My High School Life (Complete...

By Eyesmile_Girl18

7.4K 4.1K 742

Title: My High School Life written by @eyesmile_girl18 More

MHSL Prologue
MHSL:1
MHSL 2
MHSL 3
MHSL 4
MHSL 5
MHSL 6
MHSL 7
MHSL 8
MHSL 9
MHSL 10
MHSL 11
MHSL 12
MHSL 13
MHSL 14
MHSL 15
MHSL 16
MHSL 17
MHSL 18
MHSL 19
MHSL 20
MHSL 21
MHSL 22
MHSL 23
MHSL 24
MHSL 25
MHSL 26
MHSL 27
MHSL 28
MHSL 29
MHSL 30
MHSL 31
MHSL 32
MHSL 33
MHSL 34
MHSL 35
MHSL 36
MHSL 37
MHSL 38
MHSL 39:
MHSL 40:
MHSL 41
MHSL 42
MHSL 43
MHSL 44
MHSL 45
MHSL 46
MHSL 47
MHSL 49
MHSL 50
MHSL 51
MHSL 52
MHSL 53
MHSL 54 Epilogue
Another Character

MHSL 48

77 38 7
By Eyesmile_Girl18

"Bro!"

Napatingin naman ako kay Seaventh dahil tinawag niya ako, dahan-dahan namang gumilid si Seaventh, at nakita ko na lamang yung babaeng kakapasok lang, nagulat naman ako ng makita siya. 

(Anong ginagawa niya dito?)

"Kamusta ka na Clyde? Long time no see."-nakangiting bati nito sa akin

Hindi naman ako nakasagot agad, sa tagal niyang nawala, sa tagal na din akong naghintay sa kanya, ngayon babalik siya, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon, nakakaramdam ako na pagka miss ko sa kanya meron din namang galit dahil sa kanyang pag-iiwan na ginawa niya sa akin. 

"Okay lang naman ako, by the way anong ginagawa mo dito?"-sa wakas nasagot ko na din siya ng diretso.

"Clyde...."-sambit nito sa akin, hindi niya sinagot yung tanong ko.

Nagulat na lamang ako ng bigla itong lumapit sa akin saka ako niyakap.

"Clyde, nandito na ako. I-I miss you Clyde I miss you so much."-saad nito habang umiiyak.

Napapikit naman ako dahil sa kanyang sinabi, kasinungaling na naman ba to?! saka ko siya tinulak palayo sa akin. 

"After you did it to me . May gana ka pang sabihin yan sa akin?!"

"Pero Clyde, ginawa ko lang naman yun para sundin yung mga magulang ko, kagustuhan yun ng mga magulang ko."-sagot nito sa akin.

"I understand that, pero hindi ba uso sayo yung social media? I can tolerate it kay.(short name of Mikay)"

Hindi naman nakasagot si Mikay.

Kristel Pov

"Uy sis alam mo na ba balita, bumalik na daw si Mikay?"

"Mikay?! Sino yun?"

"Tanga mo naman sis, Ex Girlfriend yun ni Clyde."

"Oh, so means maghihiwalay na sila Maria saka si Clyde? Kasi bumalik na yung pinakakamahal ni Clyde."

"Hindi ko alam sis."

Yan lamang yung naman yung naririnig ko dito sa cafeteria, enrollment kasi namin ngayon dito sa AGC, buti na lang wala dito si Maria dahil narinig ko yung pinag-uusapan nila, hindi ko mga kaklase yun, sabihin nating schoolmates lang namin. Tumingin naman ako kay Nicole na busy lang sa pagkain habang nakasalampak sa kanyang tenga ang earphones kaya iyon, hindi niya narinig yung mga pinag-usapan ng mga chismosa. 

Pero nabanggit nila si Mikay ex-girlfriend daw ni Clyde, totoo kayang bumalik na siya?! Kailangan ko bang sabihin yun kay Maria? 

Pagkapasok ko sa bahay ni Maria ay kaagad ko siyang hinanap, nakita ko naman siya na abalang nagsasalin ng ulam sa baonan.

"Nanganga-amoy ulam ha."-paninimula ko saka siya nilapitan.

