Lights! Camera! I've Fallen...

By TheLadder89

61.3K 4.7K 3.4K

Lance Muriel Scott is one of the Scott triplets, full-time CEO, stand-in model. He's smart, handsome, and cha... More

Introduction
LCIF 1
LCIF 2
LCIF 3
LCIF 4
LCIF 5
LCIF 6
LCIF 7
LCIF 8
LCIF 9
LCIF 10
LCIF 11
LCIF 12: It's Not Time.
LCIF 13: Let's Go
LCIF 14: Wagas Magmahal
LCIF 15: Outreach
LCIF 16: Habilin
LCIF 17: Nakaraan
LCIF 18: Ampon
LCIF 19: I Love You
LCIF 20: One-sided
LCIF 21: I Love You
LCIF 22: Bahala Na
LCIF 23: The Goddess
LCIF 24: Diyosa
LCIF 25: Mr. Possessive
LCIF 26: Kamusta Na, Kuya?
LCIF 27: Ama
LCIF 28: Relax
LCIF 29: Sementeryo
Owtor's Nowt
LCIF 30: Gentleman
LCIF 31: Blessings
LCIF 32: Sleepover
LCIF 33: Justice
LCIF 34: Kasal
LCIF 35: Munisipyo
LCIF 36: Feeling at Home
CLIF 37: Destiny
LCIF 38: Singapore
LCIF 39: Huli Na
LCIF 40: Secret's Out
LCIF 41: Sundo
LCIF 42: Charizard & Pikachu
LCIF 43: Hospital
LCIF 44: Trust
LCIF 45: Babies
LCIF 46: Where?
LCIF 47: Pamilya
LCIF 48: Discovery
LCIF 49: Which
LCIF 50: DNA
LCIF 51: Alaala
LCIF 52: Hospital
LCIF 53: Fool
LCIF 54: Young Heart
LCIF 55: Realization
LCIF 56: The Death Of Me
LCIF 57: Can't Help It
LCIF 58: Future
LCIF 59: It's Time
LCIF 60: The Plan
LCIF 61: Model
LCIF 62: Stress
LCIF 63: Get-away
LCIF 65: Pictorial
LCIF 66: Finally
LCIF 67: The Pale Moonlight
Coming Soon
A Very Special Chapter
Coming Soon!

LCIF 64: Ginhawa

962 59 25
By TheLadder89







ISANG buwan na ang lumipas nang pumayag si Majz na mag-model para sa final gown sa naka-schedule na photo shoots para sa isang magazine sa tulong na rin ng Mémoire Élégante Events, Inc. Natuwa ang pamilya nila Majz at Makai dahil sa wakas ay pumayag na rin si Majz at sa pagiging civil ng dalawa sa isa't isa pero ramdam pa rin na may hindi magandang namamagitan sa kanilang dalawa.

Una itong napansin ni Lance. Sa tuwing magkakasama ang lahat ay ayos silang dalawa, pero kapag sila na lang ay wala itong kibuan at parang nag-iiwasan, in short, walking on eggshell silang pareho, parang ayaw nilang May masabi na ikasasabog ng isa.

Para hindi lumala ang tensyon ay ipinakiusap ni Lance ng magkita-kita na lang ang lahat sa tuwing off na ang mga ito sa trabaho o di naman kaya ay weekend para sa fitting at paghahanda para sa araw ng pictorials na magaganap sa bukirin ng San Nicolas. Nakakasawa na raw kasi ang indoor at scenic view ng cities at destination wedding scene kaya mas ginusto daw ni Makai, na sinang-ayunan ng lahat, na sa palayan, gulayan, at bahay ng mga Samonte at sa mansyon ng mga Ricaforte gawin ang nasabing pictorial.

"Lance, busy ka ba?" Tanong ni Manuel na nakatitig kay Makai, Majz at Maira. Katulad niya ay nakikiramdam din ito.

"Hindi naman kaya lang medyo gwardiya ako dito kasi baka biglang magrambulan." Natatawa niyang sagot. Mahina lang ang uspaan nila dahil mahirap din marinig ng mga dalaga.

"Sige na  Manuel, ako na ang bahala sa tatlong yan. Ilalayo ko na lang si Majz kung kinakailangan." Mabilis na sumabat si Korina. Napangiti si Lance.

