I'm Dating the Ice Princess (...

By Filipina

903K 24.7K 1.3K

Daryl Seuk Kang is the leader of the most popular group in their school- The Five Kings. He is looking for Ic... More

About the author
Prologue
1.1 [E]
1.2 [N]
1.3 [C]
1.4 [O]
1.5 [U]
1.6 [N]
1.7 [T]
1.8 [E]
1.9 [R]
Chapter 2
2.2 [F]
2.3 [E]
2.4 [E]
2.5 [L]
2.6 [I]
2.7 [N]
2.8 [G]
2.9 [S]
Chapter 3
3.2 [R]
3.3 [E]
3.4 [J]
3.5 [E]
3.6 [C]
3.7 [T]
3.8 [E]
3.9 [D]
Chapter 4
4.2 [A]
4.3 [N]
4.4 [X]
4.5 [I]
4.6 [E]
4.7 [T]
4.8 [Y]
4.9 [♡]
Chapter 5
5.2 [T]
5.3 [H]
5.4 [O]
5.5 [U]
5.6 [G]
5.7 [H]
5.8 [T]
5.9 [S]
Chapter 6
6.2 [I]
6.3 [N]
6.4 [T]
6.5 [U]
6.6 [I]
6.7 [T] (1)
6.7 [I] (2)
6.8 [O]
6.9 [N]
Chapter 7
7.2 [G]
7.3 [E]
7.4 [N]
7.5 [U]
7.6 [I]
7.7 [N]
7.8 [E]
7.9 [♡]
Chapter 8
8.2 [C]
8.3 [O]
8.4 [N]
8.5 [F]
8.6 [E]
8.7 [S] (1)
8.7 [S] (2)
8.8 [I]
8.9 [O] (1)
8.9 [N] (2)
Chapter 9
9.2 [O]
9.3 [F]
9.4 [F]
9.5 [I]
9.6 [C]
9.7 [I]
9.8 [A]
9.9 [L]
Chapter 10
10.2 [I]
10.3 [N]
10.4 [D]
10.6 [N]
10.7 [I]
10.8 [A]
10.9 [L]
Chapter 11
11.2 [A]
11.3 [C]
11.4 [C]
11.5 [E]
11.6 [P] (1)
11.6 [T] (2)
11.7 [A]
11.8 [N]
11.9 [C] (1)
11.9 [E] (2)
Epilogue

10.5 [E]

5.1K 131 1
By Filipina

Part 5.

Charice POV

"Para po!" sabi ko sa driver kaya tumigil ito at bumaba na ako.

Napatingin naman ako sa malaki at mataas na building na nasa harapan ko.

Sa labas pa lang ay kita ko na ang logo ng S & K.

Napansin ko rin na lahat ng nasa loob ay nakasuot ng corporate attire at napa-smart nilang tingnan lahat.

"Neng!" rinig kong tawag ng isang babaeng kaka-labas lang sa building kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ba't siya 'yung nag chat sa'kin last time?

"Buti naman nakita kita," panimula niya. "Hindi kasi nagrereply ang mama mo."

Tiningnan ko lang siya.

"Nasabi mo ba sa mama mo 'yung pinasasabi ko?"

Napatingin naman ako sa damit na suot niyang may logo ng S & K.

"Hindi na ba kayo 'dun sa malaking bahay nakatira?" tanong niya pa. "Hindi ko kasi kilala 'yung taong nadatnan ko nung pumunta ako 'dun eh."

"Magkano po ba?" tanong ko para hindi na siya makapagtanong ng kung anu-ano pa.

Tinawag niya ko tutal 'yung utang ni mama ang sinadya niya 'di ba?

"Limang libo," sagot niya naman agad. "Pang tuition kasi—"

"Balik po ako dito bukas," sabi ko kaya napaisip siya.

Hinubad ko naman ang relo ko at inabot sa kanya para magsilbing collateral.

Dahil dun, umalis na siya.

Habang naglalakad naman ako papasok ng building ay inisip ko kung san ako kukuha ng pera.

Unang-una, wala akong limang libo.

Hindi ba ibinili ko si Gosu ng necklace gamit 'yung inutang kong baon dati?

