Don't make a Deal with Me, Je...

By MsjovjovdPanda

368K 10.5K 1.5K

(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess. This is the continuation of 3rd Generation pero storya na... More

Don't make a Deal with Me, Jerk!
The Generation
TRAILER
Prologue : The Young Devil Boss
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Characters Profile
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97

Chapter 68

2.4K 81 0
By MsjovjovdPanda

Macey's Point of View

Unti-unti akong nagigising nang marinig ko ang iyak ng anak ko. Inaaninagan ko pa ang kapaligiran dahil hindi ito pamilyar sa akin. Nanghihina pa ako. Pero kusa nalang akong napabangon nang bigla kong makita rito si Azen na karga si Caleb.

"P-Please, ibigay mo ang anak ko." Nagmakaawa agad ako sa harapan niya. Siya ang may kagagawan nito.

"Anak mo lang?" Sarkastiko niyang sabi. Imbes na ibigay niya sa akin, pinahawak niya 'yon sa isa sa mga Tres killers niya.

Kukuhain ko sana nang sapilitan si Caleb sa kanya pero bigla lang naman niya akong hinawakan ng mahigpit at tinulak niya ako pahiga sa kama. Agad siyang umibabaw sa akin at sapilitan niya akong pinaghahahalikan.

"Azen! Azen, please bitawan mo ako! 'Wag mong gawin sa akin 'to!" Pagpupumiglas ko nang bigla niya akong tigilan kasabay ng pagkakangisi niya.

"So, do you remember me now, huh?"

Binigyan ko siya ng isang malakas na sampal nang makabwelo ako. "Oo kilala kita! Kilalang-kilala." Mariin kong sabi.

Muli niya akong nginisian. "I knew it, you're lying."

"Napakasama mo Azen!" Bulyaw ko.

"How do you say that, baby?"

Tinitigan ko siya ng masama, "Alam ko na ang totoong pagkatao mo Azen. Isa kang killer!"

Imbes na magalit siya dahil sinigawan ko siya, nginitian pa niya ako na para bang wala siyang narinig. Parang balewala lang sa kanya ang lahat ng mga sinabi ko. "Hindi ko inaasahang aakusahan mo ako ng ganyan." May pagngiti niyang sabi.

"Puwes, ngayon, uulit-ulitin ko sa 'yo."

Tumango-tango siya. "Alam mo, hindi ko alam kung bakit ganon nalang katindi ang galit mo sa akin."

"Talaga? Hindi mo alam?" Tinitigan ko siya ng masama. "Para sabihin ko sa 'yo ginamit mo lang naman ako." Napakunot-noo ako. "Nung mga panahong may nangyayari sa ating dalawa, may girlfriend ka rin palang iba nang hindi ko nalalaman. For your information nabuntis mo ako at oo nilihim ko 'yon sa 'yo pero ano 'yong nalalaman kong may kahati ako bilang ina kay Caleb?! Ako ang nagluwal sa kanya kaya ako lang ang tunay niyang ina! Ako lang ang may karapatan sa kanya!"

Nguguluhan siyang tumingin sa akin. "How do you know all of this?"

"Wala ka ng pakialam!" Mabilis kong bulyaw. "Manloloko ka, Azen! Kukuhain ko na ang anak ko dahil ayokong malaman niya na isang killer ang ama niya!" Nagtangka akong kuhain si Caleb pero hinarangan niya ako.

"May karapatan din ako sa kanya dahil ako ang ama niya!" Pagmamatigas niya.

"No, Azen! Tinatanggalan kita ng karapatan sa kanya!"

"Sige, gawin mo, pero sa bahay kayo titira ni Caleb. Hindi mo siya puwedeng ilayo sa akin."

"I'm not stupid to make a deal with you!"

"No. You need to."

"Napakasama mo talaga! Hinding-hindi ako makakapayag sa gusto mo!"

"You can say all you want anything pero makikipagdeal ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo."

"Hindi nga sabi!"

"Then you can't get the child."

"Azen! Please, 'wag mong gawin 'to!" Kinuha niya si Caleb kay Yu na sa kasalukuyang umiiyak na ngayon. Sumusunod naman ako sa kanila nang mag-umpisa na silang maglakad papalayo. "Azen, please, nakikiusap ako, anak ko siya."

