BGT 01: HIS X AND Y ✅

By AshQian

56K 2.9K 270

Anong lasa ng pag-ibig para sa iyo? Lasang mansanas na kahit may lason at ipinagbabawal masarap pa rin kagati... More

UNANG YUGTO
Chapter 1 - Unang yugto
Chapter 2 - Unang yugto
Chapter 3 - Unang yugto
Chapter 4 - Unang yugto
Chapter 5 - Unang yugto
IKALAWANG YUGTO
Chapter 1 - Ikalawang yugto
Chapter 2 - Ikalawang yugto
Chapter 3 - Ikalawang yugto
Chapter 4 - Ikalawang yugto
IKATLONG YUGTO
Chapter 1 - Ikatlong yugto
Chapter 2 - Ikatlong yugto
Chapter 3 - Ikatlong yugto
Chapter 4 - Ikatlong yugto
Chapter 5 - Ikatlong yugto
IKAAPAT NA YUGTO
Chapter 1 - Ikaapat na yugto
Chapter 2 - Ikaapat na yugto
Chapter 3 - Ikaapat na yugto
Chapter 4 - Ikaapat na yugto
Chapter 5 - Ikaapat na yugto
HULING YUGTO
Chapter 1 - Huling yugto
Chapter 2 - Huling yugto
Chapter 3 - Huling yugto
Chapter 4 - Huling yugto
Chapter 5 - Huling yugto
Chapter 6 - Huling yugto
Chapter 7 - Huling yugto
Chapter 8 - Huling yugto
Chapter 9 - Huling yugto
Chapter 10 - Huling yugto
DENOUEMENT

Chapter 5 - Ikalawang yugto

1.2K 77 5
By AshQian

Mahigit trenta minutos ng nakatunghay si Edan sa records ng mga kadete na pinagpipilian niya para bubuo sa special squad. It would be feasible to have the graduating cadets according to his records. They're ready and equipped with the needed skills.

Pero hindi niya maikakailang may mas magagaling mula sa junior. Javier, Marco and Wayne. These three are in top rank considering the last simulation duels, in theory and practical. Ang kaso, kung ipapasok niya sa team ang tatlo kailangan niya ng madugong paliwanag na kukumbinsi sa mga instructors pagsapit ng deliberasyon.

Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang mahinang katok mula sa pinto. Si Hector ang nakita niyang pumasok. Madilim ang mukha at nagbabadya ng hindi magandang balita. He laid back calmly on his swivel chair and set himself for the bad updates.

"Here's the result from the NBI." Binuklat nito ang dalang folder at nilapag sa desk. Itinulak palapit para makita niya.

Napaunat siya sa pagkakaupo nang tumambad sa kanya ang larawan ng isang babae habang nasa ibaba ang naglalakihang titik ng pangalan nito.

YVAINE SOLAREZ.

It's her!

His Yve!

She's alive!

His chest tightened. Tila nagsarang bigla ang daanan ng hangin sa loob ng kanyang katawan. Kailangan na niyang hugutin iyon mula sa kailaliman para lang makahinga ng maayos.

Mabilis niyang dinampot ang folder at tiningnan ng mas maigi ang larawan. Ito na nga si Yvaine. The glimpse on her eyes though was not the same as before but her facial constitution hasn't change. There's just the touch of maturity in there, given that she's a grown up now and not a teenager anymore.

Bumaba ang paningin niya sa impormasyon sa ibaba ng larawan. Bukod sa pangalan ay nandoon din ang address ng babae. And she's a public school teacher now at Carmen National High School in the province. Nandito lang sa Cebu ang dalaga?

Sinubukan niyang maghanap dati kahit nai-report sa kanya na natupok ito sa sunog, pero sa mga kalapit na lungsod lamang sa labas ng La Trinidad. Visayas was not included in his bracket. Hindi rin naman siya malayang nakakakilos noon dahil alam niyang nakabantay si Kaien.

"Is that your Yve?" Tanong ni Hector.

