Real (Boy Next Door #5)

By Gianna1014

2.7M 79.4K 18.8K

Sa kagustuhan ni Royal na makita ang nobyong si Garett ay sinuong niya ang gabi at ulan para mapuntahan ito s... More

Real (Boy Next Door #5)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 34

58.3K 1.9K 380
By Gianna1014

Chapter 34

Royal

Nagising kong may tumatamang kung anumang bagay sa mukha ko. Banayad naman pero naalimpungatan na akong tuluyan dahil sa bumubulong sa akin at haplos pa sa aking balikat. "Mmm.." I uttered. I reached for that thing and my hand landed on a scalp.

Kumunot ang noo ko at pinilit na binuksan ang mabibigat pang talukap ng mga mata ko. Sobra yata akong napuyat. Nahirapan akong matulog dahil sa pagkakayakap sa akin kagabi. Tapos ngayon.. nahuli ko pang hinahalikan ako ni Quinn sa aking pisngi.. panga.. at leeg. Tumutusok sa aking balat ang buhok niya!

Tila ako nabuhayan sa kanyang ginagawa sa akin. Nilingon ko ang katabi, wala na roon si Niccola. Kaya pala ang lalaking ito ay malaya akong dinaganan at pinaghahalikan na!

Mas lalo pang nanuyot ang lalamunan ko't dila.

"Are you awake now, mmm?" bulong niya sa akin habang ang isang binti ay nakapatong sa aking mga hita. Ang kalahati ng kanyang katawan ay nakadagan nang talaga. Sa itsura ay hindi pa rin ito nakakabangon. He was still wearing his navy blue boxer shorts and a black sando. He sniffed on my neck.

I looked at our position. We're both inside the quilt. He still managed to cover us.

Tumikhim ako bago nagsalita, "M-mag-aayos na ako," sabi ko. My voice is still groggy but my face started to feel hot.

"Hmm.." he groaned. Tila nagpoprotesta sa sinabi ko.

But I shortly gasped when I felt his manhood against stomach! Damn it! Mas mainit at matigas siya sa hinala ko! And he looks like.. dying—shit!

Napatingin ako sa kanya, "What?" I asked out of curiousity. Batid ko namang talagang ganoon 'iyon' kapag umaga. The morning ache he was telling me before. At ang makaramdam ulit nito pagkatapos ng ilang taon.. something inside of me stirred up.

"Hmm.." daing niya ulit at bahagyang kiniskis ang kanya sa akin. Ang kanyang labi ay nakapirme na rin sa aking panga.

I almost bit my lower lip as I watch him feeling hurting. Pero nahihirapan siguro ito. But—I don't want to give in! Nasa labas lang si Niccola at baka mamaya ay bigla iyong pumasok.. oh really, Royal?

I just sighed. "What?" bulong ko sa kanya. But I knew—if I speak a little longer—he will notice the tremble in my voice.

Quinn is a big large-framed man. Ang makita siyang animoy nahihirapan ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. He needs me.. that's all I knew. And he said, he never touched any woman after me.. and we're married.. so what he feels right now is a normal arousal from his body.

I hate him. I knew, I hate him. But.. I am his wife.. and--uminit ang mukha ko. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako nag-iinit sa nararamdaman. Hindi lang dahil sa gusto ko siyang punan kundi may pangangailangan din akong siya lamang ang makakasagot.

This sexual desires are all normal. Higit pa roon ay mag-asawa naman kami.

But what if it is just a.. lust?

Napahigit ako ng aking hininga at isang guhit ng sakit ang tila humiwa sa puso ko. Kaya agad ko siyang hinawakan sa kanyang balikat at bahagyang tinulak, lalo pa at unti-unting bumibilis at dumidiin ang pagkiskis niya sa akin. Kaunti na lang at baka sumuko na rin ako. "Tumayo na tayo.. nasa labas lang si Niccola." paalala ko sa kanya. Pinalamig ko ang boses para lamang matauhan din siya.

But he groaned a little louder when he nearly lost our contact.

