Chess Pieces #1: Creed Cervan...

By HiroYuu101

15.5M 540K 270K

Archer The beast who's acting like a guardian angel. More

Archer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter - The Beast

Chapter 44

295K 10.8K 7.8K
By HiroYuu101

Grabe ang kabang nararamdaman ko habang hinihintay ko ang sagot ni Sir Creed. Hindi na yata ako humihinga. Nakatingin lang ako sa kanya na may nananantyang ekspresiyon sa mukha nya at may nakikita rin akong pagkatakot doon. Hindi ko alam kung bakit ganoon sya.

Umamin na sya hindi ba? Noong New Year's eve na sya nga ang pumatay sa pamilya ko? Pero habang binabasa ko ang ekspresiyon ng mukha nya ay hindi ko maintindihan. Bakit nakakaramdam pa sya ng takot at pag aalinlangan kung nasabi nya na sa akin ang totoo?

Kaya malakas talaga ang kutob ko na nagsisinungaling sya.

"Sir... Ikaw ba talaga ang pumatay sa pamilya ko?" ulit ko sa tanong ko nang may ilang minuto na syang hindi nagsasalita.

Bumuntong hininga sya at ipinatong ang nga siko sa nakabuka nyang mga hita. Pinasiklop nya ang mga daliri nya at kunot noong tumingin doon na parang may isang malaking puzzle syang binubuo sa harap nya. Pagkatapos ay sinuklay nya ng kamay ang buhok nya at bumalik sa pagkakasandal.

"I'm so damn scared to tell you the truth, Maria." mahinang bulong nya at tumingin sa akin. "Kaya mo bang ipangako sa akin na makakayanan mo ang lahat ng maririnig mo?"

Napalunok ako. Sa takot na nakikita ko sa mga mata nya ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. Alam ko na kung bakit sya nagkakaganito. Dahil natatakot sya na baka hindi ko kayanin ang lahat ng maririnig ko sa kanya.

Pero ito na ang pinakahihintay ko, hindi ba? Ang marinig ang paliwanag nya. Ang marinig kung bakit nya pinatay ang pamilya ko. Kaya kahit ano pa man ang marinig ko, dapat ay kayanin ko. Dahil alam ko, sa pagkakataong ito, na hindi na magsisinungaling sa akin si Sir Creed.

"Seventeen years kong pinaghanda na marinig ang katotohanan, Sir." sabi ko sa kanya. "Kaya nakahanda ako sa lahat."

Napapikit sya ng mariin. Umigting ang mga panga at nakita ko ang sakit sa ekspresiyon nya. Mas lalo pa iyong tumindi sa pagdilat nya.

"Your parents were part of my mission seventeen years ago."

Unang salita nya pa lang sa katotohanan ay parang may bombang sumabog na sa harapan ko dahil sa pagkagulat ko. Napatitig ako kay Sir Creed at binasa ang ekspresiyon sa mukha nya. Pero nakita ko lang ang matinding sakit doon na parang hindi na nya kaya pang sabihin sa akin ang mga susunod.

Napalunok ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Umpisa pa lang ito pero naiiyak na ako.

Ang sabi kasi ni Ate Vexen sa akin ay ang lahat ng inuutos sa kanila ng El Ordre ay para sa ikabubuti ng bansa. At hindi ko alam kung anong kinalaman ng pamilya ko doon.

"Naging myembro ng sindikato ang mga magulang mo, Maria."

Malakas akong napasinghap at tumulo na ang mga luha ko sa pagkagulat. Naninikip ang dibdib ko pero hindi ako makagalaw para kumuha ng hangin para sa baga ko. Nakita iyon ni Sir Creed at ikinulong nya ang mukha ko sa mga palad nya at natatakot akong tinignan.

"Stay with me, please. Baby... Baby, stay with me." natatarantang sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko.

Kumalma ako nang maramdaman ang init ng mga palad nya. Sunod sunod ang pagkuha ko ng hangin at huminga na parang wala nang bukas. Tinitigan ko ang mga mata ni Sir Creed. Kitang kita ko ang pagkatakot doon kaya tinapangan ko ang loob ko dahil baka itigil na nya ang pagsasabi sa akin ng katotohanan kung magiging mahina ako.