Umiling siya. "I'm not sure. Maybe." Mahina niyang sagot. Hindi pa rin makapaniwala. "I can see the resemblance though." He turned the page for the next document. Karagdagang mga impormasyon ang naroon. Pumasada ang paningin niya sa nilalaman ng dokumento.

Sinalaysay roon kung paano ito nakaligtas sa sunog at kung sino ang mga taong tumulong rito. Javier was one of them and Mikaell is her cousin. That explains why the similarity is visible and her name surfaces that night when Mikaell pretended to be a girl. She's living now with a distant relative in Carmen.

"What's your next plan?" Usisa ni Hector na nagkakamot ng kilay. Halatang nauubos na naman ang pasensya.

"I need to see her and confirm if she's really my Yve." Ibinaba niya ang folder at itinuon ang mga kamao sa desk.

"Okay, I understand. Umalis ka na. Ako ng bahala rito." Tinapik ni Hector ang kanyang balikat.

"Thank you, Kameron. I'll fix the final roster for the special squad when I get back." Kinuha niya ang jacket na nakasampay sa likod ng swivel chair at ang baseball cap sa may mesita.

Sinipat niya ang suot na relos habang palabas ng opisina. May oras pa siya pero halos takbuhin niya ang corridor makarating lamang agad sa garahe.

Mahigit tatlong oras ang biyahe mula Talamban hanggang Carmen, kasama na ang pabugso-bugsong traffic sa Mandaue at Consolacion. Wala din namang rota para maiwasan, wala siyang magawa kundi suungin ang mahinang daloy ng trapiko sa mga lugar na iyon.

Saktong alas-singko pa lamang ng hapon ay narating niya na ang lungsod. He bounds for Carmen National High School without delay after checking the google map on his phone.

Itinabi niya ang sasakyan malapit sa isang sari-sari store at bumaba. Natanaw niya ang agos ng mga estudyanteng nagsisipaglabasan sa exit gate ng paaralan.

Bumuga siya ng hangin. Palakas at patindi ang hampas sa kanyang dibdib. Inuuga kahit ang kanyang tibay na akala niya ay hindi na magagawang yanigin ng kung anuman. Tumawid siya sa kabila at tinunton ang entrada ng gate.

"Good afternoon," bati niya sa gwardiyang nagbabantay roon at naglahad ng kamay. "I'm Atty. Edan Lextallionez and I'm here to see Ms. Yvaine Solarez."

"Magandang hapon po, attorney." Atubiling tinanggap ng gwardiya ang magaspang niyang palad. "Pwede po ba akong makahingi ng ID? For security purposes lang po."

"Of course, don't worry I understand. That's SOP." Hinugot niya ang wallet at inabot rito ang lisensya niya.

Kinuha nito ang logbook. Nagsulat roon saglit saka ibinalik sa kanya ang lisensya matapos siyang papirmahin saka itinapat sa kanya ang handy scanner.

"Nasa fourth floor po ng gusaling iyan ang classroom ni Ms. Solarez. Grade 10 section Perseus." Itinuro nito ang dambuhalang gusali sa bandang kanan.

"Thank you," he gestured a slight nod and directed his steps towards the building. Mabilis niyang nahanap ang puntiryang classroom. Pangatlo mula sa hagdanan at sa pinto ay nakapaskil ang pangalan ng guro.

Sumilip siya sa awang ng pintuan. Sinuyod ng tingin ang looban ng silid. There she is. His long lost Yve. Sitting behind the desk. Writing something.

Itinulak niya sa marahas na paglunok ang nakabara sa lalamunan habang pinagbibigyan ang sarili na panoorin muna ang dalaga. The tips of his fingers down to his toes are quaking. His chest squeezed more in double.

Nag-angat ng tingin si Yvaine. Marahil ay nadama na nito ang kanyang presensya. Nilakihan niya ang awang ng pintuan at pumasok.

"Yes?" Umahon mula sa upuan ang dalaga at sinalubong siya.

Agad siyang nahinto sa paghakbang. Tama. Hindi alam ni Yvaine kung anong mukha mayroon ang batman nito pitong taon na ang nakalilipas.