Nasa delikado na siyang level kaya't ang itulak siya ang nagpadilim sa mukha niya.

Bumangon na ako nang tangka niyang yayakapin ako ulit. Tinanggal ko na ang kumot at naupo sa gilid ng kama. I was taken a aback when he cursed loudly. Gulat ko siyang nilingon.

"Kailangan pa ba kitang pwersahin para lang sa pangangailangan ko, Royal?!" halos sigaw niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita nang makita ang nangangalit niyang mga mata sa akin.

Bumangon na siya at padabog na tinanggal ang kumot sa kanyang katawan. "I am your damned husband but everytime I would be needing you—you'd pushed me away! Na parang diring-diri ka sa akin!" hinaing niya.

Sinudan ko siya ng tingin, gusto kong sabihing hindi ganoon ang nararamdaman ko pero kusang umuurong ang dila ko.

Tumayo siya. My eyes darted on his crotch area that has got a huge mountain. Napalunok ako. Hindi ko akalain ganoon na iyon. Ramdam kong mainit at matigas na pero nang makita pa ay nagulat pa rin ako.

I looked up at his face. His perfect sculptured jaw were clenching. Namumula ang mukha at galit pa.

"We're not blood related—kung 'yan pa rin ang nasa isip mo!" then he walked inside the bathroom at malakas na sinarado ang pintuan na halos yumanig sa buong kwarto.

Napapikit ako. Now, I realised what mistake I just made this morning.

I did not say anything and just stared at the door he walked in. I wanted to follow him inside and apologise. Though, batid ko namang wala akong sinabing makakagalit sa kanya o kahit insulto. He just made his own assumptions.

All I knew was, I was bothered that what he felt was just a lust. But I never mentioned that to him that's why he's mad at me.

Hindi ako nanlalamig dahil sa pakiramdam ko ay magpinsan pa rin kami. Dahil kahit noon nama'y.. nalaman kong magpinsan kami pero hinayaan ko siyang muli akong angkinin.

I felt bad with fate. Because the love I feel about him was beyond the love of a family. I loved him as my man. I loved him as my partner.

And now.. I am afraid. Confused and mad all at the same time. Mukhang kailangan ko ngang sundin ang payo sa akin ni Lelet. Kailangan ko siyang makausap.

Malalim akong bumuntong hininga at nagligpit na lamang ng kama. At habang naliligo siya ay pumasok ako sa walk-in closet niya at kumuha ng mga damit sa maleta. Kumuha na rin ako ng susuotin ni Niccola pang-alis. I readied her denim shorts, a pink blouse, her shoes and socks.

And I readied my denim pants, a turtle-neck maroon blouse na sleeveless. I paired it with my flat sandals.

Hindi pa rin natatapos si Quinn kaya lumabas na muna ako para tawagin ang anak ko nang mapaliguan na rin.

I found her in the dinning area. Kasama si Rita na nag-aalmusal na.

Nginitian ko sila. Nang biglang tumayo si Rita para batiin ako ay agad ko siyang pinaupo ulit. I kissed my angel on her hair, "Good morning, 'nak." Bati ko. I couldn't stop smiling whenever I saw her enjoying the food she was eating. Though, magulo pa nga ang buhok niya. Did she just wake up? Sinuklay ko ang buhok niya at napaupo na rin sa hapag. I'm starving.

"Good morning, Mama! Where's Papa po?" she asked pagkatapos lunukin ang nasa bibig.

Inabot sa akin ni Rita ang isang plato ng fried rice, I smiled. "Naliligo na. Kaya pagkatapos nating kumain tayo naman."

She nodded and pouted her lips, "Mama 'di po kita na-hug kagabi.."

Kumunot ang noo ko. But she giggled.

Tinaas niya ang maliliit niyang braso at bunuka nang malaki. "Kasi po mas yakap ka ni Papa sa bed. Nu'ng nagising po ako, si Papa ang laki ng yakap sa 'yo, Mama e."

Napatingin ako kay Rita na biglang nasamid at uminom ng tubig. "Kaya ba umalis ka na sa kama?" magiliw kong tanong sa kanya.

