Can't Fight His Feelings (Seb...

By LyksMeNot

28.8K 1K 59

• C O M P L E T E D • Sebastian Series #2 2nd Generation Si Amethyst Chandelle D. Gomez ay ang tipong bab... More

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter
SEBASTIAN SERIES
Author's Note

Chapter 26

426 17 0
By LyksMeNot

Chapter 26: Unexpected Happened

P A A S A

PAASA!

Tinapon ko ang hawak kong ballpen at pinunit ang papel ko. Nakakainis! Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ng mokong na'yon sa'kin!

Bwesit!

Linggo ngayon at imibis na maging masaya ako kasi walang pasok, eto ako at nagmumukmok sa kwarto ko. Kahapon tatlong subject lang 'yong klase ko at si beks ang naghatid sa'kin pauwi.

Ginulo ko ang buhok ko ng maalala ang nangyari nung friday. Tandang tanda ko pa kung papano ako tumakbo ng mabilis ng marinig ang sinabi ni Spyke. Ang gago seryoso ba siya sa pinagsasabi niya?

Alam kong mali pero ba't nasisiyahan ako? Bakit kinikilig ako? Bakit sobrang natutuwa ako? Mali man 'tong nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan na hindi umasa sa kanya. Bakit ganun? Simula ng magkita kami dito sa manila parang ang daming nagbago sa kanya. Mga salitang lumalabas sa labi niya at lahat ng mga kinikilos niya. Para bang naging mas totoo siya.

Bumababa ako para uminom ng tubig,
Mag isa lang ako dito kasi day off ng mga kasambahay at umalis din ang apat na mga ugok. Kahapon pa nila ako inaayang sumama sa kanila pero tinanggihan ko, kasi alam kong kasama nila ang mga apo ng presidente. Alam kong kasama nila si SPYKE! Letche! Kakainis!

Pagkatapos kong uminom ng tubig dumiretso ako sa labas ng bahay, napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin na sumalubong sa'kin. Isang manipis at maiksing night dress lang ang tanging suot ko, umupo ako sa dulong swimming pool at inilubog ang dalawang paa ko.

12 am na at ito hindi parin ako makatulog.

Halos mahulog ako ng mag ring ang cellphone ko. At nang makitang si cross ang tumatawag ay mabilis ko itong sinagot.

"B-Baby girl? Kumain kana? Naka lock ba ang gate? Okay ka lang diyan?" Umirap ako ng marinig ang sunod na sunod na tanong ni cross, ang boses nito ay halatang nakainom na. Dinig na dinig ko din ang malakas na musika.

Alam kong nasa bar na naman sila at alam kung kasama na naman nila ang apo ng presidente. Gustuhin ko man sumama sa kanila ay hindi pwede, ayokong magkita na naman kami ni Spyke.

"Wag ka ngang madaming tanong cross, hindi na ako bata."

"Ba't ang sungit ng baby girl namin? Meron kaba?" Tanong nito at tumawa ng malakas, naku sarap bigwasan ng gago.

"Sapak gusto mo?"

"Ayaw ko. Masakit ka kayang manapak. Nga pala kahapon ka pa nila hinahanap dito, nagtataka kung bakit wala ka."

"Sabihin mo masama pakiramdam ko."

"Nasabi ko na, nasabi kong na lbm ka." Sagot nito at tumawa na naman ng malakas.

Napakunot ang noo ko ng makita ang gate, hindi pala naka lock! Tumayo ako at akmang lalapitan ito para isarado ng may nakita akong tatlong lalaking pumasok, nakaitim silang lahat at may malaking bag na nakasabit sa kanilang balikat, hindi ko din makita ang mga mukha nila dahil sa maskarang suot nila.

"Baby girl? Hoy nandiyan kapa?" Hindi ko na makuhang sumagot kay cross dahil sa kabang nararamdaman ko ng makitang may mga hawak silang baril.

Tangina!

"Hoy? Anyare sayo?"

Mabilis akong tumakbo at nagtago sa mga bulaklak. Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang pinag uusapan nila.

"Sigurado ba kayong wala ng nakatira dito?"

"Siguradong sigurado ako! Matagal ko ng pinagmamanmanan ang malaking bahay na'to."

"Bakit parang may nakatira? At bakit bukas ang gate?"

"Putangina! Magsitahimik na nga kayong dalawa!" Napatahimik naman ang dalawa sa sinabi ng lalaking nasa gitna.

"Amethyst! Sagutin mo ako nag aalala na ako sayo!"

Nataranta ako ng makitang papasok na sila sa bahay, agad nahagip ng mata ko ang baseball bat kaya kinuha ko ito.

Patakbo akong lumapit sa likuran nila at mabilis na pinalo ang isang lalaki dahilan para bumagsak ito sa sahig.

Napamura silang dalawa at mabilis na nagpaputok ng baril. Mabuti nalang at mabilis akong nakailag.

"ANONG PUTOK 'YAN?"

"AMETHYST!"

"PUTANGINA!"

