Can't Fight His Feelings (Seb...

By LyksMeNot

28.8K 1K 59

• C O M P L E T E D • Sebastian Series #2 2nd Generation Si Amethyst Chandelle D. Gomez ay ang tipong bab... More

Can't Fight His Feelings (Sebastian Series #2)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter
SEBASTIAN SERIES
Author's Note

Chapter 21

447 17 3
By LyksMeNot

Chapter 21: Fiesta

_

Author's Note:

Starting this chapter only Amethyst has a POV. Thank you. Enjoy!
_

6 pm na yatang umuwi ang mga apo ng presidente. Naglaro din sila ng xbox at nag movie marathon din kami kanina. Ang saya nga e, parang naging mas close ko pa sila lalo.

Gabing gabi na din ng makauwi sina papa, sherly at sydney. Si tita pia naman ay hinatid na nila sa hotel. Si lance at seth ay umuwi narin. Ang dami nilang pinamili, kaya nga ang gulo gulo sa bahay ngayon kahit alas dyes na ng gabi. Umuwi din kasi ang ibang angkan nila papa at tita pia galing sa probinsya. Dahil nga linggo naman bukas ay wala namang pasok sina papa at sydney.

Nasa kusina kaming lahat at nagsisimula na kaming maghiwa ng mga sangkap, gumawa ng salad, mango float at iba pang handa.

"Naku! Lalo kang gumaganda A!" Nakangiting sabi ng isang pinsan ni papa.

"Ba't hindi ka sumali sa binibing pilipinas? Tiyak at mananalo ka!" Dagdag pa ng isa.

"Naku tita, maganda lang 'yan pero walang brain 'yan." Napatigil ako sa paghihiwa ng carrots ng marinig ko ang sinabi ni black.

"At talagang sayo pa ng galing 'yon ah?" 'Di makapaniwalang sagot ko. Natawa naman silang lahat dahil sa sinabi ko.

Ala una na yata ng antukin ako kaya nagpaalam na ako na mauuna na sa pagtulog. Pagbukas ko ng kwarto ko napangiti ako ng makita ang limang batang lalaki na natutulog sa kama ko, sila ang mga anak ng pinsan ni papa. Mga nasa bente yata ang tumuloy dito sa'min, tatlong van din ang dala dala nilang sasakyan. Dahil nga dalawang guest room lang ang meron kami dito ay hindi sila nag kasya kaya ang ibang bata ay sa'kin kwarto natulog, 'yong iba naman sa kwarto ni cross at black.

Pinalakasan ko pa ang aircon at kinumutan silang lima. Kumuha ako ng isang comforter at tatlong unan sa cabinet ko at inilapag 'yon sa baba at agad na nahiga.

Hindi nagtagal ay dinalaw na ako ng antok.

"Popoy, nonoy sa kamay kayo ni ate A at tatlo naman kami sa paa ni ate A."

"Okay, pagbilang ko ng tatlo. Bubuhatin natin si ate A ah."

"Sige sige, okay. One, two three. Buhat!" Nagising ako dahil sa ingay. Pag mulat ko ay agad kong nakita ang limang mga bubwit na pilit akong binubuhat.

"Anong ginagawa niyo?" Takang tanong ko at umupo.

"Ate A! Gising kana pala. Bubuhatin pa naman sana namin kayo sa kama mo." Ani popoy. 

Ginulo ko ang buhok nila bago tumayo. "Neknek niyong lima. Hindi niyo ako mabubuhat. Malakas yata tong pinsan niyo" Tumawa silang lima dahil sa sinabi ko. "Kanina pa kayo gising?" Dagdag ko habang nililigpit ang hinigaan ko.

"Oo ate A! Naglaro na nga kami ng basketball nila kuya lance, kuya seth, kuya C at kuya B!" Masayang sagot ni Dandan. Napailing nalang ako ng magsimula silang magtalon talon sa kama ko, ang kukulit! Papano pa kaya kapag pumasok pa dito yung ibang batang mga pasaway na doon natulog kina cross at black?

Napalingon ako sa pintuan ko ng bigla 'yon bumukas at pumasok ang 5 pang mga batang lalaki.

