The Accidental Sperm Donor {...

By jyurimae

1.1M 22.9K 475

It was just suppose to be a one night stand. A one night stand with a stranger. Ano kaya ang mangyayari if ma... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
New Story!!! (Endorse lang ^-^)

Chapter 8

42.2K 952 19
By jyurimae

Kate Torres

"Ano to?"

Tanong ni Tristan as I lay down a piece paper in his table that Friday morning.

"Papel, bakit ano ba sa tingin mo dyan? Baboy?" I answered him sarcastically.

He rolled hi eyes at me and took the piece of paper and read the content of it. Ang laman ng papel na yon ang mga kondisyon na na isip ko kagabe para sa isang buwan na pagtira namin ni Mia sa kay Tristan.

"What do you mean na hindi ako pwedeng maghubad sa harap mo?" Kunot noong tanong nya.

"Mahirap bang intindhin ang hindi ka pwdeng maghubad?" He glared at me as I said that. "It's means that you can't be seen naked or half naked in front of me or Mia."

"And why is my nakedness a problem for you?" Pilyong tanong ya.

"Hindi para sa akin, para kay Mia yan noh. Ayoko lang na macorrupt yong mind ng bata." Sabi ko averting my gaze from his eyes to the wall.

Sa totoo lang, partly kay Mia nga naman ang rason at nilagay ko yon. And mostly, sa akin talaga ang kondisyon na yon. The guy is sexy with and without clothes but much sexier without of course. At tao lang ako na natutukso din, kaya mas mabuti na ang prepared.

"Talaga lang ha." He smirked mischievously.

"Oo naman noh." Medyo defensive ata ako ah. "Anyway, yan ang mga kondisyon ko. Basahin mo na lang at kausapin mo na lang ako if may problema ka sa ibang nakastate dyan."

Halos 25 conditions ata ang nasulat ko kagabe. At aaminin ko mostly sa mga kondisyon ay for my own. Ayoko ko lang nang possibility na mahulog kay Tristan. Because it is quite hard not to fall for the man.

"Stay." Aalis na sana ako. "Sit down for a moment and just give me 5 minutes, wala ka na rin lang gagawin diba?"

Tinignan ko siya ng masama but he just smiled at me then his gaze went back to the paper. As of now, I am officially his PA. Pero may isa pa akong trabaho mamaya, ang Artist Gallery na pag-aari ng kapatid niya. Kahapon ko lang nalaman na ang gallery pala na yon ay pagmamayri ng kapatid nitong si Mico, kaya siguro gustong ma ifeature sa magazine.

But as far from the research that I had yesterday, Mico Pangilinan has been climbing through the ladder of the artistry and sculptor ever since na na exhibit ang gawa niya sa isang famous gallery sa New York. And from the pictures of his paintings and sculptors, masasabi ko talagang magaling siya no doubt about it. Parang hindi ko tuloy akalain na magkapatid sila ni Tristan.

They are so opposite, not just in lifestyle but also in appearance. From what I heard and read, Mico is a carefree and happy go luck guy maybe because of his passion in art. While Tristan, is a serious business man of cars and don't asked me how he shifted from a racer to a businessman for cars to a chief editor of a lifestyle magazine. The only thing that you could say that they are siblings is their eyes. They have deep dark chocolate brown eyes, it is almost black. 

"Okay, I have some few changes on these conditions of yours." Sabi nito after niyang mabasa ang mga conditions ko.

"At anu ang mga iyon?" Tanong ko with my arms across my chest.

"First, all the expenses from Mia's allowance to the grocery will be on me. Second, maraming room sa bahay pwedeng tig isa kayo ng room ni Mia. Third, your where about is my concern as soon as your foot steps into my house."

"Oookaay, can the expenses be divided to 60/40? Medyo nakakahiya naman kasi na makikitira kami doon at hindi naman magshishare noh."  Ayoko ko lang kasi isipin ng iba na parang naging palamunin kami ni Mia sa kanila ni Tristan.

"Ako naman ang nagpumilit na doon kayo tumira." Insist pa din nito.

"But.."

"No buts Kate, 5 years akong nawala sa buhay ng anak ko. At a month na makasama siya at maging ama sa kanya ay isang malaking bagay na sa akin. So please understand that."

I do understand him but then again why am I also part of it? Si Mia lang naman ang gusto niya di ba? Hindi na ako kasama doon, bakit ba sinama niya pa ako? Punishment niya ba to sa akin for not telling him about Mia? Ang daming tanong sa isip ko pero hindi ko naman alam kung pano sagutin.

Itanong mo kaya sa kanya ang mga tanong na yan, Katey dear. Para hindi na tayo magulohan pa. Sagot naman ng konsensya ko.

