Chess Pieces #1: Creed Cervan...

By HiroYuu101

15.3M 537K 269K

Archer The beast who's acting like a guardian angel. More

Archer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Special Chapter - The Beast

Prologue

626K 15K 8.2K
By HiroYuu101

"Maria, takbo lang! Bilis!"

Halos panawan na ako ng ulirat sa sobrang pagod at hingal dahil kanina pa kami tumatakbo. Hindi ko na nga maramdaman ang mga binti ko at ang dibdib ko ay sumasakit na sa paghingal at pagkabog ng puso ko. Pero hindi dapat ako tumigil. Hindi kami pwedeng huminto.

"Tigil!" narinig kong sigaw ng mga humahabol sa amin kasabay ng paputok ng baril. Sa sobrang gulat ay muntik pa akong madapa, mabuti na lang at inalalayan ako ng taong may hawak sa braso ko.

"Bilis, Maria! Aabutan nila tayo!" hinihingal nyang sigaw sa gitna ng pagtakbo at halos kaladkarin na ako para lang makasabay sa malalaki nyang mga hakbang. Maigsi pa ang mga binti ko na hindi pa tuluyang nahuhubog dahil sa murang edad.

"K-kuya..." napahikbi ako. "S-sina Mama at Papa..."

Bumalik sa alaala ko ang katawan ng mga magulang kong wala ng buhay. Naliligo sa sarili nilang mga dugo. Muling bumuhos ang mga luha ko pababa sa bata kong mukha. Ang mga hikbi ay naging sunod sunod.

Humigpit ang kapit sa akin ni Kuya dahil sa paghikbi ko. Naaninag kong nagpunas sya ng mga mata nya kaya mas lalong lumakas ang paghikbi ko. Pero pigil na pigil dahil ayokong kapusin ng hininga.

Lumiko kami sa isang eskinita at nakita namin ang isang abandunadong warehouse. Hinila ako ni Kuya patakbo doon. Hindi na alintana ang mga maliliit na batong sumisiksik sa mga daliri sa paa ko dahil sa suot kong sirang tsinelas.

Nang makarating sa loob ay sumalubong sa akin ang amoy ng mga kalawang dahil sa pinabayaang mga bakal doon. Sobrang lakas ng amoy pero hindi ko na nagawang pansinin. Titiisin ko ang mabahong amoy para lang makaligtas kami sa panganib na ito.

Nakakita kami ng isang kahon na may kalakahan. Kinuha iyon ni Kuya at mabilis ang kilos nyang binuksan iyon at itinabi sa gilid. Binuhat nya ako at ipinasok sa loob.

"Makinig ka, Maria." seryoso ang mga matang sabi nya sa akin. Hinihingal sya at pinilit kong intindihin ang sinasabi nya kahit na paputol-putol gawa ng paghingal. "Huwag na huwag kang gagawa ng kahit na anong ingay. Kahit ang paghinga mo ay hinaan mo."

"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ko at hinawakan ang kamay nya nang akmang isasara nya ang kahon.

"Pareho tayong mamamatay kapag sumama ka sa akin. Kahit ikaw na lang ang makaligtas, Maria." nabasag ang boses nya at nagsimula na naman akong maiyak.

"Kuya, huwag mo kong iwan..." hikbi ko at hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay nya. May tumulong luha sa mga mata nya na mabilis nyang pinunasan.

"Dito ka lang. Mas ligtas ka dito." sinimulan nyang tanggalin ang pagkakakapit ko sa kamay nya pero mas lalo ko iyong hinigpitan.

"Kuya, huwag... Huwag kang aalis. Huwag mo kong iwan!" humagulgol na ako. Hirap na hirap pa akong sabihin iyon dahil sa mga paghikbi ko.

Pero tinanggal pa din ni Kuya ang kamay kong nakakapit sa kanya. Walang laban ang bata kong katawan sa lakas nya. Mas lalo akong napaiyak nang pilit nya akong nilulubog papasok ng karton.

"Babalikan kita, Maria. Huwag kang lalabas hangga't hindi kita binabalikan." ang huli nyang sinabi bago tuluyang isinara ang karton.

Dilim. Iyon ang sumalubong sa akin. Wala akong makita na kahit na ano. Dinig na dinig ko ang sariling paghikbi kaya tinakpan ko ang bibig ko.

Ang sabi ni Kuya ay huwag akong gagawa ng ingay.

Kahit na nakadilat ako ay wala akong makita na kahit na ano. Para lang din akong nakapikit. Nagsisimula na akong matakot kaya mas pinili ko na lang na isara ang mga mata ko. Pero sa pagsara ay nakita ko na naman ang katawan ng mga magulang kong punong puno ng dugo.