"Ate A!" Sigaw nila at tumalon tumalon din sa kama ko.

"Makasigaw naman 'to akala ko yayakapin niyo ako, e nauna pa kayong tumalon diyan sa kama ko e!" Sigaw ko sa kanila na siyang ikinatuwa naman nila.

"Ang aga aga hina-highblood ka diyan sis." Napalingon ako sa letcheng cross ng sabihin niya 'yon. Sa likod nito ay ang tatlo pang ugok.

"Sinong hindi ma ha-highblood kapag nakita 'yang mukha mo?"

"That must've burn" Ani seth

"Grilled" Dagdag naman ni lance

"Barbeque" Sabat ng bobong black na siyang ikinatawa naming lahat.

Napatingin ako sa sampong batang lalaki na mga second cousins ko na tumatalon sa kama ko at sa apat na lalaking nasa harapan ko. "Lalabas na ako. Op ako eh."

"What?" Kunot noong tanong ni lance.

"E tignan niyo naman. Ako lng nag iisang babae sa angkan natin!" Sigaw ko. Ba't ba ganitong genes ng mga gomez? Ako lang talaga 'yong nag iisang babae sa clan namin.

"Ayaw mo nun? Ikaw lang nag iisang prensesa namin." Nakangising sabi ni cross.

Sumimangot ako bago sumagot. "Bakit prensesa ba turing niyo sakin? Ulol! Wag ako. Alisin niyo na nga 'yong mga bubwit na'to." Sinunod naman nila ang utos ko, lumabas silang lahat na siyang pinasalamat ko.

Ila-lock ko na sana ang pintuan ng pigilan 'yon ni lance.

"Maligo at magbihis kana. Aalis tayo." Sabi nito na nakangiti.

"Saan?"

"Basta." Ani nito at umalis. Wala akong nagawa kundi sundin ang utos nito. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng ripped short, red sleeveless at nike na tsenelas. Nag polbo, nag lip tint at blush on. Bago ako lumabas ng kwarto ko nagpabango din ako.

Pagbaba ko hindi na ako nagulat ng makitang magulo ang bahay, ang daming tao at busy silang lahat sa pagluluto, paglilinis at pag aayos.

"Saan na naman punta mong bata ka?" Tanong ni erpats ng makita akong ayos na ayos.

"May pupuntahan lang kami ni lance pa. Si sydney?"

"Sa kusina. Oh siya mag iingat kayo." Sabi nito at umalis.

Bago ako umalis ng bahay ay nagpaalam muna ako sa mga tao sa bahay. Lumabas ako ng bahay at katulad sa loob ay magulo din sa garden. Inaayos nila ang mga lamesa at upuan, ang mga batang bubwit naman ay naghahabulan.

"Naku ang ganda ng pamangkin namin ah." Sabi ng isang pinsan ni papa.

"Syempre tito!" Natatawang sagot ko.

"Saan naman punta mo?"

"Aalis lang po kami saglit ni lance."

"Mag iingat kayo!"

"Opo tito."

Dumiretso na ako sa garage at nakita kong nakasandal si lance sa kotse nila cross at black. Gwapong gwapo ito sa suot niyang black plain t-shirt at short. Naka suot din ito ng vans na sapatos. May relo ding gold sa kaliwang kamay nito, at suot din niya ang kwintas niyang gold.

"Tara na. Kanina pa nila tayo hinihintay." Nagtaka man kung anong ibig niyang sabihin ay hindi na ako nagtanong pa at pumasok na ako sa passenger seat.

Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan nito hanggang sa makarating kami sa Grand Xing Sebastian Hotel. Pinark niya ang kotse sa basement at mabilis na bumaba.

"Hoy! Anong ginagawa natin dito?!" Tarantang tanong ko sa kanya habang nakasunod sa likuran niya.

Ewan ko kung bakit kinakabahan ako. Letche plan naman! Ano naman bang kagaguhan ito?

"Why are you so noisy A?"

"Wag mo akong ma english english lance. Alam kong nanggaling ka sa ibang bansa. Kaya sagutin mo ang tanong ko." Lumapit ito sakin at sinapo ang pisnge ko, nanlaki ang mga mata ko ng ilapit nito ang mukha niya sa mukha ko kaya mabilis ko siyang tinulak.