Wala tuloy akong extrang pera kasi 'yung baon ko ay laging advanced. So bale, 'yung ginagamit kong baon ngayon ay 'yung pang next week kaya tinitipid ko para hindi mag negative.

Nagdadala na nga lang ako lagi ng lollipop para maitawid ang gutom ko pag break.

Pero... kung bumalik nga kaya ako dun?

Kung active pa siguro ako dun, nasa District 4 na ako.

Hindi ko na rin siguro proproblemahin ang pera kasi limang laban lang, may limang libo na agad ako.

Pero kung babalik ako 'dun, kailangan kong maging high ranked agad para makakuha ng pera.

Saka... kung babalik ako... makikita ko na naman ang masamang mga tingin ng mga taong andoon.

May iba pa kayang paraan?

"What an irresponsible CEO," rinig kong galit na sabi ng isang lalaking nasa 40's na siguro. May kasama rin siyang tatlong lalaki. "Who does he think he is? To suspend a meeting for just a date?"

"He doesn't know what to prioritize, dad. No wonder, their company stocks keep on dropping," sabi naman ng kasama nitong mas mukhang bata sa kanya.

"He's incompetent," singit ng mukhang right hand nung may edad na lalaki. "I don't know why the chairman always favors his son. He doesn't know how to run the company."

"The chairman should just appoint someone better," komento naman nung isa pa bago sila makalabas ng building.

"Good afternoon! Do you have any appointment here, Miss?" tanong naman sa'kin nung receptionist kaya napatingin ako sa kanya.

"Did you hear them?" tanong naman nung katabi nung receptionist.

"Our CEO is doing well last year though. Kaya nakakapanghinayang," sagot naman nung kinakausap talaga nung katabi niya.

Napatingin naman ako sa receptionist, "Uhhh..."

Should I just tell her his name?

Wala naman akong official appointment talaga eh.

"I know! I think it all started when he met his girlfriend."

"Right. She's no good. It's her fault."

Napatingin naman ako sa dalawang nag-uusap.

"I hope they break up soon so the company can survive at least."

"Let's just look for another job if we want to survive as well."

Gosu's the CEO, right?

Narinig kong sinabi niya kay mama na CEO siya dito.

Are they talking about him?

"Wala po," sagot ko sa receptionist at umupo muna doon sa may lobby.

Tawagan ko na lang kaya si Gosu na andito ako?

O hindi kaya mas agaw pansin 'yon?

Nabigla naman ako nang maramdaman ko ang vibrate ng phone ko.

Pagkita ko, tumatawag si Bianca.

"Hello?" sabi ko pagkasagot ko. "Bianca?"

Hindi naman siya agad nakaimik.

"Pa-lowbat na ko," sabi ko pa para magsalita siya. 10% na lang kasi ang percentage nung phone ko eh.

"Cha, nasa bahay niyo ko," sabi niya. "Binigay ko sa mama mo 'yung birthday gift mo."

"Ah," sabi ko at napatingin sa kakapasok lang sa loob.

Hindi ba siya 'yung tatay ni Gosu?

"Good afternoon, Chairman," rinig kong bati nung mga receptionist sa kanya.

"Cha," tawag pa sa'kin ni Bianca.

"Oh?" sagot ko at sinundan ng tingin 'yung tatay ni Gosu.

Nakita kong pinindot niya ang elevator pa-18th floor.

Dun kaya ang office ni Gosu?

"Pwede bang—"

Napatingin tuloy ako sa phone ko.

Bigla siyang namatay kasi lowbatt na.

Ano kayang sasabihin ni Bianca?

Nakita ko namang busy ang mga nasa reception sa kausap nila kaya pa-simple akong pumunta sa may elevator at pumasok nung magbukas 'yon.

Pumunta ako sa may 18th floor at bumungad naman sa gilid ng mata ko ang "Chief Executive Officer's Office".

Nakita ko naman na may tao sa harap 'nun na parang receptionist din. Lalaki naman siya this time.

"Good afternoon! Do you have any appointment to our CEO?" tanong niya sa'kin nang lumapit ako sa kanya.

"Can I..." panimula ko at napatingin sa paligid. "Talk to the CEO?"

"Do you have an appointment?" tanong niya at tiningnan ang loob ng isang parang folder. "What's your name, Miss?"