"May I help you, sir?" Muli nitong tanong.

Kinapa niya ang kwintas sa kanyang bulsa at isinama iyon nang i-alok niya ang palad sa dalaga.

"Edan," pakilala niya. "Your batman from the graduation ball seven years ago."

Matagal itong tumitig sa mukha niya at dahan-dahang bumaba ang mga mata sa kanyang kamay at sa kwintas. Nakitaan niya ng saglit na pagkalito ang maganda nitong mukha bago pa namilog ang mga mata nito at bumalong roon ang luha.

"E-Edan," tinakpan nito sa palad ang bibig.

Hindi niya tinikis ang sarili sa gustong gawin kanina pa. Hinapit niya ang dalaga at mahigpit na ikinulong sa kanyang mga bisig. Finally, his Yve is back in his arms. Hinding-hindi na niya ito papakawalan.

"T-teka lang," natawa ito at banayad siyang itinulak. "Baka may makakita sa atin na mga estudyante, pagmumulan pa tayo ng tsismis."

Tumango siya. Bahagyang ngumiti. Guro nga pala ito. Maselan ang reputasyon sa lipunan.

"I have my car waiting outside." He declared with conviction that he'll take no for a response.

"Okay, magliligpit lang ako." Aligagang bumalik ito sa desk at may inayos na iilang mga testpapers. Halata ang pagkataranta nito nang lumapit siya para ito'y tulungan. "Thank you," ngumiti ito ng tipid.

Ngumisi siya. She seemed tense and it feels good knowing that he is responsible. If he has this kind of effect on her, that would only mean one thing, they're in the same rush of this maddening emotion.

Kukunti na lamang ang natirang mga estudyante na nag-uusyuso sa kanilang magkasama habang palabas ng campus. Marahan niyang tinanguan ang gwardiya na sumaludo sa kanya at iginiya si Yvaine patungo sa sasakyan.

Mahinhin itong tumingin sa kanya matapos niyang pagbuksan ng pinto ng sasakyan. Hindi pa rin lubusang ma-proseso ng buong sistema niya na heto ngayon sa kanyang harapan ang babaeng akala niya'y hindi na niya makikita.

Kahit dama niya ang pagkailang nito dahil sa matiim niyang titig ay hindi niya magawang ibaba ang paningin sa pangambang baka bigla na lamang itong maglaho.

"Hinanap kita. Hindi nga lang ako umabot rito." Nagsalita siya upang tapusin ang katahimikang bumalot sa pagitan nila.

Tumango ito. "Pagkatapos ng sunog, kinupkop ako ng isang kamag-anak dito."

"Kung alam ko lang na mangyayari iyon hindi na sana kita iniwan." Tiim-bagang niyang pahayag.

No. He knew for certain something untoward was going to happen. He countered back too late and slow.

"Ayaw ko ng pag-usapan pa ang nangyari ng gabing iyon. Gusto ko na iyon kalimutan."

"Even the ball and our dance?" Pasakalye niya.

Matagal itong tumitig sa kanya at marahang umiling. "H-hindi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin." Pinagsalikop nito ang mga kamay at nilagay sa kandungan.

Tumango siya. It's apparent she's having trouble holding on to his lame approach. He put the car in gear and maneuvered it away from the school premises. Pagsapit ng highway ay itinuro nito sa kanya ang kalye katabi lamang ng simbahan ni San Agustin.

Ilang minuto lamang ay sumenyas na ito sa kanya na ihinto ang sasakyan saka itinuro ang bungalow type na bahay na may mababang bakod.

"Diyan ako nakatira, kasama ang pinsan ng aking ama."

Pinarada niya ang sasakyan sa shoulder ng kalye at mabilis na hinawakan sa braso ang dalaga na umakmang bubuksan ang pinto sa tapat nito.

