Ipinunta ako ni Azen sa sementeryo kung saan nakahimlay ang labi ni Dorothy. Napakaganda ng libingan niya at may sarili pa itong bahay. Malinis at punong-puno ng bulaklak. Mukhang sariwa pa kaya pakiwari ko palagi niya itong dinadalaw.
Hindi ko maialis ang pagkakatitig ko sa napakaganda niyang litrato na nakadikit sa mismong puntod niya. Para akong nananalamin dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya. May pagkakatulad nga kaming dalawa. Kaya pala nagustuhan ako noon ni Azen.
"Ngayon lubos ko nang naiintindhan kung bakit ginamit mo ako noon." Napalingon siya sa akin nang mag-umpisa na akong magsalita. "Oo ako nga ang totoong ina ni Caleb, anak nga natin siyang dalawa, pero malinaw na sa akin ngayon na nakikita mo lang talaga ako noon kay Dorothy sa tuwing binubuo natin noon si Caleb, hindi ba?"
Nagsimula na akong mapaluha. Mas naging tahimik ngayon ang kapaligiran.
"Ngayon tanggap ko nang niloko mo lang talaga ako noon at ginamit, Azen. Si Dorothy talaga ang totoo mong minahal dati at hindi ako." Ngumiti ako ng bahagya sa kanya nang titigan ko siya habang umiiyak. Tahimik lang siya pero alam kong alam niyang totoo lahat ng mga sinasabi ko ngayon. Hindi niya magawang mangatwiran.
"Ngayong nakuha mo na si Caleb sa akin, wala na sigurong saysay pa kung magsasama tayo. Ayokong manatili sa inyo kasama ka dahil alam naman natin kung sino talaga ang totoo mong mahal. Handa akong ipaubaya sa 'yo si Caleb tutal, mas mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan kaysa sa akin." Patuloy na tumutulo ang mga luha ko.
"Basta aalagaan mo si Caleb ha? Mahal na mahal ko ang anak nating dalawa." Mas bumuhos ang mga luha ko at hindi ko alam kung paano ko ikakalma ang sarili ko. Siguro sa gagawin kong desisyon na 'to, ito ang tama. Tahimik pa rin siya habang 'di matinag ang pagkakatitig sa litrato ni Dorothy.
"Um, sige," Napahinga ako ng malalim habang nagpupunas ng luha. "Huling hiling ko lang sana sa 'yo na, kapag lumalaki na si Caleb at nagtatanong siya tungkol sa akin, si Dorothy ang ipakilala mong nagluwal sa kanya at hindi ako, katulad nang gusto mong mangyari noon. Ipunta mo siya rito."
Tumalikod na ako pero muli akong huminto. Nakita ko siyang nakatitig pa rin sa larawan ni Dorothy at hindi pa rin siya kumikibo. "Pinapatawad na nga pala kita sa ginawa mo sa akin noon kapalit ng paglutas mo sa kaso ng mga magulang ko. Maraming-maraming salamat dahil alam kong masaya na sina Papa at Mama ngayon dahil nakamit na nila ang katarungan na nararapat para sa kanila. Handa akong kalimutan ang lahat Azen dahil don. Paalam." Nagbigay galang ako sa kanya matapos kong sabihin 'yon.
Ilang saglit pa naglakad na nga ako palayo at tuluyan ko na siyang iniwan. Mas buhos ang mga luha ko pero sa tingin ko kailangan ko talaga 'tong gawin. Nakapagdesisyon na ako. Totoo namang mas mabibigyan niya ng magandang buhay ang anak namin kaysa sa akin kaya handa akong magpaubaya kahit masakit na malayo ako sa sarili kong anak.
Yu's Point of View
Natagpuan namin si Boss Azen sa isang pampribadong Bar kung saan una niya noong nakilala si Miss Ji. Mag-isa lang siya ngayon at halatang hango sa alak na pinagtataka naming Tres Killers. Lalo na nang makita naming parang kagagaling niya lang sa pag-iyak.
Mabuti nalang din at walang masamang nangyari sa kanya rito. "Boss? Nasaan si Miss Ji?" Tanong ko pero tumawa lang siya. Nagkatinginan tuloy kaming tatlo. Para kasing wala siya sa sarili niya kaya minabuti nalang namin siyang iuwi.