"Nasaan si Precious?" Tanong ni Manuel sa asawa.

"Kinuha ni Nanay. Siya na daw bahala sa apo niya dahil mukhang kakailanganin ako dito para mag-referee." Bungisngis nitong sagot. Tumango si Manuel at Lance.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Lance.

"Kailangan kong matapos na yung kamalig sa hilaga. Gusto ko kasing gawing pahingahan imbis na imbakan." Naalala ni Lance ang kamalig na ito.

Minsan na ring nagpatulong si Manuel sa kanya noon para hindi mabasa ng parating na ulan ang mga nakaimbak na palay. Naalala niyang sinabi ni Manuel na nasa kabilang bayan daw si Atong kaya wala itong ibang mahila para tumulong kaya tumulong na rin siya. 

Sakay ng jeep ni Manuel, binaybay nila ang kalsada patungo sa hilaga kung saan ang malaking bahagi sa taniman ng palay. Dumaan muna sila sa tindahan para bumili ng tubig at chichiriya para kung sakaling mauhaw at magutom sila. Naging masyado na silang  close ni Manuel.

Si Manuel ang matatawagan niya para matulungan siyang maintindihan si Majz at si Manuel din ang nakakausap niya tungkol sa mga sensitibong bagay katulad ng mga pribadong pangyayari kaya hanga si Manuel sa kanya dahil hindi siya naglilihim sa totoong nararamdaman niya sa tuwing maglalapit sila ni Majz at sila lang ang magkasama.

Marami na ring maipayo si Manuel sa kanya kaya panatag siya na hindi niya masisira ang ipinangako niya sa sarili at ang respeto niya kay Majz.

"Tara. Dito tayo." Itinuro ni Manuel ang kamalig.

Nagulat si Lance nang makita ang kamalig. Hindi naman ito ganito ang itsura nito dati. Iba na ang dating nito ngayon, hindi na ito mukhang kamalig. Mukha na itong maliit na bahay na gawa sa kahoy, pawid, kawayan, nipa ang bubong at ang pulido ng pagkakagawa. Magandang deskripsiyon ng bahay kubo. May mga tanim na bulaklak at may mababang bakod na gawa din sa kawayan.

"Akala ko ba kamalig? This is a house?" Bulalas ni Lance. Natawa si Manuel.

"Gusto ni Korina na maging bahay na ito dito para daw may takbuhan kami o kung sino man sa pamilya kapag nagigipit na ang pasensiya." Turan ni Manuel. Mas namangha si Lance pagkakita ang loob ng bahay. Maayos, malinis at kompleto ito sa gamit na gawa sa kawayan at rattan maging ang lamesa at upuan na pang-apatan.

"Wow. This is nice. It's so homey and cozy." Hindi niya maitago ang paghanga. "I would love to spend a night or nights here." Wala sa loob niyang nasabi.

"Really?" Napakunot ng noo si Manuel na lumingon sa kanya. "Sigurado ka? Hindi ito five star hotel." Itinuro nito ang maliit na kwarto.

"So?? Baka nakakalimutan mo na palagi kaming nagmi-mission work and we live how the people of the towns we visit lives. And besides, may kutson naman eh." Sambit niya nang makita ang kawayan na higaan sa loob ng isa sa dalawang kwarto na nalalatagan ng isang foam na may pitong pulgada ang kapal. Malinis at masinop ang loob nito.

"I hope this house will still be here kung maisipan ni Jaise na magpakasal na kami." Parang nangangarap niyang sabi. Nagpatango-tango si Manuel.

"Pwede namang ipaayos uli kapag dumating na ang time na yun." Saad ni Manuel. "Kung gusto n'yo kapag pumayag na yan si Maria Jaise na makasal kayo, dito kayo matulog bago kayo tumulak sa honeymoon n'yo." Napatango-tango si Lance.

"I like that. It's not a bad idea." Sagot niya kay Manuel. Napangiti silang pareho sa isiping yun.

Nagkwentuhan pa sila habang kumukumpuni ng kung ano-ano sa kubo. Hanggang sa inabot na sila ng takip-silim at nagdesisyong bumalik na sa bayan. Nakahinga sila nang alang problemang sumalubong sa kanila maliban sa mabilis na pag-aaya ni Majz na bumalik na sa bahay ng Tatay nito.

