'Til Infinity Runs Out [COMPL...

By thedreamgoddess

132K 3K 488

Started: [08-30-2014] Completed: [12-07-2014] ******* Warning: This is not your typical labstory. :) ******* ... More

SPECIAL ANNOUNCEMENT :)
Prologue
Chapter 1 - Caught
Chapter 2 - No Happy, just Birthday
Chapter 3 - First
Chapter 4 - Those were the days
Chapter 5 - Baby, forget about me
Chapter 6 - Omygosh
Chapter 7 - Girl you're amazing
Chapter 8 - Swept Away
Chapter 9 - Why?
Chapter 10 - Diagnosed with Love
Chapter 11 - And we'll be US
Chapter 12 - Not a bad thing
Chapter 13 - MINE
Chapter 14 - Dilemma
Chapter 15 - If this isn't love, tell me what it is?
Chapter 16 - Sweetest Love
Chapter 17 - Last Days..
Chapter 18 - See you soon.
Chapter 19 - Separation Anxiety
Chapter 20 - So Near, Yet So Far
Chapter 21 - Schemes
Chapter 22 - Beautiful As You
Chapter 23 - Thank You
Chapter 24 - Zoey
Chapter 25 - King and Queen of Hearts
Chapter 26 - Signs
Chapter 27 - Tell me, this isn't real!
Chapter 28 - We don't even know what we argue about..
Chapter 29 - I'm sorry..
Chapter 30 - Busted!
Chapter 31 - It was always you..
Chapter 32 - Explanations
Chapter 33 - Gramercy
Chapter 34 - Premonitions
Chapter 35 - A dream come true..
Chapter 36 - Bad News
Chapter 37 - Flashback Friday
Chapter 39 - Almost is never enough..
Chapter 40 - Closure
Chapter 41 - Reunion
Chapter 42 - Awkward
Umo-author's note lang.. :D
Chapter 43 - You don't know what you got until it's gone?
Chapter 44 - Affected?
Chapter 45 - Confused
Chapter 46 - Surprise!
Chapter 47 - What you don't know won't hurt you
Chapter 48 - Lexi the Saint
Ka-echosan lang.
Chapter 49 - For you I will
Chapter 50 - New York
Chapter 51 - Unkiss me
Chapter 52 - The End..is near
Chapter 53 - 1901
Chapter 54 - Thinking Out Loud
Chapter 55 - Killing Me Soflty
Chapter 56 - I miss you..
Chapter 57 - Invitation
Chapter 58 - December
Chapter 59 - Regrets
Chapter 60 - Sorry
Chapter 61 - Birthday
Special Song List
Chapter 62 - The Last Time
Final Note :( </3
Epilogue - Time Machine
BONUS CHAPTER :">
The Road to Ever After - Special Chapter

Chapter 38 - Family

1.5K 34 0
By thedreamgoddess

Nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko ng biglang nagring ang telepono ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag pero number lang. Sino naman kya to? Hindi ako sumasagot ng number lang kaya nireject ko ito.

‘Tatawag ulit yun, kung importante.’ Sabi ko sa sarili ko. Totoo naman diba? Kung hindi man ito tumawag ulit, malamang mgtetext kung importante o kilala ko man sya.

Bumalik ako sa pagbabasa ng libro nang magring nanaman ang telepono ko. Nang tignan ko ito, yung number nanaman.

‘Malamang kakilala ko to.’ Sabi ko ulit sa sarili ko.

Nagantay pa ako ng konti bago ko sinagot ito.

“Hello?” ako.

“Lexi.”

Halos mahulog ang panga ko sa pagkakanganga nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Boses na kalianman ay hindi ko nalimutan. Boses na nakatatak na sa utak ko. Boses ng lalaking pinangako ko sa sarili ko na mamahalin ko, kahit na anong mangyari.

Si Sky. Ang lalaking iniwan ako para sa iba.

Mga dalawang linggo na din mula ng huli kaming nagkita. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng malaman nyang nabuntis nya ako, pero nawala din. Simula nun ay wala na akong narinig mula sa kanya. Tanging yung girlfriend lang nya ang dumalaw sa akin sa hospital nung nakaconfine ako.

