Chapter 26

23K 450 2
                                    

Kate Torres

Nagising ako ng biglang may sumampal sa aking pisngi. At ang unang tumambad sa akin ay ang mukha ni Miss Jade. Napasimangot agad ako dahil dito, ikaw ba naman magising na mukha agad niya ang makikita for sure ay sisimangot ka din. Hindi naman sa namimintas ako, oo maganda siya but there is something about her that makes her ugly in my eyes. Siguro dahil sa masamang aura na nilalabas niya.

“Ano ba!” Sigaw ko dito. “Nakailang sampal ka na ha!”

“Wag kang mag-alala madami pang dadating na sampal mula sayo.” Nakangising sabi ng bruha na to.

“Ano ba ang kailangan mo?” I asked as I push myself to sit up.

“Ako? May kailangan sayo? Nagpapatawa ka ba?” She sarcastically said.

I rolled my eyes because of that. “Ano akala mo sa akin kalbo?”

“Hindi.” She arched her brow. “Pero kung gusto mo ay kakalbohin kita.”

Aba, gaga to ah. “Sige, subukan mo at tignan natin kung kaninong dugo ang dadanak dito.” Matapang kong sabi sa kanya.

Nilapitan niya ako at sinabunot ang buhok ko. “Wag kang magtapatapangan Kate.” Mas hinigpitan niya ang paghawak sa buhok ko. “Alalahanin mo, sa ating dalawa.” Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. “Ikaw ang nakagapos at hindi ako.”

And with that I spit out on her face just to prove to her that I don’t care if I am tied up or not. But because of that she had slap me again on the face, harder this time.

“Alam mo.” Sabi nito na hawak pa din ang buhok ko. “Kung hindi lang ako nagtitimpi ay siguro napatay na kita.”

“Sige.” I challenge her even though my heart is already pounding so fast inside my chest. “Patayin mo ako.”

Tinignan niya ako ng mabuti sa mata tapos tumawa. Para siyang baliw. Baliw ata talaga ang gaga na to. “I will Kate but I will make you suffer first.” Banta nito.

She then pulled my hair up so hard that it made me yell in pain while she just laugh at me because of it. Baliw nga talaga ang babae to.

“Ate! Tama na yan!” Sigaw ng isang boses at napatingin ako sa direksyon niyon.

And Selene was standing there by the door. Teka lang, tama ba ang pandinig ko? Tinawag niya si Miss Jade na ate? Magkapatid sila?

Binitawan bigla ni Miss Jade ang buhok ko at natumba ako sa higaan. Lumapit agad ito sa kay Selene na nakangiti at humalik sa pisngi ng babae.

“Nakuha mo na ba ang surprise natin para kay Kate?” Tanong nito kay Selene.

“Oo.” Sabi lang nito na ang mga mata ay nakatingin sa akin. “Nasa kabilang kwarto, tulog.”

“Tulog?” Tanong ni Miss Jade na para bang hindi lang narinig ang sinabi ni Selene. “Sige at gigisingin ko. This will be fun.” Natutuwang sabi nito at umalis na ng kwarto.

Selene stood by the door for a moment then slowly walk towards the bed. “Hello Kate.”

“Hi Selene.” Bati ko din sa kanya. “You look lovely as ever.”

She smirk as she stood at the side of the bed looking down on me. “You don’t look so bad yourself especially na may lubid na nakagapos sa katawan mo.”

“Well.” Sabi ko na pinilit ang sarili na bumangon. “They say that this is the new trend for this season. Why don’t you try it too. I think it would really look good on you.”

“Nah.” Umiling ito. “I think it is better on you it gave out your personality which is a trash.”

“Oh!” Umarte ako na parang nabigla. “And that is coming from some one who is adopted.” Dininan ko talaga ang pagsabi ng adopted, alam ko kasing sensitive kasi na topic yon sa kanya. “Hindi ka ba nagtaka kung bakit ka pinamigay sa amponan Selene?” Mataray kong tanong dito. “Kasi isa kang basura na tinapon ng mga magulang mo. Ikaw ang basura sa ating dalawa Selene, tandaan mo yan.”

The Accidental Sperm Donor { Complete }Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz