ANDY'S POV
"YANNA!!!!"
Nahimatay siya bigla.
Kasalanan ko ba talaga?
Lalapit na sana ako sa kanya pero agad akong hinarang ni Kenjie. "Ako na! 'wag mo siyang lalapitan. Gago ka!"
Hindi na ako pumalag, ayoko muna ng gulo, kaylangan madala si yanna sa ospital.
"Anong nangyaya----Kenjie, Anong nangyari kay Yanna?" tanong nung isang babae.
"I don't know, bigla na lang siyang nahimatay. I'll bring her to the hospital" after that, binuhat niya na si Yanna at itinakbo papunta sa kotse niya.
prinsesa, please, be safe..
Tutuparin pa natin yung promise natin sa isat-isa diba?
*note: play the vid. on the side
"Hihintayin mo pa ako di ba? Eto na oh, tutuparin ko na 'yung promise ko, bumalik na ako.."
napasandal ako sa punong nasa likod ko "Mahal na mahal kita, prinsesa."
"pero bakit ikaw? bakit hindi mo tinupad ang pangako mo? sabi mo hihintayin mo 'yung araw na papakasalan kita, pero bakit nagmahal ka na ng iba?"
masakit isipin na ako na lang ata 'yung tutupad sa pangako namin sa isat-isa.
sobrang sakit.
"Panyo oh?."
it was her, "Krissel?"
"Okay ka lang?"
"kanina ka pa dyan?" pang-iiwas ko sa tanong niya.
Ngumiti siya ng malungkot "Sabi ko na nga ba, pamilyar ka sakin."
napakunot ang noo ko "Anong ibig mong sabihin?"
hindi ko pa nakikita sa personal si Krissel noon, mahilig lang syang ikwento sakin ni Yanna kapag magkasama kami, minsan na rin niyang ipinakita sakin yung litrato nila ni Krissel.
KRISSEL'S POV
"Anong ibig mong sabihin?" he asked.
"Minsan ko ng nakita ang mukha mo sa isang litrato"
"huh? Saan mo na kita?"
"Sa kwarto ni Yanna"
*FLASHBACK
isang linggo din nag stay si Yanna sa ospital.
Matindi yung natamo niyang tama ng bato sa ulo na nag cause ng amnesia sakanya.
"Tito, didiretso na ho ba kayo sa bahay niyo?" I asked yanna's daddy.
"Dadaan muna kami ng simbahan."
"Gusto mo po bang ayusin ko na 'yung kwarto ni Yanna?"i volunteered.
"Inayos na 'yun ni manang, no need to worry."
"Alam ko po kasi 'yung mga bagay na makakapag-pabalik ng alaala niya."
that's true because matagal na kaming magkaibigan ni Yanna.
"Baka minamadali natin ang recovery niya, makakasama 'yun sakanya. Baka hindi niya kayanin"
"Ganun po ba? pero, pwede po bang pumunta ako sa bahay niyo ngayon?"
"Anong gagawin mo dun, iha?"
"Gusto ko lang po na sa pagdating ni Yanna sa bahay niyo, nandun ako kasi dun kami unang nagkita at naging magkaibigan kaya pinapanalangin ko na dun niya din ako maalala. Nagbabakasakali lang po."
Tito smiled. "Sige, salamat talaga krissel huh? Dahil mahal mo ang kaibigan mo."
"Naman tito! She's my bestfriend."
After ng conversation namin ni tito, dumiretso na ako sa bahay nila. Kilala naman ako ng mga katulong kaya pinapasok nila ako.
Agad akong dumiretso sa kwarto niya. Maayos na nga ito. Nalinis na siya ng mabuti.
Tanda ko pa nun nung una akong pumasok sa kwarto niya, ang pagsisimula ng pagkakaibigan namin.
Magkaibigan kasi ang mommy niya at mommy ko kaya bumisita kami nun sakanila nung 5 years old pa lang ako. At sa sobrang kakulitan ko,umakyat ako sa taas at pumasok sa kwartong may kulay pink na pintuan.
"Chinoo ka?" tanong sakin ng chubby na babae, pero ang kyut niya.
"Ako chi Krichel"
"Ano nigagawa mo dyito?"
"hindyi ko alam"
"Tara play tayo ng dolls ko"
"chige"
Simula nung araw na iyon, lagi na akong sumasama kay mommy pag pumupunta siya kila yanna.
I sighed. "Bilisan mo naman ang recovery mo, sana maalala mo agad ako, bessie."
Napatingin ako sa ibabaw ng bookshelf niya, andun yung doll na pinaglaruan namin nung mga bata pa lang kami.
Lumapit ako para kunin ito. Sa pagkuha ko sa manikang 'yun, napansin kong may isang litrato sa ilalim nito.
Si Yanna at isang lalake na hindi ko kilala. Sino kaya 'to?
"Krissel?"
Si tita. "Good morning po, tita"
Lumapit siya saakin at kinuha yung litrato sa kamay ko at agad itinapon sa basurahan. "hindi na dapat ito makita ni yanna"
"bakit naman po, tita?"
