Don't make a Deal with Me, Je...

By MsjovjovdPanda

368K 10.5K 1.5K

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess. This is the continuation of 3rd Generation pero storya na... More

Don't make a Deal with Me, Jerk!
The Generation
TRAILER
Prologue : The Young Devil Boss
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Characters Profile
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97

Chapter 74

2.4K 69 2
By MsjovjovdPanda

"Maraming salamat sa tulong mo." Nagbigay galang ako sa lalaking tumulong sa akin kanina. Nandito pa rin kami sa labas ng Bar. "Pero pasensiya ka na dahil hindi ko kayang maibalik sa ngayon 'yong ibinigay mong pera sa Manager ng Bar." Aniko.

Pinagmamasdan niya akong mabuti ngayon kaya napayuko ako. "Money is not important to me. Your reputation is important." Matapos niya 'yong sabihin  bigla ko nalang naalala si Azen nang minsan niya rin noon iyong sinabi sa akin.

Napalihis ako ng tingin sa kanya, "Maraming salamat. Aalis na po ako." Sabay yuko ko sa kanya.

"How about having a dinner with me para maging kabayaran lang nang naitulong ko sa 'yo papayag ka ba?" Muli ko siyang nilingon pero nag-aalinlangan ako dahil baka katulad lang din siya ng ibang mga lalaki na nakilala ko. Matapos akong pakitaan ng kagandahang loob gagamitin lang din pala ako.

"Um, don't worry hindi ako masamang tao kagaya ng iniisip mo. Kung gusto mo tumawag ka pa ng pulis at magpasama ka sa kanila habang kumakain tayo sa labas. Ayos ba 'yon sa 'yo?" Napapaisip pa rin ako sa sinasabi niya. "By the way, hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa 'yo. I'm King Sebastian, son of the Senador Sebastian."

Napatitig ako sa kanya matapos niyang magpakilala. Kaya pala ganon na lang siya kung magtapon ng pera. Anak siya ng isang senador. Sigurado akong may kaya siya sa buhay. "Well, if you feel threatened to me, I won't let the name of my mother compromise dahil lang sa kalokohan ko 'di ba?" May point siya kaya tumango ako.

Inalalayan niya akong pumasok sa loob ng kotse pero nasa pintuan pa lang ako nandilim na ang paningin ko. Dahil din siguro sa sobrang puyat at pagod ko pero binalewala ko 'yon. "Hey, are you okay?" Tanong sa akin ni King at tumango naman ako. Magkatabi kaming dalawa pero maya-maya lang tuluyan nang nandilim ang paningin ko.

***

Isang napakagandang kuwarto ang bumungad sa akin nang magising ako. Malambot at napakalaking kama ang kinalalagyan ko ngayon. Napakalaki ng kuwarto at mukhang mayaman ang nakatira rito. Pero naalala kong si King Sebastian nga pala ang huli kong nakasama kagabi.

"Hey, your awake." May pagngiti niyang sabi nang mapatingin ako sa kanya na kakapasok lang dito sa loob ng kuwarto. Nilapitan niya ako at may mga kasama siyang mga katulong at may mga pagkain at damit silang dala. "Iwanan n'yo muna kami." Utos niya sa mga katulong dahilan para kaming dalawa na lang ang matira rito.






King's Point of View

Pagkaalis ng mga katulong namin nginitian ko si Macey nang mapatitig ako sa kanya. Sadyang napakaganda niya talaga sa paningin ko. "It's better kung kumain ka na muna. I'll prepare breakfast for you." Pinaghandaan ko siya ng makakain sa kama niya kaya napapatitig siya sa akin pero hindi ko 'yon pinansin. "Humigop ka na muna ng mainit na kape para mahimasmasan ka." Ani ko habang nakangiti.

Tumikhim siya ng mainit na kape. "King, gusto ko sanang magpasalamat sa kabaitan mo sa akin. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa 'yo."

Napangiti ako lalo dahil sa sinabi niya. "No. Don't mind about that. Magpagaling ka muna." Tumango siya atsaka niya ako nginitian ng bahagya. "By the way, who's Azen and Caleb?" Tanong ko. Nagtataka naman niya akong tinignan. "Kaano-ano mo sila? Ilang beses mo kasi silang binabanggit while your sleeping." Dugsong ko pa. Napalihis siya ng tingin sa akin.

"Um, 'wag mo nalang sigurong isipin 'yong tinanong ko. Go on, kumain ka na." Iniba ko nalang ang usapan dahil mukhang may mapait siyang karanasan sa mga taong 'yon kaya hinayaan ko nalang. "Pero may balak ka naman sigurong magpakilala sa akin 'di ba?" Tanong ko pa.

