Chapter 19

26.9K 544 6
                                    


Kate Torres

"Could this life of mine be more complicated?"  Nakasimangot na tanong ko sa kanya.

Natawa lang siya at hinalikan ulit ang aking mga labi. "I'm sorry for making your life complicated, hindi ko naman kasi inakala na magkakaganito. Siguro ganyan ang nangyayari pang may pogi kang boyfriend."  He then wink at me.

Boyfriend. Wow, parang ang surreal pakinggan. Hindi ko akalain at the age of 28 ay dun pa ako makakaboyfriend. At least nagkaboyfriend pa diba? Kahit medyo malapit na sa dulo ng kalendaryo.

"Modesty, Mr. Pangilinan. Ang aga aga nagbubuhat ka na agad na sarili mong bangko." Tukso ko sa kanya. 

"Hindi ko na kailangan magbuhat noh." He chuckled. "Why state the obvious?"

"Aba.." Hindi ko mapigilang matawa, good mood ata ang bruho na to ah. "Di ikaw na ang pogi."

"Ako nga naman talaga kasi hindi naman pwede na ikaw diba?" He joked and I laughed at what he said.

"Ang ganda ata ng gising mo ah." Sabi ko dito sabay pisil ng ilong niya. A habit that I had taken from Mia and him.

"Maganda nga, may maganda kasi sa tabi ko pagkamulat ko ng aking mga mata." He said wiggling his brows.

Grabe, ang corny ng bruho na to. "Ang bolero mo talaga, tara na nga at baka magalit na yong nanay mong maganda."

Napasimagot siya sa sinabi ko tapos ng pout na parang bata. "Istorbo talaga ang parents ko."  

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Miss Eva Pangilinan was sitting like a queen on the sofa as we walk down the stairs while Tristan's father, Rodrigo Pangilinan was standing by the open door talking on the phone. Tumaas agad ang kilay ni Miss Eva ng makita kami at masama agad ang tingin niya sa akin. Hinigpitan ko ang pakahawak sa kamay ni Tristan dahil dito, for support lang kahit papano.

Tinapos ni Mr. Pangilinan ang tawag niya at nakangiting inukol ang kanyang atensyon sa amin. "You must be Kate, I'm Rodrigo Pangilinan but you can call me Tito Rod."

I shyly nodded and I was kind of relief na hindi katulad ni Miss Eva ang ugali ng asawa niya. "Hello po." Bati ko. "Gusto nyo daw po kaming makausap?" I frankly asked.

"Ah, yes." Sabi nito tapos tumigin kay Miss Eva na inirapan naman ang asawa niya. "Umupo muna tayo?" He suggested and both Tristan and I nodded as an agreement.

Umupo kaming dalawa sa isa pang couch na nasa left side ng inuupoan ni Miss Eva at ang ama naman ni Tristan ay tumabi sa asawa niya. Masama pa din ang tingin ni Miss Eva sa akin habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Hinihanapan ata ako ng kapintasan like she had did before when I was first introduce to her.

"Nasa kabilang rest house kasi kami nitong asawa ko at nakita namin ang sasakyan ni Tristan kaya napag-isipan namin na dumaan and we didn't expect that kasama ka pala niya." Pagsisimula ng nakakatandang Pangilinan. "Minsan lang kasi magdala ng bisita si Tristan sa bahay na to." He added with a smile.

"Anyway, hindi na ako magpaligoy ligoy pa at didiretsuhin na namin ito ngayong nandito rin lang naman tayo. I had came to known that my son here have a child with you? Is that right?" Tumango ako at medyo nagugulohan kung saan patungo ang usapang ito. "And as the father of this family, ayoko ng may bastardo sa pamilya ko. Siguro ay alam mo na ang ibig kong sabihin nito Kate."

"Gusto niyong palitan ko ang apelyido ng anak ko?" I asked confusedly.

"Yes, of course, that is one of the few things. Pero ang gusto ko ay na magpakasal kayo ng anak ko."

The Accidental Sperm Donor { Complete }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon