Chess Pieces #1: Creed Cervan...

Oleh HiroYuu101

15.5M 540K 270K

Archer The beast who's acting like a guardian angel. Lebih Banyak

Archer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter - The Beast

Chapter 24

268K 11K 4.3K
Oleh HiroYuu101

Final exam week na! Halos dumugo na ang utak at ang ilong ko dahil sa kaka-review. Pinilipit kong ipasok ang mga impormasyon sa loob ng bungo ko. Sana ay mag-stay lang sila doon at hindi ako iwanan sa oras na kailanganin ko sila. Nire-refresh ko lang naman din ang mga iyon sa utak ko. Natatabunan kasi ng mga bagong impormasyon na nalalaman ko.

Magdidiwang na sana ako dahil ang akala ko ay ito na ang huling exam na sasagutan ko pero naalala ko nga pala na may bar exam ko. Grabe! Baka sumabog na ang utak ko kapag nag-review ako para doon dahil iyon ang pinaka-importante sa lahat! At gusto ko din na makapasok sa mga topnotchers sana kaya lang ay alam ko naman na may mas matatalino pa sa akin.

Sa dalawa pang mga gabi na magkatawagan kami ni Sir Creed ay naka-video call na palagi. Nagre-review kasi ako habang sya ay pinapanood lang ako at ang mga kaibigan nya naman ay nag uusap-usap tungkol sa mga misyon-misyon na hindi ko maintindihan at wala akong balak na intindihin.

Monday evening nang sabihin sa akin ni Sir Creed na hindi sya makakatawag sa tuesday dahil pabalik na daw sya noon sa Pilipinas. Ibig sabihin ay isang araw ko syang hindi makakausap. Pero ayos lang. Makikita ko na rin naman sya kinabukasan.

Kaya nang mag-wednesday ay sobrang excited ako. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng ganitong excitement sa buong buhay ko!

Napaaga pa nga ako ng pagpunta sa karinderya ni Aling Perla. Baka sabihin pa ni Sir Creed na sobrang excited akong makita sya, na totoo naman. Pero dapat ay hindi ko masyadong ipahalata dahil baka asarin nya lang ako.

Dalagang Pilipina dapat. Maria pa naman ang pangalan ko. Hindi maganda kung masyado akong maharot.

Kaya ang tuwa at excitement na nararamdaman ko ay isinaisip at isinapuso ko na lang. Ako na lang ang makakaalam noon. Kunwari ay normal lang pero sa loob-loob ko ay sobra na akong nagwawala lalo na nang makalabas ako ng gate ng apartment at tumawid.

Ilang sandali na lang ay makikita ko na si Sir Creed! Makikita ko na ulit ang mga ngiti nya. Maririnig ko na ulit ang boses nya sa personal! Makikita ko na ulit ang pangisi nya. Maaamoy ko na ulit ang pabango nya. Makikita ko na ulit—

Makikita ko na magkasama sila ni Ma'am Lauris at masayang nagkukwentuhan.

Nanlumo ako sa nakita. Bumagsak ang dalawang mga balikat ko at gusto ko na lang na bumalik na sa apartment.

Bakit ganito? Bakit sila magkasama? Bakit sila nag-uusap na parang may sarili silang mundo? Bakit nakangiti si Sir Creed na parang ang saya-saya nya habang kausap si Ma'am Lauris at hindi ako?

Akala ko ba ay nami-miss nya ako? Akala ko ba ay ako ang gusto nyang makasama? Pero bakit nakaupo si Ma'am Lauris sa madalas kong inuupuan?!

Saan na ako lulugar ngayon?

Hindi ko alam kung ihahakbang ko paabante o paatras ang mga paa ko. Ang sakit na lumukob sa dibdib ko ay hindi ko napaghandaan. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Masakit. Nakaka sikip ng baga sa paghinga.

Pero dahil gutom ako ay humakbang ako paabante. Gusto kong kumain bago ako mag-exam. Mahirap pa naman magsagot nang walang laman ang tyan. Baka maging hangin din ang laman ng utak ko mamaya.

At gusto ko rin talagang makausap si Sir Creed. Kaya lang... gusto rin kaya nyang makausap ako?

May isang bakanteng upuan akong nakita sa tabi ni Sir Creed. Hindi pa rin nila ako napapansin kaya sa sobrang sama ng loob ko ay doon ako umupo sa katabing table nila. Pareho silang napatingin sa akin dahil maingay ang paghila ko ng upuan.