Ano naman kaya ang kailangan nya at napatawag sya?

“Uhm. Sky?” hindi na ako nagpanggap na hindi ko nakilala ang boses nya kasi hindi ako magaling sa ganun.

“Kamusta ka na?” ganun pa din ang dating ng mga simpleng salita nya sa akin. Kahit na ganyan lang ang sabihin nya, nalalalaglag pa din ang puso ko sa kilig.

“O-okay lang ako. Uhm, thank you nga pala dun sa last time. Nakwento kasi sa akin ni Kit..”

“Wala yon. Hindi ka naman stranger sakin eh.” Napangiti ako ng konti sa sinabi nyang iyon. “Lexi..”

“Mmm?”

“Sorry nga pala sa nangyari.” Seryoso ang boses nya. “Sorry. Basta sorry.”

“Wag na nating pag-usapan. Sorry na lang din kung hindi ko sinabi sayo ng maaga.” Nawala ang mga ngiti ko nang maalala ang nangyari dalawang linggo na ang nakakaraan.

“Okay ka na ba ngayon? Gusto mo ba ng makakausap?” tanong nya. Ano naman kayang meron sa taong ito ngayon, bakit parang ang bait nya.

“Hinde, okay lang ako. Salamat.”

“Lexi.” Hindi maiwasang tumalon ng puso ko tuwing naririnig kong binabanggit nya ang pangalan ko. Feeling ko sya pa din yung Sky na nagmahal sakin noon.

“Hindi kasi alam ni Zoey yung tungkol sa nangyari sayo, satin.. Sana hindi na lang nya malaman. Sasabihin ko naman sa kanya, pero hindi muna ngayon.” Tumigil sa pagtalon ang puso ko. Mas may laman yung pagkakasabi nya ng pangalan ni Zoey.

“Ha. Ah, eh.. Sige. Ikaw bahala.”

“Salamat.” Naramdaman ko na parang ang importante talaga sa kanya ng relasyon nila ni Zoey. Ramdam ko na ayaw nyang masaktan ang girlfriend nya. At base sa pagkakasabi nya, ramdam ko na hindi nya kayang irisk ang relasyon nila para lang sa pag amin na muntik na kaming magkaroon ng anak.

“Ay.” Ibababa ko na sana ang tawag nang magsalita nya ulit. “Teka, iniinvite ka nga pala ni mommy, birthday na kasi nya at ni Scarlett sa isang araw. Itetext ko na lang sayo kung saan. Sana makapunta ka, kasi miss na miss ka na ng mga un. Walang ibang binabanggit yun kundi ikaw.”

Buti pa ang mommy at kapatid nya namimiss ako. Sya kaya? Naiisip din kaya nya ako minsan? Naaalala din kaya nya ako pag kasama nya si Zoey?

“Ah ganun ba. Sige, send mo na lang sakin kung saan at anong oras. Pupunta ako.” Sabi ko.

Pupunta nga ba ako? Kaya ko na bang pumasok at bumalik ulit sa buhay nila? Ay parang mali. Baligtad yata. Kaya ko na bang papasukin at pabalikin ulit sila sa buhay ko? Kaya ko na bang makita si Sky at Zoey na masaya? Kaya ko na bang tanggapin lahat?

Wala naman na akong magagawa diba? Hindi sa tinatanggap ko na. Pero, sa ngayon, magiinarte pa ba ako kung sya na mismo ang lumapit sa akin? Malay ba natin diba, malay natin gusto pa din nya ako. Hindi naman masamang mag assume diba?

***

‘Saturday, 6pm, sa bahay namin sa Wack-Wack.’

Binasa ko ulit ang message ni Sky na may kasamang picture ng mapa kung paano pumunta sa bahay nila. Ihahatid lang kasi ako ni Kit papunta doon at susunduin din after. May commitment na daw kasi syang iba kaya hindi nya ako masasamahan. Ayos diba? Hayaan daw ba akong mag-isa.

 “Basta, kapag nakaramdam ka ng kahit ano, tawagan mo kaagad ako ha?” bilin ni Kit habang nagdadrive papunta sa bahay nila Sky.