"Anong nangyari sa Young Master ninyo?" Pag-aalalang tanong ni Master Shimi, ang Mommy niya. "Nasaan si Macey?" Dugsong pa niya.
Nang bigla kaming hawiin ni Boss Azen. Nakaalalay kasi kami sa kanya, "Macey left me. She already left me." Biglang bunyag ni Boss kung kaya't nagkatinginan kaming lahat sa isa't-isa.
Naglakad siya ng pagewang-gewang habang may hawak pa siyang isang bote ng alak. Papaakyat siya ng hagdanan. Wala kaming magawa kundi ang sundan nalang siya ng tingin.
Shimi's Point of View (Azen's Mother)
Agad kong sinundan si Azen nang makita kong papasok na siya sa loob ng kuwarto niya. Bahagya akong nakasilip sa pintuan. Lasing na lasing niyang kinuha si Caleb na nasa baby crib at inihiga niya 'yon sa kama katabi siya.
Umiiyak siya habang nakapikit at yakap si Caleb. "Your Mom left me dahil sa kagaguhan ko. Pinaubaya ka na niya sa akin. Patawarin mo ako." Umiiyak niyang sabi kaya naaawa akong pagmasdan siya. "I got my karma, right?" Sabi pa niya sa sa sarili kaya malungkot kong tinitigan ang bunso kong anak. Wala akong magawa sa ngayon para matulungan siya.
Macey's Point of View
Napaluhod ako sa daan nang maalala ko si Caleb. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapaiyak dahil ngayon lang ako nawala'y sa anak ko simula nang isilang ko siya. "I'm sorry... sana mapatawad mo ako..." Bulong ko sa sarili habang nasa isipan ko ang anak namin ni Azen.
Maya-maya pa ngumiti ako habang nagpupunas ng luha. Iniisip ko nalang na mas mapapaganda ang buhay ni Caleb kay Azen, sa ama niya. Muli akong tumayo at naglakad kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Kinakailangan kong mabuhay. Kailangan kong kalimutan ang lahat. Ayoko nang madamay pa rito ang mga kuya ko dahil alam ko namang mas kakampihan nila si Azen kaysa sa akin kahit sarili nila akong kapatid.
***
Kinabukasan...
Max's Point of View
Napagpasyahan namin ni Ming na lisanin na itong bahay na pinahiram sa amin noon ni Azen. Nang malaman kasi naming pinaubaya na ni Macey si Caleb kay Azen, napagpasyahan na rin naming hanapin si Macey at magpakalayo-layo nalang kaming tatlo.
Iniabot ko ang isang sobre sa Mommy ni Azen at isang susi ngayon. "Tita, gusto po sana naming magpasalamat sa lahat ng kabutihan na ipinakita n'yo sa amin lalong lalo na si Azen. Gusto po naming makasama si Macey kaya hahanapin po namin siya. Maraming maraming salamat po ulit." Nagbigay galang kami ni Ming sakanila at tuluyan na nga naming nilisan ang Kang Mansion nang hindi na rin sinilip pa si Caleb.
***•
Malou's Point of View
"Pakawalan n'yo na ako!" Inalog-alog ko ang rehas kung saan ako nakakulong ngayon. "Ang tagal tagal ko na rito. Hindi ba kayo nagsasawa sa pagmumukha ko? Pakawalan n'yo na ako!"
Napangisi naman si Crop nang lapitan niya ako. "Alam mo, sa totoo lang sawang-sawa na rin akong makita ka rito, e. Ang kaso kung pakakawalan ka kasi namin, mananagot kami kay Boss Azen. Naiintindihan mo ba?"
"Hindi ko naiintindahan!" Mabilis kong sagot. Mataray ko siyang tinignan. "Wala naman kayong mapapala sa akin, e. Ano pa bang kailangan n'yo e wala na nga ang pinsan ko. Pinatay n'yo na si Darius!"
Napacross arms siya matapos kong magtaray. "Hoy, para sabihin ko sa 'yo, si Death Snake ang nagpapatay sa pinsan mo at hindi si Boss Azen. 'Wag mo kaming pagbibintangan!" Asar naman niyang sagot.
Inirapan ko na lamang siya dahil sa tingin ko wala siyang kuwentang kausap, "Pakawalan n'yo ako! Ano ba! Pakawalan n'yo sabi ako e!" Parang gusto ko nang sirain ang rehas. Halos magwala na ako rito.