"Maria! You're here!" maligaya pang sabi ni Sir Creed. Bakit, Sir? Gusto mo bang picture ko lang 'to? "Good morning!"

Binalingan ko sya at nagpilit na ngumiti. "Good morning, Sir. Good morning din po sa inyo, Ma'am Lauris."

Ngumiti pabalik sa akin ang babaeng professor. Inilagay ko na ang bag ko sa upuan at nakita kong natigilan si Sir Creed at napatitig doon. Nang mag angat ng tingin ay may nagtatakang ekspresiyon sa akin.

Hindi ko sya pinansin at muling tumayo para mag order ng makakain ko. Gusto ko sanang iwasan ang dalawa kaya lang ay tsismosa nga pala si Aling Perla at dinaldal pa ako pagkatapos kong mag order.

"Kanina pa si Sir Creed dito. Pagbukas ko pa lang. Nakita sya ni Ma'am Lauris at hayun, hindi na matigil sa kwentuhan ang dalawa." kinikilig pang sabi nya. "Bagay na bagay sila, no?"

Ah... Bagay din po siguro sa inyo kung tatahiin na lang 'yang bibig nyo.

Mag isa akong umupo sa table ko at inilabas ang reviewer ko. Pero wala naman akong naintindihan doon dahil naririnig ko ang nakakairitang boses ni Ma'am Lauris.

"I've been to Italy before just to unwind. Pero hindi ko alam kung anong magandang puntahan kaya nasayang lang ang pagpunta. I hope you can tour me around there next time?"

Yung pagtaas yata ng isang kilay ko ay umabot na sa bumbunan ko. Grabe ka, Ma'am Lauris. 'Di kita kinakaya.

"Uhm..." dinig ko ang pag aalinlangan sa boses ni Sir Creed. Ramdam ko ang pagsulyap pa nya sa akin pero hindi ko talaga sya tinignan.

Miss mo ako? Ako ang gusto mong kasama? Ang saya-saya mo nga kanina habang kausap si Ma'am Lauris, eh! Edi wow.

"I'm not sure if I'll go back there." sabi ni Sir Creed.

"It's okay! Just tell me when's your free time and we'll set a date. What do you think?"

Ang akala ko ay mahinhin si Ma'am Lauris pero mas maharot pa pala sa akin. Grabe kung magbigay ng motibo. Walang pakundangan.

"Uhh... Okay?"

Napahigpit ang hawak ko sa reviewer ko. Halos mapunit na nga!

Anong 'okay' ang sinasabi ng hayok sa lumpiang lalaking 'to? Sasamahan nya talaga si Ma'am Lauris sa Italy?! Ipapasyal nya talaga?!

Wow! Titigil na daw sa pambababae, ha? Wow talaga!

"Really? That's great! Just tell me when's your free time para makapag-book agad ako for our flight." sabi ni Ma'am Lauris na halata ang kaligayahan sa tono.

"Eat first, Maria."

Naibaba ko tuloy ang punit kong reviewer nang marinig ang sinabi ni Sir Creed. Nakatingin sya sa akin at doon ko lang napansin ang pagkain sa harapan ko.

Ay... Na-serve na pala.

"Ganyan talaga si Fatima, Attorney. Running for cum laude kasi and finals week na ngayon." sabi ni Ma'am Lauris at nginitian ako bago muling binalingan si Sir Creed na parang hindi ako importante. "You know that, right?"

"Yeah..." sagot sa kanya ni Sir Creed pero sa akin pa rin sya nakatingin. Bumuntong hininga ako at ibinaba ang reviewer. Alam kong hindi sya titigil hangga't hindi ko ginagawa ang gusto nya.

Nagsimula na rin syang kumain nang kumain na ako.

Si Ma'am Lauris ay dinadaldal pa rin si Sir Creed kahit sa gitna ng pagkain. Mukhang hindi yata sya nauubusan ng kwento nya. Pigil na pigil ang mga mata kong umirap kapag naririnig ko ang mahinhin nyang tawa.

Hihihi daw? Sus! Arte!

Wala naman talaga akong galit para kay Ma'am Lauris pero naiinis lang talaga ako sa kanya ngayon. Ako dapat kasi yung nasa pwesto nya.

"You done?" tanong ni Sir Creed sa akin nang matapos ako. Tumango ako sa kanya at tumayo na. Gumaya sya sa akin.

