Switched Bodies [EXO FF] [Com...

By KarenKrisDeGuzman

83.4K 4.1K 752

Naimagine mo na ba si Kris na maging bulol at childish? Eh si Sehun na maging adik sa baozi. Paano kung si Xi... More

Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Huling Kabanata
Epilogue
Acknowledgement

Kabanata 5

2.9K 141 30
By KarenKrisDeGuzman

So ganito po ang format natin, para di tayo malito sa switching nila. Anyway, nakakalito pa rin talaga sya, but at least sana mabawasan yung pagkalito ninyo.

Body (Soul)

Example. Yung soul ang naka-parenthesis. Example, ang soul ni Suho ang nasa katawan ni Chen. Ganito ang format - Chen (Suho)

Kabanata 5

Harriet POV

"So alam nyo na ang gagawin nyo ha. Wag na wag kayong magpapahuli, tyak malilintikan tayong lahat. Act naturally!" paalala ko muli sa kanila bago buksan ang pinto ng kwartong iyon. We are ready to face the world. Anyway, basta yun na yun.

"Harriet kanina ka pa pauli-ulit, oo alam na namin ang gagawin namin, kailangan naming magpanggap. Gets na namin okay? Chill ka lang, ikaw pa yung mas kinakabahan eh." sambit ni Chen(Suho).

Napabuntong hininga na lang ako, sino ba ang di kakabahan? Duuuh! Parang mission impossible tong gagawin namin.

"O sige na, tara na sa baba, mag-almusal na tayo. Siguradong nasa baba na rin si manager kaya ayusin nyo ang pagpapanggap." Huling paalala ko bago i-lead ang daan pababa.

Naabutan kong umiinom ng kape si manager na nakaupo sa harap ng hapagkainan. Mahaba ang lamesang iyon. May mga puwang na upuan na sa tingin ko ay para sa EXO. Good thing, dahil gising na sila. Bad thing... nag switched naman sila ng katawan.

"Eheeeem!" inagaw ko ang pansin ni manager na kasalukuyan namang nagbabasa ng magazine.

"Oh Harriet andyan ka na pala. Let's have breakfast." Paanyaya nya sa akin, pero di ako natinag. Bagkus ay nanatili lang akong nakatayo sa gilid nya. Napansin naman nya iyon kaya muli nya akong kiausap.

"Harriet, may problema ba? Bakit di ka nagsasalita? Ayos ka lang ba?"

"Ahm. Manager..." lumunok muna ako bago magpatuloy sa pagsasalita "ang EXO... kasi"

"Oh anong meron a EXO? Nasa taas sila. Tulog pa rin. Gisingin mo kung gusto mo haha. Good luck na lang" sabi nya tsaka humigop sa kape nya.

"No need na manager kasi... Gising na sila!"

Kasabay na pagkasabi ko ng mga huling salita ay ang pagbuga ni manager ng kape nya. Mabuti na lang at hindi sa akin. Nanlaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

"Totoo ba yan Harriet?"

Unti-unti akong tumango bilang pagsagot sa kanya. Tsaka ako sumenyas sa likod ko.

Lalong nanlaki ang mga mata ni manager ng makita ang EXO na nakahanay pang tumungo sa harap nya sa pangunguna ni Chen(Suho).

Lord wag sana silang mahalata. Huhuhu!

"Waaaaaaah! Gising na talaga kayo!" tumakbo patungo sa kanila si manager na ngayon ay ngumangawa na sa pag-iyak.

Pagkatapos ng madamdaming pagwelcome sa kanila ni manager ay nagtungo na kami sa hapagkainan para mag-almusal. Nagpaluto pa ata si manager ng bago dahil na rin sa hindi inaasahang paggising ng EXO. Yap may mga kasama din kami sa bahay, isang chef at katulong pero nagsign sila ng NDA so wala namang problema.

Nagulat na lang kami sa dami ng nakahain sa hapagkainan.Yung tipong pangfiesta.

"Kumain na kayo!" pag-aaya ni manager na tuwang tuwa pa rin.