Nang balikan niya ako ng tingin sandali niya akong tinitigan. "Macey. Ayon ang pangalan ko." Bahagya siyang ngumiti.

Muli akong nagalak nang malaman ko ang pangalan niya. "Your name is so beautiful just like you." Muli ko siyang nginitian na siya naman niyang kinayuko. Sa tingin ko ay masyado siyang mahiyain kaya tinignan ko na lang siya. Napakaganda niya talaga.


***

"Macey, okay ka na ba?" Lumipas ang ilang oras muli ko siyang binalikan dito sa kuwarto niya nang makita kong malalim ang iniisip niya habang nakatanaw sa binata. Nilapitan ko siya at nilingon naman niya ako.

"Pasensya ka na sa istorbo. I'm here to tell you na nandito kasi mamaya sa bahay ang parents ko. Bago ka pa man nila makita I want to introduce you to na sana sa kanila." Para siyang napaisip sa sinabi ko. Siguro nagulat siya na ipapakilala ko siya sa parents ko. "So, kahit ayon nalang siguro ang kabayaran mo sa naitulong ko sa iyo, is that okay to you?" Napatitig siya sa akin pero tumango naman siya at nginitian niya ako kaya napangiti rin ako.

***

Isang napakagandang dress ang pinasuot ko sa kanya dahilan para lumitaw ang hubog ng pangangatawan niya. Napakaganda rin ng pagkakamake-up at ayos ng buhok niya kaya mas lalo akong napahanga sa kagandahan niya.

Nakangiti ko siyang inalalayan. Naglakad kami patungong restaurant kung saan nasa loob na ang mga magulang ko. "You know, you look beautiful tonight. I'm sure magugustuhan ka rin nina Mommy and Daddy." Tahimik lang siyang tumango. Hindi siya nagsalita pero ngumiti siya kaya napangiti rin ako hanggang sa nakita ko na nga ang mga magulang ko.


"Mom, dad, I missed you so much." Nakipagbeso ako sa parents ko matapos ay tinignan ko si Macey. "Dad, Mom, meet Macey, she's my—"

"Girlfriend? Oh, my goodness. I'm so proud na may girlfriend ka na, son. Hello Macey, I'm so glad to meet you Hija." Ngunit pinutol ni Mommy ang pagpapakilala ko kay Macey. Inakala nila ni Dad na girlfriend ko si Macey. Napailing at napangiti nalang tuloy ako. How I wish na matupad 'yon.

Hanggang sa pinagmasdan nilang mabuti ni Daddy at Mommy si Macey, "Hija, you know what? You look familiar to me." Nagtaka naman kaming tumingin ni Macey kay Daddy.

"Really, dad?" Aniko.

"Yes." Sinusuri niyang mabuti kung saan nga ba niya nakilala si Macey. "But before anything else, maupo na kayo at kumain. Hija, welcome to our family." Sabi ni Daddy sa kanya kaya naupo kami ni Macey habang nagkangitian.

Hanggang sa nagpaalam si Macey na pupunta siya ng comfort room. Pagkaalis niya siya namang nagkuwento ako patungkol sa aming dalawa. "Dad, Mom, she's not my girlfriend." Nagulat ang mga magulang ko. "But she's special to me."

Ngumiti si Mommy sa akin, "I think you and her will be a couple soon?" Nagkangitian kaming tatlo.

"Pero anak, saan mo ba siya nakilala? I mean, paano?" Curious namang tanong ni Daddy. "Ngayon lang kasi namin siya nakita." Dugsong pa niya.

"To be honest, hindi ko siya kilalang lubos. Nagkakilala lang kami sa isang lugar kung saan siya nabastos and then ayon ipinagtanggol ko siya. After that nawalan siya ng malay and then ang pagkakaalam ko ulila siya. Wala siyang pamilya."

"You mean, wala man lang siyang relatives?"

"Yup, Mom. Yun ang pagkakaalam ko pero last night may paulit-ulit siyang pangalan na binabanggit. Caleb and Azen."

"Pakiulit nga?" Curious namang tanong ni Daddy.

"Caleb and Azen, Dad. Ayon po 'yong palagi niyang binabanggit kagabi." Napaisip si Daddy. Nakatingin lang kami ni Mommy sa kanya.

"Iisang Azen lang kasi ang kilala ko. Ang kilalang Young Devil Boss ng F.O.L na si Azen Kang."

