Chess Pieces #1: Creed Cervan...

By HiroYuu101

15.5M 541K 270K

Archer The beast who's acting like a guardian angel. More

Archer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter - The Beast

Chapter 23

273K 10.9K 7.9K
By HiroYuu101

Nagpadala ulit ng one hundred thousand pesos ang benefactor ko at hindi ko na alam kung anong gagawin sa ganoong karaming pera. Yung last na padala nya ay hindi pa nga nauubos at meron pang natira tapos heto na naman. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip.

Ang akala ko ay isang beses lang magpapadala ng ganoong kalaking halaga ang benefactor ko. Naisip ko na alam nyang malapit na ang graduation at marami-rami ang binabayaran ko kaya sya nagpadala ng malaki. Pero ngayon ay ganito na naman ang pinadala nya.

Bakit? Kung dati naman ay thirty thousand bawat buwan ang padala nya pero sobrang laki na talaga ngayon! Naka-bayad na ako ng graduation ko fee ko at sa lahat ng mga utang ko kaya hindi ko na kailangan ang ganitong kalaking halaga!

Nakokonsensya talaga ako. Feeling ko ay naghihirap na ang benefactor ko dahil sa akin. Hindi na naman nya ako kailangan padalhan dahil pagkatapos nito ay magkakapag-trabaho na ako. Kaya ko nang suportahan ang sarili ko.

Nakakabobo pala ang maraming pera. Akala ko ay mawawalan na ako ng problema kapag nagka-pera ako ng malaki pero mali pala. Siguro nga ay hindi talaga nauubusan ng problema ang mga tao. Pagkatapos ma-solve ng isang problema ay may dadating na naman.

Nakakapagod maging tao. Ang sarap maging halaman na lang.

"Sir, pahingi ulit ng hoodie mo." walang hiya kong sabi sa kanya nang pangatlong gabi na kaming magkatawagan. Ewan ko ba. Sanay na sanay na talaga ako sa kanya at nasasabi ko na ang mga gusto kong sabihin na walang hiyang nararamdaman.

Kulang na kulang kasi ang isang hoodie para sa pantulog ko. Kagabi nga ay hindi iyon ang sinuot ko dahil kailangan ko pang labhan kaya ngayong gabi ko na lang ulit naisuot. Isa pa, baka lumuma agad ang hoodie nya kung palagi kong nilalabhan.

"I can buy you a lot of hoodie if you want." alok ni Sir Creed at agad akong tumanggi. Di nya naiintindihan ang gusto ko, eh.

"Ayoko, Sir. Gusto ko yung suot mo. O kaya yung nasuot mo na."

Imported syang nagmura at pinakinggan ko lang iyon. Kung dati ay hindi ako sanay kapag nakakarinig ako ng mga taong nagmumura. Feeling ko kasi ay nagkakasala din ang tenga ko. Pero si Sir Creed, ang hot nya kasing magmura. Yung iba ay tunog lasing na tambay kapag namumura pero sya ay parang mas nagiging gwapo pa.

"Bakit?"

May nadinig akong ibang boses ng lalaki sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko. May kasama sya? Nasaan ba sya?

"Self-control, fucker." sabi pa ulit nung bagong boses.

"May kasama ka?" hindi na napigilan kong tanong. At base sa nauna kong narinig ay pinoy din yata ang kasama nya.

"Yeah. I'm here in Hunter's pad in Italy." sagot ni Sir Creed sa kabilang linya. Bago pa ako makapagsalita ay may bagong boses na naman akong narinig.

"Mission accomplished!" lalaki ulit. At parang pamilyar pa nga sa akin ang boses na iyon. "Oy, sino yan? Babae mo?" may mga yabag akong narinig at nang muli syang magsalita ay malakas na iyon. Mukhang lumapit ang bagong dating kay Sir Creed. "May ibang babae si Creed dito! Niloloko ka lang nya!"

Napapikit ako sa lakas ng boses nya. Mukha syang sumigaw kahit na malapit lang ang phone sa kanya. Pakiramdam ko ay natanggal ang lahat ng tutuli ko sa loob ng tenga sa lakas ng sigaw nya! Nahilo pa ko!

Nakarinig ako ng ilang mga kalabog sa kabilang linya. Wala sa sariling inalis ko ang cellphone sa tenga ko at tinignan ang screen noon. Ten minutes na kaming magkatawagan at ngayon ko lang nalaman na may mga kasama pala sya.

