I'm Dating the Ice Princess (...

By Filipina

903K 24.7K 1.3K

Daryl Seuk Kang is the leader of the most popular group in their school- The Five Kings. He is looking for Ic... More

About the author
Prologue
1.1 [E]
1.2 [N]
1.3 [C]
1.4 [O]
1.5 [U]
1.6 [N]
1.7 [T]
1.8 [E]
1.9 [R]
Chapter 2
2.2 [F]
2.3 [E]
2.4 [E]
2.5 [L]
2.6 [I]
2.7 [N]
2.8 [G]
2.9 [S]
Chapter 3
3.2 [R]
3.3 [E]
3.4 [J]
3.5 [E]
3.6 [C]
3.7 [T]
3.8 [E]
3.9 [D]
Chapter 4
4.2 [A]
4.3 [N]
4.4 [X]
4.5 [I]
4.6 [E]
4.7 [T]
4.8 [Y]
4.9 [♡]
Chapter 5
5.2 [T]
5.3 [H]
5.4 [O]
5.5 [U]
5.6 [G]
5.7 [H]
5.8 [T]
5.9 [S]
Chapter 6
6.2 [I]
6.3 [N]
6.4 [T]
6.5 [U]
6.6 [I]
6.7 [T] (1)
6.7 [I] (2)
6.8 [O]
6.9 [N]
Chapter 7
7.2 [G]
7.3 [E]
7.4 [N]
7.5 [U]
7.6 [I]
7.7 [N]
7.8 [E]
7.9 [♡]
Chapter 8
8.2 [C]
8.3 [O]
8.4 [N]
8.5 [F]
8.6 [E]
8.7 [S] (1)
8.7 [S] (2)
8.8 [I]
8.9 [O] (1)
8.9 [N] (2)
Chapter 9
9.2 [O]
9.3 [F]
9.4 [F]
9.5 [I]
9.6 [C]
9.7 [I]
9.8 [A]
Chapter 10
10.2 [I]
10.3 [N]
10.4 [D]
10.5 [E]
10.6 [N]
10.7 [I]
10.8 [A]
10.9 [L]
Chapter 11
11.2 [A]
11.3 [C]
11.4 [C]
11.5 [E]
11.6 [P] (1)
11.6 [T] (2)
11.7 [A]
11.8 [N]
11.9 [C] (1)
11.9 [E] (2)
Epilogue

9.9 [L]

5.7K 189 7
By Filipina

Part 9.

Daryl's POV.

Nakita ko naman ang mama niya na kasalukuyang ngiting-ngiti sa'min.

"Sige, lalabas muna ako, Cha," paalam niya. "Para naman makapag-labing labing kayo ng maayos."

Hindi naman nagsalita si anae at pinagpatuloy lang ang kanyang kinakain.

"Don't do anything na ikamamatay ko sa galit ha," habilin pa ng mama ni anae bago siya lumabas. "Ayoko pang matawag na lola!"

Hinatid ko naman ang mama ni anae sa labas.

"I'm entrusting my daughter to you," bulong pa niya sa'kin habang hawak niya nang mahigpit ang mga kamay ko. "And for the coming months and years."

"I'll take care of her po," sagot ko.

"Sabi mo 'yan ha. Magtitiwala ako sa'yo."

Tumango-tango naman ako kaya inalis na niya ang kamay niya sa mga kamay ko at umalis na.

Are we official?

Pinakilala na niya ako sa mama niya eh.

Kelan ko kaya siya mapapakilala kina eomma?

I don't think this time is the right time, though. Siguro mas maganda kung maipakilala ko siya na okay at stable na ulit ang company.

Kilala na rin naman siya ni appa eh. Hindi ko lang alam kung nakita ni eomma si anae nung party.

"San daw siya pupunta?" bungad na tanong naman ni anae nang makabalik ako sa kusina.

"Wala siyang sinabi," sagot ko naman.

Umupo na lang ulit ako at tinuloy ang pagkain ko.

"Hindi ako bumili ng cake kasi hindi ka mahilig sa matatamis, di ba?" rinig kong sabi ni anae kaya nginitian ko siya.

"Hindi rin kita niyaya sa labas kumain kasi nagcut lang ako," sabi pa niya.

"Hindi ka pumasok?" tanong ko.

"Wala rin namang gagawin eh," sabi naman niya. "Puro nagpapa-self-review lang mga profs ngayon."

Kinuha naman niya ang pitsel sa ref nila na may lamang juice.

"Birthday mo pala bukas," sabi ko nang abutin niya sa'kin ang basong may laman ng juice.