“Wala namang mangyayari sakin, ano ka ba. Wag ka ngang ano jan.” sagot ko naman. Alam ko fragile ako, pero hindi ko pwedeng iarte yun kasi lalo lang ako manghihina at lalo lang mahihirapan ang mga taong nakapaligid sa akin pag pinakita kong mahina ako.

“Sige na nga.” Sabi nya sabay ngiti. “Pero, baby girl? Sigurado ka na bang ready ka na ulit makipagkita sa kanila? Alam mo na..” sumimangot sya habang derecho pa din ang tingin sa daan.

Hinawakan ko ang kamay nya. “Okay lang ako, Kit. Masyadong maikli ang buhay para magtanim pa ng galit sa kung kanino man.. Wala naman din akong mapapala kung paiiralin ko ang pride ko diba? Tsaka si Sky naman ang nanakit at nangiwan sakin, hindi ang pamilya nya. Pakikisama na lang din kasi naging mabait naman sila sa akin at tinuring ko na ding ina yung mom nya.”

Mga sandal pa ay huminto na kami sa tapat ng isang malaking bahay. Yung bahay na tinuturo nung mapa na binigay ni Sky. Madaming naka-park na sasakyan, siguro madami ng mga bisita. May mga nakatayo ding mga lalaking naka suot ng itim na damit at itim na pantalon na mga naka earphones sa tapat ng bahay. Mga guards siguro?

“Hatid pa kita sa loob?” tanong ni Kit sa akin na busy sa pagtingin kung sino sino ang mga pumapasok sa bahay na iyon. Umiling lang ako at ngumiti.

“Kaya ko na to, hindi naman ako bata na kailangan pang ihatid sa first day of school nya diba?”

“Okay, basta yung bilin ko ah. Tsaka yung gamut mo, wag mong kakalimutan after mo kumain. Okay?”

Naalala ko nanaman. Gamot. May mga gamot kasi akong dapat inumin para sa sakit ko. Sabi kasi ni Doc, titignan daw muna kung madadala sa pag inom ng gamot yung sakit ko. Para di na daw ako mag chemotheraphy. Susubukan lang daw. Pero shempre alam ko naman na hindi tatalab yun at eventually ay dadaaan din ako sa masakit na proseso ng chemo at radiation.

Nagpaalam na ako kay Kit at bumaba sa sasakyan. Sa may pintuan pa lang ng sasakyan ay may nakaabang nang guard sa akin. Mukha ba akong gate crasher?

“Good evening, ma’am.” Bati nito habang ngumingiti at yumuko.

“Hi.” Sagot ko naman.

“Name po, ma’am.” May hawak syang board na may nakaclip na papel at ballpen.

“Ahm, Lexi. Alessandra Hofer?” sagot ko. Sinipat ni kuya guard ang papel na hawak nya para hanapin ang pangalan ko sa guest list.

“Ay, Ms. Lexi. Ikaw po pala yung pinagbilin sa akin ni Ma’am Liz. Halika na po at ihahatid ko ikaw sa kanila. Kanina pa po nila ikaw inaantay.” Inoffer nya sa akin ang braso nya para hawakan ko. Parang date lang kuya guard ah!

Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita ko. Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng gate at may mga lantern na nakasabit sa mga puno na nagsisilbing guide para sa mga guest papunta sa isang garden na naka todo set-up. Ang ganda, parang nasa langit kasi all white ang theme ng party. Tumingin ako sa paligid ko, lahat ng mga bisita naka white. Shempre ako din. Pero simple lang ang sinuot ko. White long dress na may pagka-goddess yung style. Tapos, heels at purse. Ganun lang. Yung ibang bisita parang mga naka gown pa yata yun. Grabe, akala yata nila sila yung may birthday.

“Ma’am, okay lang po ba kayo? Ang lamig kasi ng kamay nyo.” Tanong ni kuya guard.

Ngumiti lang ako at tumango sa kanya.

“Lexiiiiiiiii!!!!” sigaw ni mommy Liz nang makita nya ako. Bumitaw na ako kay kuya guard at nagpasalamat sa pagalalay nya sa akin.