I mentally shook my head, ayokong itanong sa kanya ang mga tanong na yan. Baka isipin niya na gusto ko siya o di kaya ay isipin niya na hindi importante sa akin si Mia. Hindi pwedeng mangyari yon.

"Kate, okay ka lang ba?" His question pulled me out from my chain of thoughts.

"Okay lang, may kailangan ka pa ba?" Medyo absent mindedly kong tanong sa kanya.

"Wala na." That's my queue for being dismissed. Haixt! Salamat naman.

"Oh! Before I forgot Miss Torres." Nasa pinto na ako nung tinawag nya. At dahil parang bipolar ito, shifting from Kate to Miss Torres, hindi ko tuloy maiwasan mapaisip kung ano na naman kaya ang sasabihin nya.

"You can now move your things at the table right there." Tinuro niya ang isang table sa may corner wall ng office niya na ngayon ko lang na notice.

 Tumango lang ako at umalis na. Dumiretso ako sa housekeeping office at nanghiram ng box na gagamitin sa paglipat ko ng mga gamit.

"What are you gonna do with that box?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Miss Jade sa tabi ko.

Nakasimagot ito at nakatitig sa akin na parang isang ipis na gustong gusto niyang apakan hanggang mamatay.  Since kasi na nakita niya kmi ni Tristan kahapon ay ang sama na ng tingin ni Miss Jade sa akin after noong dumating kami after lunch. May gusto ata siya kay Tristan.

"Ano po nga ba ang ginagawa sa box Miss?" Pilosopong tanong ko sa kanya na may pilyong ngiti.

"Wag kang magmayabang Kate dahil sa may relasyon kayo ni Tristan." Medyo na mumula ito, galit ata.

Parang gusto kong matawa sa sinabi nya. Pero dahil medyo baliw ako ngayon sa hindi malaman na dahilan, mapaglaruan nga itong si Miss Jade ng konti.

"Hindi po ako nagmamayabang, natatanong lang din." Simpleng sagot ko tapos lumapit ako sa kanya ng konti. "Gusto kasi ni Sir Tristan itong mga box para daw mapagtaguan siya ng mga bagay bagay. He has a fetish for boxes you see. He gets horny when he sees boxes." I whispered seductively.

Iniwan ko si Miss Jade na nakatayo dun at medyo tulala as I walk to my table with the box at hand with a smirk in my lips. Binagsak ko yong box sa table and I sighed loudly, mamimiss ko ang table na to. I feel stupid for feeling sentimental on a office cubicle.

"Oi! Aanhin mo yang box?" Dumungaw si Jane sa cubicle nya.

"Ipapasok kita dito tapos itatapon sa labas." Sabi ko sa kanya with my hands on my hips nakatingin sa mga gamit ko sa table.

"Hahaha, funny ka talaga Kate." She said sarcastically and I just rolled my eyes at her. "Maglilipat ka noh?"

"Obvious ba?" Kinuha ko na yong mga magazines at nilagay sa box.

"Saan ka na mag.office?" Tanong niya as she wheeled herself to my cubicle.

"Sa impyerno." Sagot ko as I piled up all the things I could get my hands with and put it all in the box.

"Impyerno? May impyerno ba tayo dito sa office?" Wala bang trabaho tong si Jane at patanong tanong lang to sa akin?

"Oo andun sa may pinto sa may dulo." Last na yong picture namin ni Mia.

"Sa office ni Sir Tristan?! OMG! That would be heaven!" Tili nito na halus tumingin ang lahat ng tao sa office sa amin.

"Sige! Ipagsigawan mo pa te! Yong buong building ang makarinig sayo." Medyo galit na sabi ko sa kanya. Ai, naku na lang talaga itong si Jane.

"Sorry!" Nagpeace sign siya sa akin. "Excited lang kasi ako sayo! magiging official PA ka na ni Sir Tristan tapus iisa pa yong office niyo."

Nakapikit na bumuntong hininga ako, parang ang sarap kasing kutusan tong si Jane. Kinuha ko yong bag ko at binuhat na yong box. "See you around na lang." Sabi ko kay Jane na tumango with a huge grin on her face. Para siyang baliw tignan, parang si Joker lang.

Halos nakatingin ang lahat sa akin as I walk down the hall way going to Tristan's office. Medyo may bulongan pa na kasama pero hindi ko na pinansin. I stop in front of his door and balance the weight of the box on my left arm as my right hand reach for the door knob. Pero nagulat ako ng bumakas yon bigla.

"You should have called me." Sabi ni Tristan habang kinukuha yong box sa mga kamay ko.

"Ayokong makadisturbo." Sumunod na ako sa kanya papasok at sinara yong pinto.

"It is really not a bother Kate." Nilapag nya yong box sa table.

"Thank you pero kaya ko naman." Nilagay ko yong bag ko sa may table. "By the way, please give me the schedule that you have right now so I could arrange it somehow."