NAGING maayos na rin ang events business nila Majz at Alexa. Yung isang taon na sinabi ni Alaina na aalalayan niya ang dalawa ay nangyari lamang sa loob ng kulang-kulang tatlong buwan simula nang sila Majz at Alexa ang humawak.

Naging istrikto si Majz at Alexa sa schedule, 8 am to 5 pm lang ang trabaho, maliban na lang kung wala talaga silang choice pero by appointment lang. Weekend off para sa apat nilang tauhan kung walang bookings.

Maayos ang naging operasyon nila, maliban sa isang kliyente na pabago-bago ng isip na ikinapipikon na ni Alexa. Tuwing may booking sila, pinag-uusapan kaagad nila kung sino ang maghe-head nito at ito ang napunta kay Alexa.

"Majz, gusto pala ng mga De Guzman na baguhin ang cake design para sa debut ng unica hija nila." Bungad ni Alexa pagkapasok na pagkapasok nito sa showroom nila. Magkasalubong ang kilay nito at halatang pikon na pikon.

"Sino ba ang vendor na napili nila?" Nagtaas siya ng tingin kay Alexa mula sa pagkakatutok sa computer screen niya.

"That's the reason why I came back here. They seem not to know who they choose." Mabilis na sagot ni Alexa. Napakunot ang noo ni Majz.

"What do you mean they don't know? You have the list right?" Tanong niya. Tumayo siya para hanapin ang folder ng mga ito filing cabinet. Kahit na computer age na ngayon, mas pinili pa rin nilang dalawa ang mag-print out ng kopya ng kontrata. "Ni-remind mo ba sila ng mga nakalagay sa kontrata na pinirmahan nila?" Dugtong niya.

"I do. Kaya nga nakaka-frustrate ang mga yun eh. Feeling mayaman pero ang jojologs naman." Napailing siya sa kwento nito. Minsan may pagka-judgmental din itong kaibigan niya.

"Anong sabi?" Tanong ni Majz. May khinugot siyang folder.

"Hindi daw nila maalalang sila ang pumili niyan. Wala nga daw silang kopya ng kontrata. Mrs. De Guzman said, for all she know, gawa-gawa lang natin yun." Mabilis siyang napalingon sa kaibigan.

"Oh, really?" Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi ni Alexa. "Well, I have their contract here and we also have CCTV in here. Pwede nating tingnan yung footage." Suhestiyon niya. Nagliwanag ang mukha ni Alexa.

"I forgot about the CCTV. Thanks Majz." Saad ni Alexa. Mabilis itong umupo sa harap ng computer niya at in-open ang shortcut link ng CCTV footage nang nasabing araw.

Natawa silang pareho, ngunit nandun ang galit sa mga mata ni Alexa. Nakita nila ang nangyari nang araw na yun. Mabilis na kinuha ni Mrs. De Guzman ang kontrata at isinilid ito sa bag na dala nito.

"They just want to get a free cake!" Galit nitong saad. Nakasaad kasi sa kontrata na kapag nagkamali ang Mémoire Éleganté sila ang sasagot ng mali. Napapailing na lang si Majz. Ang mga tao nga naman...

NASANAY na rin si Lance na silang dalawa na lang ni Leland ang nagbabatuhan ng idea, pero hindi pa rin nila maiwasang malungkot sa pagkawala ni Logan. Tungkol naman sa puso ni Lance, maayos na ito, mahigit anim na buwan na rin naman na walang ibang activity ang puso niya na masasabing out of the ordinary. Masaya ang lahat dahil hindi na ito muling inatake.

"Hon, may pupuntahan ka ba sa linggo?" Tanong ni Majz sa binata. Nakakaramdam siya ng stress at alam niyang kapag si Lance ang kasama niya ay nawawala ito.

"Wala naman. Di ba may simba tayo sa umaga, tapos pupunta tayo ng San Nicolas right after?" Sagot naman ng binata. Natahimik siya panandalian.

"Parang ayoko kasing umuwi. Parang gusto kong sa iba magpunta." Pinagmamasdan lang siya ni Lance.

"Okay. Where do you want to go?" Tanong ni Lance

"Sa Laguna. Pwede tayong mag-overnight sa isa sa mga hot springs doon." Saad ni Majz. Pinakatitigan siya ni Lance at ngumiti.

