Chapter 24

22.6K 463 9
                                    

Dadahan dahan akong gumalaw at tinanggal ang kamay ni Tristan sa aking beywang. I tiptoed going to the bathroom naked as I grab my towel on the way. Pagod at antok pa din ako because Tristan and I love making pero kailangan kong magising dahil sa may appointment ako with the mothers and Lucas for the wedding dress. 

I was just about to turn the shower on ng parang may kung anong akong naramdaman sa aking sikmura. Tinungo ko ang lababo at nilabas iyon. Nangmatapos kong maisuka ng halos lahat ata ng nakain ko kagabe ay napasandal ako sa pintuan ng banyo.

“Shit! Parang kailangang madaliin na ang kasal ah.” I mumbled as I happily rub my tummy.

Nangmahimasmasan ay nagshower na agad ako at  tulog pa din si Tristan sa higaan pagkalabas ko. Hinayaan ko na lang muna siyang matulog dahil sa Saturday naman. Nagbihis agad ako ng khaki short at blue na shirt at kinuha ang isang sling bag at nilagay ang mga gamit ko.

Dinaanan ko muna ang kwarto ni Mia at sinilip siya habang natutulog, mahimbing ang tulog nito at hindi ko mapigilang mapangiti dahil dun.

Nagluluto na si Manang Susan ng umagahan pagkababa ko at agad agad sumama na naman ang pakiramdam ko sa amoy ng bawang na ginigisa niya. Nagulat siya ng dumiretso ako sa may lababo at nagsuka kahit wala naman akong nasusuka. After mga ilang minuto ay nawala din ito pero nahihilo pa din ako sa amoy ng bawang.

“Okay ka lang ba Kate?” Tanong ni Manang Susan na may pagaalala.

“Okay lang po Manang.” Sagot ko habang pinupunasan ang bibig ko ng tissue. “Medyo sumama lang ang pakiramdam ko dahil sa amoy ng bawang.”

Nagulat si Manang Susan sa sagot ko at tinignan ako ng mabuti. Alam ko na ang iniisip niya kaya ngumiti na lang ako sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. “Wag ninyo munang sabihin kay Tristan, Manang ha? I want to surprise him.”

“Ai, naku Kate!” She exclaimed. “Masayang balita to para sa pamilya.”

“Oo nga.” Nakangiting sagot ko. “Lalo na kay Mia, gustong gusto pa naman yon na may kapatid.”

“Aba, sana ganun din kaganda ng bata na yon ang magiging kapatid niya.” Pinagduduhan ata ni Manang Susan ang lahi naming dalawa ni Tristan ah.

“Oo naman Manang.” Pagmamayabang ko. “Pero sana lalaki naman.”

“Ay, matutuwa si Tristan paglalaki ang magiging anak nyo.” Sambit nito. “Mag-almusal ka na Kate, anong gusto mong ulamin? Dapat mag-gatas ka na at magprutas.”

“Ako na pa Manang.” Wika ko. “Gatas at prutas na lang nga siguro ang kakainin ko, medyo wala kasi akong gana.”

“Sige, at tatapusin ko na lang itong sinangag ko.” Sabi nito at tinuunan ulit ng pansin ang niluluto. Medyo nawala na ang sama ng pakiramdam ko pero medyo bumalik yon ng nag-gisa ulit si Manang Susan ng bawang pero pinigilang ko ang sarili ko na magsuka ulit. Sayang yong kinakain kong prustas eh.

After kong kumain ay nagpaalam na ako kay Manang Susan at ginamit ang isang sasakyan ni Tristan papunta sa building nila Lucas. Doon kasi kami magkikita nila Mama at Miss Eva. Binigay ko na din sa dalawa ang address at sana hindi sila mawala. I park the car outside of the building at tinawagan agad si Lucas.

“Hello?” Antok na sagot nito, kakagising pa lang ata.

“Lucas, si Kate to.” I informed. “Nagising ba kita?”

“Medyo, may kailangan ka ba Kate? Diba mamayang 9 pa ang meeting natin with your Mom and Tristan’s?” Tanong nito na nagugulohan.

“Luke, it is already 9:15.” Pagiinform ko sa kanya.

The Accidental Sperm Donor { Complete }Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon