Real (Boy Next Door #5)

由 Gianna1014

2.6M 79.3K 18.8K

Sa kagustuhan ni Royal na makita ang nobyong si Garett ay sinuong niya ang gabi at ulan para mapuntahan ito s... 更多

Real (Boy Next Door #5)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 40

74.9K 2.1K 599
由 Gianna1014

Chapter 40

Royal

I crossed my arms on my chest and tilted my head as I watched him glaring at the guy nurse who helped me para maisakay ko siya sa sasakyan. He didn't ask for a help, pero nag-volunteer pa rin akong akayin siya at nang makita ako ng mga taga-ospital ay may nagpresinta.

But then, a jealous man like him didn't like it. Hindi ko naman masisi dahil aaminin ko, magandang lalaki iyong nurse kaya siguro na-intimidate itong asawa ko. Napayuko ako at tumawa mag-isa. He used to intimidate me, iyon pala ay isang equally georgous man lang ang magpapataob dito. Loko talaga.

Noong lingunin ako ng nurse, tinanong pa ako kung may naiwan pa, just asking if I needed something—he shouted his endearment like a mad lion. "Babe!" like he's confirming that.. me..is his wife. His only. Like that! Damn!

Inabot niya ang kamay ko at pinapasakay na ako sa loob. Nakakatuwa siyang tingnan. I kinda like it—no, love it.

Sa dalang sasakyan ko na siya pinasakay at nagpahatid sa hasyenda Rosemarie. Kailangan niyang magpahinga muna bago kami siguro makabalik ng manila. Finnix has been texting me since this morning at pinapapasok ako. Nang malaman ni Quinn ay kamuntik pang tawagan ang pinsan ko para singhalan ito. He says, he needs me more than anything and we still have issues that we need to resolve. Maybe the work can wait for us. Itatalaga ko muna si Finnix bilang representative in case magkaroon ng meeting. He's the President anyway.

Mga katulong ang sumalubong sa amin sa hasyenda Rosemarie at kasalukuyang nagpapahinga sina Daddy Carlos. Hindi na ako nagpaabala at hinatid ko na lamang sa kwarto si Quinn.

Pagpasok ay pinaupo ko siya sa gilid ng kama, "Nagugutom ka ba? Baka gusto mong kumain, ipaghahanda kita. Dadalhan kita rito.." tanong ko sa kanya.

Dinama niya ang dibdib. Sumandal sa headboard at tumingala sa akin. He shook his head.

Lumapit ako at hinaplos ang kanyang pisngi. I can't say na okay na siya totally dahil nag-aalala pa rin ako. Learning na maaaring sinadya ang pagkasira ng preno ng sasakyan niya ay binubulabog na no'n ang dibdib ko.

I sighed, "Sabihin mo agad sa aking 'pag may masakit sa 'yo ah, mmm? Kahit kaunting sakit lang, ibabalik kita sa doktor mo." malambing kong bilin sa kanya. Ayoko na siyang masaktan ulit.

Ngumiti siya at inabot ang kamay ko. Marahan akong hinila para mapaupo rin sa kama. His loving gaze crept swinging in my veins na tila dinuduyan ito sa paroroonan.

He pouted a little, namungay pa ang mga mata. "Dito ka lang.." hiling niya sa akin sa boses na nagmamakaawa pa.

Pinanliitan ko siya ng mga mata at pinindot ang kanyang matulis na tungki ng ilong. "Ang gwapo mo!" naiinis kong sambit.

"Dito ka lang.. samahan mo ko.." hiling niya ulit. Hindi pinansin ang pagpuri ko sa kanya.

I smiled at him. I felt the warmth through his loving eyes. "I can't stay longer, kailangan kong balikan ang anak natin sa kabilang hasyenda. Baka mamaya niyan ay umiiyak na naman 'yun.." though hindi pa naman ako nakakatanggap ng tawag mula kina Nanay ay ramdam kong kailangan din ako ng anak ko. "At saka hindi naman ako magtatagal. Ako ang mag-aalaga sa 'yo." Sabi ko pa.

"Sasama ako," umalis siya sa pagkakasandal at tangkang tatayo ulit—na agad kong pinigilan.

"'Wag na. Dito ka na lang at baka mapano ka pa.. at saka.. masyado pang mainit ang sitwasyon. Kay Tatay. Ayokong may masabi siyang hindi maganda sa 'yo. Hayaan na muna nating pahupain ang lahat,"

Nag-iba ang kanyang mga mata. Ang titig ay nahaluan ng pagkabigo at hinagpis na tinatago sa pamamagitan ng pag-igting ng kanyang panga.

Pagkatapos akong titigan ay binagsak ang likod sa headboard. Tila may pagdaramdam.

"Babe.." mahina kong tawag sa kanya. Inabot ko ang kanyang pisngi at marahan na hinaplos.

Tiningnan niya ako. At ang paghihinagpis ng mga mata niya ay napalitan ng lambong. Is it the endearment or the caress I am giving him kaya nagbago kaagad ang tigas sa kanyang mukha.

He sighed like he's suffering. "Baka kasi.. hindi ka na pabalikin dito ni Tatay Fonso.. baka.. ilayo ka sa akin.."

Napatda ako habang nakatitig sa aking asawa. It reached my heart deep inside my very soul. I felt his love.. and there's no other name for it than his love for me.

From his fear.. from his heartache.. from his terror of longing.. this man—oh, God this man really loves me!

Nanginig aking labi. Uminit ang dulo ng aking mga mata hanggang sa bumalong ang aking luha. But this was not made by pain—this tears were there because of joy. Because of him. My Quentin Nicco Santiaguel. His mine. And it's forever.

Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na umusod pa sa tabi niya at hagkan ang labi niya. I felt the tears ran down my cheeks. He wiped it for me. So, my kisses went deeper and crazier. Afraid that it may not be as good as his but damn it I love him so much!

I gasped and pulled myself from his longing lips, "I love you so much, babe. Walang makakapigil sa akin na bumalik sa 'yo. Kaya.. 'wag ka nang mag-aalala. Babalik ako." I made a promise.

He kissed me again. He gave me a kiss that I would never ever forget. It was gentle, soft and warm. At nang bitawan ako ay ramdam ko pa sa aking labi ang kanya.

"Then I will wait for you." He whispered. Surrendering himself to me.

Pinasadahan niya ng tingin ang buong mukha ko. Kaunting tawid lamang ng labi niya ay maaabot niya ako. He's too closed and I was so tempted to kiss him more.

At that moment, alam kong nagustuhan niya ang ginawa ko at sinabi sa kanya kaya napapayag ko rin. He smiled.

Hinanda ko muna siya ng pagkain sa baba. Their house helper joined me kaya napabilis ang paghahanda ko. I made him soup and bread. Inakyat ko rin at pinakain sa kanya.

When his done, pinahiga ko na siya at hinintay na makatulog bago ako umalis. Nasa tabi niya ako at marahan kong sinuksuklay ang kanyang buhok gamit ang aking kamay hanggang sa maging even ang kanyang paghinga. He's asleep.

Hinalikan ko siya sa kanyang noo at dahan-dahan na tumayo mula sa kama. I almost tiptoeng. Lumapit ako sa aircon at bahagyang hininaan ang temperature. At hawak sa aking kamay ang tray ay binuksan ko ang pinto.

Nakatungkay ako sa kanya habang unti-unting kong sinasarado ang pintuan. Making sure na hindi siya gagalaw o maaalimpungatan man lang.

Binalik ko sa kusina ang tray. Huhugasan ko na rin sana pero malaking pagpipigil ang ginawa ng kanilang kasambahay. Hindi ko na rin pinush at baka mapagalitan daw sila. Nagpasalamat na lamang at nagbilin ng kaunti. "Ate kapag nagising agad ang asawa ko, pakidalhan na lang siya ng pagkain sa kwarto niya ulit. 'Wag mong pabayaang maglakad-lakad ah. Pakisabi, lagot siya sa akin kapag hindi sumunod."

"Sige po, madam. Sasabihin ko po." Tugon niya sa akin at nahihiyang ngumiti.

"Thank you!" nginitian ko siya at lumabas na rin ng kusina.

Sa labas ay agad akong pinagbuksan ng pinto ni Manong.

"Uuwi na po ba tayo, senyorita?" magalang niyang tanong sa akin.

Tumango ako, "Opo, Manong." Sagot ko sa kanya.

Binuhay na niya ang makina at nagsimulang ilabas ang sasakyan. Nilingon ko muna ang hasyenda bago tuluyang makalabas. I can't help but to feel sad about what happened in the past. Siguro ay nakalakihan na ng mga tao ang hidwaan ng dalawang pamilya. Pero hindi katulad sa hasyenda Esperanza.. mas ramdam ko ang lalim ng kalungkutan sa hasyenda Rosemarie. It's like an aura feeding them years of sadness.

Napabuntong hininga ako at tumingin na sa harap ng kalsada.

Akala ko ay sapat na ang pinagdaanan namin noong pareho pa kaming Altamirano. But the real story goes when past years were reaped. Na parang nagpatuloy sa amin ang istorya.

Lolo Eugenio and Lola Milagros' story was an example of greatest love. Hindi man sila ang nagkatuluyan, pero ramdam ko sa sarili ang pananatili ng kanilang pag-iibigan. Lumipas man ang maraming taon at dumating man ang ibang tao sa kanilang buhay. Still, what's great remained great.

Lumingon ako sa bintana at hinalughog sa aking isip ang magiging porma ng aming buhay. Surely, hindi pa rin matatanggap ng Tatay si Quinn bilang isa itong Santiaguel. At hindi rin ito papayag na malayo sa amin. Ayoko rin no'n.

Being a Santiaguel will hurt my father too.

Napapikit na ako at hirap na in-absorb ang mga pangyayari. Palagay ko ay mangangailangan akong mamili sa kanilang dalawa. Which what pains me too.

Mangha akong napadilat nang biglang nagpreno ang driver—kamuntik na akong tumama sa upuan niya kundi lamang ako agad na nakahawak roon.

Pag-angat ko ay agad akong nilingon ng driver, mangha rin ang kanyang mukha.

"Senyorita may bigla pong humarang sa sasakyan natin," imporma niya sa akin at tinuro ang lalaking hinambalang ang katawan.

Ngunit kumalabog ang aking dibdib nang makita roon si Mang Ricky!

"S-si, si Mang Ricky 'yan!" bulalas ko. Ang tipo niya ang hindi nagpapasindak kahit na iharang ang matandang katawan sa sasakyan namin.

"Kilala niyo po, senyorita? Sandali lang po at kakausapin ko.." binuksan niya ang pinto at bumaba.

But I kept myself intact inside the car. Humigpit pa ang hawak ko sa upuan na para bang aanurin ako ng tubig kung hindi ko ito gagawin.

At ano ang ginagawa ni Mang Ricky dyan? Hindi ba at hinahanap din ito ni Garett mula pa kagabi? Siya rin ang nagsabi sa Tatay ko ang tungkol kay Don Fernando Santiaguel kaya ito nagalit sa pamilya ng asawa ko.

Nang makalapit ang driver ay nanginginig na mga kamay kong kinuha ang cellphone ko sa bag para tawagan si Garett at sabihing nandirito na si Mang Ricky—nang biglang may kumalabog—napaigtad ako sa gulat nang makita ang pagbagsak ng driver sa windshield ng sasakyan!

Malakas akong nasinghap. Yumugyog ang sasakyan—at hindi na muling nakagalaw ang matandang driver namin. "M-manong!" sigaw ko. And before I could even lock the car ay parang hanging nasa gilid ko na agad si Mang Ricky at kinuha ang aking braso upang hatakin palabas ng sasakyan!

Tumili ako sa takot. Nabitawan ko ang bag at pilit siyang sinisipa. Ngunit dala ng matinding gulat, takot at pag-aalala kay Manong ay nawalan akong lakas at nailabas niya ako habang hila ako sa aking buhok.

He laughed angrily. "Napakailap mong bata ka! Pwes ngayon wala 'yang asawa mong magtatanggol sa 'yo! Akin ka!!" nakakadiri niyang bulong sa akin na para bang hayok sa laman. But he is!