Ang unang lumantak ng pagkain ay si Sehun(Xiumin). Oh-uh. Sabi ko na ngang mag-iingat sa galaw eh, di talaga maitago ni Xiumin ang katakawan nya.

Nagsunuran na rin sa pagkuha ng pagkain ang ibang miyembro.

Mataman lang akong nagmamasid sa kanila, medyo kinakabahan pa rin ako na baka mabisto sila.

"This is too oily!" reklamo ni Kai(Kris) at tila ineeksamin ang chicken leg na hawak nya. Napa-awang ang labi ni Manager sa pagkarinig nun.

"Eh diba paborito mo yan Kai? Madalas ka ngang magpadeliver nyang fried chicken eh." pagpupuna ni manager.

"I'm not Ka-hhhmmm!" di natuloy ni Kai(Kris) ang pagsasalita dahil nasupalpalan na ni Chen(Suho) ng pagkain ang bibig nya.

"Of course manager, paborito ni Kai yan. Diba Kai?" may pagkadiin ang pagkakasabi nun ni Chen(Suho) at bahagyang pinanlalakihan ng mata si Kai(Kris).

Awtomatiko lang na napatango si Kai. Poor him, alam kong ayaw ni Kris sa oily foods, malas nya lang dahil napunta sya sa katawan ni Kai na isang chicken mania.

Uh-oh, tila nangunot na ang noo ng manager nila. Marahil ay sa pagtataka sa kilos ng EXO. Nawala lang ang atensyon nya kila Chen at Kai ng dumighay si Sehun

"Wala bang baozi, appetizer?" inosenteng tanong ni Sehun(Xiumin). Nanlaki lalo ang mga mata ni Chen(Suho).

Were doomed!

"Baozi? Diba hindi ka kumakain nun?" nagtatakang tanong ni manager.

Napunta sa kanya lahat ng atensyon namin. Nagpalinga-linga lang si Sehun(Xiumin), halatang wala syang ideya. Walanyang hyung! Pinapahamak kami.

"Ah actually ako talaga ang naghahanap ng baozi, alam nyo naman ako, di makukumpleto ang araw ko ng walang baozi. Hehe." Pagiiba ng topic ni Xiumin(Baekhyun). Mabuti na lang sinalo nya.

Mukhang nakuha naman agad ni Sehun(Xiumin) kung anong maling nagawa nya.

"Ah oo nga manager, tsaka may bubble tea ba dito? Namimiss ko na ang bubble tea eh." pambabawi ni Sehun(Xiumin). Dun lang ata ako nakahinga ng maluwag.

Napatango-tango lang ang manager. Maya-maya ay pinatawag nya ang nag-iisang maid at nagpakuha ng golden buns.

"Oh eto na ang baozi mo Xiumin." Inilahad ng maid ang baozi sa harap ni Xiumin. Medyo matabang pa ang mukha nya na nakatingin doon. At si Sehun naman ay tila naglalaway na ng masilayan ang mga baozi.

Napilitan na lang kumain si Xiumin(Baekhyun) ng baozi. Halata naman sa kanya, yung tipong di talaga sya humihinga kasi pinipilit nya lang kainin yung baozi. At si Sehun(Xiumin) naman ay di mapakali, gustong-gusto na nyang kumuha ng baozi mula kay Xiumin.

Napansin naman ng manager ang teary-eyed na si Sehun(Xiumin) na mukhang naiinggit sa paglamon ni Xiumin(Baekhyun).

"Sehun, wag kang mag-alala, may bubble tea shop naman sa kabilang bayan eh. Bibilhan na lang kita, since bawal naman kayong lumabas." Sabi ni manager.

"Talaga manager! Bubble tea? Guttho ko rin yun. Matharap yun! da beth!!" masayang sigaw ni Kris(Sehun) kay manager habang pumapalakpak.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Juskopo, paano na toh! Halos maibuga naman ng ibang members ang kinakain nila dahil sa kabaliwan na ginawa ni Kris(Sehun). Imagine, yung cold and serious na si Kris bigla na lang magiging jolly at higit sa lahat, BULOL!

Nakaawang lang ang labi ni manager na tumititig ngayon kay Kris. Pinandilatan ko naman si Chen(Suho), dahil mukhang wala silang balak na patigilin ang kahibangan na nangyayari.

Napatigil lang sa pagpalakpak si Kris ng mapansin nya ang masasamang titig ng kasamahan nya. Lalo na mula kay Kai(Kris) na tila may ipinapahiwatig sa kanyang titig na umayos-ka-katawan-ko-yan!

"Ehem... ehem... " parang nagvovocalize lang si Kris(Sehun) para mapababa ang boses nya. "What I mean is, parang gusto ko ring tikman yun, madalas kasing sabihin ni Sehun na masarap daw yun that's why I was thinking to give it a try." Mahabang paliwanag ni Kris(Sehun).

Okay bilib na talaga ako kay Sehun, buti na lang nagaya nya ang kilos at pananalita ni Kris. Mukhang kumbinsido naman si manager, dahil hindi naman na sya nagtanong pagkatapos nun. Whoo!

Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa matapos ang almusal. Nagpaalam lang sa amin si manager na papunta sa sa bayan. Pagkaalis na pagkaalis ni manager ay parang nabunutan ng tinik sa puso ko, okay, oa na pero shems lang. Mas nakahinga ata ako ng maluwag this time.

"Waaaaah!" sabay-sabay nilang sigaw. Parang naalerto naman ako at dagli dagling pinuntahan sila sa leisure area.

"I can't do this anymooooore!" oa na sigaw ni Xiumin(Baekhyun).

"Hyung! wag kang mag-alala, malalagpathan din natin to." Pag-aalo sa kanya ni Kris(Sehun).

"Ang dami kong kinain na baozi, feeling ko maisusuka ko lahat! Kung ganito ang mangyayari araw-araw, sa tingin ko, ito na ang katapusan ko!" pagdadrama ulit ni Xiumin(Baekhyun).

"Masarap naman yun ah. Kung makapagdrama ka, kala mo naman tae yung kinain mo!" pasigaw na sabi ni Sehun(Xiumin) syempre pinagtatanggol nya ang baozi nya. Di na lang sumagot si Xiumin(Baekhyun).

Patuloy naman ang pag-aalo sa kanya ni Kris(Sehun) ang sweet naman ng maknae, este ng damulag. Maya-maya ay biglaan na lang syang sinapok ni Kai(Kris).

"Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo kanina? What you just did a while ago was the most embarrassing moment of my life!!!" sigaw nyang muli habang binabato ng cussion si Kris(Sehun).

"Wahahahaha!" napuno naman ng tawanan ang paligid.

"Takte, pinipigilan ko lang talagang tumawa kanina haha!" natatawang saad ni Lay(Chanyeol).

"Wahaha. Ako rin, di ko inaakalang masisilayan ko si Kris-ge sa ganung pagkakataon." Dagdag ni Baekhyun(Tao).

"Haha, amazing! Gawin mo nga ulit Sehun! Bagay kay Kris eh!" sabi ni Lay(Chanyeol) tsaka kinulit si Kris(Sehun).

"Shut up!" sigaw ni Kai(Kris).

Pati ako natatawa sa kanila. Haaaay! Bakit kahit sa ganitong pagkakataon, ang saya pa rin nila.

"But seriously guys." Panimula ni Chen(Suho). "siguro nakaligtas tayo ngayon, pero paano sa mga susunod na araw. Makinig kayo, kailangan na nating magseryoso, kilala naman natin ang isa't isa kaya alam kong di tayo mahihirapang gayahin ang bawat isa." Saad ni Chen.

"Weeeh! Di nga Suho hyung! Tutal nasa katawan ka ni Chen ibig sabihin ba nun, magpapakatroll ka na din?" pangiinis sa kanya ni Lay(Chanyeol).

"If that's what it takes... pero syempre pag tayo-tayo lang naman edi kahit wag na muna." Naaasiwang sagot naman ni Chen.