Impit akong napaiyak. Gusto kong umiyak ng malakas pero natatakot akong baka marinig ako ng mga humahabol sa amin. Kinagat ko na lang ang pang ibabang labi ko at sa sobrang pagpipigil ay nalasahan ko na ang dugo ko doon.

Hindi ko alam kung gaano na akong katagal na nagtatago doon. Nawala na ang paghikbi ko at nakakahinga na din ako ng maayos. Nabawi ko na ang mga hangin na nawala sa dibdib ko kanina dahil sa walang humpay na pagtakbo. Gusto kong lumabas pero kailangan kong hintayin si Kuya.

Napatakip ako sa mga tenga ko nang makarinig ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Muling tumulo ang mga luha ko sa takot at sarado ang mga bibig na humikbi.

Kuya...

Hindi ko na napigilan at lumabas na ako sa karton. Natatakot ako pero mas natatakot ako para sa Kuya ko. Sana ay buhay pa sya. Sana ay hindi sya matulad sa mga magulang namin.

Naramdaman ko ang sakit sa mga binti ko pero nagpatuloy ako sa pagtakbo palabas ng warehouse. Pero agad din akong napatigil nang madatnan ko kung ano ang nasa labas.

"Kuya..."  bulong sa hangin kong bigkas.

Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko habang pinagmamasdan ang senaryong nasa harap ko. Si Kuya, nakaluhod. Sa harap nya ay isang lalaking ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. May hawak na baril at nakatutok sa bungo ng Kuya ko.

"Hindi..."

Ang sunod ko nang narinig ay ang putok ng baril. Nanatili akong parang tuod na nakatayo habang pinapanood ang katawan ng Kuya ko na unti unting bumabagsak sa lupa. May tama sa ulo at umaagos ang dugo mula doon.

Hindi pa naawa ang lalaki at dalawang beses pa syang binaril sa katawan. Isa sa dibdib at isa sa leeg. Siniguradong wala na talagang buhay ang kapatid ko.

Hindi ako makagalaw. Nakatigtig lang ako sa katawan ng kapatid ko na nakahandusay sa kalasada. Nakadilat pa ang mga mata nya na nakatingin sa langit. Ang mga bituin at ang langit na walang buwan ang huli nyang nakita bago sya nalagutan ng hininga.

Napansin ko ang pagbaba ng baril ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Ang dalawang kamay nya ay parang walang lakas na nakalumpasay sa mga gilid nya. Ang mga mata ko ay nakatitig lang sa kanya hanggang sa unti unti syang lumingon sa gawi ko.

Walang buhay na mga mata nya ang sumalubong sa paningin ko. Ni hindi man lang sya nagulat na may batang paslit ang bigla na lang sumulpot at nakita ang ginawa nya. Pero ang lalaki ay mukhang nasa pagbibinata pa lang base sa mukha at katawan nyang hinuhubog pa lamang. Nakakapag taka lang na ang isang teenager na katulad nya ay kaya nang humawak ng baril at pumatay.

Tuluyan na syang humarap sa akin at mabagal ang mga hakbang na lumapit sa kinatatayuan ko. Hindi ko nagawang alisin ang paningin ko sa kanya dahil ang bata kong puso ay may natira pang paghanga para sa lalaking ito.

He looks like my guardian angel on the outside but deep inside, he's a beast.

Nang makalapit ay napatingala ako dahil sa tangkad nya. Napatitig ako sa mga mata nyang kulay hazel brown na walang buhay na nakatingin sa akin. Titig na titig sya at ako naman ay hindi na gumalaw habang nakatitig lang din sa kanya.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Magkahinang ang aming mga mata na parang ayaw maghiwalay. Hanggang sa unti unting umangat ang kamay nyang may hawak na baril at idinikit sa gitna ng noo ko.

"No casualties..." malalim ang boses na sabi nya.

Hindi na ako kinabahan. Kahit man lang ang matakot ay hindi ko naramdaman. Siguro ay tinanggap na ng sarili ko na hanggang dito na lang ang buhay ko. Ang mukha ng lalaking parang anghel na may puso ng isang halimaw ang huli kong makikita dito sa mundong ito.

Makakasama ko na rin ang pamilya ko.

Nakita kong unti unti hinihila ng daliri nya ang gatilyo ng baril. Ang paningin ko ay hindi na talaga humiwalay sa kanya.

Sa langit kaya ako mapupunta kapag namatay ako? Ganito kaya ang itsura ng mga anghel sa langit?