"Bitawan mo ko!!" sigaw ko. His fist was so strong and it hurt me through my scalp. Nilingon ko si Manong na nakahandusay sa bumper ng sasakyan, walang malay at may dugo sa kanyang noo. Nanginig ang aking labi. "Walanghiya ka! Napatay mo si Manong Samuel!" hintatakot kong bulalas sa kanya.

"Wala akong pakielam! At sanay na akong makapatay ng tao, Royal. Matagal na!" he proudly said to me. Tumawa pa siya na tila bilib na bilib sa sarili.

Napaawang ang labi ko. Mas lalong nanuot ang takot sa aking dibdib. He's killing people! Hindi kaya..

Hinila niya ako hindi kalayuan sa hintuan ng aming sasakyan. Tinulak niya ako sa isang punong napaliliguran ng mga damo at iba't-ibang uri ng halaman. Sumalampak ako sa mabuhanging sahig. Bahagya akong nahilo at nanghina.

Mula sa pagkakayuko ko at nakita ko ang kanyang gomang tsinelas.

"Ang tagal kong hinintay na mangyari ito, hija.. kay ilap-ilap mo sa akin.. kung 'di ka lang lumipat sa hasyenda Esperanza siguro ay matagal ko nang nagawa ito sa iyo.."

Kinakabahan ko siyang tiningnan. Galit at pandidiri ang nadarama ko. Kung gayon at tama ang kutob ko.

Umupo siya at pinagpantay ang aming mga mata. He got a blood shot eyes as he looked at me maliciously.

"Buhay pa ba ang asawa mo, hija?" marahan niyang tanong sa akin.

Namilog ang mga mata ko. Alam niya.. alam niya ang nangyari kay Quinn. Maaaring mapabalita iyon sa bayan namin pero ang tanungin kung buhay pa siya ay.. "Ikaw ang gumawa no'n?! Ikaw ang sumira sa sasakyan ng asawa ko!" I asked him but in the end I accused him.

Umarte siyang namangha at napatakip pa sa kanyang bibig. Nilingon ang likuran na para bang may ibang tao. He's crazy!

"Ako? Ako ba? Ang gusto ko lang naman ay mawala sa landas ko ang Quentin na 'yan! Dahil hindi ako makakuha ng tyempo para makuha ka!"

Napasigaw ako nang sabunutan niya ulit ako at tiningnan ng tila sasaktan!

"Alam mo bang sa lahat ng babaeng pinagsamantalahan ko.. ikaw ang matagal kong pinangarap. Dalagita ka pa lang, kursunadang-kursunada na kita, hija. Magmula nang mawala ang asawa ko ay binaling ko sa ibang babae ang oras ko pero ikaw talaga ang nakakuha ng atensyon ko.."

I felt disgusted when I felt his fingers on my cheek. Iniwas ko ang mukha ngunit hinila niya ako sa buhok. Sumakit pa lalo ang ulo ko. Matalim ko siyang tiningnan, "Nakakadiri ka!! hayop ka!! Ikaw ang kriminal na hinahanap sa hasyenda Esperanza!!"

He tilted his head. Mockingly smirked at me, "O 'di ba ang husay ko at hindi niyo akalaing nasa kabilang hasyenda ang tunay na salarin?"

"Bakit?! Bakit mo 'yon ginagawa at binibintang mo sa mga Altamirano ang krimen mo?!"

Nawala ang kanyang ngisi at napalitan ng nakakatakot na tingin sa akin.

"Dahil kayong mga Altamirano ang dahilan kung bakit kami naghihirap!" tumigil siya at panandaliang may dumaang sakit sa mga mata nito, "Ang ama ko ay matagal na nagsilbi kay Don Eugenio Altamirano bago lumipat sa mga Santiaguel. Naniniwala kaming may parte kami sa lupa ng hasyenda Esperanza. Parte na pinagdamot ng Lolo mo! Naghirap ang ama ko. Dugo at pawis ang trabahong binigay niya sa pamilya ninyo pero kapirasong lupa ay hindi mapagbigyan gayong nasa batas 'yon!"