"Your face look so priceless A! That was so funny! Hahaha" Tawa siya ng tawa habang sumasakay kami sa elevator.

Tinignan ko siya ng masama. "Tangina mo! Tawa pa more. Mabilaukan ka sanang hayop ka." Naiinis na sabi ko, ang gago lakas ng trip ng hayop na'to. Nahahawa na kay black at kay cross sa kabaliwan.

Bumukas ang elevator at dumiretso kami sa lobby ng hotel. Nawala ang inis ko ng makita ang mga apo ng presidente kasama din nila ang dalawang kapatid kong ugok at si seth.

Hindi ko mapigilan na hindi mapahanga sa kanila, ayos na ayos silang lahat. Mababakas mo talaga sa kanilang lahat na isa silang makapangyarihang tao. Ang gaganda at ang gwa-gwapo nila.

"Amethyst!" Masayang bati nila ng makalapit ako sa kanila.

Hindi ko alam pero hinanap ng mata ko si Spyke pero hindi ko siya makita.

Nasaan na naman ba ang lalaking 'yon?

Kapahon ko pa siya hindi nakikita ah? Tsk. Ba't ko ba hinahanap ang isang 'yon?

"We'll go back to manila now. But we just wanted to say goodbye to all of you and we wanted to thank personally." Nakangiting sabi ni kuya kyle saming lima.

"No problem bro." Sagot ni cross.

"It was really fun to be with you guys." Napangiting sabi ni ate raine.

"Take care guys. Just call call." Tumawa silang lahat dahil sa sinabi ni black.

Naku kahit talaga kailan napaka bobo niya.

"Sure. We will go now. Our private plane is already waiting to us." Sabi ni Speed tinapik ang balikat ng apat. Hindi ko inaasahan ng yakapin niya ako. "Until we see each other again." Bulong nito.

Pagkatapos niya akong yakapin ay sunod sunod din nila akong niyakap lahat.

"I'm going to miss you Amethyst." Malungkot na sabi ni ate Jane at hinalikan ang pisnge ko.

"I hope to see you soon ate." Malungkot din na giit ni Skyler at hinalikan din ako sa pisnge.

Ang huling yumakap sa'kin ay si Jcle. Siya ang pinaka naging close ko na sa lahat ng lalaking apo ng presidente.

"Just call me if you have a problem." Bulong niyo habang yakap yakap parin ako.

"Wala kaya akong number mo." Sagot ko at tumawa.

"Silly. I put my number on your phone yesterday."

Napahinto ako sa pagtawa ng marinig ko ang sinabi niya. "Kaya pala hiniram mo ang cellphone ko kahapon a--"

Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses niya.

"Jcle. Let's go." Napahiwalay kami sa pagyayakapan ni Jcle. Napatingin ako kay Spyke ng makita ang mukha nito na madilim, nakakuyom din ang kamao nito.

"Spyke you should also hug Amethyst. Come on hug her." Napatingin ako kay ate Jane ng sabihin niya 'yon kay spyke.

Umiling iling ako bago nagsalita. "Hindi wag na, alam kong nagamamadali kayo. Ingat kayong lahat sa byahe--"

Umuwang ang labi ko ng bigla niya akong yakapin. Napapikit nalang ako ng maramdaman ang yakap nitong napaka higpit, hindi ko alam pero niyakap ko din siya pabalik. Bakit  ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit? Bakit nasasaktan ako? Ito naba talaga ang huli? Hindi naba kami magkikita pa ulit? Alam kong mali itong nararamdaman ko, kasi may girlfriend siya. Pero, putangina hindi ko maintindihan ang sarili ko e.

"I'll be back. Remember that." Huling sabi niya bago sila tuluyang umalis.

Nauna nang umuwi sa bahay sina cross, black at seth. Habang kami naman ni lance ay pumunta pa sa mall.

Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay nalulungkot parin ako, nalulungkot dahil umalis na siya. Bakit nga ba ganito ang epekto nun sa'kin? Akala ko simpling crush lang ang pagtingin ko sa kanya pero hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bobo katulad ni black para hindi malaman ang tunay na nararamdaman ko. Siguro nga tuluyan na akong na inlove sa lalaking 'yon. Okay lang naman ma inlove sa kanya diba? Hindi niya naman malalaman e, at mas lalong wala akong balak na sabihin sa kanya. May girlfriend na 'yong tao at ayokong makasira ng relasyon. At alam ko din na mawawala din 'to.

Pumasok kami sa mall habang lutang parin ang isip ko. Iniisip ko parin ang lalaking 'yon. Kailan nga ba ako na inlove sa kanya? Hindi ko alam pero kapag magkasama kaming dalawa ay hindi ko mapigilan na hindi masiyahan, ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko na parang sasabog na sa sobrang kasiyahan. Naalala ko din ng marinig ko siyang may kausap sa cellphone niya, na girlfriend niya pala. Nasaktan ako nun, pero pinagsawalang bahala ko kasi hindi ko matanggap ang inlove na pala ako sa kanya.

Napailing nalang ako, ayoko ng isipin siya. Baka mabaliw lang ako at hindi ko bagay mag drama.

"What do you want A? I'll buy whatever you want." Nakangiting ani lance habang naka akbay sakin.

"Totoo? Kahit ano? Bibilhan mo ako?"

Tumango siya bago sumagot, "Yes."

"Sige. Bilhan mo ako ng IPhone 11 pro max."

"Sure. Let's go." Holy tangina! Talagang tinutoo niya! Pumasok kami sa apple store at mabilis niyang binili ang gusto ko. Siya na din namili ng color.

Nang ibigay niya ito sakin ay hindi ko mapigilan na hindi mapayakap sa kanya. "Thank you! The best cousin ka talaga." Naiiyak na sabi ko at hinalikan ang pisnge nito. Nanginginig ako ng kunin ko sa kanya ang paper bag ng Iphone.

First time kong magkaroon ng Iphone at talagang ang bagong labas pa! Naunahan ko pa anag dalawang ugok kong kapatid.

"That's my gift for you. Sorry if I scolded you yesterday." Sabi nito at ginulo ang buhok ko. Kapag may suhol pala ang pagsigaw niya sakin ay mukhang magugustuhan ko na yatang sigawan sigawan niya ako.

"Sige lang sigawan mo lang ako. Okay lang talaga sa'kin as long may kapalit palagi." Pinitik nito ang tenga ko.

"You wish. What else do you want?"

Umiling iling ako. "Okay na'to. Ang mahal mahal na nga ito."

"Okay then. Let's go home. We need to help them." Tumango ako dahil sa sinabi nito. Habang nasa nasasakyan kami ay kinuha ko ang memory card at sim card ko sa luma kong cellphone at isinalampak sa bago kong cellphone.

Dumating kami sa bahay at nang maipark ni lance ang kotse sa garage ay sabay kaming lumabas at pumasok sa loob. Sa garden ay ayos na ang lahat ng lamesa at upuan. May videoke narin at mga sound system.

Nagpaalam muna ako kay lance na aakyat muna para magbihis. Pagkatapos kong magbihis ng isang cotton short at t-shirt na may naka print na ML is life ay binuksan ko ang apps na messenger at nag chat. Bibihira lang talaga ako mag message, may facebook naman ako pero hindi din naman ako active. Wala din akong IG at twitter. Ewan ko ba hindi talaga ako mahilig sa social media nayan. Hindi din ako mahilig mag selfie, ewan ko ba. ML lang ayos na ako. Sa computer naman ros, counter strike at lol ay okay na sa'kin.

Binuksan ko ang group chat namin na magkaka klase.

BSBA MM 2nd

Amethyst Chandelle Gomez:

Guys punta kayo dito mamaya ah? Hintayin ko kayo!

Pagkatapos ko 'yon e send ay binack ko na at sunod sunod din nag pm sa mga tropa ko, nag chat din ako sa mga gc namin. Katulad ng...