"Goodbye, kid." dinig kong sabi nya bago ko narinig ang malakas na putok ng baril.

"FATIMA!"

Napaungot ako mula sa pagkakahiga nang marinig ang malakas na boses ng landlady namin. Mukhang megaphone yata ang kinain nya sa almusal. Pagkatapos ay narinig ko naman ang sunod sunod nyang pagkatok ng malalakas na parang gusto nya yatang gibain ang pinto ng inuupahan ko. Nagtapik na lang ako ng unan at tinuloy ang naudlot na pagtulog.

"Hoy, lumabas ka dito at harapin mo ako!" sigaw nya at muling kumatok.

I sighed. Wala na. 'Di na ko makakatulog nito. Mabuti na lang at hindi pa ako bumibili ng alarm clock. Mas malakas pa kasi yata ng boses nya kaysa sa mga 'yon. Buti na lang at makakatipid ako.

"Fatima!" muli nyang sigaw. Napabangon na ako at wala nang hila-hilamos na agad na nagtungo sa pinto.

"Mabuti naman at binuksan mo na." ang salubong ni Aling Nenita sa akin na nakapamewang pa nang pagbuksan ko sya ng pintuan. Ngumiti ako sa nakasimangot nyang mukha.

"Good morning to the most beautiful landlord in the whole universe!" masigla kong sabi. "Thank you, Aling Nenita, ha? Kung hindi dahil sa malakas nyong boses ay baka hindi ako nagising at ma-late pa ako sa klase ko."

Pero ang mga kamay nya ay nakipag-high five sa braso ko.

"Ikaw na bata ka!" inis na sabi nya at ako naman ay pilit na iniiwasan ang mga hampas nya. "Nambobola ka na naman! Nasaan na ang bayad mo sa renta? Noong nakaraang linggo ka pa dapat na nagbayad!"

Napakamot ako sa magulo ko ng buhok. Ngumiti ako at nagpa-cute sa kanya.

"Eh, Aling Nenita naman. Ang aga-aga high blood ka na naman. Sige ka. Dadami yung puti mong buhok at papangit ka pa. Hindi na ikaw ang magiging favorite landlord ko."

Saglit syang napatigil para haplusin ang buhok nya at ang mukha nyang medyo marami ng wrinkles. Feeling ko ay mga bente na ang naidagdag kong linya sa wrinkles nya simula nang tumira ako dito limang buwan na ang nakalilipas.

"Hmp." humalukipkip sya at medyo huminahon na. Napangisi na lang ako. Ang daling utuin eh. "Oh, ano na nga? Nasaan na ang bayad mo sa renta?"

Mas lalo akong nagpa-cute sa kanya. Buti na lang at maganda ako. Lagi kasing gumagana ang strategy kong ito sa mga landlord ng nauupahan kong apartment.

"Eh, kasi Aling Nenita, hindi pa nagpapadala yung tatay ko eh." lumungkot ang mukha ko. "Nagkasakit daw kasi sya. Hindi ko naman mapilit kahit na wala na akong makain simula pa kagabi."

Tinanggal nya ang halukipkip nya. "Ha? Eh ba't wala ka ng makain?"

"Wala na talaga akong pera, eh." mas lalo pa akong nagpaawa.

"Hindi ka pa kumakain simula pa kagabi?" nakalabing tumango ako at yumuko. Pinaglaruan ko ang mga daliri.

Nadinig ko ang pagbuntong hininga ni Aling Nenita. Napakamot pa sya sa buhok nyang nawawala na ang pakaitim at may ilang puti na ang hibla.

"O sya, sige. Kapag nagpadala ang tatay mo ay magbayad ka agad sa akin. Bumaba ka mamaya para mabigyan kita ng pagkain."

Napaangat ako ng mukha at maluha luhang napatingin sa kanya. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko pa sya.

"Salamat po, Aling Nenita! Promise po, kapag nagpadala si tatay ay babayaran ko kayo agad!"

Tinatapik tapik nya ang likod ko bago humiwalay sa akin. "Sige na. Maligo ka na at mukha ka ng bruha."

Tumawa ako at bumitaw na sa kanya. "Salamat po ulit! Kayo talaga ang pinakapaborito kong landlord sa balat ng universe!"

Napangiti sya at tumalikod. Pero bago ko pa maisara ang pinto ay lumingon sya sa akin.

"Pero... totoo bang pumapangit na ako?"

Malakas akong napatawa sa itinanong nya.

"Fate!"

Napasimangot ako nang may tumawag sa akin. Nakita ko ang kaibigan kong si Lionel na nag-jog palapit sa akin.