Hindi ko na pinansin ang sunod sunod na mura ni cross, tinapon ko ang cellphone ko sa mga halaman at mabilis na nilapitan ang dalawang lalaki.

Hindi ko alam kung bakit nakatulala lang sila sa'kin dalawa ng makita ako. Naka awang ang mga labi nila habang nakatingin sa dibdib at hita kong lantad na lantad.

Ay tangina! Naka night dress pala ako! Shit naman!

Mabilis akong lumapit sa kanila at binigyan sila ng malakas na tig iisang suntok sa mukha dahilan para mawalan sila ng malay.

"Mga manyak! At talagang nakuha niyo pang maglaway sa katawan ko habang nasa gitnan tayo ng away?" Nilapitan ko ang lalaking napalo ko ng baseball bat at hinawakan ang gilid ng leeg nito, napahinga ako ng maluwag ng malaman buhay pa ito.

Lumapit ako sa halaman at kinuha ang cellphone kong tinapon ko kanina. Napa buntong hininga ako ng makitang naputol na ang tawag ni cross. Shit! Mag alala ang mokong na'yon!

Akmang tatawagan ko na si cross ng makarinig ako ng sunod sunod na busina sa labas. Umuwang ang labi ko ng makita ang lalaking pumasok sa bahay.

"FUCK! CHANDELLE!" Sigaw nito at ng makita niya ako ay mabilis siyang tumakbo at walang sabi akong niyakap ng mahigpit.

Napapikit ako ng mas yakapin niya pa ako lalo.

Shit naman! Bakit siya ang nandito? Bakit yakap yakap niya ako? Bakit nandito si spyke?

Kumalas ito sa yakap at hinawakan ang dalawang pisnge ko. Ang mata nitong puno ng pangamba at pag aalala habang nakatitig sa'kin.

"What happened? Are you okay? Fuck may masakit ba sa'yo?" Sunod sunod na tanong nito habang seryoso akong tinititigan.

Gusto kong magsalita at sagutin lahat ng katanungan niya pero walang salita ang gustong lumabas sa labi ko. Nakatitig lang ako sa mga mata nitong puno ng pag aalala.

"Chandelle..." Halos manlambot ang tuhod ko ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Please talk. I wanted to hear your voice, I just wanted to know if you're really fine."

Hindi pa man ako nakasagot ng biglang nagsidatingan sina cross.

"AMETHYST!" Sabay na sigaw nila ng makita ako. Sunod sunod rin akong nakarinig ng pagmumura ng makita nila ang tatlong lalaking wala ng malay.

"Tangina. Mapapatay tayo ni daddy nito." Dinig ko pang sabi ni black.

Nang makalapit sina cross, black, lance at seth sakin ay sabay nila akong niyakap.

Habang yakap yakap nila akong apat ay nakatitig lang ako kay spyke na seryoso akong pinagmamasdan, unti unting bumaba ang tingin nito sa suot ko. Napakunot ang noo nito at umigting ang kanyang panga.

"A! What the hell happened?" Nag aalalang tanong ni seth

"Man, maybe your cousin needs to change her clothes first." Sabat ni spyke.

Umiwas ako ng tingin sa kanya ng maramdaman ang init ng pisnge ko. Nang sumang ayon ang apat ay patakbo akong pumasok sa bahay at agad na nagbihis.

Letche nakakahiya naman! Nakita niya talaga akong naka ganito lang? Shit!

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako at nagulat ako ng makitang nandito narin ang mga apo ng presidente at may mga pulis narin. Kausap nila lance, cross at spyke ang mga pulis. Dumiretso na ako sa living room at doon ko silang nakitang lahat. Tanging si spykie lang wala.

Ang mga mukha nila ay pulang pula at mahahata mo ring lasing na ang ilan sa kanila. Nang makita nila ako ay isa isa nila akong tinanong kung ayos lang daw ba ako at kung anong nangyari kaya ikwenento ko lahat.

"Ate!" Napangiti nalang ako ng yakapin ako ni Skyler.

"Are you okay ate?"

Tumango ako at nginitian siya. Umupo ako sa tabi ni jcle na masamang nakatingin sa'kin.

"Bakit ang sama ng tingin mo?" Ngising tanong ko sa kanya.

"I'm sullen. You didn't even called me that you're already here in manila." Napatawa ako sa sinagot nito.

"Alam ko kasing busy ka konsehal." Ngumiwi ito sa sagot ko kaya mas lalo akong natawa.

Napatingin kaming dalawa kay ate Jane ng tumayo ito at pagiwang giwang na lumapit sa'kin.

"Tsk. Careful jane." Ani jcle sa kapatid niya.

Umupo naman sa tabi ko si ate Jane bago nagsalita, "Are you sure that you're okay Amethyst?" Tanong nito at hinilig ang kanyang ulo sa balikat ko.

Mahina akong tumango at sumulyap kay jcle. Napailing iling nalang ito habang nakatitig sa kapatid niyang lasing.