LOL GAMERS💻

THE TROPS👑

SINCE BIRTH❤

THE VAPERS👌🏻

GROUP 1 HISTORY📚

PURPOSIVE COM.📝

TROPANG MALUPIT👊🏻

Isang rason din kung bakit wala akong ganang makipag chat kasi mga jejemon ang mga hayop! At kahit ang mga letcheng mga kaklase ko din. Gawa ng gawa ng hayop na gc na yan. Kada subject namin talagang may gc. Putanginang gc yan. Wala naman kwenta, kapag may importante kang itatanong puro ka lang naman nila e se-seen. Mga hayop. Tapos kahit may groupings lang gagawa agad ng letcheng gc nayan. May mga saltik talaga mga kaklase ko minsan. Ganun din yung mga tropa kong mga jejemon naman.

Bumaba na ako para tumulong. Naghakot kami ng mga pagkain papunta sa garden, dahil nga malaki space ng garden namin ay doon na namin nilagay ang malapad at malaking lamesa para ilagay ang pagkain. Nagulat pa ako ng makitang may dalawang letchon ng nakahanda. Talagang malaki ang ginastos nina sydney at papa dito. Ang dami kasing bisita namin. Ang dami din naman kasing mga kaibigan at kasamahan ni papa lalong lalo na sa trabaho ang pupunta dito. Ganun din si sydney.

Busy nga silang lahat e, kahit ang dalawang mga ugok kong kapatid ay tumutulong narin kasi may mga bisita ng pa unti unting dumadating.

Nang sa wakas ay matapos na kami sa paghahakot ng pagkain ay kinuha ko muna ang bagong cp ko sa kwarto ko bago lumabas.

"Amethyst! Mukhang mga kaklase mo yata ang nasa labas. Tignan mo nga, mukhang nahihiya silang pumasok e." Sabi ni papa ng makita ako.

Lumabas ako at tinignan kong ka klase ko nga ba ang tinutukoy ni papa at tama nga siya.

"Uy nandiyan na pala kayo! Hali na kayo sa loob." Aya ko sa kanilang lahat. Mabuti naman at kompleto sila.

Pumasok na silang lahat sa loob at ginabayan ko sila sa lamesang naka handa para sa kanila.

"Ang ganda at ang laki talaga ng bahay niyo Gomez." Kumento ng isang ka klase kong babae.

"Oo nga Gomez! Dami niyong handa oh. Excited na tuloy akong chumibog." Ani pa ng isa.

"Hindi lang chibog. Talagang magpapaka lasing tayo." Dagdag pa ng isa.

Hindi nagtagal ay dumating na ang lahat ng bisita ni papa, kasunod nito ang mga ka office mate naman ni sydney, sunod sunod din dumating ang mga schoolmates at tropa nila black at cross.

"Gomez!" Napalingon ako sa mga tropa kong sina blue, kyo at warren ng marinig ko ang boses nila.

Pinuntahan ko sila at binigyan ng lamesa.

"Ba't ngayon lang kayong tatlo? Pa VIP talaga kayo. Sige na kumain na kayo." Iniwan ko na muna sila dahil sa pagdating pa ng ibang tropa ko. Kahit ang mga teachers ko ay nagsidatingan narin kaya inisikaso ko muna sila.

Ramdam na ramdam ko ang tumutulong pawis sa noo ko dahil sa pag aasikaso ko sa mga bisita ko.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makitang kumakain na silang lahat, napatingin ako sa kabuoang bisita namin. Punong puno ang graden, hindi ko akakalain na ganito sila karami. Pumasok muna ako sa loob ng bahay at halos hindi na ako makadaan dahil sa dami din ng tao sa loob.

Ang living room ay punong puno, kahit sa dinning at sa iba pang sulok ng bahay ay maraming tao. Sabayan mo pa ang mga batang naglalaro at naghahabulan.

Rinig na rinig ko din dito ang boses ni black na siyang nangunguna sa pagkanta sa videoke.

At talaga namang makapal ang mukha ng isang 'yon.

Pagkatapos kong umihi at hugasan ang kamay ko ay lumabas ako at kumuha din ng pagkain.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay dumiretso ako sa lamesa nila kyo at doon sumabay kumain.

Habang kumakain ako ay pinupunasan naman ni blue ang pawis ko sa noo.

"Gomez. Totoo bang kayo 'yon magpipinsan ang kasama ng mga apo ni Mr. President?" Biglang tanong ni warren.

