaya Spyke ako nalang ang iiwas. Ako nalang, para wala na tayong masaktang ibang tao. Kasi Spyke nakakapagod din maghintay. Pagod na pagod na ako. Alam mo kung ano ang kalaban natin? Yan! 'Yan ang nararamdaman mo! Mahal mo ako pero wala kang lakas loob na ipaglaban 'yon? Dahil ano? Dahil ayaw mong masaktan ang girlfriend mo? Ayaw mo siyang iwanan? Tangina! Nagkakagahuhan nalang tayo Spyke. Tigilan na natin 'to." Tuluyan na akong napaupo at humagulgul ng malakas.

Nanginginig ako habang nakasubsub ang mukha ko sa hita ko. N-Ngayon ko lang sinabi ang lahat ng hinanakit ko sa kanya. At kahit papano nabawasan ng konti ang sakit ng nararamdaman ko, nagkakagaguhan lang naman kasi kaming dalawa eh.

"N-No, give me more time to think Amethyst. Please, konting oras pa." Mabilis akong umiling at mahinang tumawa.

"You're so selfish Spyke. Isipin mo din naman ang nararamdaman ko, hindi 'yong nararamdaman mo lang. At konting oras? Spyke! Hindi ka bobo para hindi malaman ang tunay na nararamdaman mo! Takot ka! You're afraid to fight your own feelings and you can't even fight for it. That's the real reasons Spyke. Ang duwag mo! Tatandaan mo 'to Spyke. Sa oras na umalis ako sa buhay mo, hinding hindi mo na ako makikita pa ulit."

"Then I'll chase you."

"Do think you can caught me?" Ewan ko kung sa alak ba to dahil napapa english ako.

Humakbang siya kaya napaatras ako. "Do you think I'll stop chasing you? No baby, I'll never stop chasing you until I caught you." Pumikit ako at ilang beses na nagmura sa isip ko.

Wag kang maging marupok Amethyst! Panindigan mo ang desisyon mo!

"U-Umalis ka na nga! Baka mamaya makita kapa nila cross at black dito."

Hindi na ako nakapalag pa ng sakupin niya ang puwang namin at mahigpit akong niyakap.

"I-I'm so sorry baby, believe me. I didn't intended to kiss her back. I love you so much. Please give me more time to fix this mess and I'll assure you soon everything will be alright." Sabi nito at masuyong hinalikan ang ulo ko.

Pumikit ako at dinama ang labi nito at mga salita nito. Ang kaninang sakit sa bawat pintig ng puso ko ay napalitan 'yon ng labis na kasiyahan.

Punyeta! Isang salita niya lang lahat ng galit at inis ko sa kanya biglang nawala.

Ang rupok mo talaga Amethyst! Mapalantod pa!

Nang umalis siya ay mga ilang minuto din ng biglang pumasok sa kwarto ko ang apat na lalaking galit na galit.

"Amethyst ano na namang ginawa mo?!" Galit na galit na sigaw ni cross at ginulo ang buhok niya.

Kunot noo ko silang tinignan apat. Ano bang problema nila?

"I can't believe you A!" Si lance na ganun din ang reaksyon.

"Anong problema niyo? Galit na galit kayo diyan?"

"What the hell did you do Amethyst?! Alam mong una palang na may girlfriend si Spyke!" Halos pumutok ang ugat sa noo ni black ng sabihin niya 'yon.

Nanlamig ako sa sinabi ni black, alam na ba nila? Pero papano? Hindi naman kami nahuli! Tangina! Ba't sumabay lahat ng problema ko?!

"Look at this A, pinag pye-pyestahan kana sa social media. Nag viral ang mga pictures niyo ni spyke na magkasama. Everyone hated you so much, kasi alam ng publiko na may girlfriend si spyke at si kylee 'yon hindi ikaw." Mas lalo akong nanlumo sa sinabi ni seth, nanginginig kong kinuha ang cellphone nitong nakalahad sa sakin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang iba't ibang pictures namin ni Spyke.

Ang unang picture, 'yong magkahawak kami ng kamay sa parking lot. Ito yung galit na galit siya kasi nahuli niya kaming magkayakap ni night.

Sa pangalawang picture, ito 'yong yakap yakap niya ako. Ito 'yong time na may pumasok na magnanakaw sa'min.

Sa pangatlong picture, ito 'yong nasa pathway kami. Sobrang lapit namin at ito 'yong time na bumubulong siya sa'kin. Ang sabi niya pa nga dito, "Hush baby, stop crying. You're making me bad, wala akong sinabing gawin ka kabit at wala akong planong gawin ka kabit. And I know I have a girlfriend, but stop thinking of her. And when it comes to you? I'm selfish. You're mine baby."

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng makita ang pang apat na larawan, nakaupo siya sa bench at nakaupo naman ako sa kandungan nito habang naghahalikan kami. Ito 'yong nakita niya kaming magkasama ni jameson at sobrang nagalit siya kaya nilambing ko siya.

Sa huling picture ito 'yong nangyari kanina sa parking lot, nakatalikod ako at nakayakap siya sa bewang ko ng sobrang higpit.

Napanguso ako ng makita ang mga pictures namin magkasama.

"At may gana kapang ngumiti Amethyst?!" Napaigtad ako sa lakas ng boses ng apat.

"Kinikilig ako e." Sabay sabay na napamura ang apat dahil sa sagot ko.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

241K 7.1K 44
MENDAREZ SERIES #1 Throughout the life of Astraea Yvette Mendarez, She thought that winning Kaiden's heart was her only dream, until a tragedy sudden...
72.5K 3.5K 35
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
105K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...