He continued, "Si Don Fernando Santiaguel ang nagmagandang-loob at tinanggap ang ama ko sa kanilang hasyenda," he laughed like an insane man, "Ang ilang tauhan noon ang siyang nakaisip na ipasunog ang tirahan ng Lola Milagros mo. Dahil alam nilang may pagtingin si Don Eugenio sa Lola mo.. at ang pagiging malapit niya sa isang Altamirano ang ginamit nilang unang pangbawi sa hirap nila sa inyong pamilya!"

Namilog ang mga mata ko. "K-kung gano'n.. walang kasalanan si D-Don Fernando..?"

Umiling siya. "Ang kawawang Don.. iniwan ng asawa dahil sa pagtulong sa mga magsasaka. Nawalan ng oras sa pamilya kaya nanibugho si Donya Demetria at lumipat ng hasyenda.. gayong hindi rin naman siya nagawang mahalin ng Lolo mo."

Hindi ko na namalayan ang paglandas ng luha sa aking pisngi. Don Fernando was just used! His people used his name to cover up their crime!

Kung lahat ay pagtatakip lamang.. ang pamilya Santiaguel ay inosente. Wala talagang kasalanan sa aming pamilya.

"Nagsinungaling ka sa Tatay ko.." pigil na galit ang bumangon sa akin. Iniinda ang sakit ng aking ulo.

"Ang ama ko ang nagtangkang gumahasa sa Lola mo. Nailigtas lamang siya ng Lolo Pepe mo. Pero ngayon.. mukhang matutuloy ko sa kanyang magandang apo.. napakaganda mo.. makinis.. at ang hubog ng katawan mo ay katakam-takam.. hindi na ako makahintay na tikman kang parang masarap na putahe, hija.."

Napailing ako kasabay ng pandidiri sa kanya. This old man live his life in darkness and in rage. And his fully equipped with anger.

"Bitawan mo ko!" sigaw mo. "Mapapatay mo muna ako bago mo gawin ang gusto mo--!" halos mabingi ako ng malakas niya akong sampalin.

Sa loob ng ilang segundo ay dumilim ang paningin ko. Tila nawalan ng malay. Tinulak niya ako kaya bumalik sa huwisyo ang isip ko.

Right there, ramdam ko ang kirot sa aking pisngi.

Tumayo siya. "Hindi tayo masasarapan kung ganyan ka, hija.." hayok niyang sambit.

Sinubukan kong gumapang palayo. Nahihilo na ako. Tiningnan ko ang paligid at tila walang ibang tao o sinuman ang dumaraan ng ganitong oras.

At sino ba ang magtatangkang dumaan dito gayong magkagalit ang dalawang pamilya. Kung ako lamang ang maglalakas-loob.

"Quinn.." bulong ko at tuluyang napaiyak nang maalala ang asawa. "Niccola.." my daughter.

Will I ever see them again?

Nagpatuloy ako sa paggapang kahit na alam kong kaya niya pa rin akong mahabol. His laughed told me so.

"Royal tumigil ka na. Hindi ka makakalayo sa akin!" sigaw niya.

But I continued. Hindi niya ako mahahawakan kahit dulo ng aking buhok habang ako ay nabubuhay pa. My husband will kill him after this. My father will bring justice for me. Hindi siya makakatakas sa krimeng ginawa niya.

Narinig ko ang pagtapak niya sa damuhan. Binilisan ko ang paggapang.

"Anong--!"

Narinig ko ang bulalas niya. Huminto ako at nilingon ang sasakyang paparating.

Umahon ang pag-asa sa aking puso. Sinubukan kong tumayo at humingi ng tulong—agad akong nilapitan ni Mang Ricky—tinakpan ang aking bibig at hinila sa likod ng isang matabang puno!

"Mmmp! Mmmp!" my voice muffled on his palm. Napakahigpit ng hawak niya sa akin. At nakabara sa aking lalamunan ang kanyang braso.

I can't properly breath.

Lumakas ang tunog ng sasakyan. Alam kong makikita nila ang nakahandusay na si Mang Samuel. At sana ay agad nilang dalhin sa ospital ang kawawang matanda.