"Shut up, fucker!" dinig ko ang malutong na mura ni Sir Creed nang ibinalik ko sa tenga ang cellphone. Pagkatapos ay may kumalabog na naman.

"Nasa kwarto nya mga babae— Ow!" dinig kong daing nung lalaking sumigaw kanina.

Napakamot ako sa ulo ko. Mukha silang nagbibiruan na ewan. Naalala ko na hindi ko nga pala alam kung ano ang dahilan kung bakit nagpunta si Sir Creed sa Italy. Ayokong magtanong. Natatakot akong malaman ang iniisip kong isasagot nya.

At ngayong naungkat ang isiping iyon dahil sa kasama nya sa Italy ay nanlumo ako. Paano nga kung totoong may babae sya doon sa Italy? Marami syang naka-fling noong hindi pa kami magkakilala. Inamin nya mismo yun. At hindi malabong ulitin nya ulit.

Pero ang sabi nya ay titigil na sya.

"Sir, may babae ka dyan?" hindi ko naitago ang pait sa boses ko. Ano ba yan?! Kunwari nga chill lang, eh. Kunwari hindi ako naaapektuhan.

Pero ang sakit kasi, eh. Hindi ko kayang balewain. Ano yung mga pinapakita nya sa akin kung ganoon? Papakiligin lang pala ako tapos wala lang? Kainis! Ako naman 'tong buang na kilig na kilig.

Hala... Naiiyak tuloy ako.

"What? No! Wala!" sigaw ni Sir Creed sa akin. Napalabi ko. Namumuo na yung mga luha sa mga mata ko.

"Okay lang naman, Sir. Buhay mo naman yan." matamlay ko pang sabi. Maingay na suminghap si Sir Creed sa kabilang linya at ang sunod kong nadinig ay ang galit nyang boses.

"You, fucker! Bawiin mo ang sinabi mo! Naniwala si Maria!" galit nyang sabi na sa tingin ko ay ang kaninang lalaki ang kausap nya ngayon.

"Bakit ko babawiin? Totoo naman." sagot ng lalaki at tumawa ng malakas.

"Fuck—"

Ang sunod ko nang narinig ay ang dial tone. Binaba na nya yung tawag!

Mas lalo akong nanlumo. Yung mga luha ko ay gusto na talagang bumagsak! Hala! Ang sakit talaga ng dibdib ko. Yung puso ko, parang may kamay na nakahawak at pinipiga!

Dahan-dahan naman. Hindi ako ready sa ganitong heartache!

Ang hirap kasi ay umasa ako. Nakaramdam ako ng kilig dahil gusto ko na din sya. Sya lang kasi ang nagpakita sa akin ng lahat ng mga pinakita nya. Sya lang ang nagparamdam sa akin ng lahat ng mga pinaramdam nya. Nakalimutan kong hindi nga pala dapat akong umasa. Marami syang naging babae sa buhay nya. At siguro, gusto nyang maging isa ako sa mga iyon.

Kasalanan ko naman, eh. Nakipaglapit ako sa kanya para mabigyan ng hustisya ang pamilya ko. Nakipaglapit ako sa kanya para malaman ang buo nyang pagkatao. Nakipaglapit ako sa kanya para maghanap ng mga bagay na pwede kong magamit laban sa kanya.

Ito na siguro ang karma ko. Dapat na siguro akong mag-stick sa plano ko. Dapat ko na sigurong itigil ang nararamdaman ko.

Mama, Papa, Kuya... Ito na ba ang paraan nyo para sabihin na huwag ko kayong talikuran?

Natigil ang pagdadrama ko nang tumunog ang cellphone ko para sa isang video call! Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang tumatawag.

Si Sir Creed!

Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga at tinignan ang itsura ko sa salamin. Okay. Maayos naman ang mukha ko. Pero mas maganda siguro kung lagyan ko ng kulay ang mga labi ko?

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Bwisit! Parang kanina lang ay nagda-drama pa ako, ah? Pero nang makita ko syang nagre-request ng video call ay nakalimutan ko na ang sakit na naramdaman ko kanina! Makikita ko na ulit sya kahit sa cellphone man lang!

Ano nga ulit 'yon, Maria? Kakalimutan mo na ang nararamdaman mo sa kanya? Patawa ka, payaso ka!

Sinagot ko ang tawag nya. Napasinghap ako nang bumungad sa akin ang gwapo nyang mukha pero narinig ko ang isang malakas na tawa ng lalaki sa background.

"Pussy whipped!" sigaw pa ng lalaki at tumawa na naman.

"Shut up, fucker!" binalingan ni Sir Creed ang lalaking nasa likod nya kaya napatingin din ako doon.

Pamilyar nga yung lalaki! Sure ako na nakita ko na sya sa kung saan! Nang mapatingin din ang lalaki sa akin ay nanlaki ang mga mata nya. Lumapit sya at saka ko naalala kung saan ko nga sya nakita.

"Eco-bag girl?" naninigurado nyang tanong nang makalapit sa cellphone ni Sir Creed. Nakita ko ang kamay ng professor ko na itinulak ang mukha nya palayo sa cellphone.

"Back off, fucker!"

"Sya 'yon, diba? Si eco-bag girl?" tanong nya kay Sir Creed habang itinuturo ako. Hindi sya sinagot ni Sir at nag-"tsk" lang. Ako na tuloy ang nagsalita. Bastos, eh.

"Ako nga po. Ikaw po si Lucius, diba?" nakangiti kong tanong. Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Lucius na parang namangha pa na nakakapagsalita pala ako.

Sya yung lalaking maangas na nakita ko sa mall na kasama ni Sir Creed. Kumikinang ang stud earrings nya sa tenga kapag natatamaan iyon ng liwanang.

"Ikaw nga!" sabi nya at tumawa ng sobrang lakas. Hinampas nya ang likod ni Sir Creed ng paulit-ulit. "Gago! Akala ko ba estudyante mo lang?"

"Oh? Sinabi nyang estudyante nya lang?" natatawang sabi nung isa pang boses kanina. Binalingan iyon ni Lucius.

"Oo!" tatawa tawang sabi nya. "Sabi na, eh. Yung ningning ng mga mata nya habang kausap si Eco-bag girl ay iba!"

"Tantanan nyo ko, mga gago!" inis na sabi ni Sir Creed at nagtawanan ang dalawa nyang mga kasama.

"Anong meron?" dinig kong tanong ng panibagong boses ng lalaki. Hala? Ang dami nya palang kasama?

"Shielder, boy. Come here." dinig kong sabi ni Lucius.

"Hey!" daing ni Sir Creed nang may umagaw sa kanya ng cellphone nya.

Nahilo yata ko nang maging magulo ang nakikita ko sa screen ng cellphone ko. Ang kukulit nila! Nag aagawan pa yata sila sa cellphone!

Umalis ako sa kama at pumunta sa may dining table para doon ako umupo. Nangangalay na ang kamay ko eh. Naghanap ako ng pwedeng masasandalan ng cellphone ko para hindi ko na iyon hawakan. Nang makahanap ay inayos ko iyon para makita ang kabuuan ko.

Para alam ni Sir Creed na suot ko ulit ang hoodie nya!

Nang maging maayos ang view nila sa kabilang linya ay nabungaran ko ang mukha ng isang lalaking may kulay abong mga mata. At lintek! Ang gwapo din ng isang 'to! May makakapal na kilay at mayroon doong dalawang magkatabing hiwa na parang nakuha nya sa pakikipag-away. Eyebrows slit yata ang tawag doon. Matangos ang ilong at mapupulang mga labi. Gwapo sya pero mukha syang bully noong highschool pa lang sya.

"Woah... What a beauty." sabi nya habang titig na titig sa akin. May tinignan sya at nakita ko ang pag-iiba ng background. "Kuya, kuya! Ito ba 'yon? Yung babae ni Kuya Archer?"

Ang sunod ko ng nakita ay isang lalaki na may pagkakahawig doon sa nauna. Sa tingin ko nga ay magkapatid pa sila! Parehong pareho kasi ang mga mata nila. Pero ang pinagkaiba lang ay mas mukhang barumbado ang kaharap ko ngayon.

Ilang sandali lang syang tumitig sa akin at binalingan na ang laptop nya. "Yeah..." maikli nyang sagot.

"Hi! I'm Gray. 'Yung kanina ay si Hunter. He's my brother." pakilala ni Gray nang muli syang magpakita sa screen ng phone ni Sir Creed.

Oh... Sabi na, eh. Magkahawig kasi sila!

Muling gumalaw ang screen. Mukhang naglalakad si Gray. Nang umayos ay may panibagong mukha akong nakita.

"And this is Maximilian Elias. You can call him L." pakilala ni Gray sa lalaking iyon na hindi man lang ako sinulyapan. Katulad ni Hunter ay nakatitig sya sa laptop nya. Pero kahit hindi ko makita ng tuluyan ang mukha nya ay nasisiguro kong gwapo din si L.