"Ano pa, Sir?" tanong ko at pinigilan ang mapahikbi. "Ano pa? Sabihin mo lang, Sir. Promise, kakayanin ko."

Tinitigan nya ako. Siguro ay hinahanap nya sa mukha ko ang pagiging totoo ko kaya pinilit ko ang magpakita ng tapang. Marahas syang nagbuga ng hangin at binitiwan ang mukha ko.

"Naging parte ng drug syndicate ang mga magulang mo. They sold drugs. To pay for your hospital fees."

Inisip ko ang kung anong sinabi nya. Isang beses lang akong naospital noong bata ako. Iyon ay nung nagka-dengue ako. Ibig sabihin... Sumali sa sindikato ang mga magulang ko para may ipangbayad sa pangpa-ospital ko?

Gusto kong umiling. Gusto ko nang patigilin si Sir Creed dahil feeling ko, ngayon pa lang ay hindi ko na kinakaya ang mga naririnig ko. Ang sakit sakit na ng dibdib ko. At kahit patapangin ko ang sarili ko ay hindi ko matigil ang sakit.

Pero wala akong sinabi para mapatigil sa pagsasalita si Sir Creed. Kapag pinatigil ko sya, siguradong hindi na ako magkakaroon ng iba pang pagkakataon.

"Pero nang mailabas ka na nila sa hospital, tumiwalag sila. But that's where it all started to go wrong." tumigil sya ng ilang saglit. "Once you join the syndicate, you cannot return to your peaceful life again. So the drug lord ordered his men to eliminate your whole family. And my mission is to assassinate the drug lord and at the same time, protect your family."

Natulala ako at natigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Naguguluhan ako. Hindi tumutugma ang mga ala-ala ko sa sinasabi nya.

"But I failed, Maria. I fucking failed miserably." sising-sising sabi nya.

"Naguguluhan po ako, Sir." hindi na nakatiis na sabi ko. Feeling ko ay sumasakit na ang ulo ko sa sobrang pag-iisip.

Tinitigan nya ako sa mga mata. Napansin ko na kumikinang iyon at bahagya na ring namumula.

"I was keeping an eye on your family as part of my mission. Waiting for the drug lord's men to show up so I will have a lead on where to find him. But that same night, Hunter's family were also killed."

Hindi ko na alam kung anong mararamdam ko habang nakikinig ako kay Sir Creed. Napasandal ako sa upuan at napayuko na lang. Napakaraming impormasyon ang sinasabi nya sa akin ngayon. At mukhang tama sya.

Hindi ko na yata kakayanin ang lahat ng ito.

"Kaya umalis ako, Maria. Pinuntahan ko si Hunter knowing that he needed my help. But when I went back to your house, it was already too late."

Narinig ko ang pagkabasag ng boses nya kaya mabilis akong napalingon sa kanya. Nagulat ako nang makitang namumula talaga ang mga mata nya. Tumitiim ang mga bagang na parang pinipigilan nya ang maluha.

At habang nakikita ko si Sir Creed sa ganitong kahina, sobra akong nasasaktan. Kaya mas dobleng sakit ang nararamdaman ko dahil sa nalaman kong katotohanan.

"I saw a man pointing a gun on your head. And your dead brother a few meters away from the two of you. So I did what I have to save you. I killed that man in front of you."

Umawang ang mga labi ko habang nakatitig sa kanya at pinoproseso pa ng utak ko ang mga narinig ko. Mas lalong sumakit ang dibdib ko. Pati ang pagtibok ng puso ko ay pawang dahil sa sakit na lamang.

"You fainted kaya dinala kita sa hospital. Nagwala ka pagkagising mo kaya tinurukan ka nila ng pangpatulog. At sa muling paggising mo, you were unresponsive. Nakatulala ka lang at hindi gumagalaw."