"Bakit may dumaan dito?!" he hissed in a lower sound.

Huminto nga ang sasakyan. Narinig ko ang pagbukas ng mga pinto. Hindi lang isa kundi maaaring dalawa o higit pa ang laman ng sasakyan!

"What the fuck..!"

I heard a calmed baritone voice. Natigilan ako. It sounds so familiar.

"Ano, ano patay na ba?"

Then I heard another one. A male voice too.

"Nabangga? Pero parang nauntog ang ulo niya.."

"Call an ambulance, Dale. I will call the police."

Namilog ang mga mata ko. Ang mga kaibigan ni Quinn! Kaya naman mas lalong lumakas ang tapang ko. "Mmmp! Mmmp!!" nagpumilit ako sa pagsisigaw para marinig.

"Ay putangina! Manahimik ka!" galit na bulong sa akin ni Mang Ricky. Mas diniin ang braso sa aking leeg na halos ikapugto ng aking hininga.

Nanghina ako ngunit patuloy na lumaban.

Dumaan ang ilang segundo at hindi ko na narinig ang mga boses. Umalis na ba sila?

Napaiyak ako.

"Wala na sila..?" bulong ni Mang Ricky.

Napahikbi ako. They were gone. Siguro ay nakatawag na ng saklolo sa matanda at iniwan na lamang.

Napalingon ako at nakita ang isang baril na nakatutok sa sintido ni Mang Ricky!

Namilog ang mga mata ko nang makita iyon na hawak ni Lennox.

Sa kabila ay lumitaw din si Ridge na may hawak na ring baril, nakatutok din sa ulo niya. Kasunod no'n ay ang paglitaw nina Dale at William sa harapan ko at hinila ako palayo sa matanda.

"What the hell, old man? You're going to be fucked in jail." Sambit ni Lennox at dinikit pa sa ulo ang butas ng baril niya.

Nagpipigil akong umiyak dahil sa sobrang takot. Hawak ako ni William sa aking siko at hinila paalis doon. Dinala niya ako sa kanilang sasakyan at pinasok sa loob. Sinarado ang pintuan at kinausap ko sa bintana.

"May masakit ba sa 'yo, Royal?" matiim niyang tanong sa akin.

Nilingon ko si Mang Samuel at tinuro. "B-baka mas kailangan ni Mang Samuel ng maagap na tulong.."

"He's asleep. Don't worry. Ikaw?"

Napailing ako. "G-gusto ko nang bumalik sa asawa ko.." usal ko. All I wanted to do right now was to see my husband and stay with him.

He nodded.

Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ko nang makitang humadusay sa damuhan si Mang Ricky. Wala nang kalaban-kalaban sa tatlong lalaking di hamak na mas malaki ang katawan at mas bata sa kanya.

Hindi rin nagtagal ay dumating ang isang mobil ng police at sasakyan ng barangay. The ambulance and medics treated me and Mang Samuel too. Nagkamalay na rin siya nilapatan ng paunang lunas sa kanyang dumugong noo. Ako pa ang una niyang naalala pagkagising.

Dinala sa istasyon ng pulis si Mang Ricky.

Ilang sandali lamang ay may dumating pang mga sasakyan. Nakaupo lamang ako sa loob ng sasakyan nina William. Bukas ang pinto at nakabantay naman sa akin sina Ridge habang kausap ang mga pulis.

"Quinn," narinig kong sambit ni Dale.

Agad na napaangat ang puwitan ko nang marinig ko ang pangalan niya. Lumabas ako ng sasakyan at inilang hakbang. Ngunit napahinto rin nang makita ako, lalo na ang namumula kong pisngi. Lumatay ang palad ni Mang Ricky sa pisngi ko.

Umigting ang kanyang panga. Kumuyom ang mga kamao.

Bago pa siya makahakbang ay sinugod ko na siya ng yakap.

He's my home. This is where I feel safe.

He encircled his arms around me and kissed me on the top of my head.

Nilubog ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. I can merely said how important his scent after what happened. But I cried. Hindi ko kayang itago ang kaninang lumatag na takot.. na baka hindi ko na siya makikita pa.