Gusto niyang batuhin ng halik na pina-typewriter ang binata, yung bang halik na kahit dila nito ay bugbog. Hindi ba nito alam na borderline illegal na ang ginagawa nitong pagngiti-ngiti sa kanya? Hindi ba nito alam na dapat na siyang ikulong dahil sa panggugulo sa sistema niya? Tumikhim siya.

"Stress ka 'no?" Nakangiting tanong ni Lance sa kanya. Madiin niyang ipinikit ang mga mata. Nabubuwisit pa rin siya sa ngiti nito

"Hindi naman. Ayoko lang munang umuwi sa amin, masyado pa kasing hectic. Gusto ko munang malayo sa kanilang lahat. I feel like I need to see other place this weekend. Or we can just stay in your house." Pagpapalusot ng dalaga na alam naman nilang pareho na hindi bebenta yun sa kanila.

"You're stressed. Your excuse doesn't make any sense. You love your family and not seeing them this weekend is so not you." Natatawang sagot ni Lance. Kinabig siya nito palapit at hinalikan sa gilid ng ulo. Parang siyang ice cream na natunaw na lang sa yakap ng kasintahan.

"I just don't want to go home this weekend that's all, and I am not making any excuse, I just don't want to." Nakanguso niyang kontra kay Lance. Natawa ito ngunit hindi rin naman kumontra.

Iisa lang ang napapansin niya, napapadalas ang pag-e-english niya kapag ang binata ang kasama niya. Minsan tuloy naiisip niya na nagiging maarte na siya.

"Okay. We are going to Laguna then. But if it is okay with you, can we leave the night before tapos doon na lang tayo magsimba?" Napangiti siya. Hindi lang siya spoiled kay Lance kundi spoiled na spoiled talaga.

"Thank you, Hon. I love you." Isa sa mga pagkakataong ninanamnam ni Lance, dahil sa tuwing ganito ang dalaga ay all out itong nagpapakita ng ka-sweet-an sa kanya.

Hindi naman sa hindi sweet si Majz kay Lance, mas nagiging extra sweet ito at mas open ito sa posibilidad na mas marami silang sensitibong bagay na napag-uusapan at hindi ito napipiko sa tuwing ganito ang mood nito.

ARAW ng pag-alis nila. Tinapos nilang pareho ang trabaho nila ng biyernes na para wala silang hahabulin sa Lunes kung mapag-isipan nila umuwi ng lunes.

"Ready ka na?" Tanong ni Lance nang sinundo siya nito sa bahay ng T'yang Bebeng nila.

"Yup, I am." Masiglang sagot ng dalaga. Inabot ni Lance ang dala nito backpack pati na rin ang maliit na backpack na ginagawa niyang purse.

"T'yang! T'yong! Alis na po kami ni Lance!" Sigaw ni Majz sa mula sa sala na nakaharap sa kusina.

"O sige. Kaawaan kayo ng Diyos." Bweltang sigaw din ni Bebeng.

"Lance, ingat sa pagmamaneho." Paalala ni Martin sa binata.

"I will, T'yong. Pakakasalan ko pa si Jaise." Pabiro nitong sagot kay Martin.

"Siguraduhin mo lang dahil gusto na yata ni Kuya na magkaapo kay Majz." Pabitro din nitong saad na ikanapula ng pisngi ni Majz.

"T'yong!" Ang tanging naisigaw ni Majz dahil nalunod na ng tawanan ng mag-asawa ang boses niya.

Kinabig na siya ni Lance palabas ng gate at pinagbuksan siya nito ng pinto. Tahimik na lang siyang nagpatianod. Mas gusto na niya ang T'yang Bebeng at T'yong Martin niya ang nanunukso sa kanya dahil alam niyang biro lang talaga at mas kampante siya mag-asawa. Hindi siya asiwa sa dalawang ito.

Nasasabi niya kay Bebeng at Martin ang mga nasa isip niya kahit pa nga kadalasan ay nakakahiya. Nagpapasalamat siya dahil siya pinakikitaan ng dalawa ng pagkaasiwa lalo pa at tungkol sa sex ang pinag-uusapan.

Bago pa sila nakalabas ng Manila, nakatanggap ng tawag si Lance galing kay Leland. Mabuti na kang nakasuot sa kanya ang kanyang erabuds.