Tumango siya sa akin. "Tumayo rin si Papa para ihatid ako kay ate Rita. Then he went back to his room." Inosente niyang kwento sa akin. "Siguro yayakapin ka po niya ulit, Mama." Tila sumbong niya sa akin.

Napatikhim at mabilis na sinulyapan si Rita. Ngingiti-ngiti pa. "Okay. Tapusin mo na ang kinakain mo para makaligo na tayo, 'nak." Sabi ko na lamang. Nagsimula na rin akong kumain kahit na dumadagundong pa ang dibdib ko. Sana ay iyon lang ang napansin ng anak ko.

Pagbalik namin sa kwarto ay saktong kalalabas lamang ni Quinn mula sa walk-in closet. Nakabihis na. A denim pants and a blue polo shirt. Humahakab sa kanyang balikat at braso ang suot. Making him looked like a finesse model from the magazine. At ang tanging accessory ay relos sa kanyang wrist. Mas relaxed na siyang tingnan ngayon kaysa kanina.

Siguro dahil nakaligo na pero.. malamig pa rin ang mga mata. Hindi niya ako kinausap o tingnan man lang. Lumabas na rin agad ng kwarto pagkatapos guluhin ang buhok ni Niccola.

I heaved out a deep sigh.

Pagkatapos naming makapag-ayos na mag-ina ay hinanda ko na ang gatas ni Niccola para baunin sa byahe. Nagbaon na rin ako ng ilang pirasong damit kung sakaling hindi kami makauwi kaagad.

Nasa sala na kami at hinihintay na lang si Quinn nang may dumating na dalawang lalaki. Tinawag niya iyong isa na Oliver. Nakipagkamay at tila matagal nang kakilala. Pinakilala niya na rin ako dahil naroon na rin naman kami. He's an Engineer. At ang isang kasama pa ay Architect naman.

I just heard na may ipapaayos si Quinn sa ibang parte ng bahay, lalo na ang magiging kwarto ni Niccola.

Naiwan na roon ang dalawa lalaki at pati na rin si Rita para may mag-asikaso sa kanila. I don't know why but.. parang kinakabahan akong iwan roon mag-isa si Rita. Nag-iisang babae pa naman.

Kaya nang makalayo na kami sa bahay niya ay tinanong ko si Quinn. "Okay lang bang iwan si Rita doon? I mean.. nag-iisang babae kasi sa bahay at baka.."

"She's in good hands. Kapatid ni Dale si Oliver. Kasamahan niya sa trabaho si Stephen. Darating din sa bahay ang ibang kasama nilang babaeng architect at interior designer.. 'di siya mag-iisa." He coldly fulfilled my thoughts.

Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi na nasundan ang pagtatanong ko dahil ang lamig naman niyang sumagot.

Inasikaso na lamang sa byahe si Niccola. Humihingi siya sa akin ng inumin. At para hindi rin magutom ay dumaan na rin kami sa drive thru. She asked for french fries and his father bought her more than anything she wants. Including me.

When we reached the road to hacienda Esperanza.. doon na nagpumiglas ang kaba sa aking dibdib. I am determined when were still at home but by now.. todo na ang kaba sa dibdib ko.

May ilang nakatanaw na trabahador nang pumasok ang sasakyan ni Quinn at pinarada sa tapat ng hasyenda. Hindi pa man din kami nakakababa ay dumating naman ang pick-up ng Tatay. Pumarada sa likuran namin at nauna nang bumaba. Nasa mukha ang kasabikan nang bumaba na ako.

"Anak! 'Di ka nagpasabing uuwi kayo," paunang bati niya sa akin. Nalipat ang mga mata ng Tatay nang bumaba na rin si Quinn. Panandaliang nagulat at kalaunan ay tinanguan na rin. "Oh, kasama mo pala si Quinn. Kasama niyo ba ang Daddy mo?"

"Hindi po. Kami lamang pong mag-anak." Pagmamalaki niyang sagot. At saka binuksan ang pinto sa likod, kinuha si Niccola.

