Roommate Romance

Oleh loveisnotrude

112K 4.9K 1K

This is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectati... Lebih Banyak

Announcement: Editor's Pick!
i. Author's Note
ii. Meet the Characters
iii. OST [ Side A & B ]
Roommate Romance
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19 (Part II)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part I)
Chapter 39 (Part II)
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part I)
Chapter 59 (Part II)
Chapter 60
Epilogue
Thank You Note!
Special Chapter: The Alternate Ending

Chapter 19 (Part I)

1.4K 66 5
Oleh loveisnotrude

CHAPTER NINETEEN

Part One

HE IS fucking serious about the trip.

I thought he was just joking around! Pero nang mag-book siya agad ng flight papuntang Tagbilaran City, Bohol halos hindi talaga ako makapaniwala.

Cramming tuloy ang ginawa ko sa pag-iimpake dahil baka weekends pa raw kami bumalik sa Manila. At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan doon. Kasi naman, sa Monday na kaya ang finals examination namin! Tapos . . . Oh god!

"Bakit bigla ka naman atang naging spontaneous, love?" tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe namin. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang sarili at ang daming tanong na gumulo sa isipan ko dahil sa biglaang pagyayaya na 'to ni Victor.

"Love, we only live once. At kung kaya naman nating gawin ngayon, bakit hindi natin gawin, 'di ba?" he answered, smiling at my direction.

I creased my forehead. "Ikaw ba talaga ang boyfriend ko?"

"What?" natatawa niyang sambit na halatang naguluhan sa tanong ko.

"Para kasing ibang tao ang kausap ko ngayon, e," I said then shrugged.

Ginulo niya lang ang aking buhok sa sinabi kong 'yon. "Don't think about it too much. Basta ang main goal natin pagdating sa Bohol ay magsaya at mag-enjoy, okay?"

"Copy, love!" I excitedly said. "I can't really wait to see the chocolate hills in my naked eyes," dugtong ko pa na siyang ikinatawa niya lang.

"Then take a nap for now. Halos isang oras pa naman ang biyahe natin, e. Gigising na lang kita kapag nandoon na tayo."

Pagkasabi niya non, agad naman akong nakaramdam ng antok kaya sinunod ko na lang siya at umidlip muna ako. Okay na rin 'to para naman ma-recharge ang energy ko kahit papaano.

Hindi na talaga ako makapaghintay!

***

"You want to go to church first bago tayo magpunta sa resort?" pag-uulit niya at mabilis naman akong napatango.

"Daan muna tayo sa La Purisima Concepcion de la Virgen Maria Parish Church," sagot ko habang binabasa ang pangalan ng simbahan sa cellphone. Twenty minutes away lang kasi ito from our location right now.

Dahil isa talaga sa bucket list ko ang mapuntahan ang iba't ibang simbahan dito sa bansa, I want to grab the opportunity. Tutal nandito na rin naman kami sa Bohol, then might as well visit every churches here. O kahit isa o dalawa lang.

"Ang haba naman ng pangalan ng church na 'yan," he commented. "Wala bang maiksing version, love?"

Natawa naman ako sa sinabi niyang 'yon sabay sabing, "Meron naman, love."

"Oh, meron naman pala, bakit pinahirapan mo pa 'yang sarili mo?"

"Ang astig kasi ng buong pangalan ng simbahan! Saka ang sosyal kaya sa pandinig."

Natatawang umiling na lang siya sa gawi ko. "Baliw ka talaga."

"Baliw na baliw sayo," banat ko. At bago pa siya makahirit, dumiretso na ko sa may sakayan papuntang La Purisima—I mean, Baclayon Church.

Dahil wala namang traffic, saglit lang talaga ang naging biyahe namin. Walang mass ngayong araw kaya nagdasal na lang kami. At katulad ng dati, nagpasalamat ako sa mga blessings na natatanggap ko. Pinagdasal ko rin ang mga kaibigan ko at syempre, itong lalaki sa tabi ko.