"Bro, are you driving?" Tanong nito.

"Yeah. We are going to either Pansol or Los Baños right now." Sagot nito sa kapatid. "Where are you? Are you coming home?" Tanong niya dito.

"Yes.I am." Mabilis nitong sagot. "I'm on a case and that case lead me here in Cebu. I got all my team with me." Masya nitong pahayag.

"That's good that you're back." Pahayag niya.

"Yeah. And maybe after we crack this case, I'll be staying here for good." Pahayag nito. "Don't tell mom yet. I don't need her calling me in the middle of my meetings or worse, in the middle of the operation." Natatawa nitong sabi kaya natawa na rin siya.

"Let me know when you're coming to Manila." Turan ni Lance. Nakikinig lang si Majz sa kanya.

"Is it still on?" Tanong ni Lance.

"Yeah. Slowly." Matipod niyang sagot.

"Okay. I need to call Manuel and Kuya Ethan then." Maging si Leland ay naging malapit na rin kay Manuel simula nung hinanap nila si Makai. Hindi na nagtagal ang usapan ng magkapatid at nagkapaalaman din kaagad.

"Kamusta na si Leland?" Tanong ni Majz. Ngimiti muna siya dito bago niya sinagot.

"He's fine. He's in Cebu right now for an operation and Mom can not know." Matapat sagot dito.

"Bakit naman ayaw ipasabi kay Tita?" Nakakunot noong tanong ng dalaga.

"You know how we don't see Leland all the time?" Tumatango-tango si Majz bilang sagot. "I miss him, and Mom misses him so badly. Kaya ayaw ipasabi ni Leland because of how sensitive his operations are. He don't bring his cellphone with him all the time. He always carries a burner phone." Paliwanag niya.

"Oh. Ang hirap naman pala ng ganyan." Mabilis na nilingon ni Lance ang dalaga. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nag-pull over siya sa gilid ng kalsada.

"Hey, what's with the face?" Tanong niya sa dalaga. Ginagap niya ang kamay niyo at mahigpit na pinisil.

"Nakakalungkot lang kasi para kay Tita Brielle." Pahayag ni Majz.

"Tita Brielle? Yan pa rin ang tawag mo sa kanya?" Pag-iiba ni Lance ng topic. Alam niyang malulungkot ito ng buong umaga.

"Well, hindi naman kasi ganun kadali yun. Siguro after na makasal tayo." Muli siyang napangiti sa pinahayag ni Majz.

"So, magpapakasal na tayo?" Nananantoya niyang tanong. Nilingon siya ni Majz at tinaasan ng kilay.

"Bakit parang na-surprise ka?" Tanong nito. Naka-park pa rin sila sa gilid ng kalsada. "Saan pa ba tayo pupunta? Di ba sa kasal din? You popsed, I said yes, then what's next? Wedding." Dugtong nitong nakatitig sa kanya.

"Are you ready though?" Natahimik si Majz sa tanong niya. Nagtagis ang bagang niya.

"I am not ready but that doesn't mean I don't want to get married to you. Masyadong mali ang timing ng lahat kasi. After you proposed to me,  I wanted to get married right away, kaya lang syempre pumasok ang problema ng pamilya ko, sila Kuya Manuel at Ate Korina, tapos sila T'yang. Nipung time na okay na sana na sasabihin ko na sa iyo na gusto ko nang magpakasal kahit simpleng kasal lang, nangyari naman yung pag-alis nila Makai at T'yong Niel. Then yung kay Logan. I quit my job at kung ano-ano pa." Kwento nito. Naawa naman si Lance kay Majz.

Hindi man lang niya natutukan ng pansin ang dalaga dahil naging focus din siya kabilaang problema. Maging siya ay meron ding pinagka-busy-han hindi lang ang dalaga. Naging pabaya din siya sa relasyon nilang dalawa. Naging one-sided din siya.

"I'm sorry, Jaise. I'm somewhat at fault, too." Hindi niya alam kung paanong magsisimula kaya doon na lang siya paghingi ng tawad dumiretso.

"No. It's fine. You don't have to say your sorry. Pareho lang naman tayong napatutok sa kanya-kanya nating pamilya. I'm sorry, Lance. I was so caught up with my family and my own drama,  I totally neglected you." Tuluyan ng nalungkot si Majz. Ang bagay na iniiwasan niyang mangyari ngayong umaga ay nangyari na nga.

