Chapter 28

26.2K 598 12
                                    

Tristan Pangilinan 

I felt like my heart stop beating as I saw Kate fall on the ground. Her face had a mixture of hurt and shock as she fall down. And I run to her as soon as I saw it. 

“Kate…” I wrap my arm around her helpless body. “Okay ka lang ba?” Pagkatanong ko ay naramdaman ko ang dugo sa kanyang gilid. “Shit!” Binuhat ko siya at lumingon sa mga pulis. “May dala ba kayong ambulansya?”

“Opo, may naghihintay sa--.” Sagot ng isang pulis.

Hindi ko na pinatapos ang sagot niya at dali daling lumabas ng warehouse. Pagkalabas ko ay halos takbohin ko papunta sa ambulansya para maibigay sa medics si Kate. The medics immediately assist us and got a stretcher for me to lay her. They check her up as I stood there with heart pounding in my chest waiting for their judgment.

“Kailangan nating siyang madala sa ospital.” Sambit ng isang medics at binuhat na nila si Kate papasok ng ambulansya.

“Sasama ako—“

“Daddy!”

Shit! Si Mia. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses niya at nakita ko siyang nakatayo kasama ng isang pulis. Lumapit agad ako sa kanya at binuhat. Yumakap siyang umiiyak sa akin.

“Shh..Baby..” I bury my head on her neck as I hugged her back.

“Daddy..” Umiiyak na hinigpitan nito ang pagkayakap sa akin. “Is Mommy going to die?”

“No baby.” I kissed her forehead. “Hindi mamatay si Mommy, pero kailangan natin siyang samahan sa ospital.”

“Really? She won’t die?”

“Hindi baby, hindi mamatay si Mommy.” I was not only convincing her but also convincing myself.

 Bumalik na kami sa may ambulansya nanghinarang kami ng isang medics. “Sir, sorry pero hindi po kayo makakasabay.” He informed. “May isang sugatan pa po kasi.”

Oo nga pala, si Selene. Napatingin ako sa may ambulance, pinapasok na nila si Selene. Mas dugoan ito kaysa kay Kate. Sana walang mangyaring masama sa kanya. Kahit mali at masama ang ginawa niya ay ayoko ko pa din siyang mapahamak. Kapatid pa din naman ang turing ko sa kanya. 

“Is the monster going to die to Daddy?” Biglang tanong ni Mia.

Sasagot na sana ako sa kanya na hindi ng isang malakas na sigaw ang aming narinig. I turn around to where the scream was coming from. It was Jade, she was struggling from the grip of two policeman who was dragging her out of the warehouse.

“Pakawalan niyo ako!” Jade scream. “Pakawalan niyo ko sabi eh! Ano ba! Kailangan ako ng kapatid ko! Pakawalan niyo ako mamang pulis please!” Pagmakaawa nito pero hindi ito pinansin ng pulis habang pinapasok ito sa loob ng kotse.

Bilang napatingin si Jade sa direksyon namin at lumapit sa may bintanang nakabukas. “Tristan! Please maawa ka! Pakawalan mo ako dito please! Kailangan ako ni Selene! Kailangan ako ng kapatid ko Tristan.” She plead.

Inayos ko ang pagbuhat sa kay Mia at lumapit sa kanya. “Naawa ka ba? Naawa ka ba ng tinututukan mo ng baril ang anak ko? Did you ever feel remorse ng pinagpalit ni Kate ang buhay niya kay Mia?” I asked firmly and she gave no answered. “Hindi dapat si Kate at si Selene ang nasa loob ng ambulansya kundi ikaw Jade. Ikaw. Ikaw dapat ang nasa bingit ng kamatayan at hindi sila.” And with that the policecar start up and took her away.

“Daddy…si Mommy..” Mia snap me out as she point out the ambulance that was already driving away.

Dali dali akong pumunta sa kotse pero napatigil ako ng maalala kong tinapon ko pala ang susi kanina. Shit! Paano ito.

The Accidental Sperm Donor { Complete }Where stories live. Discover now