Kaibigan sya ni Sir Creed, eh. Malamang gwapo din sya.

"Give me back my phone, fucker!" boses na naman iyon ni Sir Creed at muling nagulo ang nakikita ko sa screen. Mukhang inagaw nya ang cellphone nya kay Gray na malakas na tumawa.

"I'm not one of your fuckers squad, Kuya Archer."

Hindi sya pinansin ni Sir Creed at hinarap na ang cellphone nya. Ang dami kong nakitang gwapong mukha kanina pero mas gusto ko pa rin ang gwapong mukha ng professor ko. Nakita ko ang nag aalalang tingin nya sa akin.

"Are you okay?" tanong pa nya at nakarinig ako ng mga halakhakan sa background.

"Hoy! Hindi ko 'yan inaway, ah?" natatawang sabi ni Gray.

"Pussy whipped." dinig kong sabi ni Hunter.

"Fuckers! V should see how pussy whipped he is." sabi ni Lucius pero muling nagsalita si Gray.

"May bagong boytoy 'yun, eh."

"Oh?"

"It's Kier." pagsabat ni L na kanina pa hindi nagsasalita.

"Huh? Yung pawn?" gulong gulong tanong ni Lucius.

"V didn't know that he's a pawn and also a member of El Ordre." sabi ni Hunter na hindi inaalis ang tingin sa laptop.

Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. Basta nakatitig lang ako kay Sir Creed na nakatingin lang din sa akin. Hindi na naalis ang mga mata nya sa akin kanina pa. Mukha nga syang walang pakialam sa kung anong pinag-uusapan ng mga tao sa paligid nya.

At yung puso ko ay parang gusto na namang kumawala sa loob ng rib cage ko sa sobrang bilis ng pagtibok noon.

"Well, V doesn't know that she's a part of bloody human chess game, either." komento pa ni Lucius. "Sabagay. Hindi pa rin naman sila nagkakasama sa mission ni Kier kaya hindi sila magkakilala."

"He's under Fourth, right?"

"Hayaan nyo na si V. Mukhang hulog na nga din kay Kier."

"L, ayos ka lang?" natatawang tanong ni Hunter kay L na hindi na naman nagsalita.

"Shut up, asshole." may diing sabi ni L.

"Hoy, Archer! Tunaw na 'yang cellphone mo."

Nag igting ang mga panga ni Sir Creed dahil sa sinabi ni Lucius. Bumuntong hininga sya at gumalaw ang background. May narinig pa nga akong pagbukas ng sliding door. At bago nya iyon maisara ay narinig ko na naman ang pang aasar ni Lucius sa kanya.

"Tangina, magsosolo! Paano ka nakakapagpigil, fucker? Damit mo ang suot nya, diba?"

"Kinikiskis nya sa pader." boses ni Hunter ang narinig ko. Nagtawanan sila at saka pa lang naisara ni Sir Creed ang sliding door. Siguro ay nasa veranda na sya ngayon.

Hindi sya agad nagsalita at tinitigan lang ako. Batid kong sumandal sya sa railings ng veranda. Ang view nya sa likod ay yung malawak na hardin.

Ang sarap sigurong tumambay doon. May nakita akong iba't ibang mga bulaklak, eh. Gaano ba kayaman yung kaibigan nyang may-ari ng pad na 'yun?

Ah, mas mabuti siguro kung hindi ko na malaman. Baka mahimatay pa ako kapag nalaman ko.

Paano pala kung bilyonaryo yung Hunter? Hala! Nakakausap ako ng isang bilyonaryo at ang pangit-pangit ng itsura ko.

Hindi pa rin nagsasalita si Sir Creed at naiilang na ako sa pagtitig nya. Ang lalim kasi. Kahit nasa kabilang mundo sya ay damang dama ko ang intesidad ng mga mata nya!

"Ang gwapo ng mga kaibigan nyo, Sir."

Iyon ang bungad ko pero mukhang mali pa yata ang nasabi ko. Nag igting ang mga panga nya at alam kong galit na naman sya kaya mabilis kong dinugtungan.

"Pero mas gwapo ka, Sir." sabi ko. Gusto nya pa naman na sya ang pinaka-gwapo sa lahat. Pero totoo naman, eh. Mas nangingibabaw ang kagwapuhan nya kaysa sa mga lalaki kanina.

Bumuntong hininga sya. "Wala akong babae dito, Maria..."

Oh... Oo nga pala. Nakalimutan ko ang tungkol doon. Ang gugulo naman kasi ng mga kaibigan nya! Parang ngayon lang nakitaan si Sir Creed na may kausap na babae!