"Jaise, you and me both know that we have our own shortcomings that we did not intend to take on. We tried to accommodate everyone's situations, drama and all, that we neglected us, our relationship. Don't beat yourself to hard." Muli niyang kinabig ang kamay ni Majz at hinalikan ito.

Nagkasulubong ang mga mata nila. Sa gilid ng highway, habang dumadaan ang mga sasakyan ay ginawaran niya ng mainit na halik si Majz na ikinatunaw naman ng puso ng dalaga. Alam niya dahil sumasalamin din ang nararamdaman sa dalaga.

"Will you me? Again?" Hinihingal niyang tanong kay Majz. Namumungay naman ang mata ng dlaagang tumango-tango.

"Yes, I will." Namumula ang mga mata at ilong na sagot ni Majz. "Anytime basta sa San Nicolas lang at simpleng-simple lang. Mlalapit na pamilya at kaibigan." Natawa si Lance sa idinugtong ng dalaga.

"I love that. I won't do it any other way." Sagot naman niya. Hinalikan niyang muli ang dalaga at hinarap na ang pagmamaneho. "We need to get going kung gusto nating mawala ang ating mga stress." Dugtong niya. Malapad naman na itong ngumiti.

Nagtuloy sila sa isang resort sa Pansol. Ibinuhos nila ang pagod at stress sa hot spring pool at spa. Nagpamasahe sila, kumain sa labas, nagsimba kinabukasan, pumunta ng Los Baños, naggala sa Mt. Makiling at kung ano-ano pa.

LUNES na nang mabalik sila sa Manila. Dumiretso sila sa Makati at doon nakipaghapunan sa pamilya ni Lance. Nagulat sila dahil naabutan nila si Leland na nakikipagbiruan kay Siege, Ethan, Aaron, David, Virgil at Aldrin. Nasa kusina naman ang mga babae kasama ang ilang kasambahay.

Humalik si Majz sa pisngi ni Lance nang magpaalam siyang pupunta sa kusina. Ngumiti lamang siya at hinalikan naman ito sa noo. Tinukso tuloy sila ng mga ito. Tumalikod na lang si Majz na namumula at binabay ang pasilyong patungo sa kusina kung saan niya naririnig ang tawanan ng mga ito.

"Hi." Masaya niyang bati.

"Majz!" Halos sabay-sabay na sambit ng mga ito sa pangalan niya.

"Oh good you're here." Masiglang sambit ni Amanda.

"Hi, Lola Grams." Balik-bati niya sa apuhan ni Lance. "Hi, Lola Moms." Dugtong niya nang makita niya ito sa tabi ni Maelee na nakikipagkulitan sa anak nito.

"Hello handsome." Bati niya sa munting manikang nilalaro ni Maelee at Margaret.

"Wala kang trabaho?" Tanong ni Brielle. Umiling siya.

"Wala po. Kararating lang po namin ni Lance galing ng Laguna." Sagot niya sabay dampot ng chichiria na inilalatag ni Brynn sa platter.

"Laguna? Anong meron?" Tanong ni Brynn. Ngumiti siya.

"Wala naman Ate Brynn. Nagtanggal stress lang kami sa isang hot spring doon at nag-spa na rin. Nagsimba kami the following day tapos pumunta kami ng Mt. Makiling. Didiretso pa nga sana kami sa Pagsanjan kaya lang tinamad na si Lance, may lunch daw dito. Kaya maaga kaming napahinga kagabi to be in the road early enough to get her in time." Masaya niyang paliwanag. Sinalubong siya ng malalapad at masayang ngiti ng mga ito.

"May apo na ba kami sa tuhod na hinihintay?" Tanong ni Margaret. Nag-init ang mga pisngi niya.

"Mom, wag naman ganun. Naasiwa tuloy si Majz sa usapang ganito." Saway ni Brielle sa biyenan.

"Balae, hindi mo natatandaan ang panata ng apo mong yan? Don"t forget, he wanted to become a priest kung hindi rin itong si Majz ang mapapangasawa niya." Natatawang paalala ni Amanda. Nagtanguan ang mga ito.

"Oh come on. Relax all of you." Bwelta naman nito. "I know that. I was just kidding. Will you all chill out a bit. Hindi pa nga ikinakasal yang dalawang yan eh." Natawa tuloy si Amanda sa sagot ng balae.