"Ang tagal mong nagdasal, ah. Marami ka bang hiniling kay Lord?" nakangiting tanong ni Victor sa akin paglabas namin ng Baclayon Church.

"Hindi naman ako humiling," nakangiti ring sagot ko. "Nagpasalamat lang ako sa Kanya. Lalo na't nandito ka pa rin sa tabi ko at kasama sa gan'tong bagay. Sobrang thankful ko roon."

"Ikaw talaga," aniya sabay hila sa akin papalapit at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"Alam mo, love, malapit na kong maadik sa mga yakap mo," I softly whispered. "Baka mas lalo lang ako ma-attach at hanap-hanapin ko na minu-minuto, sige ka."

"E 'di, maganda. Willing naman akong yakapin ka lagi. Gusto mo segu-segundo pa, e," bulong niya pabalik.

"Okay, quota na talaga ako ngayon. Pumunta na nga tayong resort at baka mahimatay pa ko rito dahil sa sobrang kilig," sabi ko pagkakalas sa yakapan namin.

Sa may North Zen Villas namin binalak mag-stay habang nandito kami sa Bohol. Tapos gumawa na rin kami ng itinerary ng mga pupuntahan namin.

I can feel that this is going to be a memorable escapade in our life.

***

DAY 1 (Thursday)

Anong oras na rin kami nakarating sa resort kagabi kaya pagkatapos naming mag-dinner, diretso tulog na kami.

Sa isang deluxe room kami tumuloy kaya ang comfortable talaga ng tulog namin dahil sa kama nito. Mas lalo pa kong na-relax kasi magkatabi kaming matulog at ang sarap sa pakiramdam ng ambiance. Dumagdag pa sa romantic vibes ang dim light sa buong kwarto nang patayin namin ang main light at iwan ang ilaw sa itaas ng kama namin.

And I don't want to forget to mention the interior design of our room! Sobrang ganda talaga at ayon sa guide namin kagabi, Boholano artistry inspired daw ang buong architecture at interiors ng resort.

Ngayong araw naman, 8 AM na kami nagising. And it was a refreshing feel that we'd wake up to the sound of sea waves and rustle of the trees.

Sa may bandang pool area kami kumain ng breakfast. Actually, we planned to eat outside dahil nabalitaan din naming maraming masarap na restaurants dito. Pero dahil gusto rin naming matikman ang specialty nila rito, sinubukan na namin.

And because I want something light to eat, I ordered their Asian Prosperity Slaw Salad. Halos matagal na rin kasi mula no'ng huli akong kumain ng salad at dahil isa raw sa binabalik-balikan ang slaw salad nila, naisipan ko nang subukan.

"Diet ka ba ngayon, love? Bakit puro gulay naman ang in-order mo?" asked Victor, shaking his head out of amusement.

"Alam mo, love, you should try it. Ang sarap kaya," sagot ko sabay kain. Hindi naman talaga ako totally mahilig sa gulay. Like, hello, I'm more of a meat person. Pero pagdating sa usapang salad, that's an exception.

"No thanks, love. Okay na ko rito sa pasta ko," natatawang sagot niya.

I just rolled my eyes by his response. "I know. Ang bilis mo ngang kumain, e."

"Because it really tastes good, love! And they're not joking when they said that it was made of whole wheat noodles."

Ako naman ngayon ang natawa sa sinabi niya. Halata naman kasing na-enjoy niya talaga ang kinakain niyang Beef Pappardelle Pasta.

"Love, anong lasa ng apple-carrot blend na 'yan?" tanong ko sa inuming in-order niya.

Dahil kasi nagpapaka-healthy na rin kaming dalawa sa aming breakfast food, tinodo na talaga namin pati sa inumin.

"Okay lang naman. Lasang apple at carrot," he seriously said.

Sinamaan ko naman siya ng tingin sabay sabing, "Malamang. Alangan namang maging lasang cherry at cabbage 'yan."

"Bakit ba kasi? Hindi ba masarap 'yang juice mo?" natatawang tanong niya naman.