"Oh?"

"Ba't di mo sinabi sa'kin?" tanong ko. "Hindi tuloy ako nakapag prepare."

Uminom muna siya ng juice at tumingin sa'kin, "Hindi ko sinabi kasi si Bianca lagi ang kasama ko pag birthday ko."

Wala rin akong time bukas kasi I moved all of my today's schedule for tomorrow.

What should I do?

Nang matapos kong kainin ang niluto niya, tumayo ako at tiningnan ang ref nila.

"Let me cook something for you, too."

"Hindi ko alam kung may maluluto ka d'yan," sabi naman niya.

Totoo nga, walang masyadong laman ang ref nila.

Good thing, I think I can make something from it.

"May flour ba kayo?" tanong ko habang nilalabas ang nakita kong malalaking yellow onions at keso mula sa ref nila.

"Flour?" ulit niya at pumunta sa may cabinet para maghanap 'dun.

Lumapit din ako 'dun para tingnan kung meron sila nung mga spices na kailangan.

"What are you trying to make?" tanong naman niya nang maabot niya sa'kin ang flour.

"Onion rings," sagot ko.

Nakita ko namang kinuha niya ang apron na nakasabit sa may likod ng pinto at isinuot 'yun sa'kin.

"I'll help you," alok niya pa nang magsimula na akong magcut ng onion.

"No, this is my gift for you," sabi ko at pinalayo siya. "Wait ka lang d'yan."

"Hindi naman 'yung hotdog ang regalo ko sa'yo," sabi naman niya.

"So your gift is introducing me to your parents?" nakangiti kong sabi

Hindi naman siya nagsalita agad.

"Ayaw mo?" tanong niya.

"Syempre, gusto ko," sabi ko agad.

Lumapit naman siya sa'kin at pinanuod ang ginagawa ko.

"I can't celebrate your birthday tomorrow," sabi ko. "I have—"

"Okay lang, naiintindihan ko," agad niyang sabi. "I'm also planning to celebrate it with Bianca."

Pinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko.

"Hindi mo 'to isasama?" tanong niya nang makita niyang diniscard ko 'yung mga onion na maliliit. "Sayang."

Kinuha ko naman 'yun at binabad sa pinagbababadan.

"Kinwentuhan nga pala ako ng mama mo," kwento ko sa kanya habang dine-deep fry na 'yung mga onions.

"Oh?" sabi naman niya habang pinagmamasdan niyang mag golden fry ang niluluto ko.

"Bea's your cousin?"

Natigilan naman siya at inayos ang tissue na nasa plato.

"Kapatid ko siya," sabi naman niya. "Hindi niya lang maalala."

Natahimik na lang ako.

May alzheimer's or other type of dementia kaya ang nanay niya?

"Some of her memories were lost," tuloy niya. "Nung na-hypnotherapy siya."

Hypnotherapy?

"Nawala lahat ng alaala niya about Bea."

"How is that possible?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam," seryosong sagot niya. "Pero ang alam ko lang mas nakabuti 'yun sa kanya."

Tiningnan ko naman siya saglit habang naghahango ako at nilalagay ko ang mga onion rings sa platong hawak niya.

"Dati kasi, simula nung namatay sina papa, she would always try to kill herself," kwento pa niya kaya lalo akong natahimik. "Lagi rin niya akong sinisisi."

Sinisisi?

They died like 12 years ago! So 6 years old pa lang si anae 'non. Hindi niya pa masyadong naiintindihan ang nangyari.

That must be hard for her.

"Nung nawala ang ibang memories niya, my tito, her psychiatrist, advised me to make another story about their death. He told me na h'wag ko daw sabihin na kapatid ko si Bea."

"Why?" tanong ko.

"I didn't ask anything," sagot niya. "I just did."

Tiningnan ko siya.

"I'm too scared that she might be suicidal again if I didn't do what I was told," dagdag pa niya kaya natahimik na lang ulit ako. "Siya na lang kasi ang meron ako."

Tahimik naman niyang nilagay ang plato sa may mesa nang maluto ang lahat. Gumawa na rin ako ng sawsawan.

Nakita ko namang nakatitig lang sa mga onion rings si anae.

What should I say to break the silence?

"Tinanong nga pala ako ng mama mo kung magpapakasal na ba tayo," sabi ko kaya napatingin siya sa'kin.

"Anong sinagot mo?" tanong niya.

"Kung pwede at ayos lang sa kanya," sagot ko. "Gusto ko rin kasing magpakasal na tayo kung ayos lang sa'yo."

"Nagpapatawa ka ba?" sabi naman niya. "Hindi pa nga ako nakakatungtong ng college at ni wala pa nga akong stable job."

So kung stable na ang career niya, pwede na?

"Ibig sabihin, you consider me as your husband?" tanong ko. "O sinabi mo 'yun dahil pakiramdamam mo hindi pa ako yung tao para sa'yo?"

Natahimik lang naman siya.

"Willing ka ba magpakasal sa akin?" tanong ko pa.

Tumingin naman siya sa mga onion rings at natahimik saglit.

"Para sa'kin, sobra pang aga para masabi," sagot naman niya kaya tumango tango ako para malaman niyang ayos lang sa'kin 'yun. "Pero nakikita ko ang sarili kong may pamilya- kasama ka."

Hindi ko naman napigilang hindi mapangiti sa sinabi niya.

"Anae," tawag ko kaya tiningnan niya ako. "Pa-kiss ako."

"Asa ka, gagu," agad naman niyang sabi kaya natawa ako ng malakas.

Pero hindi nga? Hindi pwede? Hehe.

Baket!!!

"Binati ka ni Mini," rinig ko namang sabi niya na nakatingin sa screen ng phone ko nung umilaw 'yun.

"Gusto mong i-block ko?" tanong ko naman habang dinadampian ng tissue 'yung mga onion rings para mawala 'yung mantika.

"Tinatanong pa ba 'yun," mahina naman niyang sabi kaya napangiti ako.

Kinuha ko naman 'yung phone ko sa may mesa at blinock ang number ni Mini. Pinicture-an ko rin si anae na hagip ang ginawa kong onion rings kahit hindi siya nakatingin.

Pagkatapos ay pinatong ko ulit ang phone ko sa may mesa at kinuha ang kanang kamay niya.

Napatingin lang naman siya sa'kin habang sinusuot ko sa ring finger niya 'yung isang maliit na onion ring.

Tiningnan ko siya bago ko tuluyang ilagay ang onion ring sa daliri niya, "I, Daryl Seuk Kang, take you, Charice Eliza Mendoza, to be my wife."

Napangiti ako at napatingin naman ako sa onion ring para hindi ako mahiya, "To have and to hold from this day forward;" at tiningnan ulit siya, "For better, for worse," tuloy ko habang unti unti akong napapangiti, "For richer, for poorer, in sickness and in health."

Sumeryoso naman ako ng tingin sa kanya, "To love and to cherish, till death us do part; according to God's holy law. In the presence of God I make this vow."

Tiningnan niya lang naman ang onion ring na nasa may kamay niya.

"Mali naman yung ginawa mo eh," sabi naman niya.

"Mali?" tanong ko at inisip kung ano 'yung mali 'dun.

"Hindi ka ba nanunuod ng TV?" tanong niya at kumuha din ng isang maliit na onion ring.

Inabot rin niya 'yung kamay ko at sinuot 'yung kinuha niyang onion ring sa ring finger ko.

"Daryl Seuk Kang," panimula niya.

"Mhm?" tugon ko sa tawag niya.

Tumingin naman siya sa onion ring, "I give you this ring as a sign of our marriage. With my body I honour you, all that I am I give to you, and all that I have I share with you, within the love of God, Father, Son and Holy Spirit."

Inalis niya agad 'yung kamay niyang nakahawak sa'kin at kumuha ng isa pang onion ring para kainin.

Ngiting ngiti naman ako habang pinagmamasdan siyang namumula sa kahihiyan sa ginawa niya.

"I may now kiss my anae!" tuwang tuwang sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"I may now punch my nampyeon," asar na sabi niya.

"My nampyeon?" pag-ulit ko sa sinabi niya, "Paulit!"

Mukha namang siyang napaisip.

"Nampyeon," ulit niya na hindi tumitingin sa'kin at parang tinatamad.

Kinuha ko naman ang phone ko at Binuksan ang video mode ng camera nito.

"Isa pa," nakangiti kong sabi at tinutok ng phone ko sa kanya.

Patuloy lang naman siyang kumain hanggang sa mapatingin sa phone ko na nakatutok sa kanya.

"Tss," rinig kong reklamo niya at tumingin na sa ibang direksyon.

Ititigil ko na sana ang pagvivideo nang tumingin siya sa lens ng phone ko.

"Happy Birthday, Nampyeon ko," sabi niya at tinakip ang mukha niya gamit ang kamay kung saan ko sinuot 'yung onion ring.

Ngiting ngiti naman ako habang pinplay 'yun ng paulit-ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

865K 32.7K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
551K 20.6K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4.6M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
1.8M 124K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...