"I think you should settle your things first bago ang schedule ko." Tinuro nya yong box.

May point siya pero mabilis lang naman ayosin ang mga gamit ko dahil konti lang naman ang mga yun. Pero dahil sya ang boss wala akong magagawa kundi sumunod. I nodded as he walk back to his table at ako naman ay inarrange yong mga gamit ko.

After kong masettled ang mga gamit ko ay binigay na ni Tristan ang schedule niya at dahil hindi pa malilipat ng IT group ang computer ko ay ang laptop ko na lang muna ang ginamit ko. I arrange his schedule na mostly meetings about the magazines lang naman for next week at may isang lunch meeting sa isang parts manufacturer para sa car business niya. After noon, I arrange all the things about the magazines from the things that he needed some signing or some designs that he needs his approval.

Naging abala ako sa bagong kong work dahil first time ko kahit na nakatake ako before ng secretarial course medyo mahirap pa din ito. And before I knew it, it was already lunch time as my reminder alarmed me for Tristan's lunch meeting.

"Sir, don't forget your lunch meeting with Mr. Nakamura." I reminded him.

He didn't reply but just look up from his laptop and I just gave him a small smile. He then close his laptop at tumayo na at pinasok yon sa bag nya.

 "Do I have to come with you in this meeting sSr?" Tanong ko sa kanya.

"I think you just have to stick with the magazine stuff for now." Sabi nito as he closes his bag.

Tumango lang ako at binalig ulit yong sarili sa files na nasahrap ko. Sa totoo lang nagpapasalamat ako at hindi nya ako isasama baka ma out of place lang kasi ako.

"By the way, Miss Torres, I want the designs for the next issue on my desk when I get back." At ayun umalis na sya.

"Ay! Salamat naman." Tumayo ako at nag stretch ng katawan. Nakakapagod ding umupo lang ng halus 2 oras noh.

Lumabas ako at pumunta sa canteen, I was planning to take some food upstairs at dun na lang kumain. Pero after kong magbayad ng pagkain ko ay bigla akong hinablot ako ni Jane at kinaladkad dun sa may table kung saan nandun ang mga office mates namin.

"Kate! kamusta ang pagiging PA ni papable Sir Tristan?" Tanong agad ni Ivy nung nakaupo ako.

"Okay lang naman." Sagot ko sabay subo ng pagkain.

Halus nakatingin silang lahat sa akin with curious and hesitant look in their faces. Alam kong gusto nilang magtanong about sa amin ni Tristan, especially about sa pagiging ama niya kay Mia. Pero kung hindi sila magtatanong then hindi din ako sasagot, pano ka nga naman sasagot kung wala naman tanong diba? Halos paubos na kinakain ko pero wala pa ding nagsasalita sa kanila and it was the most awkward lunch that I ever had. Mas awkward pa ata sa pagiging third wheel sa isang date.

"Mauna na ako sa inyo." Sabi ko sa kanila after kong malunok ang last part ng pagkain ko.

"Teka lang Kate!" Biglang pigil ni James sa akin. Si James (modesty aside) ay manliligaw ko ever since kahit nang nalaman nya na buntis ako at ninong pa siya ni Mia. "Ano kasi..may itatanong sana ako."

I just look at him curiously nakataas ang kaliwang kilay.  "Anu yon?"

"Tungkol sa inyo ni Sir Tristan? Magpapakasal na ba kayong dalawa?" Nahihiyang tanong nya.

"Sa tingin mo ba ay magpapakasal ako sa lalaking yun?" Medyo napalakas na sagot ko sa kanya. Saan kaya nila nakukuha ang mga tsismis na to? Grabe talaga gumawa ng mga kwento ang tao

"Kasi di ba siya ang ama ni Mia?" Tanong ulit nito nakayuko at hindi mkatingin.

"Hindi ibig sabihin na siya ang ama ni Mia ay magpapakasal na ako sa...."

"Miss Torres!"

Tumigil ako at parang tumahimik ata ang lahat. Hindi ko na kailangan lumingon kung sino ang tumawag sa akin.

"Where is the design? Diba sabi ko na dapat nasa desk ko na ang mga design pagbalik ko?!" Lahat ata ng tao sa canteen ay nakatingin sa akin sa at that very moment.

"It is still lunch break Sir." Mahinahong sagot ko sa kanya pero sa totoo lang parang gusto ko yong isigaw sa kanya. Grabe naman ang taong to! May karapatan naman ata akong maglunch noh!

"I don't care if it is still your lunch break or if you are flirting with your boyfriend.I want those designs on my table now." At pagkatapos noon ay umalis na siya and everyone around me looks at me sympathetically.

Pumikit ako at bumuntong hininga parang makakapatay ata ako ng tao by the end of the day. "Okay ka lang ba Kate?" Tanong ni James na may pagaalala.