Hinawakan ko ang kamay ni Sir Creed at pinisil iyon para patigilin sya. Hindi ko na kayang magsalita. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga sinasabi nya. Patuloy pa rin kasi akong naguguluhan. At hindi nakatutulong ang sakit sa puso ko sa pag-intindi ng mga sinasabi nya.

Sumisinghap ako para pakalmahin ang sarili. Alam ko sa sarili ko na naiintindihan ko ang sinasabi nya. Pero naguguluhan pa rin talaga ako.

"It was too much for an eight years old kid to experience all of that." sabi nya at muling nabasag ang boses nya.

Muli akong napaiyak. Nakita ko ang isang butil ng luha na tumulo sa mga mata nya na mabilis nyang pinunasan gamit ang kamay nyang hindi ko hawak. Ibinaba nya iyon at ikinulong ng dalawang palad nya ang kamay kong nakahawak sa kanya.

"Ibig bang sabihin, Sir... Hindi ikaw ang... pumatay sa pamilya ko?" humihikbi kong tanong sa kanya.

Umiling sya bago yumuko at ipinatong ang noo sa mga kamay kong nakakulong sa dalawang palad nya. Para syang nakahiga sa mga hita ko pero nakapagitan doon ang mga kamay namin.

"Hindi ako... Hindi ako..." mas lalo akong napaiyak nang madinig ko na basag na basag ang boses nya.

Umiiyak sya. Umiiyak si Sir Creed.

"Hindi ako ang pumatay sa kanila, Maria... Pero ako ang dahilan kung bakit sila namatay. If I hadn't left that night, if I just stayed to do my job, then they would still be alive." humugot sya ng malalim na hininga at nakita ko ang panginginig ng mga balikat nya. "They died because of me, Maria. They died because of my negligence."

Napahagulgol na ako. Ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ng kamay kong hawak hawak ng dalawang kamay nya. Ang lakas-lakas ni Sir Creed sa paningin ko pero ngayon ay para syang hinang-hina. Mahigpit din ang kapit nya sa kamay ko na para bang doon lang sya nakakakuha ng lakas.

Gamit ang isa kong kamay na hindi nya hawak ay inilapat ko iyon sa likod nyang nanginginig dahil sa pinapakawalan na malalalim na hininga. Ilang beses kong tinapik ang likod nya. Nagbabakasaling mapakalma sya habang ako ay pigil ang paghagulgol.

"I'm sorry, baby. I'm sorry." sabi nya at may panibagong mga luha ang bumuhos sa mga mata ko. Madiin na ang pagkagat ko sa pang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi ko.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Sya ay nakayukyok sa mga hita ko habang mahigpit ang pagkakakapit sa isa kong kamay at doon umiiyak. Ang isa naman ay pinangtatapik ko sa likod nya para mapatahan sya. Pinapakalma ko rin ang sarili ko dahil alam ko na hindi pa nya nasasabi sa akin ang lahat.

"Sir, sa alaala ko, malinaw sa akin na ikaw ang bumaril sa Kuya ko. Na ikaw ang nagtutok ng baril sa akin at hindi ibang tao." sabi ko nang mapansin na tumigil na ang panginginig nya.

Nanatili lang sya sa posisyon nya ng mga ilang segundo bago bumangon. Nakita ko ang bakas ng mga luha sa pisngi nya at ang namumula nyang mga mata na patunay na umiyak nga sya kanina. Na kahit isa syang malakas na tao sa paningin ko ay may pagkakataon rin na nanghihina sya.

"Ako ang huli mong nakita bago ka mahimatay. At sa paggising mo, pinaniwalaan mo na ako nga ang pumatay sa pamilya mo." namamaos ang boses na sabi nya.

"Naguguluhan pa rin ako, Sir."

"The doctor that you saw earlier, she was your psychiatrist. For weeks, you were unresponsive and she told me that you've developed a PTSD. And finally, after four weeks of being unresponsive, you talked when the police asked you who the killer is." malungkot syang ngumiti sa akin. "You angrily said that the killer has a hazel brown eyes."