"Fatima!" pagtatama ko sa kanya. Tumawa lang sya at kinuha ang bitbit kong mga libro.

"Saan tayo kakain?" tanong pa nya. Para namang may napakaraming choices akong mapagpipilian.

"Tinapay na lang ako. Wala na akong pera." sabi ko. Hindi pa kasi talaga nagpapadala yung taong 'yon.

"Libre kita!" sayang sayang sabi ni Lionel. Kunot ang noong tumingin ako sa kanya kaya nawala ang ngiti nya. "Utang pala. Utang ka na lang sakin."

I sighed. "Dagdagan ko ng one hundred kapag nagkapera ako." aangal pa sana sya pero hinigit ko ang sleeves ng polo nya. "Doon tayo sa karinderya sa tapat ng apartment ko."

Hindi na sya umangal nang magsimula akong maglakad. Malapit lang naman ang apartment ko sa university namin. Kaya nga ito ang kinuha ko para bawas gastos sa pamasahe.

Hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang mamuhay ng mag isa. Ni hindi ko nga matandaan kung kailan ako huling may nakasama sa bahay. Para bang ipinanganak ako sa mundong ito na nag iisa. Napabayaan at naiwan.

It was all because of that dreadful night. I tried so hard to forget about it pero parang ayaw ng utak ko. Kahit anong pilit kong alisin ang mga iyon sa alaala ko ay hindi ko magawa. Para bang nakatatak na iyon sa isip ko.

At tandang tanda ko pa rin ang itsura ng taong iyon. That man who ruined everything.

Habang papalapit kami sa karinderya sa tapat ng apartment ko ay nakakapagtakang may magarbong kotse ang nakaparada doon. Pinagtitinganan nga iyon dahil bihira lang ang may mapadaan na mamahaling sasakyan sa ganitong kaliit na kalsada. Napatingin ako sa lalaking naka button-down navy blue polo at nakatupi ang sleeves hanggang siko nya. Naka tuck-in iyon sa itim nyang pantalon. Nakatalikod sa gawi namin ang lalaki pero halatang halata kung gaano kalapad ang likod nya at ang sleeves ng polo nya ay kumakapit sa braso nyang mayaman sa muscles.

Siguro sya ang may ari ng sasakyan.

Ilang hakbang na lang ang layo namin nang humarap ang lalaki. May hawak syang plastic na punong puno ng lumpiang shanghai. Halatang pinakyaw ang tinda ng karinderya.

Pero nang mapatingin ako sa mukha nya ay natigilan ako. Nanlamig ang buong katawan ko at hindi kaagad nakagalaw. Pakiramdam ko din ay nabingi ako habang nakatitig sa lalaki.

Nakikipagtawanan sya sa tindera at kumaway para magpaalam. Lumapit sya sa kotse at pinatunog ang alarm noon. He opened the door on the driver's seat and slid inside.

Nagsimula nang umandar ang kotse pero ako ay hindi na talaga nakagalaw. Nanginginig na din ang mga kamay ko habang nakatitig sa sasakyan.

"Fatima? Ayos ka lang?" tanong ni Lionel sa tabi ko pero hindi ko magawang lumingon sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa sasakyan na unti unti nang lumalayo.

Saka lang gumalaw ang mga paa ko. Noong una ay mabagal ang paglakad ko at unti unting bilis. Hanggang sa tuluyan na akong tumakbo.

"Fatima!" dinig kong sigaw ni Lionel pero hindi ako tumigil.

Kung noon ay tumatakbo ako para hindi mahabol, ngayon naman ay tumatakbo ako para habulin ang sasakyang napakalayo na.

Doon lang ako tumigil. Naramdaman ko ang paghigit ni Lionel sa braso ko at nakita ko ang pag aalala sa mukha nya.

"Anong nangyari? Kilala mo ba iyon?" he asked. Hindi ko sya sinagot at napatingin sa daang tinahak ng kotse.

Wala na sya.

Pero kahit ganoon, sigurado akong sya iyon. Kahit pa tumatawa sya kanina at ibang iba sa walang buhay nyang mga matang ipinakita nya sa akin noon.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mukha nya. The man who ruined everything.

Ang lalaking may mukha na parang sa isang anghel pero may halimaw na puso.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
303K 14.1K 64
Lies and broken promises, temporary feelings and ruined relationships. Kelsey's view of love was long tainted after being a product of a broken famil...
607K 27.7K 22
Chess Pieces Aftermath: Gray Sanford Epilogue
3.3M 128K 44
"I shouldn't love you, but here I am anyway, standing in the middle of the fire, holding our burning secret." When eighteen-year-old Ash...