"Okay lang, sige at papatay pa ako ng tao." Sabi ko at sumunod na kay Tristan.

Hindi na ako kumatok at binuksan agad ang pinto tapos dumiretso sa desk ko kung nasaan yong mga design. Kinuha ko yon tapos pumunta sa desk nya at binagsak ang mga design sa harap nya. Hindi ko na hinintay ang reaction nya at bumalik na sa desk ko. I got back from the work that I had left behind before I had lunch at hindi siya pinansin. I know it might be so unprofessional of me but he had just so pissed me off.

Time goes by and silence envelopes the whole room as tension between us draws out. And as soon as the clock strike 5 ay niligpit ko na agad ang mga gamit ko at walang lingon likod ay umalis na ako. Bahala sya sa buhay nya, nakakainis talaga sya!

****

"It's beautiful, isn't it?" Tanong ng lalaki sa tabi ko.

"It is." I agreed as I watch the beautiful painting in front of me. It was a simple painting of the sunset near the sea pero may something dito na parang gusto mo lang siyang titigan. Siguro dahil masyadong realistic yong pakapinta ng sunset at parang nandun ka talaga sa beach nanakaupo at pinapanood yun.

"Nasaan ang anak niyo Misis?" Bigla akong napatingin sa katabi ko dahil sa tanong na yon. Si Mico pala, nakangiti na nakatingin pa din sa painting.

"Hindi naman ata bagay yong anak ko sa okasyon na to at wag mo nga akong tawagin na misis mukha ba akong misis sayo ha?" natatawang sagot ko sa kanya.

"That you are right, you are too gorgeous para tawagin na misis."

Feeling ko nagblush ata ako sa sinabi nya. This guy knows how to flatter a girl. "Hindi ko alam na matamis din pala ang mga dila ng mga artist."

"Oi, hindi kita binobola noh! I am just stating the truth and nothing but the truth as God is my witness." Sabi niya na nakataas ang right hand at nasa dibdib naman ang isa tapos sabay kindat.

Napailing na lang ako sa sinasabi nya, ang kulit naman nito. "Do you know who the painter of this is?" Pagiiba ko ng usapin namin for work purpose at curious din kasi ako kung sino ang gumawa ng painting. If ever kasi na wala pang nakabili ay bibilhin ko at sana hindi ito ganun kamahal.

"Hindi ko kilala, pero sabi nila napakapogi daw ng painter nyang painting na yan." He wiggled his brows as he said this and I can't help but chuckled. Ang kulit talaga ng lalaking ito.

"You look more beautiful when you smile." Seryosong sabi nya at hindi ko maiwasang magblush. Feeling ko parang high school student ako na kinakausap ng crush.

Oi! Masama yan Katey dear, remember kapatid yan ni Papa Tristan. Pagreremind sa akin ng konsensya kong pakialamera.

 "Thank you." Sabi ko as I avert my gaze from him and back to the painting. I felt a sudden awkwardness between us.

"Mico! There you are I have been looking for you. I have someone who would like to meet you." Sabi ng isang bakla na palapit sa amin. "And who is this beautiful creature that you are with?"

"This is.." Apologetic na tumingin sa akin si Mico. Parang ngayon niya lang ata naalala na hindi pala nya natanong ang pangalan ko.

"Kate..Kate Torres." Sabi ko at inilahad ang kamay.

"Nice to meet you Kate, I'm George but you can call me Georgina by night." Sabi nito at kinamayan yong kamay ko. "Are you Mico's date?" Tanong nito sabay kindat kay Mico.

"No.."

"She's mine." Added by a husky voice behind me.

"Tristan dahrling!" tili ni George. "Akala ko hindi ka pupunta."

"I just got some drink for Kate." Sabi nito sabay hawak sa may bewang ko.

Ano na naman kaya ang drama ng lalaking ito? Ang hirap talagang spellingin ang taong to.

"Hindi ko alam na magkasama pala kayong dalawa." Sabi ni Mico na parang naging glommy bigla.

"Nauna lang si Kate sa akin." Sagot ni Tristan bago ko pa maibuka ang bibig ko.

"So, you two do know each other." Ani ni Mico as he looks at me then Tristan.

"He's my boss."

"She's my fiancée."

Teka, ano daw? Gulat na nakatingin si Mico at si George sa amin at ako man ay gulat na nakatingin kay Tristan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 41.1K 43
R-18| Mature Content Inside| Not suited for readers below 18| Read at your own expense| I took her innocence,I paid her. She's nothing but a cheap wh...
401K 8.3K 39
The Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. B...
951K 15K 22
Nagkamali at muntikan na silang mawala sa akin. Tinanggap ko ang pagkakamaling iyon, at gagawin ang lahat para makuhang muli ang tiwala at pag-ibig n...
786K 26.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...