Chess Pieces #1: Creed Cervan...

By HiroYuu101

15.5M 541K 270K

Archer The beast who's acting like a guardian angel. More

Archer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter - The Beast

Chapter 34

264K 10.2K 6.7K
By HiroYuu101

Last Sunday na ng bar exam. Rinig ang sigawan ng lahat nang tumunog ang panghuling bell, hudyat na tapos na rin sa wakas ang exam. Sa tatlumpung dalawang oras na pagsasagot sa lahat ng mga subjects ay natuwa ang lahat na natapos na ang paghihirap ng mga utak.

Syempre, kasama ako doon! Pagkatapos ng halos limang taon na pagpapakahirap sa pag aaral ng law ay makakapag-pagpahinga na rin ang utak ko!

Isa na lang ang aalalahanin ko. Yung resulta ng bar exam.

"We're free!" sigaw ni Jezel nang magkita kita kami sa labas ng building. Niyakap nya ako at ginantihan ko sya. "Sureness na ang pagkapasa mo, Fatima! Summa cum laude ka, eh!"

Humiwalay ako sa kanya at umiling. "Hindi din. Nahirapan ako sa mga tanong."

"Ay, huwag mong sabihin 'yan!" sabi ni Jezel na may kasama pang paghampas sa braso ko. Sakit 'nun ah. "Kung ikaw na cum laude ay hindi makakapasa, paano pa kaya ako?!"

"Nakaka-down, Fatima. You're the smartest here and hearing you say that, nakakapanghina ng loob." tumango pa si Jezel sa sinabi ni Lionel.

Tumahimik na lang ako. Ang ano nila, eh. Nagsasabi lang naman ako ng opinion ko. Mahirap naman kasi talaga ang exam. Kahit na anim na buwan akong nag-review ay parang hindi pa rin sapat ang pagpapakalunod ko sa mga reviewer. Kung may nadalian man ay ipagmi-misa ko pa sila.

Edi sana lahat matalino. Sana lahat nadalian.

Naglalakad kami palabas ng gate. Maraming mga estudyante kaming kasabay sa paglabas at halos magsiksikan pa nga kami. Punong puno ang kalsada ng mga bar examinees. At kita sa mukha nila ang ginhawa na natapos na ang exam.

Nabunggo ako ng isang babae at nag-sorry naman agad. Tumango ako at nginitan sya.

May mga nagtatawan at nagbibiruan pa nga. Gusto kong sawayin dahil nakakabangga na sila ng mga tao. Lalo na yung mga lalaki. Ang gugulo! Tumatalon-talon pa at nagsasapakan ng pabiro.

Nabangga ako nung isang makulit na lalaki at napaatras ako. May nabangga ako sa likod ko at magso-sorry na sana nang makitang si Lionel iyon.

"Ay, sorry, Lionel. May bwisit kasing ngayon lang yata nakalabas ng bahay."

Tumawa sya sa sinabi ko pero natigil iyon nang may bumangga din sa kanya mula sa likuran nya. Napahakbang sya palapit sa akin at aatras na sana ako para hindi ako matamaan nang may nagtulak din sa likod ko. Napahawak ako sa mga balikat ni Lionel para kumuha ng suporta at naramdaman ko naman ang isang kamay nya sa likuran ko na parang inaalalayan ako.

"Hala, sorry." sabi ko at mabilis na lumayo sa kanya. Tinawanan nya ako at napatingin sya kay Jezel na nasa tabi nya na walang reaksiyon ang mukha.

Bwisit! Ang sarapan kurutin ng nail cutter nung mga mahaharot! Akala mo wala silang nape-perwisyo sa pagiging maligalig nila!

"Maria."

Mabilis akong napatingin sa harap at nakita ko si Sir Creed na nakatayo ilang hakbang lang mula sa akin. Parang may magic syang dala dahil kusang nahahawi ang mga tao sa kinatatayuan nya na parang takot sila na mabangga si Sir.

Napangiti ako pero agad na napangiwi nang makita ang mukha nya. Kagaya ni Jezel ay wala rin syang reaksyon pero nakita ko naman na gumagalaw ang panga nya. Parang pinagtatangis ang mga bagang at kapag ganito sya ay alam kong nagagalit na sya.

Hindi ko na napansin ang dalawang kaibigan ko na mukhang natuod nang makita ang dati naming professor. Lumapit ako kay Sir Creed at sinilip ang mukha nya. Nanatili ang tingin nya sa likod ko na parang hindi nya ako nakikita na nasa harapan nya.

"Sir?" tsaka lang sya tumingin sa akin pero hindi nagbago ang ekspresiyon sa mukha nya. Napalabi ako.

Galit talaga. Bakit kaya?

Inisip ko tuloy kung anong nangyari kaninang umaga. Sabay naman kaming nag almusal at mukhang okay pa sya 'nun. Nakakangiti pa nga, eh. Tapos hinatid nya ako dito gamit ang kotse nya at bago ako lumabas ay hinalikan nya ako sa noo.

Anong mali?

Baka naman dahil napuyat sya? Six pa lang kasi ng umaga nung hinatid nya ako dito. Four ng umaga kami nagising. Baka siguro dahil doon?

"Let's go." sabi nya at tinalikuran ako. Nauna pang naglakad. Napatingin na lang ako sa dalawang kaibigan ko na mukhang nalilito at kumaway para magpaalam.

Hinabol ko si Sir Creed. Ang haba ng mga legs nya kaya ang bilis nyang nakalayo sa akin. Tumakbo pa talaga ako para lang mahabol sya!

Hinihingal kong naabutan sya sa may kotse nya. Binuksan nya ang passenger seat na hindi man lang tumitingin sa akin. Sinilip ko ulit ang mukha nya at ganoon pa rin ang reaksiyon nya.

Hanggang sa magbyahe na kami pauwi ay hindi pa rin sya umiimik. Nabibingi na nga ako sa katahimikan dito sa loob ng kotse nya. Nakatitig lang ako sa kanya at kahit isang beses ay hindi talaga sya lumingon sa direksyon ko. Nakikita ko pa ang mga kamao nyang namumuti sa sobrang higpit ng pagkakakapit nya sa manibela.

Noong huli ko syang nakitang ganito ay dahil sa pakikipag usap nya kay Lionel. Ewan ko pero may iba talaga sa kanila. Para silang nagpapatayan gamit yung mga mata at salita nila.

Hala... Baka kaya sya nagkakaganito ay dahil nakita nya ulit si Lionel? Iniiwan ko kasi sila sa gate ng university noong tatlong linggo ang nagdaan. Ngayon lang ako sumabay sa kanila dahil tapos na ang exam at baka matagal pa ulit kaming magkita-kita.

"Tapos na yung bar exam, Sir. Hindi ko na kailangan mag-review." pagbubukas ko ng topic pero hindi pa rin sya lumilingon sa akin. "Papasok na ba ako sa law firm nyo bukas?"

Pero katahimikan lang ang isinagot nya sa akin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko nang masaktan sa hindi nya pagpansin sa akin.

Bakit ganun? Si Lionel naman ang kaaway nya at hindi ako. Bakit dinadamay nya ako?

Baka ayaw nyang kausapin ko si Lionel? Pero kaibigan ko yun, eh. Tsaka mga bata lang yung nagkakampihan sa mga away-away. Matanda na sya, eh.

Hanggang sa makarating kami sa building kung nasaan ang condo at makasakay sa elavator ay hindi pa rin sya nagsasalita.

Nalulungkot na talaga ako! Gusto kong tanungin kung bakit sya nagagalit pero natatakot ako na hindi nya ako pansinin! Ang sakit kaya nung hindi nya ako sinagot kanina!

Nakarating kami sa tapat ng unit ko pero dumiretso sya sa unit nya. Napatulala ako at napatingin lang sa kanya habang ini-slide nya ang key card sa lock ng pinto ng unit nya.

Hala... Dati dumideretso sya sa loob ng unit ko, eh! Galit na galit siguro sya pero hindi ko naman alam kung saan!

Tumunog ang lock nang mabuksan nya. Huminto sya saglit at ang akala ko ay papansinin na nya ako pero nang nagsalita sya ay hindi naman nakatingin sa akin.

"May pagkain dyan sa loob. Matulog ka na pagkatapos." sabi nya at hindi man lang nagpaalam nang pumasok na sa loob ng unit nya at sinarado ang pinto.

Naiwan ako sa labas na nakatulala. Lumingon lingon pa sa paligid para hanapin ang kinausap nya pero mukhang para sa akin ang sinabi nya dahil ako lang mag isa ang nandito sa labas ng floor na 'to.

