Chapter 25

22.9K 439 7
                                    

Kate Torres

“Nagulat ka noh?” Miss Jade asked with a evil smirk on her lips . “Hindi mo inakala na ganito ang mangyayari no?” She then bend down and grabs my chin firmly with her hands that it hurts. “Siguro iniisip mo kung bakit ako ang kaharap mo at hindi si Selene.”

Tama siya, ang una ko talaga inisip ay si Selene. Si Selene lang naman ang alam ko na may galit talaga sa akin. Pero si Miss Jade? Oo at lagi kong nanonotice ang masama niyang mga tingin sa akin sa office pero hindi ko inakala na may ganito siya na side. Tama nga ang sabi sa kanta, maraming namamatay sa maling akala. At parang makakasama pa ata ako sa percentage ng mamatay.

“Well, hindi ka pa naman nagkamali sa iniisip mo.” Dagdag nito at parang naguluhan ako. Panong hindi ako nagkamali? Kasabwat niya din si Selene? “Dadating din yong babaeng yon dito, maghintay ka lang.”

“May magagawa pa ba ako?” Mataray kong sagot dito.

“Aba!” Sinampal niya ko at masakit yon. “Sumasagot ka pa ah.”

“Hello? May bibig po ako kaya sasagot ako kung gusto ko.” Okay, hindi pa din mawala ang gakapilospo kahit na sa pingit na ng kamatayan.  

“Yabang mo ah!?” Singhal nito na namumula ang mukha. “Ano ang pinagyayabang mo ha? Si Tristan ba din ba? Wala dito si Tristan para sagipin ka Kate! Ilagay mo dyan sa kukote mo!” Dinuro niya ang noo ko at masakit din yon. Nakakarami na ang babae na to ah. Kung hindi lang ako nakagapos ay papatolan ko na to.

“Ano ba?!” Sigaw ko sa kanya. “Masakit na ha!? Hindi ako nagmamayabang at alam kong sasagipin ako ni Tristan sayo bruha ka! Kasi mahal ako non! Hindi kataulad niyo ni Selene na mga desperada! Nakakahiya kayo sa mga lahi ni eba!”

Akala mo kung sino akong matapang noh? Pero sa totoo lang ay nangagatog talaga ako. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga sinasabi ko at kung saan ko nakukuha ang tapang para masabi ko yon.

Pero na sabi ko na and I have to face the consequence of saying those words. At hindi naman nagtagal yon dahil isang sampal naman ang nakuha ko sa kanya at isang tadyak sa may balikat. At sa uulitin ay masakit yon, masakit talaga especially ang tadyak. Ikaw ba naman tadyakan sa balikat noh? Of course masakit.

“Ilipat niyo siya sa kabilang kwarto.” Utos nito sa dalawang lalaking nakatayo sa likod niya. “Wag niyo siyang gagalawin kundi malilintikan kayo sa akin.” At pagkatapos niyon ay umalis din siya.

Napatingin ako sa dalawang lalaki na parang bouncer ata ng club sa laki ng katawan. Nakangisi ang isa na lumapit sa akin at sa isang galaw lang ay binuhat niya ako at nilagay sa kanyang balikat na parang isang sakong bigas. Napasigaw ako sa gulat at tumawa lang ang isa dahil doon. Ngiting ngiti lang ang dalawang bouncer wannabe na to habang nilipat ako sa isang kwarto at tinapon lang ang katawan ko na parang basura sa kama. Hindi agad sila umalis bagkos nakatayo lang silang dalawa dun at tumitingin sa akin. May pagnanasa sa mga mata nilang dalawa na akala mo’y patay gutom na ngayon lang nakakita ng pagkain.

“Ano pa ang ginagawa niyo dito?” Sigaw ko sa kanila pero ngiti ngiti pa din ang mga loko.

“Alam mo pare.” Sabi noong isa, yong nagbuhat sa akin, tatawagin natin siya sa pangalang na B1. “Ang gusto ko talaga sa babae ay yong mga matatapang.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Talaga lang pare ha?” I mocked him. “Ano naman paki ko sa gusto mo sa babae ha?! Umalis na nga kayong dalawa!” Natawa naman yong isang bouncer sa sinabi ko na tatawagin natin sa pangalang B2.

Napasimangot si B1 at lumapit sa akin sa kama tapos hinawakan ng mariin ang aking braso. “Aray! Ano ba! Sige ka, isusumbong kita kay Miss Jade.”

The Accidental Sperm Donor { Complete }Where stories live. Discover now