"I will be back tomorrow. Inalam ko lang ngayon kung saan ka nakatira." Marahan niyang pinisil ang braso nito. "For some reasons I need to catch up with you. I've been in hell for seven years thinking that I had lost you. I believe I don't have to elaborate, I'm inlove with you, Yve. Long enough." Pagtatapat niya.

Nanlaki ang mga mata nito. Umawang ang bibig ngunit walang boses na lumabas. He's expecting her to push him away when he moved closer and claimed her partly opened lips.

Banayad at maingat ang halik na iginawad niya hanggang sa hindi na siya makahinto. Ayaw na niyang huminto sa pagkagat lalo na nang gumaganti ito. His not so tough self-control shattered easily and his animal instinct took over without caution. They're both panting, out of breath when the kiss ended.

"Hihintayin kita bukas." Anas nitong hinaplos ang kanyang panga habang magkadikit ang kanilang mga noo.

Tumango siya. His chest went intense. May pagsuyong pinisil ang banayad na linya ng malambot nitong panga paakyat sa tainga nito.

"I'll be sure to come back, baby." Muli niyang dinampian ng halik ang mga labi nito.

Umuwi siyang binabalot ng kasiyahan. Ngunit napalis din agad ang kasiyahang iyon nang sumalubong sa kanya pagdating ng LSA ang balitang umalis si Mikaell.

Hector broke the news to him along with Mikaell's letter asking for indefinite some time off. Sinubukan pa niyang habulin ito sa airport pero hindi na siya umabot. Walang nakakaalam kung saan ito pupunta at kung anong dahilan ng pag-alis nito. Kahit si Javier ay walang masabi nang tanungin niya.

"The instructors approved your proposal for the final list of your elite force. Congratulations!" Masiglang balita sa kanya ni Hector, isang tanghali habang naghihintay siya sa resulta ng huling deliberasyon ng mga instructors para sa binuong squad.

Kinuha niya ang hard bound na iniabot ng kaibigan. Binuklat at pumasada ang mga mata sa aprobadong mga pangalang nakalista roon.

EDAN KERUBIN LEXTALLIONEZ

HECTOR KAMERON LIM

JAVIER KENDRICK SEPULBIDDA

VERNARD MARCO SANDEJAS

WAYNE ISMAEL LACRIMMA

MIKAELL SORIANO

In the end he dropped the seniors. Wala siyang isinali. Palagay niya'y nakumbinsi naman ang mga instructors sa katwiran niya kaya inaprobahan ang proposal.

Napako ang tingin niya sa huling pangalan sa roster. Mikaell Soriano. Hinihintay pa rin niya ang pagbabalik nito. Something about that guy is bugging him until now. Malamang dahil sa sekswal na atraso niya.

It's been more than a month and his days wento into a drastic change. The arrival of Yvaine back in his life fixed his priorities now. Hindi na siya nakatira sa dorm. He's staying at Garnetville in Banilad with Yve and perhaps, next year they're going to get married.

"My transfer to Banilad National High School is confirmed! I'll be starting on Monday." Masayang balitang isinalubong sa kanya ng kasintahan pagkauwi niya ng bahay nang gabing iyon. Pabalya itong yumakap sa kanya at naglambitin sa kanyang leeg.

"That's great!" Natatawang niyakap niya ito pabalik at mapusok na hinalikan sa labi.

Lalo itong kumapit sa batok niya at idiniin ang malambot na katawan sa kanya. They fell back on the couch and had their wild and scorching love-making, banging the whole house with moans and screams.

Continue Reading

You'll Also Like

947K 32.5K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
13.3M 243K 65
AEGGIS Series# 1 (WATTY'S 2015 TALK OF THE TOWN WINNER) Stanley Montreal - AEGGIS' Drummer
3.2M 32.7K 49
This is not your typical love story. Anong gagawin mo kung iibig ka sa isang tao na hindi marunong magmahal? At ang meron lang kayo ay isang proposal...
193K 4.1K 26
Sa hirap ng buhay ay hindi lubos akalain ni Esperanza na tatanggapin niya ang isang trabaho- na kailanman ay hindi sumagi sa utak niyang magagawa ito...