"Medyo," sagot ko sabay tingin sa cherry-cabbage blend juice na in-order ko. "Sana pala 'yong bitter-apple blend na lang ang in-order ko. Baka mas masarap pa 'yon dito."

"Ikaw kasi, e. Sabing pareho na lang tayo ng order-in," aniya. "Oh, sayo na lang 'to at akin na 'yang inumin mo," dugtong pa niya at pinagpalit ang mga inumin namin.

Napangiti naman ako sa ginawa niyang 'yon. "Hindi ko talaga kinakaya 'yong extra sweetness mo ngayon, love, ah."

"Wala, e. Hulog na hulog ako sayo."

Okay, sobra na talaga! Nag-uumapaw na ang kilig sa puso ko, oh.

***

"Love, are you happy right now?"

I creased my forehead upon looking at my boyfriend's direction. "What's with that question, love?" I curiously asked.

He shrugged. "Wala lang naman. I just want to make sure that you're happy right now. That's what all matters to me."

Hindi ko na naman mapigilang hindi mapangiti sa sinabi niyang 'yon. Sa buong paglalakad namin papunta rito sa Doljo Beach, wala talaga siyang ibang ginawa—o sinabi kundi puro nakakakilig at nakakagaan sa pakiramdam.

"Love, as long as I'm with you and we're together, rest assured that I am the happiest person on Earth," I sincerely said, smiling from ear to ear.

"At ang lakas ng loob mong sabihin na ako ang extra sweet ngayon, ah. You're unbelievable, love," pang-aasar niya sa akin.

Hindi na lang ako sumagot at nginitian na lang siya. Mas lalo ko ring hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Mas maputi kaya ang buhangin sa Boracay kaysa rito?" tanong ko habang pinagmamasdan ang nilalakaran namin.

Mabuti na lang talaga naisipan naming maglakad-lakad dito sa Doljo Beach. Bukod kasi sa ang ganda ng view ng dagat, nakakatuwang lakaran 'yong small stretch ng white sand.

"That was random," he commented.

"I know," I replied then laughed.

Actually, we both laughed. Ang saya naman talaga sa pakiramdam nito!

***

DAY 2 (Friday)

Dahil wala kaming ibang ginawa kahapon kundi libutin ang buong resort, we decided to go to chocolate hills today. At dahil medyo malayo (according to Google, it's 60.2 kilometers from the resort) 'yon mula rito, nilaan na namin itong buong araw para roon.

Ayon kasi talaga ang gusto kong puntahan dito sa Bohol kaya kakaiba ang excitement na nararamdaman ko.

"Alam mo ba kung ilan ang eksaktong chocolate hills?" tanong ni Victor pagtapos namin magbayad ng fifty pesos entrance fee.

"Ilan naman?"

"One thousand, two-hundred and sixty-eight cone-shaped hills," he proudly stated.

"Paano mo nalaman? Nabilang mo ba?" I jokingly asked.

"Oo, love. Binilang ko talaga isa-isa para sayo," sarkastiko namang sagot niya.

Doon lang ako natawa na siya namang ikina-irap niya.

"Ay, bakit hindi kulay chocolate?" tanong ko nang masilayan na namin ang kabuuan nito.

"According to Google, love, the best time to visit would be during the summer so that the hills are really brown," he explained. "Kaya medyo green naman ang kulay ngayon dahil natabunan ng halaman. This meant they didn't quite contrast as much against the green trees below."

"Nag-effort ka pa talagang mag-search, ah," nakangiting sambit ko pagkatapos nang mahaba niyang litanya.

"Syempre, ang lakas mo kaya sa akin," aniya. "Saka dagdag information pa, kaya sila kulay chocolate dahil sa lupa. And for some reason, those trees just don't grow as what we're thinking."

"Information overload, love, ah."

"O sige, sasagarin ko na. May idadagdag pa akong info."

"Ano?"

"Na mahal na mahal kita."

I didn't expect that kaya muntikan na akong matumba dahil bigla na namang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa sobrang kilig.