Gusto ko tuloy umiyak. Ngayon lang umakto sa akin ng ganito si Sir Creed. Noong iniwasan nya ako dahil nagpipigil daw sya ay hindi naman ganitong kalamig ang trato nya sa akin. Kinakausap pa nya ako noon at tumitingin pa sa mga mata ko. Bahagya pang hinahawakan.

Pero ngayon ay mas malamig pa sya kaysa sa hangin ng ber months!

Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob ng unit ko. Mukha namang hindi na din sya lalabas. Binuksan ko ang ilaw at muling napatulala nang makita ang nasa dining table ng unit ko.

Pagkain daw eh napakadami nito! Ang daming putahe ang nakahain at meron pang candle holder sa gitna! Naalala ko tuloy noong birthday ko. Parang ganito din kasi ang setup kaya lang ay mas marami ang pagkain ngayon.

Para saan 'to? Huling hapunan ko na ba? Napakadami naman kasi ng mga pagkain na nasa table!

Baka naman may celebration kaya sya naghanda? Pero ano namang celebration?

Hala... Hindi kaya ay birthday nya? Wala akong regalo!

Napanguso ako. Ang alam ko ay tapos nang mag-birthday ngayong taon si Sir Creed. Kaya para saan ang handang ito?

O baka naman celebration dahil natapos ko ang bar examination?

Sayang kung hindi ko mauubos lahat. Pero galit kasi si Sir Creed sa akin, eh. Paano ko kaya tutunawin ang galit nya? Ano kayang pwedeng magandang gawin?

Ah! Alam ko na! Lulutuan ko sya ng favorite nyang lumpiang shanghai!

Mabilis akong bumaba at nagpunta sa grocery na malapit. Buti na lang at walking distance lang iyon. Bumili ako lahat ng mga kakailanganin ko sa pagluluto ng lumpiang shanghai.

Sana lang talaga ay mawala na ang galit nya akin pagkatapos nito! Wala naman kasi akong ginagawang masama, eh. Inosente ako pero sya yung bigla-bigla na lang nagagalit. Pasalamat sya at gwapo sya tapos ang sarap pa ng halik nya kaya mage-effort akong makipagbati sa kanya kahit hindi ko naman alam ang kasalanan ko!

Tapos sana mahalikan ko ulit sya. Cute nya pa naman pag namumula yung mga labi nya pagkatapos nyang humalik sa akin.

Nang maluto ko na ang bente pirasong lumpia ay nilagay ko iyon sa baunan at lumabas na. Nag doorbell ako sa unit ni Sir Creed at nang binuksan nya ang pinto ay malapad ang mga ngiti ang sinalubong ko sa kanya. Ibang iba sa mukha nyang seryosong seryoso.

Pinigilan ko ang mga mata kong maglakbay sa nakalabas nyang mga braso. Naka muscle tee lang kasi sya. Tapos nakikita ko pa yung tagiliran nya at yung cute nyang kili-kili.

"Lumpia, Sir?" sabi ko na lang at binuksan ang takip ng baunan na dala ko.

Napatingin sya doon at kumunot ang noo nya. Mukhang nag iisip kung anong gagawin sa lumpia na dala ko. Pero alam ko naman na hindi nya matatanggihan ang pinaka-paborito nya sa buong mundo.

At tama nga ako! Maluwag nyang binuksan ang pintuan at tumalikod para umupo sa may sofa. Nakangiti naman akong pumasok sa loob ng unit nya at sinarado ang pinto sa likod ko. Iginala ko ang paningin ko.

Pareho lang ng interior ang mga unit namin pero karamihan ng mga gamit doon ay may design na pang lalaki. Tapos naamoy ko pa yung panglalaki nyang pabango sa loob ng unit nya.

Amoy Sir Creed.

Nakaharap sa laptop si Sir Creed at mukhang may seryosong pinagkaka-abalahan. Lalapitan ko na sana sya para tumabi sa kanya nang tumunog ang laptop nya. Napakunot ang noo nya at may pinindot. Bumungad sa screen ang isang dyosa na nakaupo sa may sofa at nakapikit.

Ang ganda nung babae! Mukhang foreigner tapos brown pa yung buhok na magulo pero maganda pa rin sya!