"Ha? Oo. Bakit? Papano niyo nalaman?" Takang tanong ko.

"Syempre nag post si Jane sa IG niya. Mahigit isang milyon kaya ang hearts nun! Nagulat nga ako at hindi makapaniwalang na kayo 'yon e."

"Hala totoo ba? Hindi ko naman kasi nakita kasi wala naman akong IG."

"Nag comment nga ako don e. Ang swerte niyo! Ano? Mabait ba sila Gomez?" Tanong naman ni blue.

"Oo nga, ma swerte talaga. Hindi din naman akalain na magiging close sila namin. Oo! Napaka bait, sobra."

"Naks naman. Sa bagay, hindi din naman malayong hindi niyo sila maging kaibigan agad. Kasi tignan mo naman mga kuya at mga pinsan mo. Mga magagandang lahi din, magaling makisama at may binatbat din." Dagdag pa ni kyo.

Tumahimik nalang ako, ayokong mas madagdagan pa kasi baka siya naman ang maisip ko. Kung hindi naman din ng dahil sa kanya ay hindi namin makikilala ang mga pinsan niya. Siya talaga ang puno't dulo ng lahat ng 'to.

Pagkatapos kong kumain ay tamang tama naman na tumunog ang cellphone ko kaya nagpaalam muna ako sa kanila bago ito binuksan.

Text pala na nanggaling kay lean. Remember ang ex kong bakla?

Lean:

Amethyst baby sorry hindi ako makapunta sa bahay niyo😭 Nasa Iloilo kasi kami ngayon ng boyfie ko. Alams mo na honeymoon. Sorry talaga😔 Bawi nalang me next time. Mwah😘

Napangiwi ako dahil sa text ni lean sa'kin. Landi talaga ng bakla na 'yon! May honeymoon honeymoon pang nalalaman ang baklang 'yon. Kahit natatawa ay nag reply parin ako sa kanya.

Ako:

Okay lang, hindi ka naman kawalan😂 At wag na wag mo akong matawag tawag na baby dahil kinakalibutan ako sayong hayop ka😡 Enjoy kayo😝

Pagkatapos kong mag reply ay ibinalik ko na ulit 'to sa bulsa ko.

Pupuntahan ko sana ang mga ka klase ko ng tawagin ako ng bobo kong kapatid. Kaya wala akong nagawa kundi pumunta sa table nila.

"Hi Amethyst!" Bati ng mga schoolmates at kaklase nila sakin ng makalapit ako. Nginitian at binati ko din sila pabalik bago bumaling sa bobo kong kapatid.

"Anong kailangan mo?"

"Ikaw naman kumanta. Ang ganda ganda ng boses mo e--"

Napatigil siya sa pagsasalita ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko naman ito galing sa bulsa ko at binasa ang reply ni lean.

Lean:

Why so mean to me?😭 Hindi kaparin ba nakaka move on? Hahahaha kidding aside. Alam kong bad lang talaga mouth mo. So I forgive you na😝

Akmang re-replyan ko na sana si lean ng may biglang humila sa cellphone ko.

"WHOOO! Kanino 'to baby? Saan mo hiniram? Iphone 11 ba 'to?" Sunod sunod na tanong ni black na parang hindi makapaniwala habang tinititigan ang kabuoan nito.

"Anong hiniram? Akin yan tangek!" Sigaw ko at mabilis na inagaw sa kanya.

Gulat naman siyang napatingin sakin. "Ha? Kanino mo hinoldap?" Bobong tanong nito.

"Diyan lang sa kanto."

Nabigla ako ng akbayan niya ako at hinalikan sa pisnge. "Diba hindi ka naman mahilig sa cellphone? Akin nalang yan, tapos bigay ko Iphone X ko sa'yo."

Ngumisi ako bago sinapak mukha niya, "Di mo ako mauuto gago." Sabi ko at mabilis na kumawala sa akbay niya.

Pumasok ako sa loob ng bahay at umakyat sa taas.

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng makasalubong ko si cross.

