My High School Life (Complete...

By Eyesmile_Girl18

7.4K 4.1K 742

Title: My High School Life written by @eyesmile_girl18 More

MHSL Prologue
MHSL:1
MHSL 2
MHSL 3
MHSL 4
MHSL 5
MHSL 6
MHSL 7
MHSL 8
MHSL 9
MHSL 10
MHSL 11
MHSL 12
MHSL 13
MHSL 14
MHSL 15
MHSL 16
MHSL 17
MHSL 18
MHSL 19
MHSL 20
MHSL 21
MHSL 22
MHSL 23
MHSL 24
MHSL 25
MHSL 26
MHSL 27
MHSL 28
MHSL 29
MHSL 30
MHSL 31
MHSL 32
MHSL 33
MHSL 34
MHSL 35
MHSL 36
MHSL 37
MHSL 38
MHSL 39:
MHSL 40:
MHSL 41
MHSL 42
MHSL 44
MHSL 45
MHSL 46
MHSL 47
MHSL 48
MHSL 49
MHSL 50
MHSL 51
MHSL 52
MHSL 53
MHSL 54 Epilogue
Another Character

MHSL 43

82 47 3
By Eyesmile_Girl18


Pagkamulat ko ng aking mata ay si Clyde na kaagad ang nakita ko, nakaupo siya habang nakatingin sa akin at bakas din sa kanyang mukha na naiinip, kaya naman napabangon ako bigla kung bakit nandito agad siya. 

"Anong oras na oh, gusto mo ba maiwanan ng bus? "-seryosong saad nito. 

Oo nga pala mayroon pala kaming Field trip ngayon at unang-una palang ay ayokong pumunta dahil wala akong pera, kahit na sinabi ni Ma'am na dagdag grade daw yung sumama saka may pa activity din sila kung sakaling matapos yung field trip, kaya kung sakali ay kailangan mong sumama upang malaman yung ginawa ninyo habang naglalakbay aral kayo, in short magsusulat ka ng reaction paper tungkol dun. 

Kaya naman nandito si Clyde dahil siya mismong nagbayad nung para sa field trip ko, nalaman niya kasing hindi ako pupunta at sadyang ayoko talagang pumunta, dahil mas gugustuhin ko pang mag stay dito sa bahay kaysa sumama, magpapa special project nalang ako. 

"Hehe...  Hindi ko naman sinabi na puntahan mo ko dito e.... "-nahihiya kong sagot sa kanya.

Tinarayan niya na lang ako, saka tumayo sa kanyang kinauupuan, kaya naman napatayo ako nilapitan siya, bakas sa kanya na nainis at lalabas na sana siya sa aking kwarto.

"Hehe....ikaw naman hindi ka mabiro, mabilis lang ako maligo, hintayin mo lang ako. "-paalam ko sa kanya, saka pumunta na sa aking banyo. 

Tahimik lang kami bumibiyahe papunta sa school namin, dun kasi naghihintay yung sasakyan naming bus, hindi ako pinapansin ni Clyde nagalit siguro sa ginawa ko sa kanya kanina.

Ilang minuto na din ng makarating na kami sa school agad na kami bumababa, naunang sumakay si Clyde sa bus kaya naman sumunod na lamang ako sa kanya. Naabutan kong nag aaway yung mga kaibigan ko sa upuan kung sino gusto nilang katabi.

"Kristel! Dito ka nalang sa tabi ko ayokong katabi to si Eduardo lakas makahilik nito."-saad ni Arianne.

"Wow, hiyang-hiya naman ako sayo."-sagot ni Eduardo. 

Habang nasa kalagitnaan sila ng pagtatalo ay nakita na lamang nila ako kaya tinawag nila ako.