Hindi niya ako pinapansin bagkus ay nagtuloy-tuloy lang siyang lumabas ng building kasama ang mga tauhan niya. Pero sa 'di inaasahang pagkakataon may biglang nagsaboy ng buhangin sa mga mukha nila. Muntikan ng malaglag ni Azen si Caleb pero nakita kong sinambot ni Darius ang anak ko. Nang makita naming hindi sila makakitang lahat mabilis kaming tumakas sa tulong nila ni Malou.






Azen's Point of View

Matapos akong makakita napatikom nalang ang mga daliri ko nang maisahan kami ng kasamang lalaki ni Macey at ni Malou. Kitang-kita ko ngayon kung paano lumalayo si Macey kasama ang anak ko. "I am not done with you, I'll find you." Kunot-noo kong bulong.

***

"Oh, bakit ganyan ang mga itsura n'yo?" Tanong ni Daddy nang makauwi kami rito sa Mansion.

Naupo namang magkakatabi ang mga Tres killers sa sofa habang nakahawak sa mga mata nila. "E, Master, naisahan kasi kami nila Miss Ji." Hayag ni Adamson kaya nagulat sila ni Mommy.

"Sayang Masters, nakuha na sana namin si Caleb, ang apo ninyo." Sabat naman ni Crop.

Napatingin naman sila sa akin lalo na nang makita nilang nananahimik lang ako, "Anak, baka naman kasi dinadaan mo sa dahas si Macey. It's not good, son." Malumanay na sabi ni Mommy.

"Mom, dad, I am confused. I don't know how Macey knows about Dorothy. She's mad at me. Halos ayaw niyang ibigay sa akin si Caleb."

"What?" Nagkatinginan sila. "Hindi kaya may kinalaman sina Ming at Max dito?" Bunyag ni Daddy. Napatitig naman ako sa kanila. Maaari ngang tama siya.

Kinabukasan...

Kaagad kong pinapunta ang mga Kuya ni Macey dito sa Mansion. "Young Master, patawarin mo kami kung hindi namin nasabi sa 'yo ang tungkol don." Paghingi ng pasensya ni Kuya Ming sa akin.

"Young Master, alam mong hindi namin kukunsintihin ang kapatid namin. Nung isang araw, nagulat nalang kami nang makita siya sa puntod ng mga magulang namin. Kinausap naman namin siya tungkol sa bata pero nagmamatigas siya. Mukhang mahihirapan tayong makuha sa kanya si Caleb." Kuwento ni Kuya Max habang nakatitig ako sa kanila.

"Forget of what happened pero hindi ba't natulungan ko kayo sa kaso ng mga magulang n'yo? Now, this is the time that you will help me." Nagkatinginan silang magkapatid matapos ko 'yong sabihin. "Tulungan n'yo akong maibalik dito sina Caleb at Macey."




***

Macey's Point of View

"Kuya Ming! Kuya Max!" Masaya kong sambit nang makita ko ang mga kuya ko rito sa Airport. Niyakap ko agad sila. "Mabuti naman at nakapagdesisyon na kayong sumama sa amin. Finally, magkakasama-sama na rin tayo, matagal ko ng hinihintay 'to."

Nang bigla silang napayuko at hindi sumagot.  Maya-maya pa nawala ang mga ngiti ko nang makita ko si Azen na lumalapit sa kinaroroonan namin ngayon. "K-Kuya Ming, Kuya Max, anong ibig sabihin nito?"

"I'm sorry Macey pero kinakailangan naming gawin 'to." Sagot ni Kuya Max.

Napangisi naman si Azen nang magtagpo ang titigan naming dalawa. "Baby, I think you should come with us." Mapang-asar siyang tumingin kay Darius.

"Hindi mo sila puwedeng ilayo sa amin!" Mariing sabi ni Darius at pinantayan niya ng tindig si Azen.

"Paano mo naman nasabi 'yan samantala ako ang totoong ama ni Caleb at hindi ikaw, so, you better f*ck off dahil wala kang karapatan."

Gigil lang na tumitig ng masama si Darius kay Azen nang wala na silang nagawa pa ni Malou nang bitbitin na kami ng mga Kuya ko at si Azen. "Hindi ko inaasahang gagawin n'yo sa akin 'to." Inis kong sabi sa mga kuya ko habang nasa sasakyan kami ni Azen.

"I'm sorry Macey pero ito ang sa tingin naming tama." Sinamaan ko ng tingin si Kuya Ming sa sinabi niya.

"Masyado na kayong nabubulag diyan sa Young boss ninyo. Ang hindi n'yo alam, baka mamaya, ginagamit na niya lang din kayo katulad ng ginawa niya sa akin noon."

