Chapter 20

29.7K 603 11
                                    


Kate  Torres

"Mic.." 

"HmM?"

"Sigurado ka ba sa direksyon na tinatahak natin?" Tanong ko kay Mico ng halos puro talahiban na yong dinadaanan namin.

"Wow! Direksyon na tinatahak talaga? Lalim nun ah." Natatawang sagot nito.

Tinignan ko siya ng masama at hinampas sa balikat. "Sagotin mo na lang kasi ang tanong ko!" Parang bata na demanding ang pagsigaw ko.

At dahil dun ay tinigil ni Mico sa may gilid ng daan ang sasakyan tapos binalig ang atensyon sa akin. "Sadista ka talaga."

"Tell me something that I didn't know." Mataray kong sabi sa kanya at natawa naman ito. "Saan kasi tayo pupunta? Saan ba yong surprise ng Kuya mong bipolar ha?"

Natawa na naman ito. "Hindi ka naman excited noh?" Tukso nito. "Malapit na tayo konting hintay na lang. Pero bago mo pa malaman kung saan...talikod ka muna." Utos nito na may pilyong ngiti sa mga labi.

"Anong talikod muna? Anong gagawin mo ha?" I confusedly asked. Ano na namang drama kaya ito.

"Ang dami mo talagang tanong Kate." Sabi nito.

"Eh sa nagugulohan ako. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit dito para marindi na sya sa kakatanong ka at sabihin na niya na kung saan.

"Kate, malapit na tayo, okay? Tumalikod ka na kasi para mapiringan na kita at para ma---"

"Anong piringan! Bakit may ganun pa na drama?!" I exclaimed confusedly.

"Drama ng kuya kong baliw na baliw sayo. Kaya tumalikod ka na at para mapiringan na kita dahil kanina pa nagvivibrate ang phone ko sa bulsa ko." Medyo inis na sabi nito. Halos nakakunot na kasi ang noo nito sa inis sa tantrums ko.

 "Anong connection ng pagvivibrate ng phone sa kabaliwan ng Kuya mo sa akin?" I sarcastically asked.

He let out a sighed of frustration, nakukulitan na talaga ata siya sa akin. "Tumalikod ka na nga, please lang." Pagmamakaawa nito.

At dahil sa naawa na rin naman ako kay Mico ay sinunod ko na yong utos niya at tumalikod na. At pagkatapos ng ilang segundo ay dumilim na ang mga paningin ko dahil sa panyong piniring niya sa mga mata ko.

"Okay, ayan na." He declared after he had tied up the blindfold tightly. "Tsk!Ano ba yan..ang kulit ni Kuya." Rinig kong sambit ni Mico ng pinaandar ulit ang sasakyan.

"Kuya, malapit na kami, okay? Konting hintay na lang." Rinig ko ulit na sambit ni Mico, nasa phone ata kausap si Tristan. "Baliw! Cge na, para makapagmaneho na ako." Rinig ko ulit na dagdag niya.

"Baliw talaga si Kuya sayo." Sabi ni Mico sa akin pagkatapos ng tawag ni Tristan. Hindi na ako nagcomment at ngumiti na lang sa direksyon niya.

After mga ten minutes or so na tahimik na byahe ay tumigil ulit ang sasakyan. "Andito na ba tayo?" tanong ko kay Mico pero hindi ito umimik. "Hoy! Mico! Sumagot ka nga!" Sigaw ko dito dala hampas sa direksyon niya pero nagulat ako ng walang Mico akong nahampas. Pano kaya yon? Kakatigil lang ng sasakyan ah? Paano nakalabas yon? Ai,naku may lahing multo talaga ang mga Pangilinan.

I snap back from my ghostly thinking ng narinig ko ang pagbukas ng passenger door ng sasakyan. "Sino yan?" Tanong ko na medyo may takot. Ikaw ba naman kasing may piring at hindi alam kung nasaan ang kasama at hindi alam kung nasaang lupalop ka ng Pilipinas, hindi ka kaya matatakot?

"It's me Kate." Tristan's husky voice answered as I felt his hands on mine.

"Tinakot mo naman ako." Sambit ko dito habang tinulungan niya akong lumabas ng sasakyan.

The Accidental Sperm Donor { Complete }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon