A Story of a Rape Victim [EDI...

By LeftHanded17

174K 4.1K 741

A Story of a Rape Victim is about reality. Katotohanang lahat ng tao ay pwede kang iwan. Katotohanang lahat n... More

Prologue
Chapter 1 - The Nightmare
Chapter 2 - Meet The Bullies
Chapter 4 - The Storm
Chapter 5 - Another Storm
Chapter 6 - No Reason
Chapter 7 - Faces
Chapter 8 - Guys in The Park
Chapter 9 - The Letter
Chapter 10 - Feeling of Being Guilty
Chapter 11 - No Jokes
Chapter 12 - April 18
Chapter 13 - New friends
Chapter 14 - Diero Fausto
Chapter 15 - Know Him Better
Chapter 16 - The Dinner
Chapter 17 - Night With a New Friend
Chapter 18 - That Was Him
Chapter 19 - Diero Vs. Greg
Chapter 20 - Both
Chapter 21 - He's A Thug Not A Gangster
Chapter 22 - He's A Thug Not A Gangster II
Chapter 23 - He's A Thug Not A Gangster III
Chapter 24 - Preparation
Chapter 25 - Real Confession
Chapter 26 - Clash
Chapter 27 - Diero's Secret
Chapter 28 - Home Alone
Chapter 29 - Sundate
Chapter 30 - Move On
Chapter 31 - Meant To Be?
Chapter 32 - We
Chapter 33 - Dinner Date
Chapter 34 - Happy
Chapter 35 - Linda
Chapter 36 - Changes
Chapter 37 - His Night
Chapter 38 - Forever
Chapter 39 - Keito's Call
Chapter 40 - The Traitor's Comeback
Chapter 41 - Real Traitor
Chapter 42 - Traitor's Comeback II
Chapter 43 - Talk To Him
Chapter 44 - Friend Or Foe
Chapter 45 - Support!
Chapter 46 - Just a Talk
Chapter 47 - Mars Party

Chapter 3 - The Rain

6.2K 155 15
By LeftHanded17

****** 

Cera's POV 

Pinikit ko ang mata ko habang pinapakiramdaman kung gaano kalamig ang mga patak ng ulan sa'kin. Pakiramdam ko, ang linis linis ko. Parang nabura sandali yung mga masama nangyari sa'kin. 

Maya maya, maramdaman kong wala ng pumapatak na ulan sa'kin. Pero alam ko naman na umuulan pa. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko. 

Nakita ko ang isang lalakeng may dalang payong. Nakangisi siya. Hindi ko alam kung bakit. 

"Pfffft. Hindi ka pa ba aalis dito?" tanong ni Greg.

Si Greg. Yung kapitbahay namin. Close kami niyan ngayon. Dati kasi hindi. 

"Hindi ko alam," sagot ko.

Sa totoo lang gusto ko pang manatili sa ulan. Ang sarap pala magpabasa sa ulan. Alam kong mababaw, pero 'yun 'yung pakiramdam ko eh.

"Parang kang bata eh. Magpa-pout pa yan oh! Magpa-pout pa yan. Ayieh!" nakangiting wika ni Greg sabay tusok ng daliri nya sa tagiliran ko. Kiniliti nya ako, kaya natawa ako. Sino ba namang hindi matatawa pag kinaliti, 'di ba? 

"HAHA! Hindi ako magpa-pout 'no! Grabe ka sa'kin," natatawa kong sabi.

"Ayan!" sabi niya.

"Anong ayan?" tanong ko.

"Ayan! Dapat lagi kang nakangiti. Para ka ng emo eh. Hindi bagay sa'yo."

Sino ba naman hindi magiging emo pag pinagdaan mo ang maraming delubyo sa mundo? Kahit siguro sya magiging emo pag na-rape. 

"Mahirap kasi eh. Pa'no pag ikaw nasa sitwasyon ko?" tanong ko.

