'Friends?'
Di mapigilang kumirot ng puso ko tuwing naaalala ko yung sinabi ni Sky nung gabing hinatid nya ako pauwi galing sa birthday ng kapatid at mommy nya.
'Friends?'
Seryoso? Paano nya naatim na itanong sakin yun? Ganun na ba talaga sya kainsensitive??
'Friends?'
Friends.. Is that all that we can be? Friends? We started as lovers.. And now, friends talaga?
Sabi nila kapag magkaibigan kayo, tapos naging lovers, mahirap na daw maibalik yung dating pagkakaibigan nyo. Eh pano kung hindi naman kayo talaga naging friends before at naging lovers kayo bigla? Mas posible bang maging magkaibigan yung ganun?
'If two lovers can remain friends, either they never were in love or they still are.' BOOM SAKTO!
Nabasa ko lang sa instagram. Ang galing diba? Parang tanga lang. Sakto. Pero.. Totoo kaya? Kung gusto ni Sky na maging friends kami..
Either he were never in love with me to start with.. or, HE STILL IS??
Imposible. Ugh. I shrugged the idea as soon as I remembered how in love he looked when he's with Zoey.
Minsan naiisip ko, sana hindi na lang ako bumalik dito. I mean, what was I thinking, really? Akala ko kasi pag nalaman nya yung about sa baby namin, babalik sya sa akin. Or kung makita nya ako, mabalik yung dating pagtingin nya sa akin. Pero hindi eh. Wala. Kaibigan na lang talaga ang tingin nya sa akin. Dapat kasi hindi na din ako nagpakita sa pamilya nya eh.
'Haaay nako, Alessandra. Yan kasi padalos-dalos ka sa desisyon mo. Alam mo naman na hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo..' sabi ng konsensya ko.
Pero paano kung ang pagiging magkaibigan namin ang maging daan para maging close ulit kami? Paano kung ang pagiging magkaibigan namin ang maging way para mahalin nya ako ulit? Wala namang masama kung susubukan ko diba?
'Pahihirapan mo lang ang sarili mo.' sabi ulit ng konsensya ko.
Okay lang mahirapan kung ang kapalit naman ay ang pagiging malapit ko kay Sky. Okay lang mahirapan, basta makasama ko sya, makita at makausap, kahit na alam kong kaibigan lang talaga ang tingin nya sa akin. Okay lang mahirapan kung yun ang magiging paraan para mahalin nya ako ulit.
Kahit ilang beses pa akong masaktan, titiisin ko. Maibalik lang yung dating pagtingin nya sa akin.
***
//COFFEESHOP -- FEW DAYS AFTER
"Bakit kasi hindi ka na lang mag move on?" tanong ni Kit. Kinwento ko kasi sa kanya yung nangyari.
"Hindi ko nga kasi kaya.." sagot ko naman.
"Friend, bakit mo ginagawa yan? Kahit na alam mong masasaktan ka?"
"Kasi mahal ko sya.." sagot ko. "Para lang yang, 'bakit ako umiinom ng gamot dahil sa sakit ko?' kasi 'gusto ko pang mabuhay at gusto kong gumaling kahit na alam kong imposible'. Kaya kung tinatanong mo kung bakit patuloy ko pading minamahal si Sky, kasi yung ang magpapasaya sa akin, at gusto kong sumaya, kahit imposible. Tsaka, naman, friend.. Susubukan ko pa bang magmahal ng iba eh, malamang sa malamang, hindi na din naman ako magtatagal.." ngumiti ako sa kanya.
"Tumigil ka nga! Yung katangahan mo sa Sky na yan ang pinaguusapan natin, hindi yang sakit mo. Tsaka, we both know na hindi ka magiging masaya, dahil masasaktan ka lang sa tuwing makikita mo sila ng jowa nya na magkasama!" pikon na sagot ng bestfriend ko.
"De, seryoso. Pwede bang kahit yung pagpapakatanga ko kay Sky, ipaubaya nyo na sakin? Promise, hindi ko naman sila sisirain ni Zoey eh. Tsaka, malay natin, mapagod na lang din ako diba.."
"So aantayin mo pang mapagod ka kakahabol sa taong di ka na kayang mahalin?"
"Wala eh.. Mahal ko talaga.." nangingilid na ang mga luha ko. Kasi nasasaktan nanaman ako. Mali naman kasi talaga eh. Kaso, ano naman magagawa ko. Sinasabi ng utak ko na wag, pero ayaw patalo ng puso ko. Palaban eh. Martyr.
"Hay, Lexi.. Basta sinasabi ko sayo. Itigil mo na habang maaga pa. May mahahanap ka pang iba jan na magmamahal sayo. Mas higit pa sa pagmamahal na pinaramdam sayo ni Sky. Mas higit pa sa pagmamahal mo kay Sky.. Ang daming nagkakandarapa sayo, Lexi. Bakit di mo bigyan ng chance ang isa sa kanila?"
"Iba? Ang daling sabihin na makakahanap ng iba. Parang mamimingwit lang ah. Haay. Madami ngang iba, pero hindi sila si Sky. And I don't think na kaya ko pang magmahal ng iba.. Kaya, wag na lang.."
"Ewan ko sayo. Bahala ka." sabi ni Kit sabay tayo para umorder ng kape.