"Uhm... Ayos lang naman kung meron, Sir—"

"Baby..."

Napatigil ako sa pagsasalita dahil doon. Ayan na naman sya sa baby-baby na 'yan! Yung pagtatampo ko sa isiping may kasama syang babae doon ay biglang naglaho!

"I miss you so damn much. How can I have other woman when all I want is to be with you right now?"

Napalabi ako. Nag iinit na naman ang mukha ko sa mga sinasabi nya. Kainis, eh. Bawat salita nya ay may epekto sa akin. Gustong gusto ko na ba talaga sya?

Sana kiligin din sya sa akin. Ang daya kasi na ako lang ang nagkakaganito.

"Eh, Sir..." mukhang buang kong sabi. Itinakip ko ang sleeves ng hoodie nya sa bibig ko. Lagpas pa nga ang mga iyon sa kamay ko. Ang tangkad kasi talaga nya. Mahaba ang mga binti at braso nya. Lahat yata sa kanya ay mahaba.

"Believe me, baby..." malambing nyang sabi. At dahil kinikilig ako ay naniwala na ako sa kanya.

"Naniniwala ako, Sir. Pero okay lang talaga na magkaroon ka ng ibang babae—"

"It's not okay with me." naiinis nyang sabi at halos irapan pa nga ako.

Hala... Gusto ko lang naman sabihin na pwede nyang gawin yung mga ginagawa nya dati. Hindi ko sya pipigilan. Wala naman akong karapatan diba? Kahit naman pinapakilig nya ako ay wala pa rin akong pwesto sa buhay nya.

Ako pa rin yung batang muntik na nyang pinatay.

"Ayokong ayos lang sayo na may iba akong babae. Ayokong isipin mo na kapag hindi mo ako nakikita ay may babae na agad ako. I told you, didn't I? I'll stop being an asshole, now. I already stopped the moment I promised that to you."

Napatakip ako sa buong mukha ko. Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinasabi nya? Feeling ko ay totoo. Feeling ko ay ako na lang talaga ang pinapakilig nya ngayon.

"Don't hide your face. I want to see it, baby..."

Unti unti kong tinanggal ang mga kamay ko sa mukha ko. Grabe! Ang init init na talaga ng mukha ko! Natawa pa si Sir Creed kaya alam kong nakikita nya kung gaano ako kapula ngayon!

"Damn it, baby. You're making me miss you too much." sabi nya at kinagat ang pang ibabang labi nya. Napagaya ako at nakita kong namungay ang mga mata nya.

Gusto kong sabihin ang mga iyon sa kanya. Alam kong gusto nya rin ulit marinig iyon at hindi ko sya bibiguin.

"Miss na miss na rin kita, Sir..." mahina kong sabi pero alam kong nadinig nya naman. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kapula ang mga tenga nya!

"Fuck..." mura nya habang tinatago ang sarili sa screen ng phone nya kaya hindi ko na sya makita ng maayos.

"Hala, Sir! Nasaan ang mukha mo? Gusto ko ulit makita! Namumula yung mga tenga mo!" sunod sunod kong sabi. Kinakabahan ako pero natutuwa naman!

"I can't!" sigaw nya at muling nagmura.

"Madaya ka, Sir! Nahihiya ka, no? Kinikilig ka lang, eh!"

Malakas akong napatawa nang patayin nya ang video call! Ang lakas ng tawa ko at feeling ko ay nabulabog ko ang mga kapitbahay ko! Ang saya saya ko naman kasi! Parang kanina lang ay hinihiling ko pa na sana ay mapakilig ko din sya at hindi ko inaaasahan na mangyayari agad!

Ang cute-cute nya talaga, bwisit! Ang cute nyang kiligin! Ang sarap iuwi sa bahay!

Mas lalo tuloy akong naging excited na makabalik sya.

Hay, Sir Creed... Kinikilig talaga ako sayo.

Continue Reading

You'll Also Like

882K 21.4K 28
Zaccheus Wight Morozov is a good for nothing man. His world revolves around cars and car racing. He's not interested in anything aside from his twin...
8.5M 302K 53
L The hacker who loves the codes.
1.8M 88.1K 37
TEACH SERIES #5: 𝐓𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐌𝐞 𝐓𝐚𝐜𝐞𝐧𝐝𝐚 Crazy. That's what people think when they hear her name-Alice Alcaraz. For Alice, it's easy to pass j...
5M 322K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...