Oo, tama. Naaalala ko ang pangyayaring iyon. May mga pulis na dumating at kinausap ako tungkol sa nangyari sa pamilya ko. Galit na galit ako nang sabihin ko sa kanila kung sino ang nakita kong pumatay sa pamilya ko.

"Ang sabi ni Dra. Esteban, your psychiatrist, that your memory became distorted because of your PTSD. Kaya hindi tinanggap ng mga pulis ang statement mo. They investigated me but I got away because of my alibi that I was with Hunter and Lucius that time when your family was killed. I can't be in a two places at a time, right? Kaya napasama ang kaso ng pamilya mo sa cold case list ng mga pulis. Dahil nilinis na ng El Ordre ang lahat. Hunter and Lucius also helped me to hunt the drug lord."

Ang dami nyang pinaliwanag pero isa lang ang pumasok sa isip ko. That I have a post-traumatic stress disorder and that my memory became distorted.

"Anong ibig sabihin, Sir..." napalunok ako. "Nung sinabi mong distorted ang memory ko?"

Binasa ni Sir Creed ang pang ibabang labi nya. Kumagat doon at pinakawalan. Nakita ko ang pag aalinlangan sa mukha nya.

"Sir?" untag ko. Pinipilit na magsalita sya dahil hindi ko kaya ang namumuong ideya sa isip ko.

"You were so young that time, Maria. Kaya nagulo ang isip mo dahil sa mga nangyari. You became unresponsive at nagrerespond lang kapag sinasabi mo na ako ang pumatay sa pamilya mo. But when they tried to tell you the truth, bumabalik ka sa ilang linggong pagkakatulala."

"Sinasabi mo bang, gawa-gawa lang ng isip ko na ikaw ang pumatay sa Kuya ko sa mismong harap ko? Na hindi ikaw ang nagtutok ng baril sa ulo ko kundi ibang tao?" muling bumuhos ang mga luha ko. "Sinasabi mo ba, Sir, na nagulo ang isip ko dahil sa mga naranasan ko sa murang edad? Na mali ang mga pinaniwalaan ko?"

Mali lahat? Mali lahat ng pinaniwalaan ko? Hindi totoo na si Sir Creed ang taong iyon. Hindi totoo na si Sir Creed ang pumatay sa kuya ko at sa pamilya ko? Hindi totoo na tinutukan nya ako ng baril?

At sya pa ang taong nagligtas sa akin pero kinagalitan ko pa sya!

Kaya pala isang beses ay nawalan ng mukha iyong lalaki sa alaala ko. Dahil iyon na pala ang patunay na maling tao nga ang pinaniniwalaan ko na pumatay sa pamilya ko!.

"Maria..." hinawakan ni Sir Creed ang pisngi ko kaya mas lalo pa akong napaiyak.

"Tapos, Sir. Kaya ba sinasabi mong magalit lang ako sayo at ipagpatuloy ang buhay ko dahil natatakot ka na bumalik ako sa pagiging tulala? Kaya ba sinabi mo na ikaw ang pumatay sa pamilya ko noong New Year's eve dahil natatakot ka na baka kapag nalaman mo ang totoo ay maging unresponsive na naman ako?"

Ang tanga-tanga ko! Hindi ako matalino! Bobo ako! Bobo! Hindi ko deserving ang pagiging Suma cum laude ko dahil sa pagiging bobo ko!

"Pero bakit ikaw ang nakita ko, Sir? Bakit mukha mo ang nakita ko sa mga alaala ko na pumatay sa kuya ko?"

Nakita ko ang pananantya sa mga mata nya nang sagutin ako.

"I was the last one you saw before you fainted. And maybe, because you saw me one time habang minamanmanan ko ang pamilya nyo."

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Gusto kong saktan ang sarili ko! Buong buhay ko ay mali ang pinaniwalaan ko. Buong buhay ko ay ako ang mali! Nagalit ako kay Sir Creed. Pinagbintangan na sya ang pumatay sa pamilya ko. Nagplano pa akong ipakulong sya pero ano? Sya pa nga itong nagligtas sa akin! At ano ang ipinakita ko sa kanya? Yung katangahan ko!