"You know what, I saw how worried your brother a while ago. Halos paliparin niya na ang sasakyan niya kanina makapunta lang dito. And I know he's guilty for what just happened to you. He blamed himself for leaving you alone." Nagulat ako sa sinabi ni ate jane. Hindi ko akalain na sisisihin ni cross ang sarili niya. Hindi niya naman kasalan, ako ang may kasalanan kasi nakalimutan kong ilock ang gate kanina. Inaya din naman nila akong sumama sa kanila kanina pero tinanggihan ko 'yon, magpapaiwan din sana dito si seth para may kasama ako ng pilitin ko siya na sumama sa kanila. Wala silang nagawang apat sa pakikipagtalo sa'kin. Umalis sila ng labag sa kanilang kaluoban.

"But I really admired you Amethyst. You beat those bastards. You didn't even wait someone who could save you. You're so cool." Tipid nalang akong ngumiti sa pinagsasabi ni ate Jane.

Hindi naman ako magiging ganito katapang kung hindi dahil kay papa at sa dalawang kapatid ko na 'yon, bata palang ako tinuruan na nila ako kung papano ipagtanggol ang sarili ko.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na silang lahat, makailang beses pa akong sinulyapan ni spyke bago siya umalis. Naiwan kaming limang magpipinsan dito. Magkakatabi silang apat at tahimik lang sila, ni hindi manlang sila makatingin sa'kin.

"Anong problema niyong apat? Mukhang kayong tanga sa itchura niyong 'yan." Nang hindi parin sila tumingin sa'kin kaya hinagis ko sa kanila ang throw pillow.

Head Shot!

Kwadro kill!

"Aray naman Amethyst!" Si black

"Shit!" Lance

"A!" Seth

"Ansakit Amethyst!" Sigaw ni cross

"Ano bang problema niyong apat?"

"We're guilty okay? This is our fault." Maagap na sagot ni lance

Kumunot ang noo ko, "Ba't naman kayo ma gi-guilty? Walang may kasalanan okay?"

"Kung hindi lang sana kami umalis, hindi mangyayari 'to." Si black

"Alam niyo tigilan niyo ako sa kaartehan niyong apat. Walang may nangyari sa'kin na masama. At walang magsusumbong kay papa at tita pia tungkol sa nangyari. Kundi lima tayong malilintikan." Akmang magrereklamo pa sila ng bigyan ko sila ng nakakasamang tingin.

Wala naman talaga silang kasalanan, choice kung maiwan dito dahil sa kaartehan kong iwasan si Spyke. E ano ngayon ang nangyari? Niyakap niya ako! At eto na naman ako kinikilig, nasisiyahan at umaasa. Letche naman! Nababaliw na talaga ako! Mahal na mahal ko talaga ang mukong na 'yon kahit na mali.

Mali, kasi umaasa ako. Mali, kasi may girlfriend na siya at mali kasi kahit kailan hinding hindi kami magkakatuluyan. Langit siya, lupa ako.... na kahit kailan hinding hindi ko siya maabot.

Pagkatapos namin mag usap magpipinsan ay nagpaalam na ako at pumasok sa kwarto ko. Agad kong isinalampak ang katawan ko sa malambot na kama ko.

Napamura ako ng bigla nag ring ang cellphone ko. Sinagot ko ito kahit na unknown number.

"Hello? Sino 'to?" Masungit na tanong ko sa kabilang linya. Alam niya ba kung anong oras na? Madaling araw na!

"Chandelle..." Holy kurimaw! Taena! Kilalalang kilala ko ang boses na 'to!

Pumikit ako at kinagat ko ang ibabang labi ko, "S-Saan mo nakuha ang number ko?" Kinakabahang tanong ko. Shit naman! Ba't ako kinakabahan?

"Kay cross. Are you really okay now? I'm damn worried."

Ba't ang ganda ng boses ni Spyke? Bakit? Bakit mas lalo lang yata ako naiinlove? Pakshit talaga!

Gumulong gulo ako sa kama bago sumagot. "Okay na nga. Wala naman nangyaring masama sa'kin."

"I'm glad. But could you please promise me one thing?"

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Sige, ano 'yon?"

"Don't wear tiny clothes again okay?"

"Bakit? Masama ba? Nasa bahay naman ako."

"Just please? I don't like men seeing your bare skin."

Napanguso ako ng marinig ang malambing na boses nito. Anong magagawa ko? Marupok ako eh. "S-Sige."

"Thanks god. Btw, rest now. I know you're tired. I'll call you tomorrow."

"O-Okay."

"Bye. Sleep well."

"Bye." Sagot ko at mabilis na pinatay ang tawag.

Napasigaw ako sa sobrang kilig. Tinawagan niya ako! Pakshit na malutong!

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
615K 15.7K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
Lost Stars By Eros

Teen Fiction

11.8K 6.8K 50
[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older broth...
7.5K 23 1
Beatrice Solomon, known as a "bitch" due to her ability to provoke jealousy among girls, finds pleasure in teasing those who secretly like someone bu...