"Haha!! Ganito lang yan eh. Ehem." Nilakihan nya boses nya habang ginawa nyang mic yung kamao nya. "Balitang balita, sa TV Patrol WRONG. Isang lalake na-rape. Rapist, binugbog ng biktima. Hahaha! Ganon mangyayare pag na-rape ako," natatawa niyang sabi.

"Baliw ka na. Tara na nga. Magpapalit na 'ko ng damit. May klase pa 'ko eh," sabi ko.

Habang naglalakad kami, naisip ko yung mga sinabi niya. Mahina nga ako kaya nagawa sa'kin ng iba. Wala naman akong magagawa kung babae ako eh. Pinanganak ako ng mahina kaya wala akong magagawa. 

"Lalim pa rin ng iniisip mo," puna ni Greg.

"Huh?"

"Ang layo mo kasi kung tumingin eh. Andun lang pader, tapos yung tingin mo parang tagus-tagusan," sabi niya.

"Ah, wala naman."

"Talaga? Eh andito na tayo sa locker mo, baka hindi mo pa napansin."

Tama siya. Malalim talaga 'yung iniisip ko. Hindi ko nga napansin na nandito na kami. Kaya binuksan ko na 'yung locker ko, pero 'pag bukas ko may nalaglag na sulat. Kulay pink siya. Parang love letter? Kanino kaya galing? 

"Wow! May love letter ah. Kanino galing?" tanong ni Greg.

"Ewan ko nga eh. Sigurado akong hindi 'to galing kay Brix kasi kanina lang magkasama kami eh," sabi ko.

"Ganon ba. Tingnan nalang natin kung kanino galing."

Kukunin na sana ni Greg yung sulat pero inilayo ko sa kanya. Malay niyo naman importante yun, 'di ba? Tapos private pala at para sa'kin lang. 

"Wag na. Ako nalang magbabasa nito mamaya," sabi ko.

"Okay, ikaw bahala. Dalian mo na magbihis, late ka na sa unang mong klase."

"Ah, hindi. Wala kaming teacher ngayon. 2nd subject pa."

"Ganon ba. Pareho pala tayo eh. Bilisan mo na, kain muna tayo sa canteen," nakangiting wika ni Greg.

Pareho lang kami ng course at pareho din kami ng block kaso iba ng schedule. 

Natutuwa talaga ako kay Greg kasi kahit madami ng masasamang balita tungkol sa'kin, patuloy pa rin siyang nakikipagkaibigan sa'kin. Hindi man niya ko madamayan dahil busy sya, sinusubukan niya pa ring maging close kami. 

"Sige, bibilisan ko magbihis para makakain pa tayo," nakangiti ko ring wika.

Kaya nagpunta na 'ko sa girls' CR. Habang nasa cubicle ako, may narinig akong naglalakad papasok din ng CR. Kaso nag-uusap muna sila. Magsasalamin lang siguro. 

"Is that true na si Brix pa rin at Cera?" tanong ni girl 1.

"Yeah! Ewan ko nga kay Brix eh. Pwede naman kasing humanap nalang siya ng virgin kesa laspag! Hahaha! " sabi ni girl 2.

"True! Hahaha!" tawa ni girl 1.

Tapos lumabas na sila. Ang sakit pala marinig 'yung mga chismis nila dito sa CR. Dapat pala hindi ko na panakinggan yung sinasabi nila. 

Naiinis ako sa sarili ko kasi lagi nalang akong umiiyak sa mga sinasabi nila. Kung pwede lang burahin lahat ng 'yun, dati ko pa ginawa.

Delubyo tong nangyayari sa'kin e. Sana matapos na. 

*tok* *tok* *tok* 

"Cera, ang tagal mo naman."

Si Greg. Naghihintay pala siya sa labas ng CR. Buti pa siya. 

"Sandali nalang, tapos na 'ko," sabi ko.