Wala na bang ibang gagawin 'tong boyfriend ko kundi maya't maya ako pakiligin?

***

"Grabe, love. Ngayon na lang ulit ako nakapaglakad nang gano'n katagal. Ang sakit ng buong katawan ko," reklamo ko pagbalik namin sa resort.

Gusto ko na ngang dumiretso sa kwarto para makapagpahinga, e. Totoo talaga 'yong sinasabi nilang walang sarap kung walang hirap. Wait—Bakit parang medyo off pakinggan 'yong huli kong sinabi?

"Gusto mo bang mag-spa muna tayo?"

Biglang nagningning ang mga mata ko pagkarinig ng sinabi ni Victor. "Meron ba rito?"

"Yeah. Sa may Zenses," mabilis na sagot niya. "Tara, parang gusto ko rin magpa-massage, e."

I internally screamed when he held my hand and started walking towards where the spa is. Hindi pa man din kasi kami nakakapagpamasahe, ramdam ko na agad ang ginhawang maibibigay nito sa katawan ko mayamaya.

Akala ko isang mahabang lakaran na naman ang gagawin namin. Mabuti na lang wala pang limang minuto nasa may Zenses na kami.

"What type of room, sir?" bungad na tanong sa amin nung receptionist na ngiting-ngiti sa gawi ng boyfriend ko. Nag-beautiful eyes pa siya sa hindi ko malamang dahilan.

"For couple. In one room lang," si Victor ang sumagot.

Hindi maipinta ang mukha niya nang banggitin ni Victor ang word na couple. Halatang gulat na gulat siya.

"C-Couple po, sir?" hindi niya makapaniwalang tanong. "Kayong dalawa?"

"Yeah. Any problem with that?" sabat ko naman.

"No, sir. Sorry for asking," mabilis namang sagot nito. "Ihahanda ko na po 'yong kwarto. This way na lang po."

Agad naman kaming sumunod sa tinuro niyang daan.

"Oh, kalma ka lang diyan. Bawal stress ngayon, 'di ba?" bulong sa akin ni Victor.

"Bakit ba kasi sobrang gwapo mo?" tanong ko na siyang mahina niyang ikinatawa. "Ang dami ko tuloy kaagaw."

"Gwapo ka rin naman, ah. Kaya nga bagay tayo, e," aniya. "Saka don't worry, hindi naman ako magpapaagaw sa kanila. Sayo lang kaya ako."

Bago pa ko tuluyang kiligin for the nth time, pumasok na ko sa kwarto; at halos ma-relax agad ang pakiramdam ko dahil sa ambiance na sumalubong sa amin. Halos hatakin din ako ng massage bed.

"Oh, love, required kong maghubad, ah? Baka magalit ka na naman diyan," pag-agaw niya ng atensyon ko.

Agad namang namula ang magkabilang pisngi ko dahil narinig nung mga magmamasahe sa amin ang sinabi niyang 'yon.

"Ewan ko sayo. Doon ka na nga. Ang baho mo," sabi ko sabay tulak sa kanya palayo. Dumiretso na ako sa pwesto ko at hindi na pinansin ang nakakainis niyang pagtawa.

Parang sira, e.

***

"Pwede naman tayong hindi sabay maligo, ah," kunot-noong sabi ko.

"E, gusto nga kitang kasabay. Sige na," nakanguso namang sagot ni Victor.

"Hindi ka cute kaya tigilan mo 'yan," pagsisinungaling ko. "At gusto kong maligo nang matiwasay at normal kaya 'wag ka magulo."

"Bakit, pwede ka namang maligo nang matiwasay at normal kasama ako, ah?" aniya.

It's already ten o'clock in the evening at dahil bigla akong nanlagkit sa katawan, naisipan kong maligo muna bago matulog. Pero hetong boyfriend ko, ang kulit at gustong magsabay kami maligo. Dahil alam ko na kung anong pwedeng mangyari, it's really a big no for me. Aba, gusto ko rin naman magpahinga for that.

"Mabilis lang naman ako maligo, Victor, kaya sunod ka na lang."