At yun na nga, nagharutan na naman silang muli. Nakasandal lang ako sa pader habang pinagmamasdan sila, maya-maya ay tumabi sa akin si Suho(Luhan).

"Ayos ka lang ba?" tanong nya sa akin. Teka sino na nga toh? Ah oo si Luhan.

"Oo naman, medyo, nasa state of shock pa rin ako pero ayos naman na, keri ko pa naman, sadyang nalilito lang ako sa inyo." Pagdedetalye ko sa kanya.

"Pati din naman kami eh, buti na nga lang, di ako masyadong inusisa ni manager. Nasa katawan pa naman ako ng leader namin na si Suho."

"Bakit?"

"Tulad din nila Kris at Sehun, nakalimutan ko rin na ako na nga pala si Suho ngayon at hindi si Luhan. Ngayon pa nga lang, pumapalpak na kami, paano pa kaya sa mga susunod di ba?"

Bahagyang napabuntong hininga pa sya ng sabihin yun.

"Wag kang magalala Suho este Luhan pala, maayos din ang lahat. Promise, dito lang ako sa tabi nyo, di ko kayo iiwan, at tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya." Pagaalo ko sa kanya.

He gave me a sweet smile before he walked away, but when i turned my gaze back to the other members, bahagya ang pagkakatitig sa akin ni Lay(Chanyeol). Ewan ko, pero naintimidate ako sa mga titig nya, alam kong si Chanyeol lang ang makakagawa nun, but hell, nasa katawan sya ni Lay, how can he possibly intimidate me? Nagbawi na lang ako ng tingin, i can’t stand him staring at me. Nagpasya na lang akong magtungo sa kusina since nakaramdam naman ako ng uhaw.

Kumuha lang ako ng baso tsaka nagsalin ng juice, akmang tatalikod na ako ng bumungad sa akin si Chanyeol(Kai). So ang tendency, natapon sa akin ang juice ko. Great, just great, pasalamat na lang si Kai dahil nasa katawan sya ng crush ko, dahil kung hindi, malamang nasuntok ko na sya. aaargh!

"Uy sorry! Sorry talaga! Teka pupunasan ko!" tarantang sabi ni Chanyeol(Kai). Kumuha sya ng tissue paper tsaka diniin iyon sa dibdib ko. Okay na sana eh, kaso, narealize ko. Boobs ko pala yung pinupunasan nya di ko napigilan ang sarili kong sampalin sya.

"Ouch! What the hell!" daing nya.

Pinagcross ko naman ang kamay ko sa dibdib ko. Kainis. Manyak sya! tila umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko, nakakahiya! Oa na, proud ako sa dibdib ko dahil di ako flat chested pero shemay lang, di ko naman ninais na ipa free boob access ang dibdib ko!

"You. Pervert!" sigaw ko sa kanya.

"Wait. Woah! Tinulungan lang naman kita ah!" natatawa nyang sabi.

"Ewan ko sayo, magpapalit na ko, bahala ka dyan!" sigaw ko sa kanya tsaka naglakad palayo sa kanya.

"Harriet!..." napatingin naman ako sa kanya, he's smirking on me. Chanyeol is smirking on me, scratch that, si Kai nga pala sya.

"Nice bra!"

Now, that's my cue to runaway, I can't believe this! He's a freakin pervert. But still, I can't be mad at him, nasa katawan sya ni Chanyeol. My one and only. Bakit ba kasi sa manyak pa napunta ang katawan nya. Aaaargh!

---------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

80K 2.2K 25
Sagrado ang kasal kaya dapat kung sino ang mahal mong totoo ay siyang dapat mong pakasalan.. "Oo nagkamali ako na hindi pagsipot sa kasal, at pinagsi...
16.3K 342 53
Two pure hearts, two pure souls. Hundred memories. Thousands of craziness. Million promises. Countless smiles. Jokes that have never gone out of styl...
72.5K 1.2K 52
Because Ashboo will always be my favorite What If. Thank you for all your interest and support. ^_____^ Working on the next!!
311K 23.3K 37
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...