Author's note (nawiwili sa kaka author's note :D) :
Para po sa mga nagiintay ng update, ito na! Isa nga lang. :D At medyo maikli pa.. Sorry naaa. :D Bawi ako next time readers. Paramdam naman kasi kayo para masaya. :))
<3,
thedreamgoddess
*****
‘Good morning, Kin! Have a great day ahead. ;)’
Yan ang unang unang nabasa ko pag mulat pa lang ng mga mata ko. A text message from Sky. Pero imbes na kiligin ako, parang dinurog nanaman ang puso ko. Okay, kinilig ako nung una, pero konti lang. Alam ko naman kasing wala lang yan.
‘It’s just a text, no big deal, my dear. At wag mo ng gawing big deal, utang na loob.’ Sabi ng konsensya ko.
Ke aga-aga, ang nega lang? Pero seriously? Ano naman kaya ang meron at bakit may patext-text pa ng good morning etong si Sky? Ugh.
‘Kin, free ka tonight? Let’s hang out!’ Text ulit nya.
Yung totoo?? Anong meron?
“Ang aga nakabusangot? Anyare te?” tanong ni Kit na palabas ng kwarto nya papunta sa breakfast table kung saan ako nakaupo, nagkakape.
“Wala. Eto kasing si Sky, ang aga pinapagulo yung utak ko.” Tinaasan nya ako ng kilay. “Nagtatanong kung free daw ba tayo mamaya?”
“Ay nako, Alessandra. Tantanan mo ako sa mga ganyan mo. May lakad ako mamaya.”
“Ang sungit naman. Sige, ako na lang.” ngumiti ako sabay inom ng kape.
“Ilang beses na kita sinabihan ah. Mamaya iiyak iyak ka nanaman jan dahil nasasaktan ka. Bibigwasan kita talaga.”
“Grabe naman. Friend, pagbigyan mo na ako. Alam mo naman na eto lang ang kasiyahan ko diba?”
“Whatever, Lexi.” Sagot ng bestfriend ko sabay alis.
Grabe naman. Bakit ba hindi nya maintindihan na ang pagiging malapit kay Sky ang nagiisang kaligayahan ko? Masaktan man ako, alam kong hindi ako magsisisi dahil ginusto ko to. Masaktan man ako, okay lang, kasi alam kong nagmamahal ako.
‘Kin, ano? Are you free tonight? Hang out tayo sa 71st. ;)’
Text message nanaman ni Sky. Ano bang meron, seryoso??
“Ay, p*ta ka!” napasigaw ako nang biglang magring ang phone ko. Pagtingin ko, si Sky??
“Hello?”
“Hi! Just checking kung gising ka na, hindi ka kasi nagrereply eh. Gising ka na ba?” sabi nya.
“Ha? Ah, oo kanina pa. Magrereply pa lang sana ako, bigla ka naman tumawag. Bakit ba kasi?” hashtaf-medyo kinikilig ako.
“Wala lang. Hehe. Ano? Mamaya ha? Kita tayo sa taas? Anjan ka lang bas a unit mo?”
“Oo, where else will I be? Ano bang meron bakit mo ako niyayaya? Bakit di si Zoey ang isama mo?”
“Eh given naman na yun na kasama ko si Zoey. Gusto ko lang na kasama ka din. Alam mo na, baka nalulungkot ka na jan.” ah okay, kasama pa din naman pala si Zoey. Nawala na yung kilig ko. Tss.
“Ah.. Ganun. Okay, sige.”
“Okay? So, pano? Mamaya! See you, Kin!” Is it just me or bakit ba parang hindi sya mapakali?
Hindi na ako sumagot sa last na sinabi nya. Niend ko na lang yung call kasi parang kakaiba sya eh. Hindi naman sa assuming nanaman ako or what, pero bakit ganun, parang feeling ko gustong gusto nya akong makita at makasama??
Lumipas ang araw na excited ako sa lakad ko mamaya. Hindi ako mapakali. Pano ba naman kasi, ang magaling na Sky, walang ibang ginawa maghapon kundi kulitin ako. Text ng text! Kesyo wala daw syang magawa, kamusta na daw ako (kahit na kakatanong lang nya mga ilang minuto pa lang ang nakakaraan), kesyo nabobored daw sya kasi wala si Zoey. Yun lang.. Kinukulit nya ako kasi wala yung jowa nya. Oh well, okay na ung ganun, at least ako yung naiisip nyang kulitin diba?
Mga around 8pm nung nagtext ulit si Sky sa akin, nasan na daw ako. Wow ah, excited lang makita ako? So nagready na ako. Feel kong mag grand entrance, yung tipong lahat ng tao titingin sakin pag dumating ako, kasama na dun si Sky. Yung tipong mapapanganga sya at iiwanan nya si Zoey para lapitan at hawakan ang kamay ko at sabihing ‘nagkamali akong iwanan ka..’
“Ay! P*ta ka!” nagulat nanaman ako nang magring nanaman ang phone ko. Nasa kalagitnaan na ako nang pagpapantasya sa pwedeng mangyari mamaya. Istorbo naman to.