Napasinghap ako. Tiningnan ko ang Tatay. Natigilan ito at tila patuloy na iniisip ang ginamit na salita ni Quinn. Kaya agad kong nilapitan ang Tatay. Nagmanong ako. Pinalapit ko rin si Niccola at pinamanong. Even Quinn did the same.

Sumunod kami kay Tatay na naunang pumasok ng bahay. Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan ang likod ng Tatay. At his age, he still has a toned-body. Malusog pa ring tingnan at nililingon pa ng ilang babae.

So, I wonder.. how much rage will I receive after I said our motives for today?

I sighed.

Tumakbo sa akin si Niccola matapos ibaba ni Quinn pagkapasok sa loob. Ang Tatay ay pinagmasdan siya habang buhat si Niccola. May titig iyon habang binababa ang sumbrero sa lamesita.

"Kumain na ba kayo?" tanong niya sa amin.

Tumikhim ako. "Kumain na po kami sa daan, Tay. Ang N-nanay po at Lola?"

Tumingin sa hagdanan ang Tatay at namaywang, "Nasa taas sila. Sandali at ipapatawag ko.." then he called Nanay Nympha.

Binati ko siya at nagulat rin nang makita kami. Pero mas lalong nagulat nang makita rin si Quinn. Her eyes darted to him.. then to Niccola.. like what my father did just a while ago.

Naupo na kami sa sofa habang hinihintay na bumaba si Nanay. Ngunit habang naghihintay ay napapansin ko ang unti-unting pagkuyom ng mga kamao ni Tatay habang nakatingin kay Quinn.

And this man beside me didn't bother anything than staring straight at my father too! Ako ang mas natatakot. I am started to cast a heart failure!

"Royal, Quinn, naparito kayo?" masayang tawag sa amin ni Nanay mula sa hagdanan.

Nauna pang tumayo sa akin si Quinn at inalalayan sa pagbaba ang Nanay ko. Naghintay na lamang ako sa ibaba. Nagmanong siya sa kanya pagkababa. Tinawag ko ulit si Niccola. Hindi na ito pinakawalan pa ni Nanay, binuhat at niyakap ang apo.

"Naku! Na-miss ko 'tong apo ko! Na-miss mo ba si Lola?" magiliw na tanong niya sa bata.

Ngumiti si Niccola at hinalikan sa pisngi si Nanay. "I missed you too, Lola!"

Tumawa kaming lahat. Maliban sa Tatay.

"Kunin mo muna si Niccola, Nympha." Utos ng Tatay ko.

Ang lahat ay natahimik sa pananalitang iyon. Nagsalitan din ng tingin ang Nanay Nympha at tila naninimbang kung tama ba ang narinig na utos.

"Nympha!" ulit ng Tatay.

Agad na tumalima ang Nanay Nympha at kinuha ang anak ko kay Nanay.

"May bagong bake akong banana cake, Niccola! Gusto mo ba 'yung matikman?" magiliw niyang tanong sa anak ko.

Sumama naman si Niccola. Ngunit bago makaalis ay tinuro niya kami ni Quinn.

"Mama, Papa kain po tayo ng cake!" she's so excited and all smile while looking at us.

Ang Nanay ay natigilan. Kunot ang noong nilingon si Quinn. Kahit si Nanay Nympha, ngunit mabilis lamang na naka-recover at hinila na ulit ang bata sa kusina.

"Papa? Tinawag niyang Papa si Quinn?" Nanay asked at sabay turo kay Quinn.

Tumikhim ako. Pero bago pa lamang ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

"I am Niccola's father." He stated.

"Ha?!" gulat na bulalas ng Nanay. Nilingon din ang Tatay na hindi gumagalaw sa inuupuan.

Napalunok ako. Si Quinn ay deretsong nakatitig kay Tatay.

"Royal.. anong ibig sabihin nito?" tanong sa akin ni Nanay. Inanod na nang gulat na reaksyon ang kanina lamang ay pagkagiliw nang makita kami.