“Ma! Happy Birthday po.” sagot ko naman habang papalapit kay mommy Liz na nakataas na ang dalawang kamay para yumakap sakin.

“Oh, Lexi! Namiss kita!” sabi nito habang niyayakap ako. “Grabe ang ganda ganda mo ngayon. Talbong na talbog kami ni Scarlett sa ganda mo. Pero bakit parang pumayat ka? Balita ko naconfine ka? Sorry iha, hindi na kami nakadalaw kasi nung nalaman namin, nakalabas ka na daw ng hospital.”

“Okay lang po yun. Okay na po ako ngayon.”

“Halika, ipapakilala kita sa mga kaibigan at bisita ko.” Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa iba’t ibang lamesa kung nasaan nakaupo ang mga kaibigan nya.

Medyo nahihiya ako habang pinapakilala ako ni mommy Liz sa mga kaibigan nya dahil ang pakilala nya sa akin ay ‘manugang’ nya. Seriously? Baka isipin ng mga taong to pinipilit ko pa ang sarili ko kay Sky (well, slightly true, pero hindi naman ganito, grabe naman).

Pinakilala nya ako sa mga kapatid nya, mga kumare, mga producers at executives sa network kung saan nakasign si Sky. Pati na din sa mga bisitang kaibigan ni Scarlett. Medyo nakakahiya pero nakakatuwa din kasi after ng lahat ng nangyari sa amin ng anak nya, anak pa din ang turing nya sa akin.

Ganito din kaya sya kay Zoey?

“Ang ganda ganda naman nya, Liz. Sayang at naghiwalay sila ni Sky, ano?” sabi nung isang network executive na kausap ni mommy Liz.

“Ay nako, oo nga eh. Ewan ko ba dun sa anak ko. Nakakuha na ng diamante, tinapon pa.” nagtawanan kami.

“Iha, may pontential kang maging artista. Maganda ang mukha mo. Sakto ang height mo, maganda ang kutis at mukha ka pang mabait. Sisikat ka panigurado dahil ganyang itchura ang hinahanap ng mga tao ngayon.” Waw ah, bolero lang?

“Nako, thank you po.” Sagot ko na medyo nakayuko dahil nararamdaman kong umaakyat ang dugo ko sa pisngi ko.

Inabutan nya ako ng calling card at tawagan ko daw sya kung interesado daw ako sa offer nya. Sinabi din ni mommy Liz na kunin daw akong artista pero hindi ako masyadong umiimik, pangiti-ngiti lang.

Ano ba naman kasi. Kung kelan ganito, kung kelan may sakit ako tsaka may ganitong opportunity? Hindi ko alam kung malas talaga ako o ano eh. Haay.

“Ma.” Sabi ng lalaking nasa likod ni mommy Liz. Si Sky ba to o si Sean? Hindi ako lumilingon kasi ayokong mamesmerized pag nakita ko si Sky. Mamaya literal na malaglag ang panty ko.

“Oh, iho. Mabuti at nandito ka na.” sabi naman ni mommy Liz.

“Good evening po, tita.” Babae naman yung nagsalita.

Malamang si Sky at Zoey na ito.

“Lexi.” Tinapik ako ni mommy Liz. Paglingon ko, nakita ko si Sky na parang gulat nung nakita ako. Ako din naman nagulat nung nakita ko sya. Grabeeeee. Ang gwapoooo. Naka white na tuxedo sya. Tapos ang ayos ng itchura nya. Yung mapupungay na mata nya, matangos na ilong at mapupulang labi. Napatingin ako sa baba at nakita kong magkaholding hands sila ni Zoey.

Nawala yung kilig na naramdaman ko. Parang nasagasaan ng bulldozer yung puso ko. Wala na durog na durog na. Pero pinilit kong ngumiti sa kanila at nakipag beso-beso kay Zoey na hindi din naman matawaran ang kagandahan sa suot nyang white haltered dress at super high heels na pwede ng pamako sa crus ang takong sa sobrang tulis.

