Roommate Romance

By loveisnotrude

112K 4.9K 1K

This is a story about life and college struggles, friendship, family, romantic relationship, failed expectati... More

Announcement: Editor's Pick!
i. Author's Note
ii. Meet the Characters
iii. OST [ Side A & B ]
Roommate Romance
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19 (Part I)
Chapter 19 (Part II)
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part I)
Chapter 39 (Part II)
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 (Part I)
Chapter 59 (Part II)
Chapter 60
Epilogue
Thank You Note!
Special Chapter: The Alternate Ending

Chapter 18

1.1K 68 7
By loveisnotrude

CHAPTER EIGHTEEN

FOR THE past four days, my boyfriend got weirder and weirder. Agad ko 'yon napansin mula nang mangyari ang pag-uusap nila ni Amanda. After I confronted him and told to me what really happened between the two of them, he started to act weird.

Mas lalo ko pang napansin ang pagiging weird ng nga ikinikilos niya mula nang magsimula ang linggong 'to. Naka-leave na ulit kasi kami sa store para makapag-review for finals examination next week kaya mas madalas na halos buong araw kami magkasama dalawa.

"Baka nag-o-overthink ka na naman, pareng Chie," ani Paolo pagkatapos kong sabihin sa kanila ang napapansin ko sa boyfriend ko nitong mga nakaraang araw.

"You know that it's unhealthy to you and to your relationship, right?" dugtong pa ni Julius. "Baka mamaya sobrang ma-paranoid ka na niyan at paghinalaan mo na ang bawat kilos ni Victor."

Napatango naman ako sa kanilang dalawa. May point naman kasi sila. "Sorry. I just can't help it."

"But come to think of it guys, hindi naman mag-iisip si Chie ng kung anu-ano kung wala talagang nagti-trigger para isipin niya 'yon, 'di ba?" Karen uttered.

"Bingo!" pagsingit naman ni Maris. "Karen was absolutely right. Mas madalas na nakakasama ni Chie si Victor kaysa sa atin kaya kung may hindi tama, mararamdaman niya 'yon. You know, women instinct."

"But, boss, hindi naman babae si Chie, ah. Dapat man instinct, 'di ba?" komento naman ni Paolo.

Natawa naman kaming lahat sa sinabing 'yon ni Paolo. Kahit kailan talaga, oh.

"Huwag mo kong pinipilosopo, Paolo," Maris replied, rolling her eyes. "Hindi ka nakakatuwa."

"Thanks for the help guys, ah," I said, shaking my head. "Laking tulong. Mas lalo lang akong naguluhan."

Muli silang nagtawanan sa sinabi ko. Mabuti na lang walang masyadong tao ngayon dito sa pizza house na pinagtatambayan namin kaya hindi awkward mag-ingay. Medyo napapatingin nga lang 'yong mga crew sa gawi namin lalo na't nangingibabaw lagi ang boses ni Maris.

"But on a serious note, why don't you try talk to him about that matter?" pag-iiba ni Karen sa usapan. "I mean, baka may pinagdadaanan pala si Victor kaya siya nagkakagano'n tapos nahihiya lang siyang magsabi sayo or something like that."

"I agree with that," pagsang-ayon ni Julius. "Communication is the key, Chie. Just talk to him para hindi ka na mag-isip pa ng kung anu-ano diyan."

"I did that already," I replied. "I tried to asked what's his problem pero lagi niya namang sinasabing okay lang. Ayaw ko namang mamilit at mangulit kasi baka mag-away na naman kami."

"Pero kung wala ka namang gagawin kundi mag-overthink diyan, baka mas lalo lang kayong mag-away," Paolo retorted then shrugged.

"May nasasabi ka rin pala talagang matino, 'no? Keep it up," mapang-asar na sambit ni Maris sabay tapik sa balikat ni Paolo.

"Grabe ka talaga sa akin, boss, ah," natatawa namang sambit ni Paolo.

I heaved a sigh.

Muli ko na namang naalala ang pagiging aligaga ni Victor kapag magkasama kami. He's kinda anxious about something, e. Hindi naman kasi pwedeng magiging gano'n na lang siya bigla nang walang konkretong rason.

Ugh!

Stressed na nga ako para sa darating na finals examination tapos dumagdag pa 'tong si Victor sa isipin ko.

***

As I waited for my boyfriend's arrival, inihanda ko na ang mga review materials ko. For the third day of our reviewing session, dito na lang muna sa apartment ko namin napiling mag-stay.

Ilang saglit lang, nakarinig na ko ng mga yapak ng paa.

"Love," he called. When I turned around, agad na nagtama ang mga mata namin.

Sinalubong ko ang yakap niya. "Are you okay, love? Bakit parang ang pale mo ngayon? May sakit ka ba?"

Hindi siya sumagot at nanatili lang nakayakap sa akin.

"Love?" I called him. "Love? You okay?"

"Yeah, love. Medyo pagod lang katawan ko ngayon."

Ako na ang kumawala sa yakapan namin. When we faced each other, I held his face. "Gusto mo bang magpahinga na muna? Pwede namang mamaya na tayo mag-review or bukas na lang. Just take a rest first."

"Pwedeng samahan mo na lang muna ako sa kwarto?" nakangusong tanong niya. "Gusto kitang kayakap. Please?"

I eyed him when he said that. "Naku, Victor, ah. Baka mamaya kung saan na naman tayo mapunta niyan."

Nang mahina siyang natawa, mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"Don't worry, love, walang mangyayari ngayon. Gusto lang talaga kitang kayakap," he said.

"Hindi ako naniniwala, Victor," nakataas na kilay na sabi ko. "Ikaw pa, ha. E, umupo nga lang tayo sa kama, may nangyayari na."

"Oh c'mon, Chie. Wala talaga akong balak gawin, promise." He even raised his right hand. "I just want you to be with my arms."

Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa huling sinabi niya kaya nahampas ko tuloy siya sa braso nang wala sa oras. "Fine! You got me there. Mauna ka na sa kwarto at liligpitin ko lang 'yong mga gamit ko."

He nodded then went straight to my room. Dali-dali ko namang niligpit 'yong mga gamit ko at itinabi na muna sa may sala. Pagkatapos dumiretso na rin ako sa kwarto. Pagpasok, dali-dali akong tumabi kay Victor.

Nakahiga ako ngayon sa braso niya at marahan niyang pinaglalaruan ang buhok ko.

"Love," pagtawag ko.

"Hmm?"

"Sigurado ka bang okay ka lang? Bakit parang ang tamlay mo ngayon? Wala ka namang sakit," sabi ko nang i-check ang noo at leeg niya.

"I told you, love, I'm just . . . tired," he answered back. "Magiging ayos din ako mayamaya."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Nabalot kami ng katahimikan. He kept on playing with my hair while I play my fingers on his chest.

"I'll fly you to the moon. A place for me and you. Tell me what you wanna do. I wanna take you to the moon. Can I take you? Yeah . . ."

When he started to sing, halos manigas ako sa kinahihigaan ko. Isa talaga sa weaknesses ko ay ang boses ni Victor. Sobra kasi talagang nakaka-in love, e. Ang sarap lang sa pandinig. 'Yong tipong mare-relax at mare-relax ka talaga kapag narinig mo siyang kumanta.

"I sing you this lullaby. Oh close your eyes and listen to my heartbeat, yeah." Napapikit na rin ako para mas madama pa ang kinakanta niya ngayon. "Something about you guy makes me wonder; what you doin' tonight?"

Hindi na mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Mas lalo lang tulpy akong nagpapasalamat na nakilala ko siya at naging parte ng buhay ko. I don't even imagine my life without him. Hindi ko talaga kakayanin.

"I'll fly you to the moon. A place for me and you. Tell me what you wanna do. I wanna take you to the moon. Oh oh . . . Two, yeah. Where it's peace and quiet, there's nowhere else to go. Yeah, I got your arms around me while we're floating in the air. There's nobody else there.

"I'll fly you to the moon. A place for me and you. Tell me what you wanna do. I wanna take you to the moon. Oh ooh ooh oh, yeah. Can I take you to the moon? I'll fly you to the moon yeah. Can I take you to the moon, babe? I'll fly you to the moon. A place for me and you. Tell me what you wanna do. I wanna take you to the moon. Oh oh ooh . . ."

After he sang the last lines, I automatically clapped my hands. "Wala na, in love na in love na naman ako sayo."

"Baliw," he said then chuckled.

Muli kaming nabalot ng katahimikan. And when I was about to say something, bigla naman siyang nagsalita.

"Love, you wanna go with me?"

"Where?"

"To the moon."

Natawa ako pero mabilis ding sumagot ng, "Sure, why not? Basta ba't ikaw ang kasama ko, ayos lang sa akin."

"Mahal na mahal mo talaga ako, 'no?"

Sa tanong niyang 'yon, doon ko na siya tiningnan. "Bakit, ikaw, hindi mo ba ako mahal na mahal?" I asked, pouting my lips.

"Hindi," he quickly replied that I almost fainted out. Mabuti na lang, mabilis niya rin itong dinugtungan ng, "Dahil mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita."

"Oh, why are you tearing up? Hindi ka ba masaya na mas mahal kita higit pa sa inaakala mo?"

Mahina ko ulit siyang hinampas sa braso. "Kaya nga ako naiiyak, e! Dahil sa sobrang saya. Thank you talaga, Victor, for coming into my life. I'm more than grateful right now because of you."

When he planted me a kiss in my forehead, mas lalo lang nadagdagan ang kilig ko. Okay, quota na ako ngayong araw. Kanina pa niya ako pinapakilig.

"Pero back to my question, Chie. You wanna go somewhere nga?"

"Saan ba?"

"Kahit saan."

"Love, saan 'yong kahit saan?"

"Outside here in Manila? I mean, out of town."

"Wait, seryoso? Mag-a-out of town trip na tayo?"

"Yeah, kung okay sayo."

"Malamang okay na okay sa akin! Isa kaya 'yon sa bucket list ko with you."

Simula talaga nung maging kami, isa na 'yon sa pinapangarap kong gawin namin nang magkasama. 'Yong pumunta sa lugar na malayo sa gulo ng Manila. Tapos makakilala ng ibang tao at ma-adapt kahit papaano ang culture ng pupuntahan namin. Sa sobrang atat ko na ngang makapag-out of town trip kaming dalawa, kung anu-ano na ang na-imagine ko na mga gagawin namin. Yeah, I'm too idealistic. And imaginative.

"Then let's go."

"Saan?"

"Um . . . Bohol?"

"Sige ba! Mga kailan? After finals?"

"Nope. Right now."

I creased my forehead. "Ha? What do you mean by right now?"

"As in now. Let's go to Bohol right now, love."

Wait . . . is he really serious? Pupunta kaming Bohol ngayon? As in ngayon talaga?!

Continue Reading

You'll Also Like

948K 30.5K 43
Sobra ang pagkainis ni Trey sa bestfriend ng kapatid niya na si Smoke Ash dahil sa pambubully nito sa kanya noon. But all of a sudden, nagbago ang pa...
10.8K 370 5
Age doesn't matter. Baby, JUST LOVE ME RIGHT!
630K 22.6K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
922K 37.3K 91
A boy named Zhane Klark Anderson. A certified bisexual. But don't judge a book by it's cover. And one day.... He entered an all boys' school. What w...