Sinisi ko sa kanya ang pagkamatay ng pamilya ko pero ako dapat ang sisihin. Dahil kung hindi ako nagkasakit at nangailangan ng pambayad sa mga gamot ko at sa hospital ay hindi sasali ang mga magulang ko sa sindikatong iyon. Na naging dahilan ng pagkamatay nila! At nadamay lang ang kuya ko!

Ako ang dahilan kung bakit sila namatay! Ako ang dahilan at hindi si Sir Creed!.

"I'm sorry, Sir. I'm sorry." ako naman ngayon ang humihingi ng tawad sa kanya. Palakas ng palakas na ang paghikbi ko. Kahit ang lumuhod sa harapan nya ay gagawin ko.

Kaya pala natatakot syang sabihin sa akin ang totoo, dahil noong bata pa ako at sinabi nila ay muli akong natulala at hindi nagsasalita.

"Maria..." hinawakan ni Sir Creed ang dalawang mga kamay ko nang makita ang panginginig noon. "It's okay. I did it because I want you to live your life."

"Ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang pamilya ko, Sir. Ako at hindi ikaw." paghagulgol ko at muling ikinulong ni Sir ang mukha ko sa mga palad nya.

"Sshhh... It's not your fault. That's what parents do for their child, Maria. Ang alagaan sila. Kaya hindi mo kasalanan ang pagkamatay nila." muli kong nakita ang sakit sa mga mata nya. "Kung meron mang dapat na sisihin dito ay ako 'yon. Naging pabaya ako sa misyon ko at hindi ko sila iniligtas."

Umiling ako. Wala syang kasalanan. Kaibigan nya si Hunter kaya naiintindihan ko kung bakit sya umalis. Isa pa, hindi nya naman kami kilala para protektahan.

At kung ayaw nyang sisihin ko ang sarili ko ay gagawin ko. Para lang makabawi ako sa kanya. Dahil napakalaki ng kasalanan ko sa kanya.

"Huwag mo din sisihin ang sarili mo, Sir, at hindi ko na din sisisihin ang sarili ko. Wala kang kasalanan." suminghot ako sa muling pagbuhos ng mga luha ko. "Sorry talaga, Sir. Ang laki-laki ng kasalanan ko sayo. Ikaw 'tong nagligtas sa akin pero pinagbintangan pa kita. Sorry talaga, Sir. Sorry!"

Muli akong napahagulgol na parang isang bata. Naramdaman ko ang paghigit sa akin ni Sir Creed at ikinulong nya ako sa mahigpit na yakap habang hinahaplos ang likod ko.

"Ang tanga ko, Sir! Sorry!"

"Sshhh... Tahan na."

Kumalma ako sa yakap at haplos nya pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko. Gusto kong may gawin para sa kanya. Gusto kong makabawi sa kanya. Dahil buong buhay ko ay wala syang ibang ginawa kundi ang protektahan ako. Naging benefactor ko pa sya at sinuportahan nya ako pero iba ang isinukli ko sa kanya!

Tapos... Paano kapag hindi ko nalaman ang lahat ng ito at ituloy ang kaso ko sa kanya? Ano ang gagawin nya? Ididiin nya ba ang sarili nya para lang iwasan ang pagbabalik ng matindi kong trauma?

"Anong dapat kong gawin, Sir, para mapatawad mo ako?" tanong ko nang humiwalay ako sa kanya. Pinunasan nya muna ang luha sa mga pisngi ko bago ako sinagot.

"You don't have to do anything, Maria. Pinatawad na kita kahit wala ka namang ginawang kasalanan."

Umiling ako. Hindi kuntento sa isinagot nya. "Pero gusto kong may gawin, Sir! Hindi ako matatahimik kapag wala!"

Ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya at hindi ako makakampante kapag wala!

Bumuntong hininga sya. "Gawin mo kung anong gusto mo kung iyan ang ikatatahimik mo. Tatanggapin ko ang lahat."

Huminga ako ng malalim at tinitigan sya sa mga mata bago sabihin ang gusto ko.

"Pakasalan mo ako, Sir."