He calmed me and caressed my back like he used to. "Hush babe.. you're safe now." Bulong niya sa akin.

But I never stopped crying. I was so scared. So scared that in a while I was sure that I might be dying in the arms of the culprit.

I thank the Lord he let me hug him right now and tomorrow and forever maybe.

"He's paying for this. I promise you." Bulong niya sa akin.

Inangat ko ang mukha sa kanya. Never wanted to part my body to him, "Sinabi na niya sa akin lahat.. lahat.. wala kayong kasalanan kay Tatay.." sambit ko.

Tinitigan niya ako. Maaaring hindi niya ako maintindihan ngayon. Pero kumpyansa akong malilinis din ang nadungisang pangalan mula pa sa nakaraan.

Nagising akong wala ang asawa ko sa tabi. I panicked. Agad akong napabangon at bumaba ng kama. But when I realised where I was.. saka ko pa lamang napakalma ang sarili.

I combed my hair using my hand. Hindi namasakit ang anit ko. Dinama ko ang pisngi, wala na rin ang kirot. Ilang araw na rin naman ang nakalipas magmula ng pangyayaring iyon. Kusa nang naghilom ang sakit ng aking buong katawan.

And I can still remember how my husband reacted when he stared on it. He's so angry. To the extend na nagpatawag pa ito ng doktor. It's damn insane but that's the way he is. That's how he take care of me. Us.

We were back in manila immediately. Ang Tatay ko na rin ang nagsabi sa kanyang ilipat na ako roon pati si Niccola.

I told them everything that Mang Ricky said to me. Maging ang mga magulang ni Quinn ay hindi makapaniwala sa nangyari. And the most devastated, si Donya Josefina. I learnt then na matalik na kaibigan din pala niya si Donya Demetria Santiaguel. Somehow, she knew their own love story.

Sinabi rin ni Tatay ang kwento kay Lola Mila. I just saw my Lola closed her eyes.. and contentedly smiled. Na para bang tapos na ang lahat. This will be the end of their long story.

Nagpalit ako ng damit at lumabas ng aming kwarto. I'm craving for my husband. I frantically wants to see him right now. Ngunit hindi pa man din ako nakakababa ay may naririnig na akong pag-uusap sa sala.

Naririnig ko ang boses ni Quinn.. at ni Tatay!

Kaya nilakihan ko ang aking mga hakbang at pinuntahan sila. But they stop from talking that seems to be important—nang makita ako sa hagdanan pa lamang.

Tumayo si Quinn at sinalubong ako sa pagbaba.

He smiled at me and kissed me on my lips, "Good morning,"

Kumunot ang noo ko, "Good morning.." nilingon si Tatay na may munting ngiti sa mukha. "Tay.."

Bumuntong hininga ito at humigop ng kanyang kape. Lumapit kami at umupo sa sofa.

"May problema po ba?" bigla akong kinabahan. It is not usual na makita ko ngayong umaga ang Tatay ko sa bahay namin. At malamang ay maaga pa siyang bumyahe.

But then Quinn chuckled. Hinapit ako sa aking baywang. "That's not what I want you to see in the morning, babe." pinunan niya ng halik ang aking batok. "We're just talking about.. something."

"What 'something'?" kuryoso kong tanong ulit.

Tumikhim si Tatay at saka tumayo bitbit ang tasa ng kape. "Maiwan ko na muna kayo. Puntahan ko lang ang apo ko." paalam nito bigla.

Napaawang ang labi ko. At agad na nilingon si Quinn. "Ano bang pinag-uusapan niyo?"

Inabot niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. Nginisihan pa ako. "Why are you grouchy this morning, hmm?" malambing niyang tanong sa akin.

Agad akong napailing. "Hindi naman ah! Nagtatanong lang ako.." am I?

Bumaba ang kanyang mukha at hinalikan ako sa aking labi. "Yes, you're, babe. Para kang nanggigil sa akin," tuya niya.

Tinitigan ko siya. He's maybe right. Kaya nga ako napabangon agad dahil wala siya paggising ko. And I hate it. I'd love to see him.. to smell him.. to bite him like what I did last night.