“Hello?”
“Hoy, Alessandra! Ano tutuloy ka ba?” si Kit.
“Oo naman. Bakit? Sasamahan mo na ako?”
“Hinde, mamaya pa ako makakauwi eh. Tumawag lang ako para ipaalala na uminom ka ng gamot mo. Napansin ko kasi na walang bawas yung laman ng bote ng mga gamot mo!” Shet. Gamot. Ugh.
Oo nga pala. Nawala na sa isip ko. Wala naman kasi akong nararamdaman. Masyado din akong naging pre-occupied this past few days. Kay Sky, yung di inaasahang pagkikita namin ni Tyler. Hindi ko na naisip na may sakit nga pala ako. Ugh.
“Iniinom ko naman yun ah!” defensive na sagot ko.
“Iniimom. Utut mo, Lexi! Nung una ka lang uminom nun noh. Ni mukha ngang wala pang bawas yung mga nasa lalagyan mo. Lexi naman. Tama na kasi yang puro Sky na yan. Gusto mo bang umabot pa sa pagpapa-chemo? Nakakapanget yun, sige ka.” Napasimangot ako sa sinabi ni Kit. Alam ko naman kasi na dun din hahantong tong sakit kong to. Alam ko naman na wala ding magagawa yung pag inom ko nang gamot. At kahit na magpa-chemo ako, wala din naman mangyayari. Let’s face it, iilan lang ang nagsusurvive sa klase ng leukemia na meron ako.
“Okay, okay. Iinom na ako. Okay?” sumagot na lang ako para sa ikakatahimik ng bestfriend ko.
“Siguraduhin mo ha. Tsaka, wag kang iinom ng alak, kasi bawal sayo. Okay?”
“Yes, boss.”
Hay. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Nakakatuwa kasi may mga nagmamahal sa akin at nagaalaga. Naiinis ako kasi hindi nila maintindihan yung saya na nadudulot sakin pag nakikita at nakakasama ko si Sky. Kahit na sabihin nating umaasa lang ako, kahit hindi naman talaga nya ako pinapaasa, masaya pa din ako. Masaya na ako sa ganito. Yung magtetext sya, mangungulit kahit na alam kong pampalipas oras lang ako dahil wala yung girlfriend nya.
Pagkatapos ng usap namin ni Kit ay nagbihis na ako. Simple lang, red fitted dress, medyo maiksi pero keri na, mahaba naman ang legs ko. Black pumps na nagmumura sa sobrang taas. Simpleng make-up, natural lang. Nakatitig ako sa salamin nang marealized ko na ganito din yung porma ko noong unang nagkita kami ni Sky. Yun nga lang, naka flats lang ako noon. Sa tingin nyo, kung makikita ako ni Sky na ganito, babalik yung alaala nung unang beses na nagkakilala kami? Ako, sana. Sana, oo. Sana bigla nyang maalala yung first time na nagkabanggaan kami. Yung nagpakilala sya at nagpapicture ako sa kanya. Hay. Those were the days.. Sana maalala nya yun kapag nakita nya ako mamaya.
SKY
Grabe, hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali buong araw. Hindi ko din alam kung bakit hindi ko mapigilan yung sarili ko na kulitin si Lexi. Nakakamiss din pala, noh? Nakakamiss din pala si Lexi. Well, okay, walang malisya, namiss ko lang talaga yung ganito kami, yung kadaldalan nya, yung kakulitan nya. Ayun.
Bakit kaya ang tagal nya. Di din sya nagrereply. Pupunta pa kaya sya? Sinabi nya kasi pupunta sya. Pero bakit ang tagal naman nya. Gusto ko na syang makita. Ay. Ano daw? Ano ba tong pinagiisip ko. Mali. Mali. Mali. Erase erase. Sigh.
"Pare, tignan mo yung chix sa may entrance oh. Ang HOT." Dinig kong bulong ng isang lalaki sa kaibigan nya na nakatayo sa may malapit sa akin. Napatingin na din ako. Shempre, hot daw eh.
Nakita ko ang isang babae na nakasuot ng pulang dress. Ang hot nga. Napaslow motion ang paligid ko nang makita sya. Lumakad ako ng konti papalapit na sa kinatatayuan nung babae at nakita si Lexi nang mahagip ng maliwanag na ilaw ang mukha nito. Potek, ang ganda ni Lexi.
Lumakad pa ako ng konti para lapitan si Lexi nang may lumapit sa kanyang lalaki. Anak ng. Si Tyler. Nag-usap sila ng saglit, nakita ko na lang na inalok nya ang braso nya at masaya naman itong hinawakan ni Lexi. Masaya sya, nakangiti, parang kinikiliti yung ngiti nya. Hindi ko maintindihan kung masaya sya o kinikilig sya kasi kasama nya si Tyler. Naiinis ako.
Medyo nakaramdam ako ng hindi-ko-alam-kung-ano. Oo, hindi ko maintindihan yung mararamdaman ko. Naiinis? Kasi parang wala lang kay Lexi yung ginawa sa kanya ni Tyler dati. O naiinggit? Kasi ako dapat yun?