Magkatabi kami ni Zoey sa party. Isang round table kasi na pang waluhan yun. Si mommy Liz, tapos ako, tapos si Zoey, at shempre katabi naman nya si Sky, tapos si Sean yung lalaking kapatid nila Sky, yung girlfriend nyang hindi ko naintindihan ang pangalan, tapos si Scarlett na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon. Oh diba, part ako ng pamilya nila kahit na isa lang naman akong dakilang ex. Hindi ko naman kasi maintindihan bakit sa dami ng pwede kong maging katabi, si Zoey pa. Hindi ba pwedeng si Sky na lang?

“Okay ka na ba?” tanong ni Zoey.

Napatingin ako sa kanya dahil hindi ko naman expect na kakausapin nya ako. Feeling ko kasi badtrip sya sakin kasi nga naman sa dami ng pwede kong upuan, bakit andito ako ngayon kasama nila sa table, eh hindi naman nga ako part ng pamilya nila Sky.

“Ha? Ay, oo. Okay na ako.” Sagot ko sabay inom ng tubig.

“Good. Sana hindi ka na ulit magkasakit ng ganun, nakakatakot kasi eh.”

Mabait naman pala talaga itong si Zoey. Masyado lang siguro akong affected sa mga nangyari before kaya pinagiisipan ko sya ng masama.

“Ate? Ate Lexiiiiiii!!” isang matining na boses ang narinig ko sa hindi kalayuan. Senyales na si Scarlett na iyon dahil wala namang ibang sisigaw ng pangalan ko kung hindi sya lang.

“S!” sambit ko nang malapit na sya sa akin. Niyakap nya ako ng mahigpit.

“Ate, grabe namiss kita. Grabe, ang ganda mo ngayon, daig mo pa ako.”

“Salamat.” Inayos ko ang nagulong buhok nya “Pero dahil  birthday mo ngayon, mas maganda ka sakin.” Nagtawanan kami. “Happy Birthday, S!” sabi ko sabay yakap ulit sa kanya.

Bumalik ako sa pinagkakaupuan ko kanina at pinagmasdan ang mga nangyayari sa paligid ko. Si Scarlett lumapit sa kuya nya at hinalikan ito sa pisngi, habang binati lang nya si Zoey sa pangalan nito. Ni wala man lang beso-beso?

Pagkatapos makipagkwentuhan ni Scarlett sa amin ng mommy nya, lumipat naman sya sa table ng mga kaibigan nya. Ibang klase din talaga itong batang to. Napakadaldal. Parang hindi nauubusan ng sasabihin. Maya-maya pa ay nakita ko na sya sa ibang table nanaman at ibang group of friends nanaman ang kausap nya.

“Buti close kayo ni Scarlett?” sabi ni Zoey habang nagsisip ng wine.

“Ah, oo. Halos araw araw ko kasi syang nakasama nung nagbakasyon sila dati sa Dubai. Kaya parang naging kapatid na din ang turing ko sa kanya.”

“Ah, kaya pala close ka din kay tita?”

“Oo, si mommy Liz, napamahal na din sila sakin. Parang ako daw kasi yung anak na babae na pinapangarap nya. Sabi nya. Hehe.”

“Buti ka pa..” mahinang sagot ni Zoey sabay inom nanaman ng wine.

Sasagot pa sana ako pero bigla ng nagsalita yung host ng party. Buti na lang. Hindi ko din naman kasi alam ang isasagot ko pa sa sinabi ni Zoey. Bakit kaya noh? Hindi ba sya close sa pamilya ng boyfriend nya? Diba dapat nga mas close sya kasi mas matagal na sila magkakilala ni Sky? 

Continue Reading

You'll Also Like

328K 19K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022
7.2K 306 5
WARNING: MATURE SCENES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK. Ronerico Dardenne of The Love Investment Expectations over expectations, Ronerico Dardenne used...
12.5M 302K 44
One summer night, two souls found their comfort in a bed. #BSS7
692K 33K 30
Hugo lost his memories. Krista forgot how to love him. Sa kailangang pagtulong ni Krista sa asawa, sino ang mas unang maka-aalala? Written © 2020 Pub...