"Mabulok ka riyan, MaLOSER!" Sigaw sa akin ni Crop sabay niwanan niya ako rito kaya mas lalo akong nainis.
***
Macey's Point of View
Nandidiri kong tinignan ang sarili ko sa napakalaking salamin sa loob ng kuwarto ng isang Bar. Napakaiksi ng pinasuot sa akin ng magiging Manager ko rito sa bago kong papasukan. Hindi ko lang sukat akaling aabot ako sa ganitong klase ng trabaho. Wala akong kakainin kapag hindi ko 'to ginawa.
"Labas na! Labas na! Maraming costumers ang naghihintay sa inyo!" Pinamamadali niya kami. Nagsilabasan na rin ang mga kapwa ko waitress. "Ija, ano pang ginagawa mo riyan? Aba, lumabas ka na nang makarami ng customer!" Sigaw niya sa akin.
Nagdadalawang isip ako kung ipagpapatuloy ko pa ba 'to pero wala na akong nagawa nang sapilitan niya akong hinila papalabas. "Ayon 'yong counter. Wag kang tatamad-tamad bilisan mo!" Sigaw niya.
Nakayuko ako habang tinutungo ang counter. Hindi ako komportable sa suot ko. Hanggang sa bigla akong may nakasalubong na isang matandang lalaki na tila kaagad nagkainterest sa akin. "Hey, beautiful lady?" Hinipo niya ang binti ko kaya natakot ako.
At nang makita ako ng Manager ko kaagad niya kaming nilapitan. "Hello, Sir, I am the Manager here. You like her?" Tinuro niya ako ng tingin.
"Yeah. I like her very much. She's so young and beautiful." Sagot ng lalaking edad nasa fifty's pero matipuno pa siya. Mas lalo tuloy akong natakot. Umiiling-iling ako sa Manager ko.
"Ano ka ba! Mukhang malaki magbigay 'to kaya pumayag ka na!" Agad nanggilid ang mga luha ko.
"I'll give you thirthy thousand for one night." Offer ng matanda sa amin habang nakangisi.
"No. No! I will go now." Nagtangka akong tumakbo pero hinarangan ako ng mga tauhan ng Manager ko. "Please, please, don't do this to me. Akala ko po ba waitress lang ang kailangan n'yo rito?" Napaluha na ako.
"Gaga ka ba? Kapag may extra service mas malaki ang kita mo. Tignan mo nga thirthy thousand ang bayad sa 'yo. Tig fifteen thousand tayo. Isang gabi lang naman ayaw mo pa?" Pagsusungit ng Manager ko sa akin.
"Ayoko po! Aalis na ako. Padaanin n'yo ako!" Hinawi ko ang mga lalaki pero sadyang napakalakas nilang lahat. Wala na akong nagawa kundi ang sumigaw nalang. Nagkabayaran na sila kaya sapilitan akong binibitbit ngayon papasok sa loob. "Bitawan n'yo ako! Bitawan n'yo ako! Tulong!"
"Bibilhin ko siya sa halagang one hundred thousand!" Nang bigla nalang natahimik ang lahat nang may isang lalaking ang nag-offer non. Nailipat ko ang tingin ko sa kanya at tinitigan ko siya. Halos magka-edad lang kaming dalawa.
Nabitawan ng Manager ko ang hawak niyang thirty thousand matapos ay lumapit siya sa panibagong bumibili sa isang gabi ko. "T-Totoo bang bibilhin mo siya ng one hundred thousand?" Di makapaniwala niyang sabi.
"Yes." Kaagad na sagot ng lalaki.
"Teka! Ako ang nauna sa kanya!" Singit naman ng matandang unang bumili sa akin kanina pero tinutukan siya ng baril ng mga tauhan ng lalaking bumibili sa akin ngayon kaya natahimik ang matanda. Nagmamadali siyang umalis at takot na takot.
"Here's the money." Isinabog ng lalaki ang pera sa Manager ko atsaka niya ako binalot ng puti niyang jacket. "Don't worry, I won't hurt you. You're not belong in this kind of place." Hinila niya ako papalabas don kaya sumama na rin ako sa kanya dahil sa palagay ko ay mabait naman siya dahil sa pagliligtas niya sa akin.
{King Sebastian — Son of Senador.}
(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES
Votes | Comments | are highly appreciated
Thank you so much, JOVinians
— Miss Jov 💕
Strong Parental Guidance