"Ang lakas naman ng loob mong pumunta rito at magpakilalang ama ng apo ko!" my father's voice shocked my nerves. Tila kulog ang daloy ng kanyang boses.

Ngunit hindi iyon ang nagpatinag kay Quinn at humakbang pa palapit sa Tatay.

"Alam ko pong sobra na akong huli para ipakilala ang sarili ko. But I am taking my full responsibility to your daughter and to our child—"

"Fonso!" tawag ng Nanay nang biglang tumayo si Tatay at kinuwelyuhan si Quinn!

"Tay!" kinakabahan kong tawag sa kanya. I am a messed. Nanlalamig ang mga kamay ko nang sinubukan ko siyang pigilan sa braso.

Dinuro niya si Quinn. "Pa'no nangyari 'to ha?! Hindi ba at magpinsan pa kayong dalawa noong huli kayong nagkita!" sigaw ng Tatay.

But Quinn didn't react nor look scared at all. Animoy expected na niya ang mangyayari.

"Nagkagusto na po ako kay Royal noong isa pa siyang Mauricio. Nagpakasal na kaming dalawa bago niyo nalamang Altamirano po kayo,"

Hindi ko maiwasang hindi titigan si Quinn dahil sa katatagan ng boses niya at tapang. Pero napasinghap kami ng Nanay nang gumalaw ulit ang kamao ni Tatay na tila uundayan ng suntok ang hawak.

"Pinakasalan mo ang anak ko nang lingid sa kaalaman namin!" nilingon ako ni Tatay, "Totoo ba 'to, Royal?! Nagpakasal ka sa lalaking 'to?!" tanong sa paraang tila hindi niya kilala si Quinn.

Tumango ako. "Totoo po.." nanginginig kong sagot.

Ngunit mas lalo lamang nagalit si Tatay. Si Nanay naman ay namilog ang mga mata.

"Aba't talagang—" akma nitong susuntukin si Quinn!

"Fonso! Huminahon ka!" sigaw mula sa pintuan.

Dumating sina Tito Carlos at Tita Andrea. Malalaking hakbang na nilapitan ni Tito ang anak para saklolohan.

At saka lamang ako nakahinga nang kaunti dahil binitawan na ng Tatay si Quinn.

Dahil sa pagkakakapit ko sa Tatay ay ramdam ko ang panginginig niya dahil sa galit. Hindi na ako umalis tabi ng mga magulang ko. Si Quinn naman ay hinarap ang kadarating lamang na mga magulang.

"I told you not to come here, Dad! Bakit nandito kayo?" bahagya ang inis sa kanyang boses.

Nagsalubong ang mga kilay ni Tito Carlos. Habang ang asawa ay tila naiiyak dahil sa nasaksihan. "Hindi mapakali ang Mommy mo at gusto kayong makita. Mabuti nga at nagpunta kami kundi pala ay nasaktan ka na,"

"This is my fight, Dad! I told you not to come here yet!"

Nilapitan siya ni Tita Andrea at hinawakan sa kanyang kamay. "Son, I can't stay at home. Please 'wag kang magalit sa Daddy mo. He wanted to help you."

"But Mom.." napapagal na inis ni Quinn. Napalingon din siya sa akin na tila nahihiya o humihingi ng paumanhin.

Ang puso ko naman ay tila nahaplusan ng maligamgam na tubig sa uri ng tinging binigay niya sa akin.

"Idaan natin 'to sa maayos na usapan, Fonso. Hindi sa sakitan," kausap ni Tito Carlos sa Tatay ko.

"'Yang anak mo ang problema ko, Carlos! Nagkarelasyon sila ng anak ko at nabuntis pa niya! Anong klaseng lalaki 'yan!" turo niya kay Quinn.

Nakita ko ang sakit na lumitaw sa mga mata ni Tito Carlos. Pero tila ako ang nanghina sa sinabi ni Tatay. Bumalik sa akin ang mga panahong ang Tito Carlos ang madalas na nagagalit sa kanya.

Parang binibiyak ang puso ko at gusto kong lumipat sa tabi ni Quinn.