Nag-iwas ako ng tingin. "Not true." Tanggi ko ulit.

Then I heard him chuckled on my ear. Sinadya iyon na para bang nang-aakit sa akin. "Oh. I love to see my wife biting me again.." he seductively said.

Namilog ang mga mata ko at mangha siyang nilingon. Ngunit napalunok naman ako nang masugpungan ang mukha niyang sobrang lambing at gwapo. All about him was perfect. From his perfect dreamy face up to his personality. Iyon bang nakaka-inlove. Tulad nang nasambit sa akin ni Beth, iyong president daw ng fanclub niya.

But for me, there's something more than fangirling towards him. There's a truce in my head when I'm with him. Unlike his fans, there were freaking out. But I am calmed and contented.

"You're in love with me, babe." tukso pa niya.

I sighed. "Yeah. True." Sabi ko.

He smiled and claimed my lips in an abrupt kiss. "And I'm in love with you too."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nagtitigan kami hanggang sa mauwi iyon sa tawa.

Nandito si Tatay kaya.. kalma lang siya.

"They are already fired. Eh, terminated to be exact."

Napabuntong hininga ako nang ibalita sa akin ni Finnix ang nangyari sa AC. Hindi pa rin ako nakakapasok kaya pinuntahan na niya ako rito sa bahay. Quinn was listening to us.

"Paano kayo nakakita ng ebidensya?" tanong ko. He's talking about our company's endorser Phiefi Allen and the member of the board, Mr. Suarez.

Tumabi si Finnix sa tabi ng estanteng pinaglalagyan ng mga alak at nagsalin ng panibago sa kanyang goblet. "I seduced her." sagot niya na para bang maliit na bagay lang iyon.

Namilog ang mga mata ko sa kanya. "Ano?! Bakit mo ginawa 'yon?!" I can't believe it! Pagkatapos sa asawa ko ay pumatol din si Phiefi sa pinsan ko! How dare she!

Nagkibit-balikat naman si Finnix at sumimsim sa goblet. He smirked after awhile.

"I just thought that was the easy way rather than the normal investigation. But you see, she easily gave in to me."

Pinakunutan ko siya ng mga kilay. Napalingon din ako kay Quinn, pumangulambaba sa lamesa at tila nag-eenjoy sa sinasabi ni Finnix.

Finnix continued, "They have an affair. Matagal na kahit noong lumalapit pa siya kay Quinn. At noong magpakasal kayo ay sumama ang loob niya. She was dying to be one of us.. and it became so easy to succumb her on me. They planned it. To sabotage your ideas and to bring you down. Suarez didn't like the idea that you're the chairwoman since you're a woman. They thought na hindi mo kaya ang trabaho. But they didn't see na may potential ka."

Napalunok ako. So, it was all about me pa rin. Ang kakayahan ko ang ayaw nila. Napaigtad ako nang ibagsak ni Quinn ang kamay sa lamesa.

"Fuck them off! They were being irrational and idiot! A woman can run a company too." inis niyang sambit.

"I agree with you, brother." Ani Finnix.

Napailing na lamang ako.

At ilang sandali pa ay silang dalawa na lang ang nag-usap. Tungkol sa pagsasampa ng kaso, paghingi ng damages at iba pa. Ilang sandali pa ay tungkol na sa Peyton Club ang topic nila. Kaya iniwan ko na lamang ang dalawa sa library at pinuntahan na si Niccola'ng naririnig kong umiyak sa sala.

Ilang hakbang palapit sa anak ko ay nakaramdam ko ang pag-ikot ng paligid. Bumagal ang hakbang ko at napahawak sa pader. I closed my eyes to lessen the drowsiness. I feel weak all of the sudden.

"Mama.. Mama..!" rinig kong palahaw ni Niccola.

Malalim akong bumuntong hininga at saka ko lamang siya nakayanang puntahan. I gave her a weak smile and wiped her tears. Agad din akong natigilan..!

I realised.. my period is delayed this month..

I bit my lower lip. 

繼續閱讀

You'll Also Like

29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
29.1M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...