Natutuwa si Majz sa mga apuhan ni Lance. Kahit na matatanda na ang mga ito ay napaka-cool pa rin. Kakaiba ang apuhan niya ayun na rin sa mga kwento ng Tatay at mga tiyahin niya. Istrikto ang mga ito at masyadong seryoso.

Natapos ang dinner nila na kasama ang pamilya ni Lance na puno ng saya. Parang katulad nila. Bigla tuloy ay nakaramdam siya ng lungkot at inis na rin. Inuuna na naman niya ang inis sa pinsan ay sa pinsan nito. Pati tuloy ang pamilya niya ay nadadamay.

Nakapagdesisyon siyang kukomprontahin niya si Makai matapos ang pictorial nito. Lumuwag lang ang magulo at hectic nilang schedule ay haharapin niya si Makai. Aalalamin niya kung ano ang tinatago nito.

ARAW ng sabado sa San Nicolas. Excited ang lahat para sa fitting mga gagamiting gown para sa pictorial na gaganapin kinabukasan sa bukirin. May naka-set na parang make-shift na altar, may mga lamesa ring nagkalat na animo ay tunay na kasal nga ang magaganap. Paandar ito ng mga kaibigan nila mula sa ad agency. Nagboluntaryo sila Celso, Ray, Lupita at Cookie na tumulong gamit ang studio equipment ng RicaMonte Films, Inc.

Nabalitaan ni Click ang tungkol sa planong pictorial na maglo-launch ng formal and bridal goen designs ni Makai kaya nakisali na rin ito. Natuwa naman siya dahil hindi naman nila kinausap ang ito at nagkusa lang, mga kaibigan ngang maituturing ang ito.

"Lance, sorry kung hindi kami nakarating sa libing ni Logan. Huli na apnamin nalaman mula kay Ella at Dean." Sabi ni Ray nang masalubong nila ito sa hardin ng Hacienda Ricaforte. Na ngayon ay Hacienda Betina na. Ipinangalan ito sa isa sa mga kambal ni Bebeng at Martin.

"Okay lang, Kuya Ray." Sagot ni Lance. "We didn't have the chance to let everyone close to Logan know about it. We just want to give him a proper burial after he's been out there for God knows how long." Malungkot man siya sa oagkakasaariwa ng alaala ng kapatid ay hindi naman kais kirot ng nakaraang isang taon.

"Ano ba ang plano ngayon?" Tanong niyo.

"Still the same. Pero kung may tanong ka just ask McNight herself, or better yet, ask Manuel and Korina, sila kasi ang point of contact ni Kaila." Nasanay na tin naamn ang mga ito sa tawag niya sa dalaga.

"Ray, pinapatawag ka ni McNight. Ready na daw si Click. Kami na ni Cookie ang bahala sa mga mowdils." Pagpapakwela ng baklang si Lupita. Natawa na lang tuloy si Lance kahit na nakakaramdam na siya ng konting lungkot dahil nabanggit ang kapatid.

Akala niya ay okay na siya. Akala niya ay tanggap na niyang wala na ang kapatid, hindi pala. Hinding-hindi niya pala ito makakalimutan at hinding-hindi mawala ang kirot sa puso niya. I will forever miss you, bro.

Pagkatapos ng araw na ito ay magiging kalma na rin ang lahat, mahaharap na nila ang dapat nilang harapin; siya, si Majz, silang dalawa lang.












--------------
End of LCIF 64: Ginhawa

Thank you for reading.the chapter. Please leave your thoughts, comments or just to say Hi, tap the 🌟 to vote, and let's share the story and give good vibes. CTTO Media used.

💖 ~ Ms J ~ 💖
12.17.19

Lights! Camera! I've Fallin...
©2016 All Rights Reserved
March 15, 2016

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 262K 68
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
661K 4.3K 12
"In the beginning, it was the woman who tempted the man to take a bite of the red fruit in the Garden of Eden. After that one bite, their eyes were...
BREAK ME By frea reads

General Fiction

475K 6K 43
#1 in #brokenheart COMPLETED Life has changed her. Her innocence lost. There's neither room for love nor heartache. But he came back, it's either to...
57.2K 1.2K 62
Si Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ng...