Napacross arms si Azen habang ngumisi siyang tumitig sa akin. "Baby, baka nakakalimutan mong ikaw mismo ang kusang lumapit sa akin noon. Did you forget it?"

Napakunot-noo ako, "Pero sinamantala mo ako. Ikaw pa rin ang may kasalanan." Mariin kong sabi.

"Baby, walang tutuklawin kung walang magpapatuklaw. Ayokong magtalo tayo sa harap ng mga kuya mo." Hindi na ako nakapagsalita pa. Inis lang akong lumihis ng tingin sa kanya. Nagkatinginan nalang sina Kuya Max at Kuya Ming dahil alam ko namang ayaw nilang makialam sa away namin.

Pagkadating namin sa Kang Mansion nakayuko lang ako dahil natatanaw ko na ang mga magulang ni Azen. Kahit pa nalaman kong isang killer ang buong pamilya nila hindi sapat 'yon para ilayo ko ang apo nila sa kanila. Kilala ko ang mga magulang ni Azen, pinakitaan pa rin nila ako ng maganda noon kaya hiyang-hiya tuloy ako ngayon.

"Apo ko!" Sabik na sabi ng Mommy at Daddy ni Azen. Kitang-kita ko kung paano nila hinagkan si Caleb. Mahal na mahal nila. Maya-maya pa ay napatingin sila sa dereksyon ko kaya mas napayuko ako. "I'm sorry po." Ito na lamang ang tangi kong nasabi.

Ngunit nagulat naman ako nang bigla silang umiling at ngumiti sila sa akin, "Hija, you're always welcome here in our home. Ituring mo na rin itong sa 'yo kahit hindi pa kayo naikakasal ni Azen." Nakangiting sabi ni Tita Shimi kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sadyang napakabait talaga ng mga magulang ni Azen.

"Dad, nakikita mo ba ako kay Caleb nung bata pa ako?" Nailipat ko ang tingin kay Azen.

"HaHa! Di maikakailang mag-ama kayo, anak! Ang gwapo rin niya, mana sa 'yo." Habang nagtatawanan sila napangiti lang akong napatitig sa mga magulang ni Azen. Nang tignan ko naman si Azen biglang may bumalik sa isipan ko. Sinabi sa akin ni Kuya Max na may girlfriend noon si Azen na sana'y magiging ina rin ni Caleb. Nahihiwagaan ako.

"Puwede po ba akong magtanong?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Sino po 'yong nalaman kong sinasabing sana'y magiging ina rin ni Caleb bukod po sa akin? Nandito rin po ba siya?" Pinipigilan kong mapaluha.

Kung nandito nga 'yong girlfriend ni Azen, paano ang magiging set-up namin? Hindi ako makakapayag na angkinin ng iba ang anak ko. Ako ang nagluwal kay Caleb kaya ako lang ang may karapatan sa kanya.

"Hija, Dorothy is dead. Ikaw lang ang natatangi at nag-iisang ina ni Caleb kaya wala kang dapat ipag-alala. Hindi namin siya ilalayo sa 'yo pero sana 'wag mo rin siyang ilayo sa amin. Masyado ng nasaktan si Azen ng dalawang taon kaya kung puwede sana, dumito nalang kayo ng apo namin."

Napatitig lang ako sa Mommy ni Azen. Hindi ko alam kung anong isasagot ko hanggang sa napayuko nalang ako. Kung ako lang talaga ang magdedesisyon, ayaw ko rito sa kanila dahil kinamumunghian ko ang mga ginawa sa akin noon ng anak nila.





(Book 4) of Campus Prince meets Gangster Princess
Written by MsjovjovdPanda
2018 All Rights Reserved
3rd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

— Miss Jov 💕

Strong Parental Guidance

Continue Reading

You'll Also Like

761K 20.8K 84
READY KA NA BANG MAGING QUEEN? GUSTO MO BANG MAGING KAIBIGAN SILA? ETO, KILALANIN MO. May apat na babae ang tinaguriang "campus queens" dahil sa mga...
11.7K 498 14
[PREVIEW ONLY] Grizelda was once a sweet and loving girl. But she turned into a cold and heartless woman when she discovered the real story behind he...
2.6M 11.8K 5
Si Shirley Evangelista a.k.a agent Crow ay isang agent mula sa BSA. Nagpapangap itong ordinaryong studyante ng Adams University hanggang sa isang rol...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...