"Syempre katatapos ko lang mag-luto."-nakangiting saad niya.

"Oh, ikaw nag-luto? Himala."-sagot ko napatingin naman ako sa hintuturo nito, may band aid ito, nasugatan siguro, for the first time pa naman kasi magluluto e.

"E, para kanino naman yan?"-tanong ko sabay turo sa sinalinan niya kanina.

"Para kay Clyde."-sagot nito sa akin.

"Para kanino?"-tanong ko muli.

"Kay Clyde. Bakit mukhang nagulat ka?"-nagtataka nitong tanong nito sa akin.

"Ah wala, hmm may sasabihin sana ako sayo e."-saad ko dito.

"Ah, mamaya na lang tayo mag-usap ha, sosorpresahin ko kasi si Clyde e, Bye."-pagpapaalam nito sa akin, saka nagmadaling lumabas ng bahay.

Hindi naman na ako nakasagot pa dito, hiling ko lang sana hindi ikaw yung ma-sorpresesa sa pagbabalik ni Mikay, Ugh! Bakit ko ba kasi yun iniisip, may bago ng girlfriend si Clyde, bakit pa kasi bumalik yung Mikay na yun, kahit hindi ko pa siya nakikita, nagagalit na talaga ako sa kanya. Masyado ko din naman kasi sineryoso yung pinag-uusapan ng mga babae kanina e!

Maria Pov

Pagkadating ko sa bahay nila Clyde ay nag-door bell muna ako, ilang minuto din bago niya ito binuksan. Nagulat naman ako sa mukha nito, magulo ang kanyang buhok, but still gwapo pa din siya. 

"Ta-da! "masayang saad ko saka itinaas yung lunch bag. "Nag-promise ako sayo diba na ipapagluto kita."dugtong ko pa.

"Bat hindi ka man lang, nagsabi na pupunta ka dito?"-seryosong saad nito.

"Wala akong number sayo."-sagot ko naman. 

"Tara!"-aya ko sa kanya saka pumasok at dumiretso sa dinning room, "Kumain ka na ba? Tikman mo muna yung niluto ko para sayo oh."

"Anomasarap ba? okay lang ba?"-tanong ko sa kanya.

"uhm."-sagot nito sa akin saka tinaas niya lang ang kanyang kilay.

Parang na-disappoint naman ako sa naging sagot niya, kahit nga lang sa pagkain ngayon, yung tipong wala siyang ganang kumain, pinipilit niya lang.  Pero binalewala ko na lamang iyon, baka ganito lang talaga siya ngayon.

"Masaya akong narinig yan, alam mo for the first time ko lang talaga mag luto niyan, ilang ulit ko yan niluto taga tikim ko sila kuya, nagpaturo na din ako kay Mama, at buti na lang talaga naging successful yan, kasi alam mo---"-hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng magsalita si Clyde.

"Maria, may gagawin kasi ako ngayon, hindi muna kita mamasamahan."-seryosong sagot nito sa akin.

"Ah, kung gusto mo tulungan na kita. Wala naman ako gagawin ngayon e."-sagot ko.

"Hindi, Maria okay lang ako, umuwi ka nalang muna."-mabilis na sagot nito sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, bakit ganito si Clyde. 

Kristel Pov

"Uy guys! May sasabihin ako sa inyo."-sabi ko sa kanila, nandito kami sa bahay nila Maria, wala pa din hanggang ngayon si Maria. 

"Ano yun?"-tanong ni Eduardo

"Alam niyo bang bumalik na yung ex-girlfriend ni Clyde."-saad ko.

"Oo."-sabay na sagot nila except lang kay Nicole.

"Paano niyo, nalaman?"-tanong ko sa kanila.

Itinuro naman nila si Nicole. Tinignan ko naman ito.

"Narinig ko lang kay Dwight, malakas kasi boses niya kung makipag-usap sa cellphone e."

"Oh, wala man lang kayo reaction tungkol dun?"-nagtataka kong tanong sa kanila.