"What?"

"Pakasalan mo ako, Sir. Para makabawi ako sayo."

Hindi sya nakapagsalita at gulat na gulat pagkatapos kong ulitin ang sinabi ko. Iyon na lang kasi ang naiisip kong paraan para makabawi ako sa kanya. Mahal pa naman nya ako, diba? Mahal ko rin sya! At handa akong magpakasal sa kanya at pagsilbihan sya sa buong buhay ko.

"Do you even have an idea what you're talking about, Maria?" tanong nya nang makabawi at tumango ako.

"Oo, Sir. Pakasalan mo ako at pagsisilbihan kita bilang asawa mo."

Pinisil nya ang gitna ng makakapal nyang mga kilay at mariin na pumikit habang nakatiim ang mga bagang. Nagtaka ako sa ikinikilos nya. Ayaw nya bang magpakasal sa akin? Ayaw nya bang pagsilbihan ko sya?

Hala... Baka hindi nya na ako mahal!

"Hindi mo na ba ako mahal, Sir?" naiiyak na tanong ko sa kanya. Muli na namang nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.

Mabilis syang dumilat. "No!" anong 'no'? Hindi na nya ako mahal? "I mean yes!" mabilis nyang bawi pero mas lalo lang akong naguluhan.

Yes? Yes na hindi nya na ako mahal?

Marahas syang bumuntong hininga at hinawakan ang magkabilang mga balikat ko bago ako tinitigan sa mga mata.

"Listen, Maria. Marrying me, means you'll be tied up with me." tumango ako at mukhang malapit na syang mawalan ng pasensya. "You just found out the truth about your family!"

"Kaya nga niyayaya kitang magpakasal, Sir! Para makabawi ako sa lahat ng mga ginawa mo."

"Pero hindi ko sinabing bumawi ka!"

"Pero gusto ko!"

Muli syang bumuga ng marahas na hininga. "You know about me being a member of El Ordre, right? That I'm a chess piece! A pawn! And you'll be in a great danger kapag lumapit ka sa akin!"

"Poprotektahan mo naman ako, diba? Kagaya ng matagal mo nang ginagawa."

"My position will be passed down to our son!"

Son? Gusto ko sana babae ang magiging unang anak namin.

"Alam kong poprotektahan mo rin sya! Doon ka naman magaling, Sir. Bukod sa humalik."

Malulutong syang nagmura at napapikit ng mariin. "Why did our conversation ended up like this?"

"Ayaw mo bang makasal sa akin, Sir?" tanong ko na. Oo o hindi lang naman kasi ang isasagot nya. "Kay Gray na lang ako magpapakasal. Mataas din ang chess piece nya. Mapo-protektahan nya din ako."

"How did you know that he's a higher chess piece? Hindi ko nga alam!"

"Hindi mo alam kaya ibig sabihin na mataas syang chess piece. Baka kagaya ni Kuya Hunter."

Ang sabi kasi ni Ate Vexen na ang mga pawn ay hindi alam kung sino-sino ang mga higher chess pieces. Basta ang ginagawa lang nila ay sundin ang mga utos noon para ma-protektahan ang King nila.

"Ano na, Sir?" tanong ko nang mainip. "Oo o hindi lang naman."

Tinignan nya ako ng masama. Pero maya-maya ay bumuntong hininga din naman.

"Dammit, baby. So stubborn." napapailing na sabi nya. "Fine. I'll marry you. But on one condition."

"Anong kondisyon, Sir?" tanong ko. Handang gawin ang anumang gusto nya para makabawi.

Ngumisi sya. "We will get married... Today. I know a Judge." tinaasan nya pa ako ng kilay na parang naghahamon. Pero wala akong balak na umatras kaya binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.

"Gusto ko yan, Sir."

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 302K 53
L The hacker who loves the codes.
636K 25.7K 14
SEVEN DEADLY SINS SERIES 4: 𝐏𝐑𝐈𝐃𝐄 After her boyfriend of two years abruptly broke up with her, Sadi focused her attention on work. After years...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
598K 41.3K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...