"V?" dinig kong tanong ni Sir Creed. Napaatras ako para hindi ako mahagip sa camera.

"Archer? Nandito ka agad sa Italy? Ang bilis mo!" humagikgik yung babae. "Para kang si The Flash!"

Oh... So marunong mag-tagalog yung babae? Halata sa mukha nya na hindi sya purong Filipino. Siguro ay may lahi. May sinabi sya tungkol sa Italy kaya siguro ay Italiana yung babae?

Tapos mukha pang lasing yung babae. Namumula ang mga pisngi nya at bulol sya kung magsalita. Ang cute cute nung babae! Tapos ang ganda pa!

Nag-usap sila ni Sir Creed tapos ako ay nakatayo lang malapit sa may pinto. Hindi pa ako tuluyang pumapasok. Hindi ko kasi alam ang gagawin. Ayoko namang tumabi kay Sir Creed dahil sure ako na makikita ako nung babae.

Nahagip ko sa usapan nila na may fiancè yata yung babae? Tapos nalungkot yung mukha nya. At hindi ko alam kung bakit parang guminhawa yung pakiramdam ko nang malaman ko na may fiancè sya.

Ang ganda kasi talaga nung babae. Isa kaya 'to sa mga naka-fling ni Sir?

May masakit akong naramdaman sa loob ng dibdib ko pero nang maisip ang tungkol sa fiancè ng babae ay nawala iyon.

Magic...

Tumawa ng malakas si Sir Creed at napalunok ako. Mukha syang masaya kaysa sa pagtrato nya sa akin kanina.

Sumikip ulit ang dibdib ko. Naramdaman ko rin ito nang makita ko sya na kausap si Ma'am Lauris noon. Tapos naulit na naman ngayon.

Ayoko talaga syang makita na may katawanang ibang babae.

Lalapit na sana ko dahil nangangalay na ang mga paa ko sa pagtayo. Pero nang magsalita si Sir Creed habang natatawa pa rin ay hindi ako nakagalaw. Muling bumalik ang sakit sa dibdib ko at dumoble pa yata.

Hindi. Naging triple pa nga yata ang sakit.

"Poor baby V." dinig kong sabi ni Sir Creed at sobrang sakit na talaga ng dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang.

Tinawag nyang baby yung babae. Baby V daw. Bakit ganun? Baby nya rin ba yung babae? Akala ko ba ay ako ang baby nya?

Kung pagpipilian ay walang wala ako kumpara doon sa kausap nya. Maraming nagsasabing maganda ako pero habang nakatingin ako sa babae ay feeling ko na isa lamang akong dumi sa kuko nya.

Nangatog ang mga binti ko at nagdesisyon na lang ako na pumunta sa kusina. Alam kong makikita ako nung babae dahil nasa likuran ni Sir ang kusina pero nagtuloy-tuloy ako. Kung mananatili ako sa kinatatayuan ko ay baka mabuwal lang ako.

"Hala, Archer. May dumaang babae sa likod mo." dinig kong sabi nung babae nang makarating ako sa kusina.

Tapos Archer pa ang tawag nya kay Sir Creed. Nickname nya ba 'yun o endearment nila?

Napatigil sa pagtawa si Sir Creed. Alam kong alam nya na ako ang tinutukoy nung babae. Nakita nya rin sa screen ng laptop ang pagdaan ko.

"She's nothing. Don't mind her." rinig kong sabi nya at grabeng sakit ang lumukob sa dibdib ko kaya napaiyak na talaga ako.

Kitang kita ko ang patulo ng mga luha ko habang nakatungo ako sa harap ng counter top. Ang sakit. Sabi nya nothing lang daw ako. Ibig sabihin balewala lang ako sa kanya. Ibig sabihin hindi ako importante sa kanya.

Bakit ganoon? Papakiligin ako ni Sir Creed tapos masasaktan naman ako pagkatapos? Naiisip ko tuloy na baka hindi nya talaga ako mahal.

Tapos yung babaeng kausap nya ngayon ang mahal nya. Siguro nagkita sila sa Italy noong huli syang pumunta doon? Siguro nagsinungaling sya sa akin noong sinabi nyang wala syang babae doon? Na totoo ang sinabi ni Kuya Lucius at tinatago nya lang ang babae sa kwarto.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto doon sa babae? Ang ganda ganda. Mukhang wala sa mundo ang kagandahan nya. Tapos kahit lasing ay ang cute cute pa.