"OMG!! Si Sky yun diba??" nagulat ako sa sigaw ng isang teenager na nakaupo sa likod ng inuupuan ko. Napatingin ako sa likod ko para maki-usisa.
Si Sky at si Zoey! Ugh. Sa dami naman ng lugar bakit kailangan sa same place pa kami pumunta. May mga lumapit sa kanilang dalawa para magpapicture, at masaya naman silang pinaunlakan ang mga ito.
Saktong paalis na ang tingin ko sa kanila nang mapalingon naman si Zoey sa kinauupuan ko. Patay.
"Lexi!" sigaw nito habang naglalakad palapit sa akin.
Tumayo ako at binati sya. "Hi." nag beso naman sya sa akin. Ay, close na?
"Dito ka din pala tumatambay. Sinong kasama mo?" tanong nya.
"Heh, nagkayayaan lang kami ni Kit. Andun sya sa loob." napatingin ako sa loob ng shop at nakitang palabas na pala si Kit, bitbit ang tray ng order namin. "Yan na pala sya."
Lumapit na si Kit, at nilapag sa table ang hawak nya. Lumapit na din si Sky na natrap pala sa mga nagkakandarapang fans.
Napatingin sa paligid si Zoey at napansin na wala ng available na table. "Pwede bang maki join na lang sa inyo? Puno na kasi eh." Nagkatinginan kami ni Kit.
"Yeah, sure." sagot ko. Ampanget naman kasi diba kung tatanggi ako.
First time namin magsama sa ganito. Ako, si Sky at Zoey. Spell awkward -- L-E-X-I. Buti na lang ang andito din si Kit para kahit paano ay may friend ako.
Ang weird lang. Masaya akong makita si Sky na masaya at parang inlab na inlab sa ibang babae. Pero naiinggit ako sa kanila. Sana may kaharutan din ako. Sana may kalambingan din ako, sa harap ng ex boyfriend ko na mahal ko padin.
"Zoey?" may lalaki na nakatayo sa harap namin. Napatingin ako sa kanya at napanganga. Si Tyler. May katabing babae na kahawak kamay nya. Napatingin naman ako kay Zoey na ang laki ng ngiti nang makita si Tyler.
Teka, magkakilala sila??
"Tyyyyy!" tumayo sya at niyakap ang nakatayong si Tyler. "Fresh na fresh tayo ngayon ah! Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita??"
"Busy lang. Alam mo na." sagot naman ni Tyler sabay kindat sa kasama nyang babae.
"Tss. Basta pag may girlfriend ka nakakalimot ka na sa mga pinsan mo eh noh. Wala ka talaga."
PINSAN?? Whaaaat? Nagkatinginan ulit kami ni Kit nang marining ang sinabi ni Zoey.
"Pinsan? Magpinsan sila?" bulong ni Kit.
"Ewan ko. Hindi ko naman nakilala yung ibang relatives nyan. Immediate family lang nya ang nameet ko noon." sagot ko na pabulong din. "Tae naman. Sobrang liit naman ng mundo."
"Ty, si Lexi nga pala tsaka si Kit." biglang sabi naman ni Zoey na nakaharap kay Tyler habang pinapakilala kami. "Guys, si Tyler nga pala, pinsan ko. Tsaka si Kayla, girlfriend nya." boom sapul sa puso ko. Aray.
Uulitin ko, PINSAN? Kung minamalas ka nga naman talaga oh.
Napatingin ako kay Tyler nang banggitin ni Zoey ang pangalan ko at nakita ang gulat sa mga mata nya. Eh kahit naman ako magugulat noh!
Ngumiti ako at nagpanggap na hindi ko sya kilala. "Hi." sabi ko. Umiwas ako sa tingin ni Tyler at napatingin banda kay Sky naman na nakatingin sakin. Yung tingin na parang nagsasabi na 'sya ba yun?'. Ngumiti na lang din ako sa kanya bilang sagot.
"Lexi.." banggit ni Tyler. "Long time no see."
"Magkakilala kayo??" tanong ni Zoey. Yung itchura nya mukhang nalilito. Napatingin sya kay Sky na nginitian lang sya. "Huy. Ano?? Magkakilala kayo?" ulit nyang tanong kay Tyler.
"Sya yung kinukwento ko sa inyo dati. Si Lexi." humigpit ang hawak nya sa kamay ng babaeng kasama nya.
"Ahhhhhh. Okaaay." sagot naman ni Zoey. Alam nya siguro. "Okay lang naman sa inyo na magkakasama tayo dito, diba?"
Ay wow naman talaga! Reunion ng mga ex ko ba ito? Wala man lang pasabi, hindi ako nakapag handa. Sana nakapag dala din ako ng jowa diba para hindi naman ako mukhang napagiwanan nila! Ang lagay eh, ano? Sila lang ang mabilis na naka move on na? Ay mali, iniwan naman nga pala nila ako para sa ibang babae. Ayos! Tapos ngayon, eto sila parehong nasa harap ko. Dalawang lalaking minahal ko. Dalawang lalaking iniwan ako. Dalawang lalaki na may kasamang ibang babae. Dalawa silang nasa harap ko ngayon. Tapos, ako eto.. Magisa, patambay tambay na lang, kasama ang walang kakupas kupas na bespren ko. Walang lablayp. Talunan. ARAY.