"Anong reaction?"-tanong ni Arianne

"Reaction, ano.... Hindi ba kayo natatakot na baka maghiwalay sila Maria dahil  bumalik yung dating girlfriend ni Clyde."-sagot ko

"Anong ibig mong sabihin? Bakit naman sila maghihiwalay, anong connect dun?"-tanong ni Nicole

Napahawak naman ako sa noo ko. 

"Ang bo-bobo niyo naman wala ba kayong naintindihan sa mga sinabi ko?!"-sigaw ko sa kanila.

"Wala"-sabay-sabay na sagot nila. 

(Pwede bang pumatay ng kaibigan?)

Maria Pov

"Oh! Maria, sakay na."-aya sa akin ni Kyle na nakasay sa bisikleta. 

"Saan ako uupo?"-nagtataka kong tanong sa kanya, matagal na din hindi kami nagkaka-usap, noong panahon kasi ng may pasok kami nagkakasalubong lang kami pero di na kami nagkakausap di kagaya noon. 

"Bahala ka, pumili ka lang dito sa harap ko o sa likuran ko."-sagot niya. 

Sa likod na lang din naman ako umupo.

"Saan ka pala galing?"-tanong nito sa akin.

"Ah, kay Clyde."-simpleng sagot ko. 

"Ahh..."-sagot na lamang nito sa akin, saka pinukos ang kanyang pag-bibike.Ilang minuto lang din na makarating kami sa bahay.

"Salamat."-saad ko, maglalakad na sana ako upang pumasok sa gate namin ng marinig kong nagsalita si Kyle.

"Ah... Maria kung wala kang gagawin bukas, kung pwede sana ayain kitang mamasyal, para usap-usap lang kamustahan, matagal na din kasi hindi tayo nakakapag-usap."-nakangiting saad nito sa akin. 

"Okay sige, pambayad ko na din yun, dahil hinatid mo ako dito."-sagot ko.

"Sige, alis na ako ha."-pagpapaalam nito sa akin.

"Bye"-paalam ko dito saka tuluyan ng pumasok sa bahay.  Pagkapasok ko nakita ko agad yung mga kaibigan ko, nanonood ng TV. Umupo lang naman ako sa tabi nila. 

"Kamusta yung lunch date niyo ni Clyde, nagustuhan niya ba luto mo?"-tanong sa akin ni Kristel

"Hindi yun, lunch date saka mukhang wala naman sa mood ngayon si Clyde."-sagot ko habang inaalis yung band-aid ko sa daliri ko, kung alam lang ni Clyde na nagkahiwa-hiwa yung daliri ko, napaso pa, tapos hindi niya din pala ma-appreciate yung niluto ko para sa kanya. 

"Ahh baka, naapektuhan sa pagbabalik ni Mikay."-narinig kong sagot ni Kristel.

Napatingin naman ako sa kanya, naabutan ko namang tinakpan niya ang kanyang bunganga.

"Anong sabi mo?"-tanong ko dito, kahit na narinig ko ang kanyang sinabi gusto ko lang naman siguraduhin na tama ang pagkakadinig ko.

"Wala."-sagot nito sa akin,habang di nakatingin sa akin.

"May sinabi ka!"-sigaw ko dito.

Tumingin lang naman ito kila Nicole.

"Sabihin mo na, tutal sinabi mo naman na."-utos sa kanya ni Nicole

"Kasi, Maria baka nagkaganun si Clyde epekto ng pagbabalik ng ex-girlfriend niya."-sagot nito sa akin.

So Hindi nga ako nagkakamali ng pagkarinig.  Kaya pala ganun na lang din umasta si Clyde kanina, bumalik siya dati niyang ugali.  Hanggang ngayon din pala may epekto pa sa kanya yung ex niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

65.6K 1.9K 45
I am JENNY PARK and my screen name is VERONICA DEL VALLE,and i am a international model in the whole world. Who turn to be ugly duckling off cam to h...
33.2K 2.3K 48
Akala ko malabo mag tagpo ang landas ng isang tulad niya sa isang tulad ko na simple lang ang buhay. Maraming komplikado na nangyari sa pag tagpo ng...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
361K 13K 108
Book 1 Sa isang fixed marriage naganap lahat.Na hindi nila inaasahan na yun pala ang solusyon para mag bago ang ikot ng kanilang mundo. Siguro para s...