Samantalang ako ay taga hingi lang ng hoodie ni Sir Creed.

Sumisinghot singhot pa ako habang umiiyak. Grabe. Kahit sinong lalaki siguro ang makakita sa akin ay mate-turn off.

Kapag nasasaktan pala ang mga tao ay kung ano ano na ang mga iisipin. Kahit na kampante noong una ay kapag nasaktan na, saka lang iisipin na parang hindi pa sapat kahit na ibinigay mo naman ang lahat.

"Maria?"

Napadiresto ako ng tayo nang marinig ang boses ni Sir Creed sa likod ko. Pinunasan ko ang mga luha ko pero lintek at mas lalo pa iyong bumuhos nang marinig ang boses ni Sir Creed!

Yung boses nyang may ibang baby na tinawag kanina. Yung boses nyang sinabing wala lang ako sa kanya.

"Are you crying?" tanong nya at dinig ko ang paghakbang nya palapit sa akin. Mahina ko nang sinasampal ang sarili ko para pilitin ang pagtigil ng pag iyak ko!

Pero bwisit. Mas nasaktan pa ako!

Naramdaman ko ang kamay ni Sir Creed na kumagat sa isang braso ko at pilit akong pinahaharap sa kanya. Pero hindi ako natinag at nanatiling nakatalikod sa kanya.

"Let me see your face." marahan nyang sabi. Ibang iba sa boses nya kanina.

Umiling ako. "Hindi naman ako umiiyak, Sir." sabi ko pa pero dinig naman ang pagkabasag ng boses ko at suminghot na naman ako!

At dahil mas malakas sya sa akin ay nagawa nya akong ipaharap sa kanya. Mabilis nyang ikinulong ang mukha ko sa dalawang mga palad nya at pinunasan ng thumb nya ang mga luha ko sa pisngi.

"Why are you crying?" tanong nya. Umiling lang ako. "Why is my baby crying, hmm?"

Baby daw eh may iba nga syang baby na tinawag kanina!

Kaya ayun. Mas lalo pa akong napaiyak! Humihikbi pa talaga ako kaya napakagat na ako sa pang ibabang labi ko.

"Ikaw kasi, Sir." paninisi ko sa kanya sa nanginginig na boses. "Hindi mo ako pinapansin kanina. Tapos makikita kita na may katawagan na magandang babae. Ang saya mo pa. Tapos sinabi mong nothing lang ako sayo. Tapos tinawag mo din syang baby!"

Ngumawa na ako pagkatapos kong sabihin iyon. Ang sakit sakit! Yung marinig mismo sa kanya na wala lang ako. Tapos yung tawagin nyang baby yung ibang babae!

Bumuntong hininga sya at pinunasan ang mga luha ko. Inalis nya ang mga hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko.

"Sshh... Don't cry. I'm sorry, okay?" pag aalo nya sa akin at mas lumakas lang ang pag iyak ko.

"Ang sakit kasi, Sir! Ayoko ng ganoon. Ayoko na balewala lang ako sayo!"

Niyakap nya ako at hinalikan ang gilid ng noo ko. "I'm sorry. Sinabi ko lang iyon para hindi sya magtanong tungkol sa iyo. Lasing pa naman sya. I'll tell her about you when she's sober, okay?"

"Pero tinawag mo din syang baby!"

"I'm just teasing her. But okay. I won't call her that again. You're my only baby, hmm?"

Medyo kumakalma na ako sa sinasabi nya. Humihina na rin ang pag iyak ko hanggang sa naging hikbi na lang.

"Tapos hindi mo ako pinapansin kanina. Kinausap kita pero hindi mo ako sinagot!"

Bumuntong hininga sya at humiwalay sa akin pero hawak pa rin nya ang mga balikat ko. Pinakatitigan ng matagal ang mga mata ko.

"'Cause I'm jealous, Maria. Nakita ko kung paano ka hinawakan kanina nung batang lalaking iyon." Batang lalaki? "And here I am restraining myself to touch and hold you. It should be only me who's allowed to do that, Maria. Ako lang."

Nangunot ang noo ko sa kanya. "Edi huwag ka nang magpigil, Sir."

Dumaing sya at pinagdikit ang mga noo namin. Naramdaman ko ang counter top sa likuran ko.