"Love naman, gusto ko ngang sabay tayo," he insisted. "Saka gayahin natin 'yong mga iconic bathtub scenes na napanood natin sa mga films at TV series," he playfully added, wiggling his eyebrows.

"John Victor Cordova!" sigaw ko nang bigla niya na lang ako hilain papasok sa CR.

***

"See? I told you, you'll enjoy this one," aniya habang pareho kaming nasa loob ng bathtub.

Nag-request pa siya ng scented candles para raw mas romantic ang dating ng first bathtub experience namin.

"Ang dami mo talagang baong pakulo ngayon, ah," komento ko na lang. "Baka may inihanda ka pa diyan. Sabihin mo na para naman makapaghanda ako," natatawang dugtong ko pa.

"Meron pa nga. Bukas," nakangiting sagot niya na siyang nakapagpatigil sa pagtawa ko.

"Seryoso?"

"Yep."

"Ano naman 'yon?"

"Secret. It's a surprise, love."

"Tsk. Just tell me. What is it? Anong meron bukas?"

"Where's the excitement kung sasabihin ko na sayo?"

"Pero imbes na ma-excite, 'yong anxiety ko, love."

"Chie, kalma lang. I'm sure na magugustuhan mo 'yong surprise ko."

Dahil mukhang wala talaga siyang balak sabihin sa akin, nagkibit-balikat na lang ako. "Okay. Basta, ayaw ko munang maglakad nang maglakad, ah."

Nang tawanan niya lang ako, sinamaan ko siya ng tingin.

"Kakantahan na nga lang kita para naman kumalma ka ulit diyan," aniya kaya mabilis na nag-iba ang mood ko.

"Mabuti pa nga," I happily agreed.

"What song?"

"Kahit ano, ikaw na bahala."

"Sinong kumanta non?"

"Funny ka na niyan?"

Tinawanan niya lang ako bago wisikan ng tubig. "Ang KJ mo! Nakakatawa kaya 'yong banat ko."

"Kumanta ka na nga lang, love," sabi ko at ginantihan din siya sa pagwisik sa akin ng tubig.

"Ano ngang gusto mong kantahin ko?"

"Ikaw na nga bahala. Kung anong maisip mo sa mga oras na 'to."

He creased his forehead and started to think what song he'll sing. Habang nag-iisip, nakangiti lang ako sa hitsura niya. Okay, binabawi ko na 'yong sinabi ko kanina. My boyfriend is damn cute!

"Okay, may naisip na ako," he said. Umayos muna siya ng upo and after that, he cleared his throat. "I don't know if you already hear this song but this is for you, love."

I just smiled but what he said. Kahit naman kasi hindi ko alam 'yong kanta, basta 'pag siya ang kumanta, ayos lang sa akin. He always has an exception in my heart.

"Go ahead and park after dark. Fallen star, I'm your one call away; motel halls, neon walls. When night falls, I am your escape. When you lay alone, I ache. Something I wanted to feel. If you've been waitin' for fallin' in love; babe, you don't have to wait on me. 'Cause I've been aimin' for Heaven above but an angel ain't what I need.

"Not anyone, you're the one. More than fun, you're the sanctuary. 'Cause what you want is what I want, sincerity. Souls that dream alone lie awake. I'll give you somethin' so real. If you've been waitin' for fallin' in love; babe, you don't have to wait on me. 'Cause I've been aimin' for Heaven above but an angel ain't what I need.

"Pull me oh-so close, 'cause you never know, just how long our lives will be—"

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at nilapitan ko na siya agad sabay bigay ng isang halik.

"Alam kong paulit-ulit ko na 'tong sinasabi sayo pero nagpapasalamat talaga ako dahil ako 'yong pinili mong mahalin," I sincerely said. "I will always love you, Victor. Always."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

2.2M 147K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
70K 1.4K 30
What happens when two complete strangers fall in love with each other? ******** When school guy, Kenzo Montefalco, meets the newly promoted employee...
1.1M 32.1K 50
Kung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pi...