"Po Dad? Ano pong sinabi n'yo?" Ani ko. May sinabi kasi siyang hindi namin naintindihan.

"Ah, nothing. Never mind, anak." Sagot niya kaya tumango nalang ako. Nagkangitian kaming dalawa.

"Pwedeng ayon ang pangalan ng mga magulang niya but hindi kaya they are both dead?" Singit ni Mommy at tumango naman ako. Puwede namang may point si Mom pero pareho kasing pangalan 'yon ng lalaki.

"Ano raw kaya ang ikinamatay?" Tanong naman ni Dad.

"If I'm not mistaken pinatay sila sa harapan mismo ni Macey." Napailing-iling si Mommy samantala si Daddy mas lalo siyang napaisip.






***

Azen's Point of View

"Boss, look at this. We continuing investigate to Death snake and ito ang mga nalaman namin tungkol sa kanya. Santiago Sebastian is his true name, husband of senador Margarette Sebastian. Sangkot sila sa mga pagpapalakad ng drugs dito sa buong bansa patungong Taiwan."

"And look who's with their son, It's Miss Ji, Boss." Inaabot ni Yu ang cellphone niya sa akin. May mga napicturan silang buhat ni King si Macey at kalalabas lang nila ng kotse. Walang malay si Macey kaya agad akong nag-alala.

"Tell me, where is this place? Nanganganib si Macey." Mabilis akong tumayo at naglakad ako papalabas ng kuwarto ko na sinundan ng mga Guardians at Tres killers ko. Kailangan ko siyang iligtas sa mga taong 'yon.





***

Death Snake's Point of View

"Hey," May pangiti kong bati kay Macey matapos ko siyang abangan na lumabas sa comfort room.

Matapos kasing magkuwento ni King kanina sa amin ng Mommy niya, nahulaan ko na kung saan ko nakita noon si Macey. At ang pagkakataong 'to tila pumapabor sa akin. Dalawang bala ang nakikita ko ngayon laban kay Azen kaya palihim akong napangisi.

Nagbigay galang ngayon sa akin si Macey. "Naikuwento sa amin ni King na ulila ka na raw at pinatay in front of you ang mga magulang mo?" Tanong ko. Napatitig siya sa akin matapos ay tumango siya.

"Opo. Pero closed na po ang kaso nila. Nanagot na po ang mga pumatay sa kanila."

"Are you really sure Hija na nabigyan n'yo na talaga ng hustisya ang mga magulang mo?"

Nagtataka niya akong tinignan. "Opo. Nito lang. Bakit n'yo po pala naitanong?"

"Wala naman." Mabilis kong sagot kasabay ng pagngiti ko sa kanya. "Pero alam mo ba na magkakilala kami ni Azen?"

Nakita ko ang pagkakakaba sa kanya matapos niyang marinig 'yon mula sa akin. "K-Kung ganon kilala n'yo po pala ako?" Aniya.

Mapanlinlang naman akong ngumiti sa harapan niya. "Kung hindi ako nagkakamali ikaw ang ina ni..." Napaisip ako dahil bahagya ko kasing nakalimutan ang pangalan ng anak nila ni Azen. "Caleb..." Dugsong ko pa.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa narinig niya. "Nakikiusap po ako. 'Wag n'yo pong sabihin kay Azen na nagkakilala po tayo at nasa puder ninyo ako." Pagmamakaawa niya.

"Walang problema, Hija, pero kung ikaw ay mayroong pakiusap sa akin, mayroon din sana akong ipakikiusap sa 'yo." Nagkatitigan kaming dalawa. Bahagya siyang natakot. "Don't worry walang makakaalam sa usapan nating 'to kahit pa si King. Pero ang gusto ko lang susunod ka sa ipagagawa ko sa 'yo." Muli siyang napatitig nang may pag-aalinlangan sa akin pero nginitian ko pa rin siya. Humanda ka Azen Kang.




(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 28.2K 80
The girl who is respected by people, the Woman who wants a justice for her parents death, A lady who fall inlove with the dorky, funny, and sometimes...
6.8M 214K 93
Book 1 of Second Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2019. #4 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. These seven guys...
3M 98.7K 93
Si girl ay isang simpleng babae lamang. Masiyahin, matalino, mabait, palakaibigan at higit sa lahat may pagka-isip bata ito. Almost perfect na sana e...
953K 25.4K 111
(Book 3) of Campus Prince Meets Gangster Princess. This is the 3rd generation. 2017 by MsjovjovdPanda. Ezen Kang is a Grandson of Ozu Kang and Son of...