"Oh, papasok na kayo? Sasabay ako, ha?" pag iimbita ni Ma'am Lauris sa sarili nya. Edi syempre, di na kami makakatanggi!

"We'll just walk." sabi ni Sir Creed at alam kong gusto nya nang paalisin ang babaeng professor pero pinipigilan nya lang ang maging bastos.

"It's okay! I have two feet naman." sabi ni Ma'am Lauris at tinignan ang flats nya. Bumaba din doon ang tingin ni Sir Creed at napairap na talaga ako!

Naka-pencil skirt kasi si Ma'am na may slit sa gilid kaya kita pa rin ang mapuputi nyang legs!

Sa sobrang bwisit ko ay inunahan ko na sila sa paglabas ng karinderya. Nagmamadali namang sumunod sa akin si Sir Creed na parang gusto akong sabayan sa paglalakad pero nandoon na naman si Ma'am Lauris para umepal.

Kakainis! Kanina lang ay excited na ako dahil makakasama ko na naman ang gwapo kong professor. Pero lintek at may umepal! Inagawan ako ng pwesto! Hanggang usapan at pagpapakilig na nga lang ang ginagawa nya sa akin pero naagawan pa ako! At ito namang si Sir Creed, walang ginagawa at nakikipag usap pa talaga kay Ma'am Lauris!

Ang saya-saya ko kanina pero ngayon ay sirang sira na ang araw ko!

Nauuna akong maglakad at silang dalawa ay nasa likuran ko lang. Naririnig ko ang mga pinagkukwento ni Ma'am Lauris at ang mga matitipid na sagot ni Sir Creed sa kanya.

Huwag na nya kasing pansinin!

Naiirita din talaga ako sa pagtawa ni Ma'am Lauris na animo'y isang dalagang Pilipina. Ako dapat ang magpapaka-dalagang Pilipina, eh. Maria ako, eh. Pero bwisit at mas gusto ko yatang magpaka-Sisa ngayon sa sobrang pagsisikip ng dibdib ko!

Binilisan ko na lang ang paglalakad ko para maiwasan silang dalawa. Magre-review na lang ako at baka wala pa akong maisagot mamaya sa sobrang sama ng loob ko.

Halos mapapalakpak naman ako nang makakita ng pamilyar na bulto na naglalakad. May maganda na akong dahilan para maiwasan ang dalawang nasa likod ko!

"Lionel!" mabilis kong tawag sa kanya kaya napatigil sya sa paglalakad at lumingon sa kung nasaan ako. Hinintay nya akong makalapit sa kanya. "Sabay na tayo."

Nakakunot ang noo nya sa akin pagkatapos ay lumingon sa likod ko. Ayokong tumingin doon. Natatakot ako na baka kung ano pa ang makita ko.

Napabuntong-hininga si Lionel nang binalingan ako. "Kaya ka pala nandito sa akin ngayon." sabi nya na kinagulo ng utak ko. Bakit ba ang dami yatang nagpapagulo sa isip ko ngayon? May exam pa ako mamaya! Pwede bang i-delay muna?!

"Huh?"

Umiling sya sa pagtataka ko at marahan akong hinawakan sa braso. "Wala. Tara na."

Tumango ako at nagsimula nang maglakad. Talagang hindi ako lumingon sa likod hanggang sa makarating kami ng classroom namin.

Bahala sya dyan. Di ko talaga sya papansinin. Ang aga-aga pero pinasama nya ang loob ko.

"Sir! Na-miss ka namin!"

Iyon ang bungad ng mga kaklase ko sa kanya nang makapasok si Sir Creed sa room namin. Hindi ako nag angat ng tingin mula sa pagkakayukyok dito sa reviewer ko.

Ayoko talaga syang tignan. Ayoko syang pansinin. Masama talaga ang loob ko sa kanya. Excited kasi akong makita sya pero ganoon ang bubungad sa akin sa karinderya?

Siniko ako ni Jezel pero hindi ko din sya pinansin. Wala ako sa mood para sa nga pang-aasar nya.

"Fatima? Nandyan na si Sir Creed, oh. Panay ang sulyap sayo." bulong pa ni Jezel pero di ko talaga pinansin.

"How's final exam as of the moment?" dinig kong tanong nya sa buong klase. Nagsimula na namang magbigay ng kanya-kanyang sagot ang mga kaklase ko kaya umingay na naman.

"Nakakadugo ng utak, Sir!"