"Do you really know what you're saying, baby?"

Tumango ako. Nalalasing sa amoy ng panlalaki nyang hinanga. Mabango. Ang sarap amuyin.

"Oo, Sir. Pero gusto ko ako lang din ang makakahawak sayo. Tapos ako lang din ang tatawagin mo ng baby."

Tumawa sya at pinagdikit ang mga katawan namin. Naiipit na ako ng sa pagitan nila nung counter top kaya mas dumikit ako kay Sir Creed.

"Possessive ang baby ko." tuwang tuwang sabi nya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Napapikit ako.

"Nagseselos din kasi ako, Sir."

Naramdaman ko ang isang palad nya na lumapat sa pisngi ko. At hayaan na naman ang puso ko sa mabilis na pagtibok.

"I'm going to kiss you. Is it okay?" tanong nya at kahit na nakapikit ako ay alam kong nag aalangan ang mukha nya.

Tumango ako. "Gusto ko yan, Sir."

Mahina syang tumawa at nang tumigil ay kinabahan ako. Ilang segundo lang ang binilang ko bago naramdaman ang mga labi nya sa mga labi ko.

Parang biglang nagkaroon ng fireworks sa paligid ko. Kung kanina ay ang lungkot lungkot ko, ngayon naman ay hindi na maarok ang kasiyahan ko.

Pinagparte ko ang mga labi ko para maipagitan ang mga labi nya doon. Nagulat ako nang gumalaw ang mga labi nya at inanggulo pa ang ulo para mas mahalikan ako ng husto.

Napatigil ako. Humiwalay si Sir Creed sa akin para tignan kung anong problema ko pero pinagdikit nya naman ang mga ilong namin.

"Bakit?" tanong nyang halos bulong na lang.

"Paano humalik, Sir?" natawa sya sa tanong ko.

"Sundan mo lang ang mga galaw ng labi ko." sabi nya at muli akong inatake ng halik.

Sinipsip nya ulit ang mga labi ko at pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg nya dahil nanghihina na ang mga tuhod ko. Sinubukan kong gayahin ang galaw ng mga labi nya at napadaing ako nang binuhat ako ni Sir Creed para paupuin sa counter top.

Hinawakan nya ang isang panga ko at kumapit doon para mas palalimin ang halikan namin. Napapasinghap ako sa tuwing bumubukas ang bibig ko para ipagitan ang mga labi nya sa sakin.

"Sir..." tawag ko sa kanya dahil may kailangan na naman ako. Pero hindi nya tinigilan ang labi ko at sumipsip pa doon.

"Hmm?" sagot nya at hinihingal na talaga ako. Hindi makasagot dahil sa mga labi naming magkadikit.

"P-pwedeng..." napasinghap ako nang kagatin nya ang labi ko. "Pwedeng pa-kagat, Sir?"

Napatigil sya at saka lang humiwalay sa akin. Tinitigan ako pero bigla din namang napangisi.

Ang kamay nyang nasa panga ko ay hinawakan ang baba ko para pagpartehin ang mga labi ko. Pagkatapos ay hinalikan nya ang ibabaw kong labi kaya ang pang ibaba nyang labi ang nakapagitan sa mga labi ko.

"Go ahead and bite my lips, baby."

Sinipsip ko muna iyon bago marahang kinagat. Natatakot akong baka masaktan ko sya at nang dumaing sya ay halos mapahiwalay pa ako sa kanya. Pero inilagay nya ang isang kamay sa likod ng ulo ko at mas pinaglapat pa ang mga labi namin.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Ginaya ang ginagawa nya sa pang ibabaw na labi ko. Sinipsip ko ang labi nya, marahang kakagatin at papadaanan ng dila. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang ginagawa ko iyon.

Mas masarap nga kapag may kagatan.

Naghiwalay ang mga labi namin at natuwa ako sa pamumula ng mga labi nya. Mahina syang tumawa at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Damn it, baby. Mas lalo lang akong nababaliw sayo."

Continue Reading

You'll Also Like

602K 41.5K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1.8M 88.1K 37
TEACH SERIES #5: π“πžπšπœπ‘ 𝐌𝐞 π“πšπœπžπ§ππš Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass j...
27.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
2.6M 3.2K 1
He knows her need. He knows her past. He knows her desire. He knows her limit. She is his obsession. _________________ Genre: Adult Romance Start...