"UyMaria nandiyan ka na pala dito ka nalang sa tabi ko oh!. "-saad ni Arianne sabay tulak kay Eduardo upang hindi siya makaupo sa tabi ni Arianne.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Arianne kaya naglakad na ako palapit sa kanila, pero bago pa naman ako makalapit sa kanila ay bigla na lamang humablot sa aking kamay sabay napaupo sa upuan, nilingon ko naman kung sino ang gumawa bun.  Si Clyde lang pala na abalang naglalagay sa kanyang tainga ng headphone, pagkatapos ay pinikit niya na ang kanyang mga mata.  Buong biyahe na naman ako maboboring dito. 

Nagising na lamang ako na kanina pa ako ginigising ni Arianne, napatingin naman ako sa katabi ko wala na ito, kami na lang ni Arianne nandito, hindi man lang ako ginising nung lalaking yun, ang laki naman ng tampo nun sa akin. 

"Kanina pa siya bumaba. May LQ ba?"-tanong ni Arianne. 

"Hindi ah."-pagsisinungaling ko saka bumaba na sa bus. 

Nandito pala kami sa Laguna kung saan dito yung pagawaan ng Coke. 

Bago kami pumunta sa kung paano yung proseso ng paggawa ng coke ay pinanood mo na sa amin yung history nung coke at produkto nito sa buong mundo kasama na dito yung pilipinas.

Habang nanonood kami ay medyo hindi ko na maintindihan yung pinapanood namin dahil magkabilaaan yung pag -uusap ng mga kaklase ko, bigla naman ako napatingin kay Clyde na ngayon ay katabi si Xam. Hindi ko na lamang pinansin iyon.

Pagkatapos naming makita yung paggawa nung coke ay sinubukan din namin ito, nang matapos na ay pumunta kami sa mala-damong lugar presko ang hangin dito at malaki din ang lupain na sakop nito may mga kubo pa nga e, dito muna kami nagpahinga, hindi lang iyon sabay-sabay din naming ininom yung coke na binigay sa amin ng libre. Masarap sa pakiramdam, diretso inom na wala ng straw straw ang mga iba sa amin napadighay at napautot pa dahil sa sarap na naramdaman nila. 

Pagkatapos kong ubusin yung aking coke ay kaagad kong hinanap si Clyde, oras na siguro para makapag sorry sa kanya.

Nakita ko naman kaagad siya kaya naman lumapit ako dito saka siya yinakap habang nakatalikod siya, nakita ko pang may hawak itong kwintas, kaagad din niya naman ito tinago nang magulat siya sa ginawa ko, tatanungin ko pa sana yung tungkol sa kwintas pero nandito ako para makibati, hindi palalain yung tampuhan namin kung tampuhan ba ang tawag dun. 

"Clyde sorry na..... "-mahina kong saad sa kanya.  Hinawakan naman nito ang aking kamay na nakapit sa kanya. 

"For what?"-sagot naman nito sa akin.

"Tsss...  Alam mo na yun kung saan."-sagot ko

Nakita ko namang ngumiti siya, saka humarap sa akin.

"Hindi naman ako galit sayo e."-saad nito sa akin

"E bakit di mo ako pinapansin kanina."-nagtatampo kong sagot ko sa kanya.

"May iniisip lang ako kanina."-sagot nito.

"Hmmm...."-saad ko saka tumango-tango, nagulat naman ako ng hinalikan niya ako saglit sa labi.

"Tara nabaka hinahanap na tayo."-sagot nito saka, hinawakan ang aking kamay at sabay naglakad pabalik sa mga kasama namin. 





AN: Sorry sobrang iksi nito bawi nalang sa susunod na chapter huhuhu... Nauumay na ba sa ka sweetan nila?







Continue Reading

You'll Also Like

397K 9.3K 49
* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde © 2014
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
16.3K 1K 74
STORY DESCRIPTION. Being in highschool is so memorable. Especially kung isa ka sa mga nagkaroon ng crush or inspirasyon sa school.. Lien joy Anyas...
76K 898 42
Paano pag nagkita Ang campus heartrob at campus nerd ano Kaya Ang magyayari ??^_^