"Sir, Ubos na ang lakas ko. Need ko na yata ng CPR mo."

Nagtawanan ang buong klase sa komentong iyon. Pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa reviewer ko. Medyo wala pa nga akong maintindihan doon dahil sa ingay ng mga kaklase ko.

Hindi ko akalain na sa isang babae lang ay magkakaganito na ako. Paano pa kaya sa mga susunod? Alam ko kung gaano kagwapo si Sir Creed. Kaya nga sya maraming flings, eh. At alam ko na marami din ang naghahabol sa kanya.

Siguro ay kung dati ko pang nakilala si Sir ay baka namatay na ako sa sobrang sama ng loob dahil sa dami ng mga babae nya.

"Ayos lang 'yan, class." pagsasalita ni Sir Creed kaya medyo humupa ang ingay ng klase. "This is your final exam. Kapag naipasa nyo ito, then graduation na."

Napa-"aww" ang mga kaklase ko pagkarinig ng salitang graduation. Ilang linggo na lang kaming magkakasama-sama. Kahit na hindi ko ka-close yung iba at bilang na bilang lang ang mga pag-uusap sa loob ng apat na taon ay mami-miss ko talaga ang buong klase namin. Lalo na kapag nagtutulungan kami sa mga activity na ginagawa namin as a whole class.

"Sir, tour ulit tayo! Hindi ka naman nakisali sa amin 'nung nasa Pangasinan tayo, eh!" reklamo ng isa.

Paano po kasi, hinahanda nya yung surprise nya sa akin sa secret base namin. Sinabi nya iyon mismo sa akin. Na naging abala sya para doon. Sinuyod nya pa nga raw ang buong Pangasinan para makahanap ng mga fairy lights.

Kinikilig talaga ako kapag naaalala ko iyon. Pero dahil galit ako ay magtatampo na muna ako.

"Speaking of Pangasinan, you haven't submitted your group written report for that. I need that class. Para may pagbabasehan ako sa mga grades na ibibigay ko."

"Nasa akin na ang lahat ng report nila, Sir." sabi ni Bobby at nakita ko ang paghanga ni Sir Creed para sa kanya. Tama kami ng napili as our class president. Sobrang responsable kasi talaga ni Bobby.

"That's good." dinig kong komento ni Sir Creed. "Maria..."

Narinig ko pa ang paglagutok ng mga ulo ng mga kaklase ko nang lumingon sila sa akin. Pero hindi talaga ako nag angat ng tingin. Dedma lang. Kunwari ay hindi ko narinig.

"Maria." may diin at medyo may kalakasang tawag na sa akin ni Sir Creed.

No choice. Tumingin ako sa kanya.

Nasalubong ko ang mga tingin ni Sir Creed sa akin na mukhang nag iingat sa mga reaksiyon ko. Pinigilan ko ang sarili ko na maapektuhan sa nakikitang kagwapuhan nya.

Bakit parang mas lalo yata syang gumwapo? Nagpunta lang sya ng Italy, ah?

"Bakit, Sir?" tanong ko sa matigas na tono. Sana ay malaman nyang masama ang loob ko para sa kanya.

"Bring the group written report to the faculty after my class." sabi nya at muli akong tinitigan.

At ano? Para makita ko na sa faculty room naman sila maghaharutan ni Ma'am Lauris? Huwag na, uy!

"Bobby." tawag ko sa president namin na hindi pa rin talaga kinakausap si Sir Creed.

"Yes?"

"Pwedeng ikaw na lang ang magdala sa faculty? Hindi pa kasi talaga ako nakakapag-review sa Taxation, eh."

Syempre ay nagsinungaling ako. Naka-review na ako para sa lahat ng mga subjects at nire-refresh ko na lang talaga kaya nagdudugo na ang utak ko.

Nakita ko ang matalim na tingin sa akin ni Sir Creed na parang sinasabing ako lang ang dapat na magdala noon. Inirapan ko sya at muling tumingin sa reviewer ko.

Pinasama mo ang loob ko kaya manigas ka dyan!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

5.1M 144K 64
[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pag...
1.2M 33.9K 61
Story of an Unexpected Love of Ericson Jyn Jacobs and Fallon Teresse Masambique. How can a simple power trip lead to something romantic?
558K 40K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
12.1K 285 6
SHORTSTORY|TRAGIC|COMPLETED Can you save others as you save yourself at the same time? STARTED: 03/25/21 ENDED: 03/25/21