Paglabas ko ng cubicle. Humarap muna 'ko sandali sa salamin sa cr. Inayos ko muna yung sarili ko. Ayoko magmukhang iyakin. 

Lumabas na rin ako ng cr. 

"Tara na?" yaya ni Greg.

"Balik ko muna 'yung damit ko kanina sa locker ko ha. Para mamaya makuha ko na," paalam ko.

"Ganon ba? Sige, samahan na kita," presenta ni Greg.

Habang naglalakad kami ni Greg, halos lahat ng tao nakatingin sa'min. 

"Sl*t talaga yung babae na yan." 

"Such a b*tch!"

"Tss. She'll always be a trash. Hahaha!"

"A trash of a trash to be EXACT! Hahaha."

"Poor princess. Tsk!"

"Dump by jerk!"

"Disgrasyada."

"Nagsagasaan ng. . ."

Ang sakit pa rin talaga nila magsalita sa'kin. Hindi ba sila nagsasawa? Lagi ba dapat na may sinasabi tungkol sa iba? Stabbers. 

"'Wag mo silang pansinin," sabi ni Greg.

"Sanay na 'ko. Dapat hindi na 'ko maapektuhan," wika ko.

"Think positive lang."

"Ganito pala ginagawa mo sa likod ko," sabi ng isang pamilyar na boses

Si Brix. Andito pala siya. Hindi ko inaasahan na pupunta siya sa locker ko. Siya kaya nagpadala ng sulat? 

"Brix, anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ako dapat magtanong sa'yo nyan. Anong ginagawa NIYO dito?" balik na tanong ni Brix.

Seryoso lang 'yung mukha ni Brix habang nakikipag-usap sa'kin. Alam kong nagagalit siya at nagseselos kasi may kasama akong iba. Pero wala naman akong ginagawang masama eh. 

"Pare, wala kaming ginagawang masama," sabi ni Greg.

"'Wag mo kong tinatawag na pare kasi hindi tayo close," saad ni Brix.

"Tama na. 'Wag na kayong mag-away please?" pakiusap ko.

"Umayos kayo. Kung maglalandian kayo, 'wag sa school, okay?" sabi ni Brix.

"Hindi kami naglalandian. At pwede ba? 'Wag ka na mag-iskandalo dito?" wika ko.

"Palalagpasin ko 'to. Mag-uusap tayo mamaya," sabi ni Brix.

Tapos umalis na si Brix. Seryoso 'yung mukha nya. Galit, selos, inis at pagdududa. Alam kong 'yan ang nararamdaman niya.

"Sorry, Greg, ha," sabi ko.

"No. Sorry kasi nagalit sa'yo 'yung boyfriend mo dahil sa'kin," sabi ni Greg.

"Kasalanan ko naman e." 

"'Wag mo na ngang sisihin sarili mo pwede ba? Wala kang kasalanan."

"Okay, sige una na 'ko. May klase pa 'ko eh. Next time nalang tayo kumain," sabi ko.

"Sige, may klase na rin kami." 

"Okay." 

Tapos umalis na kami. Yung sulat, inilagay ko muna sa bag ko. Ngayon alam ko na hindi talaga yun galing kay Brix kasi ngayon lang siya nagpunta sa locker ko. 

Pagkatapos ng buong klase namin ay inantay ko muna si Brix sa back gate. May kotse kasi siya kaya lagi niya 'kong hinahatid pauwi. Saka dapat kaming mag-usap kasi ayokong matapos ang araw na 'to ng magkagalit kami o may galit siya sa'kin. 

Pagdating niya ay agad niya kong niyakap. 

Nagulat din ako sa ginawa niya. Ewan ko ba kung bakit niya ko niyakap. Parang may mali. 

"Sorry," sabi ni Brix.

Ngayon alam ko na kung bakit. Dahil sa iskandalo kanina kaya siya ganito ngayon. Tss. Mga lalake talaga. 

**************

VOTE. VOTE.VOTE. :)

Edited by: Synnova

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...