New Story!!! (Endorse lang ^-^)

34.3K 375 11
                                    

Hey guys! Thank you ulit sa support na binigay niyo sa Accidental Sperm Donor. I have this new story titled Sorry, Hindi Kami Talo and I hope that you will gave this story the same support like you did for ASD. Here's the prologue of the story, hope you will like it. :)


TITLE: Sorry, Hindi Kami Talo

Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Butiki, Baboy.

Isang kwento ng isang bakla at isang tomboy, at kung paano sila naging magkaibigan at naging magka-ibigan???

Prologue

1998

"Bakla!"Sigaw ng isang malaking batang lalaki sabay tulak sa isang payat na bata sa pader. "Bakla ka! Bakla! Baklang Payatot!"

The big kid pushed the thin one, over and over to the wall as he shouts insults at him. Walang magawa ang payat na bata dahil sa takot at dahil sa wala din naman siyang laban. Ininda niya ang sakit nagpagtulak sa pader at pinagdasal na lang niya na sana ay may tumulong sa kanya.

And his prayer was not gone in vain, dahil sa may isang batang babae ang naglalakad sa di kalayuan sa parte ng pangyayari. Inutusan kasi siya ng teacher nila na magtapon ng basura. Aalis na sana ang batang babae pagkatapos maitapon ang basura ng may narinig siyang sigaw. And because she is one curious kid, she looks around for where the scream could have been.

The girl gasped as she saw her classmate Anthony pushing their new classmate Christopher on the wall. Dali-dali siyang tumakbo sa dalawang batang lalaki at pinigilan ang mga ito.

"Hoy!" Sigaw niya kay Anthony sabay hampas sa balikat nito. Magkasingtangkad lang silang dalawa kaya madali niya itong nahampas. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Anthony ha!?"

Napatingin si Anthony sa istorbong nagpatigil sa kanya. Napasimangot ito ng makita si Alexandra, si Alexandra ang matangkad nilang kakaklase na tomboy.

"Ano sa tingin mo?" Hawak hawak ni Anthony si Christopher sa may kwelyo.

"Bitawan mo siya Anthony." Mariin na sabi ni Alexandra.

"Bakit? Ano ang gagawin mo ha?" The big kid mocked her. "Tutulungan mo ang baklang to? Tutulungan mo ang mga kalahi mo ha?"

Napataas ng kilay si Alexandra. "Anong kalahi ang pinagsasabi mo ha?"

Tumawa si Anthony sa clueless na si Alexandra. "Diba magkalahi ang mga bakla at tomboy? Kaya magkalahi kayo ng baklang to kasi tomboy ka! Tomboy!"

Isang malakas na suntok sa pisngi ang nakuha ni Anthony dahil sa pagkasabi noon kay Alexandra. He was taken back by what Alexandra did and stumbled on the ground dragging Christopher with him.

"Ano! Tomboy pala ha!" Alexandra shouted with her fist clenched for another punch.

Tumayo si Anthony na nakatingin ng masama kay Alexandra. "Tomboy! Tomboy ka! Magsama kayo ng baklang ito! Mga alien kayo!" sigaw nito at kumaripas ng takbo bago pa siya mahagilap ni Alexandra.

"Gagong yun ah." Alexandra snorted in disgust. "Akala mo kung sinong siga, takot din naman sa babae." She shook her head in disbelief. "Siya siguro ang bakla, duwag pala ang gago."

Bumuntong hininga si Alexandra at napatingin siya kay Christopher. "Okay ka lang ba?" She reached out for him who was still on the ground. Christopher took her hand and she pulled him up.

"Salamat ha." Nakayukong sabi ni Christopher.

"Okay lang." Sagot ni Alexandra dito. "Wag mong pansinin ang gago na yon."

"Ganun ba talaga siya?" Nahihiyang tanong ni Christopher.

"Oo, bully talaga ang lalaki na yon. Pero wag kang magalala, takot niya lang sa akin." Pagmamayabang ni Alexandra dito.

Parang natakot si Christopher sa sinabi ni Alexandra. Paano kasi ang nagbubully sa kanya ay takot sa babae na ito, ibig sabihin mas nakakatakot ang babae na nasa harap niya. Bagong lipat lang si Christopher sa eskwelahan na to at wala pa siyang kilala. Hindi niya inakala na mabubully pa siya dahil sa malambot niyang paggalaw.

Mula noon pa man ay ganun na talaga si Christopher gumalaw. Parang babae daw sabi ng mga taong kilala niya, mostly mga kapamilya niya pa. Pero wala naman kasi siyang magagawa kasi ganun talaga siya gumalaw at hindi naman niya yun sinasadya. Hindi niya din alam kung bakla ba talaga siya o hindi pero ang alam niya lang ay wala naman siyang ginawang masama para saktan ng Anthony na yon.

"Bully ka rin ba?" He bluntly asked even though he was scared of her.

"Ako bully? Hindi no!" Alexandra denied immediately.

"Inaaway din ako noon ng gagong Anthony na yon pero isang araw hindi ko na kinaya at nasuntok ko siya." She told him. "Nagulat ang loko at after noon ay hindi na ako inaway, natakot na siya akin, ikaw ba naman magkablack eye." She laughed as she ended the story.

Napalunok si Christopher sa kwento ni Alexandra at parang mas natakot pa ito sa babae. "Totoo?"

"Oo, tanungin mo pa ang iba nating kaklase." Sabi ni Alexandra. "Kaya lagi kang sumama sa akin para hindi ka sasaktan ng gago na yon."

Hindi alam ni Christopher kung tatango ba siya o hindi, pero dahil medyo natakot na siya sa babae ay tumago na lang siya.

"Wag kang matakot." Alexandra assured him as she saw the doubt and fear on his face. "Hindi kita sasaktan katulad ng gagong Anthony na yon. Sa mga taong katulad natin dapat magsama para hindi tayo nasasaktan ng mga katulad nila."

At that very moment ay parang nawala ang takot ni Christopher sa kanya. Nararamdaman kasi niya ang sensiredad sa sinabi ni Alexandra. Napangiti si Christopher kay Alexandra dahil sa sinabi nito at nasiyahan naman ang batang babae dahil doon.

"Friends?" Nilahad ni Alexandra ang kamay niya.

"Friends." Tinanggap ni Christopher ang kamay ni Alexandra.

Napangiti ang batang babae sa bagong kaibingan niya. Halos natakot kasi ang mga kaklase niya pagkatapos ng pagsuntok niya noon si Anthony. Kaya masaya siyang makakakita ng bagong kaibigan na hindi siya hinusgahan dahil sa ginawa niya.

"Tara na." Aya ni Alexandra at tumango naman si Christopher.

"Pwede ba kitang tawaging Tope? Masyadong mahaba ang Christopher eh." Masayang tanong ni Alexandra sa bagong kaibigan.

"Uhm.." Nagaalangan nagisip si Christopher. "Pwede Chris na lang?" Ayaw kasi ni Christopher ang nickname na Tope, feeling niya para siyang aso. Iyon kasi ang pangalan ng aso ng kapitbahay nila.

"Sure." Inakbayan ni Alexandra si Christopher. "Alex na lang itawag mo sa akin, masyadong mahaba din kasi ang Alexandra." Natatawang sabi nito sa kaibigan. Tumango naman si Christopher at ngumiti sa bago niyang kaibigan at kakampi.



Nagustohan niyo ba? if yes, please click the link below. If no, please still click the link below. :) and don't forget to vote and comment. Thank po ulit sa inyo mga magaganda at gagwapong nilalang sa mundong ito. :)



http://www.wattpad.com/story/40323295-sorry-hindi-kami-talo-r16



The Accidental Sperm Donor { Complete }Where stories live. Discover now