"Charice... Eliza," mahina kong sabi kaya napatingin siya sa'kin at ngumiti.

"Oh you can go inside," sabi naman niya at sinamahan pa akong pumasok sa loob.

May isa pa pala dung pintuan na para talaga sa office niya.

"Please wait here," sabi pa niya sa'kin. "Sasabihin ko lang sa CEO namin na dumating ka na."

Ngumiti naman siya at kumatok sa may pinto. Umupo naman ako doon sa upuang andoon.

Nagkaroon naman ng kulay pulang ilaw sa labas kaya napatingin sa'kin 'yung lalaki.

"Kausap kasi ng CEO 'yung chairman," sabi niya at napatingin sa labas. "Maaari bang paki-sabi na lang sa'kin kung nawala na ang ilaw?"

Tiningnan ko naman ang tinitingnan niya. May tao sa labas kaya tumango ako sa kanya tutal mukhang busy siya.

Lumabas na naman siya at sinarhan ang pinto para pumunta ulit doon sa pwesto niya kanina.

May importante kaya silang pinag-uusapan?

Dahil tahimik, para tuloy akong may naririnig na mahinang boses mula sa loob.

Napatingin naman ako sa isang magazine na andodoon at nakita si Gosu sa cover nun.

Nakita kong may interview siya 'dun kaya binasa ko 'yon.

What are your thoughts on being the CEO of S & K? Is it true that you'll take-over the chairman soon?

"I'm deeply honored to be appointed as the CEO of S & K Corporation and I have no intention to be the chairman as of yet."

What are your goals for S & K?

"I have many goals for the company and I can't disclose them right now but I will definitely continue to assist my father towards his goal to maintain ESK on being the best online platform in the Philippines."

Is it true that ESK will make its debut in South Korea?

"Yes, we're planning to debut our platform in South Korea."

When?

"Next year, hopefully."

Bigla naman akong may narinig na malakas na dabog mula sa pinto. Napatigil tuloy ako sa pagbabasa.

Napatayo ako sa upuan at lumapit dun.

"How dare you cancel Mr. Kim's appointment?!" rinig kong boses ng tatay ni Gosu. "Wake up, son! Do you even realize what you did?!"

Hindi kaya 'yung Mr. Kim 'yung nakita ko kanina?

"Why did you cancel his appointment?" rinig ko pang sabi niya. "He's the only person who can help us debut ESK in South Korea!"

"Abeoji, lower your voice," rinig kong sabi ni Gosu. "My anae's coming today."

"Anae?!" sagot nung tatay niya. "Are you talking about this girlfriend of yours right now?"

Natahimik tuloy ako.

"Don't tell me you canceled his appointment for her?" tanong niya pa pero wala akong narinig na sagot.

"If you keep on being like this, I order you to step down from your position," seryosong sabi niya.

"Abeoji," rinig ko namang boses ni Gosu. "Why can't you trust me on this? I can do it without—"

"Don't call me your father unless you've taken this seriously," sabi naman ng tatay niya. "If you don't want to step down from your position, then break up with your girlfriend."

Nakarinig ako ng tunog mula sa door knob kaya napabalik ako sa upuan ko.

Pagkabukas ay nakita kong lumabas ang tatay niya at nakita niya ako.

Nakita ko rin si Gosu na may pasa sa pisngi habang tumatayo mula sa sahig.

Sinuntok ba siya ng tatay niya kaya may dumabog kanina sa pinto?

Sinara naman nung tatay niya ang pinto.

"Kung para talaga kayo sa isa't isa, kahit ano pang mangyari, magiging kayo pa rin sa huli," rinig kong mahinang sabi ng tatay niya na parang dinidirekta sa'kin.

Umalis na din siya kaya napatingin ako sa may pintuan na inalis na ang pulang ilaw.

"Thank you and good day, Chairman," rinig kong sabi nung receptionist at pumasok ulit dito sa loob.

Kung umalis na lang kaya ako?

Bago naman ako nakapagsalita, nakita kong kumatok na siya sa may pinto.

Pumasok naman siya at maya-maya ay lumabas na din.

"Pakihintay na lang po ang aming CEO, Miss," sabi naman niya sa'kin. "Mga 5 minutes."

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.5M 98.7K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
781K 40.4K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...
671K 24.1K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.