"Matinong lalaki ang anak ko, Fonso. Pinalaki kong tumatayo sa kanyang responsibilidad tulad ng kung paano ako pinalaki ng Papa Eugenio. Alam kong galit ka dahil babae ang sa 'yo, pero sana naman ay hayaan mong makapagpaliwanag ang anak ko. Hindi niya rin alam na nagkaanak sila ni Royal." Matatag na pagtatanggol ni Tito Carlos.

"Dad.." mahinang tawag ni Quinn.

"Noong nagkaroon sila ng relasyon, hindi pa nila alam na magpinsan sila." Dagdag pa nito.

"Hindi niya dapat pinakasalan ang anak ko, nang walang abiso namin! Siya ang lalaki, siya dapat ang nagpunta sa bahay namin para hingin ang kamay ng anak ko," sagot ng Tatay.

Humarap ulit si Quinn sa amin. "Patawarin niyo po ako. Ako lang po ang may kasalanan. Gusto ko na po si Royal noong nalaman kong magpinsan kami. Pero ayoko na siyang mawala sa akin kaya agad ko siyang niyayang magpakasal. It was all my plan and she didn't know anything about being an Altamirano,"

"Pagiging makasarili 'yang ginawa mo, Quinn!" protesta ng Tatay. "Kung gano'n ay walang bisa ang kasal ninyo!"

Mabilis na sumagot si Quinn. "Legal pa rin po ang kasal namin. Pagkatapos kong mabasa ang sulat ng Lolo Eugenio ay pinaayos ko po agad ang legality nito. Pati ang pagkakarehistro. Ang korte na po ang nagbaba ng desisyon.. mag-asawa pa rin kaming dalawa at isa na siyang Santiaguel."

Natahimik kaming lahat. Ang mga magulang namin ay tila mga nasubugan ng bomba sa kanyang sinabi.

Ngunit sa huli ay ang Tito Carlos na ang bumasag sa katahimikan.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa inyo, Fonso. Kailan ko lang din nalaman ang tungkol sa mga bata at halos atakihin ako sa puso nang marinig ko. Kung wala ang apo natin ay baka hindi ko rin kayanin,"

"Tumigil ka nga, Carlos!" ani Tita Andrea.

Bahagyang ngumiti si Tito Carlos sa asawa. "Pag-usapan natin ito sa mahinahong paraan.." patuloy niya.

Unti-unti kong nilingon ang Tatay. Kahit ang labi niya at madiin pa rin ang pagkakalapat. "Tatay.." tawag ko sa kanya.

Nilingon niya ako at tinitigan. "Akala ko dati lalaking anak lang ang magpapasakit sa ulo ng mga magulang. Mas matindi pala sa anak na babae." turan niya sa akin.

Nasaktan ako roon. But I deserve it. Binalik niya rin ang tingin sa kay Quinn.

"Pumasok ka sa library, kakausapin kita." Bumitaw siya sa amin at tinungo ang sinabi.

Gusto ko rin sanang sumunod pero si Quinn na ang pumigil sa akin. Hinawakan ako sa aking siko at binulungan. "It's fine." At ginawaran ako ng halik sa noo bago sumunod.

Nag-aalala ako. Sobrang pag-aalala. Para kay Tatay at kay Quinn. Iyon na lamang ang laman ng isipan habang pinagmamasdan silang patungo sa library.

At nang ibalik ko ang tingin sa mga naiwan.. namimilog na mga mata pa rin ang sumalubong sa akin mula kay Nanay at Tita Andrea. Napalunok ako.

Was the kiss made them shocked?

Umabot ng halos isang oras ang pag-uusap nina Tatay at Quinn sa library. At sa loob ng mga oras na iyon ay walang nagtakang pumasok kahit na si Nanay.

Pinaghanda ko nang maiinom sina Tito Carlos. Sinamahan na rin nila si Niccola upang hindi mainip.

I waited outside. Palakad-lakad at halos gusto ko na ngang istorbohin sina Tatay sa loob.