"Baka mas lalong lumala ang lagay ni yanna kapag bumalik pa sakanya yung alaala niya. Ayokong mabuhay siya sa takot." malungkot na sabi ni tita.
hindi na ako nakasagot, tama si tita.
Lumipas ang araw, buwan at mga taon pero hindi pa rin nakakaalala si Yanna, para saamin nila tita at tito, mabuti na 'yun para sakanya.
Pinalitan namin ng bagong mga alaala ang mapait na nakaraan ni yanna.
*end of flashback
ANDY'S POV
I wiped my tears. "that's why hindi niya ako maalala."
"Bakit hindi ka nagpakita o bumisita man lang ng mga oras na 'yun?"may halong galit na sabi niya.
"Kasi nung gabing din 'yun ang alis namin papuntang France, dun na kami titira kaya hindi ko nalaman ang tungkol sa nangyari, pinutol kasi namin ang komunikasyon sa pamilya nila, nabalitaan ko lang ang nangyari sakanya nung nakaraang taon."
"Pero bakit hindi mo sakanya sinabi nung gabing iyon na aalis na kayo? edi sana nag stay pa siya ng matagal, edi sana hindi na nangyari 'yun." ramdam ko ang galit at sakit na nararamdaman niya.
"Hindi ko sinabi kasimasasaktan siya, hindi ko kayang makita siyang nagkakaganun, pero mali ako, kasalanan ko 'to."paninisi ko sa sarili ko. Kung hindi ko lang sana siya hinayaan na umalis nung gabing yun edi sana hindi magkakaganito ang sitwasyon namin ngayon.
"Hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan. Sa ngayon, mukhang nakakaalala na siya."
I smiled fakely. "Sana, mahalin niya pa ako, kasi ako, mahal na mahal ko pa siya. Hindi nagbago 'yun.'
"Alam mo naman na may mahal na siyang iba diba?"
"Naguguluhan lang siya nun. Hindi niya kasi ako maalala, pero ngayon, ibabalik ko siya saakin."
"hindi mo siya pagmamay-ari!!"
I stood up. "Regardless what you'll say, ibabalik ko siya saakin."
KENJIE'S POV
"Kenjie, huminahon ka nga, maupo ka" sabi sakin ni ate cathy, kanina pa kasi ako palakad-lakad dito sa ospital.
"Ate Cathy, anong nangyari sakanya?" umupo ako. "mapapatay ko talaga 'yang si Andy e"
"Ano ba! Kumalma ka nga sabi e, wag mo 'yang daanin sa init ng ulo."
"Urghh!" nasuntok ko yung pader sa sobrang galit at inis ko.
Lumabas si Doc. "Excuse me, sino ang pamilya ng pasyente dito?."
"Boyfriend niya ako. Ano pong nangyari sa girlfriend ko?"
"Nasan ang kanyang pamilya?"
"Nasa ibang bansa po, pero kinontak ko na sila kanina, ano pong nangyari kay Yanna?" pagtatanong ko ulit.
"Hindi ko maaaring sabihin saiyo, dahil kaylangan ang pamil------"
"----Tita po ako ng pasyente dito, tumawag saakin ang mommy niya at sinabi ang nangyari, buti na lang at malapit lang ako dito, ano po ba ang nangyari kay yanna?"It was Yanyan's tita.
"Let's go to my office, ma'am" - doc
"Doc! Pwede ko na ho ba siyang makita?" I asked the doctor.
"Sige po sir."
Pagkasabi niya nun, agad akong pumasok sa loob. Hindi na pumasok si ate cathy dahil.
Bakit ang daming nakaturok sa kanya? Para saan yan?
Hinila ko 'yung upuan na malapit sa mesa at itinabi sa kamang kinahihigaan niya. "Yanyan ko, okay ka na ba? Ikaw huh? 'wag ka na ngang umarte diyan, tumayo ka na"
ramdam kong may namumuo ng luha sa mga mata ko. "Pinag-aalala mo naman ako e, tumayo ka na sabi diyan"
hinwakan ko ang kamay niya at sa paghawak kong ito tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. "Nahilo ka lang naman siguro e, baka kasi hindi ka nakakain ng maayos kaya ka nahimatay pero bakit ang dami ng kinabit na kung ano-anu sayo? Sa susunod kasi kumain ka ng maayos, ako mismo ang magluluto para sayo. Swerte mo ha, bayadan mo ako ng talent fee."
Hinaplos ko ang kanan niyang pisngi. "Gumising ka na, mamahalin pa kita."
Nakita kong may tubig na lumabas sa mata niya. "Wag kang umiyak yanyan ko, nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan" agad kong pinunasan ang mga luha niya.
Lumapit ako sa maganda niyang mukha. "Mahal talaga kita Johanna Marquez, walang halong pagpapanggap. Please, be safe." then i kissed her forehead.
- - -
*chapter revised