"Nakita mo ba ang wallet ni mommy Amethy-- huknam holy mother earth fucker pakshit!" Sigaw nito habang nakatingin sa hawak kong cellphone, ang mata nito ay kumikinang kinang.

"Kaninong Iphone 11 yan Amethyst?!"

"Akin tanga. Kaya nga hawak hawak ko diba?"

"Ha? Totoo?! Diba hindi ka naman mahilig sa cellphone? Palit nalang tayo oh. Sige na baby." Hindi pa man ako nakakasagot ng biglang sumigaw si black.

"Amethyst!" Ani nito ng makaakyat. Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko. "Baby, palit nalang tayo. Diba gustong gusto mo ang isang varsity jacket ko? Sige ibibigay ko nalang 'yon sayo. Basta palit lang tayo."

Napabaling naman ako kay cross ng hawakan nito ang kanang kamay ko. "Hindi, sakin mo ibigay yan baby. Diba gustong gusto mo ang mga medyas kong nike at addidas? Sige, ibibigay ko lahat sa'yo yon."

"Wag kang maniniwa diyan baby. Diba mabaho paa niyan? Baka mahawaan kapa. Madami din akong medyas na gustong gusto mo, sa'yo nalang 'yon." Sabi ni black at tuluyan niya ng hinila ang kaliwang kamay ko.

Hindi naman nagpahuli si cross at agad din hinila ang kanang kamay ko. "Putangina mo! Wag kang sulsol sa kanya, at hindi mabaho paa ko. 'Yong bunganga mo ang mabaho. Diba baby matagal mo ng gusto ang hikaw kong silver? Ibibigay ko nalang sa'yo 'yon."

"Hindi! Diba matagal mo ng gusto ang Gshock ko? Sa'yo nalang 'yon." Pagkukumbinsi ni black

"Wag kang maniniwala sa bobong yan Amethyst. 'Yong mga damit kong gusto mo kunin mo na lahat." Sagot naman ni cross

"Mas lalong wag kang maniniwala sa tangang yan Amethyst. Lahat ng gamit ko na gusto mo kunin mo na."

"Yong aircon ko kunin muna."

"Yong tv sa kwarto ko sayo na."

"Yung tablet ko sa'yo na."

"Yung laptop ko sayo na."

"Yong mga boxers ko sa'yo na!" Determinadong sabi ni cross at hinila ng malakas ang kamay ko.

Hinila naman ako pabalik ni black ng pagkalakas lakas. "Lahat ng briefs ko sayong sayo na!"

Ganun ang palitan ng sagutan nila habang hila hila ang kamay ko. Napapikit ako bago sumigaw. "TANGINA NIYO AH! ANG CELLPHONE KO ANG PAG AGAWAN NIYO HINDI ANG BRASO KONG MGA HAYOP KAYO!"

Napatigil sila sa paghila sa kamay ko at agad 'yon binitawan. Inilapag ko ang cellphone ko sa sahig, "OH AYAN! HATIIN NIYO! MGA LETCHE KAYO! NGAYON NIYO PA TALAGA GUSTONG IBIGAY SAKIN ANG MGA GAMIT NIYO KUNG KAILAN HINDI KO NA KAILANGAN! AT ANONG BOXERS? BRIEFS? NA PINAGSASABI NIYONG BOBO KAYO? ANONG AKALA NIYO SA'KIN LALAKI?"

Akmang kukunin na sana nilang dalawa ang cellphone ko na nasa sahig ng maunahan ko sila. "NEKNEK NIYONG DALAWA! AKALA NIYO MAUUTO NIYO AKO? SA INYO NA MGA GAMIT NIYO! Babush." Nakangising sabi ko at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto ko.

Natawa nalang ako, kahit talaga kailan mga walang kwenta mga ugok kong kapatid na 'yon. Akala yata nila mauuto nila ako ah? In their dreams!

Ako yata si Amethyst Chandelle D. Gomez. Na kahit kailan man ay hinding hindi niyo mauutuan!

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

Lost Stars By Eros

Teen Fiction

11.8K 6.8K 50
[SMUG Series #1] XZ Martinez is a smart young woman. She was born to a rich and famous family but she doesn't seem to like it. Unlike her older broth...
122M 4.2M 148
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...
105K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
640K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...