Nang bumukas ang pinto ay naroon na ang Tatay. Buntong hininga lamang ang sagot sa akin at lumabas na. Nilapitan ko si Quinn at pinasadahan ang kanyang buong mukha. "Nagalit ba ang Tatay? Nasaktan ka ba?" pag-aalala kong tanong.

Tinitigan niya ako. At saka bumuntong hininga. "Mag-uusap pa sila ng Daddy. But don't worry.. it'll be fine."

Hinatak ko ang kamay niya. "Ikaw? Hindi ka ba nasaktan? Napagbuhatan?"

Bumuntong hininga siya at umiling.

Napapikit ako at tila gumaan ang aking dibdib. Sa pagbukas ko ng mga mata ay agad ko siyang nabungaran at bahagyang lumapit pa ang mukha sa akin. Kamuntik na akong mapaatras. "M-mabuti naman kung gano'n.." sapul sa kaba ang dibdib ko. Tumikhim ako at lumingon na lamang sa dereksyong tinungo ni Tatay. "Sundan na natin sila at saka.. hinahanap ka na ni Niccola."

Ilang oras pa ang lumipas. Pinapunta na ang buong pamilya sa library para pag-usapan ang tungkol sa amin ni Quinn.

Pagkatapos mag-usap ng mga magulang namin ay pinapasok na rin kami sa loob. Ang anak ko ay pinaakyat ko na muna sa taas kay Quinn dahil sa nakatulog na ito habang buhat niya. Magpapasuyo sana ako kay Nanay Nympha para bantayan siya pero nagpresinta na siya para sa akin.

Lumalim na ang gabi. Hindi na rin ganoong galit ang Tatay. Nakakangiti na. After all the talks he did with Quinn and with his parents, unti-unti nang nawawala ang matiim niyang mga mata. Binisita na namin ang Lola sa taas at pinaalam ang aming pakay.

And my Lola was the calmest among us.

Sa loob na rin ng library kami nagpahanda ng pagkain. Pero halos hindi rin nagagalaw dahil sa pag-uusap.

Nakaupo ako sa sofa, katabi si Quinn. Tahimik lang ako habang siya ang tagasagot kapag ang katanungan ay tungkol sa aming dalawa. Nahikab ako. And he saw that.

"Matulog ka na.. ako nang bahala rito." Bulong niya sa akin.

Tiningnan ko siya at umiling. "Hindi rin ako makakatulog nito agad."

Tumaas ang kamay niya at hinawi ang humarang hibla ng buhok sa aking mata. "Tabihan mo na sa taas ang anak natin.." he whispered again.

Umiling ulit ako. "Hihintayin ko 'tong matapos." Sabi ko kahit na namumungay na nga ang mga mata ko.

Dumikit siya sa akin at marahang binaba ang ulo ko sa kanyang balikat. "We'll wait together then.." he said.

Noong una ay gusto kong iangat ulit ang ulo. But when my head landed on his shoulder.. nakaramdam ako ng ginhawa. This is what I am looking for. Rest.

Kaya hinayaan ko na lamang. Sa gitna ng pag-uusap ng mga magulang namin.

Narinig ko ang suggestion ng petsa, venue, mga organizer at pati ang aming titirhan. So technically, tila namamanhikan na sila Quinn sa amin. Which is fine. Dahil mabilis din humupa ang galit ng Tatay ko na tila magic.

Papikit-pikit na ako nang yumakap ako sa braso niya. Nagsasalita si Quinn para sa kasal na gusto. And when he asked me, "You like that, babe?" malambing niyang tanong sa akin.

Napatango na lamang ako. Then he speaks again.

Nakikinig naman ako. Kaya alam kong ang kasal ay gaganapin dito sa hasyenda. And that will be the most awaited wedding of this town.

Why?

Dahil magsasama sa iisang lugar ang dalawang angkan. A Santiaguel-Altamirano nuptial.

And I am still thinking the outcome of it when the news bombarded the business world. At pati na rin sa mga babaeng naghahabol dito. 

Continue Reading

You'll Also Like

115K 3.3K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...