Marrianne's POV
KRING !!! KRING !!! KRING!!!
Oh my God,male-late na ako sa school , first day of school pa naman. Bakit ba kase hindi ako nakatulog ng maaga kagabi? Napatingin ako sa alarm clock ko na napakahina and it's already 6:57 in the morning na and I know na malalate na talaga ako. Firstday of classes Marianne late ka na kaagad? Jusko, bahala na si batman.
Hindi na ako nagpatumpit tumpit pa at agad akong bumangon at dumeretsyo sa bathroom ko. Dinalian ko ang pagligo at pati narin sa pagbihis, wala na akong pake kung malukot lukot ang uniform ko sa bilis ko magpalit, hindi narin ako nakapag-blower kaya mej basa basa pa ang buhok ko pero nasuklay naman. Pagkatapos kong nagbihis ay dali dali akong bumaba kasama ang bag ko.
"Marianne, anak kain ka muna, naghanda ako ng bacon and friend rice."
"Sorry mom pero late na talaga ako." Tumakbo ako sakanya at madali ko lang siyang hinalikan.
"Ingat anak. Enjoy your day."
"Yes mom!"
Hindi ko na naisipan pang kumain dahil wala ng time. So nung nakalabas na ako agad agad kong tinawag si manong rey yung driver namin.
"Manong Rey pwedeng ihatid mo po ako, hindi ko kase sanay magdrive ng mabilis kaya kayo nalang para kahit papaano ay safe parin akong makarating sa school, late na talaga kase ako manong."
"Ok! Eh bat ba kase ang tagal mong nagising iha? Hindi ka pa ata nag-aalmusal."
"Wala na akong time para magbreakfast manong, basta tara na. Sa school nalang ako kakain."
Agad namang pinaandar ni Manong ang sasakyan at tuluyan na kaming umalis ng bahay. Jusko naman kase Marianne.
*****
Binabagtas na namin nayon ang Maharlika Street. Pagdungaw ko sa bintana ay may nakita akong bagong bukas na cafe; Barrele cafe ang pangalan, gusto ko sanang bumaba para bumili ng waflle but as I said a while ago ay wala ng time, kaya I promised to myself nalang na pagkatapos ng klase ay doon ako dederetsyo, I love cafe kase eh.
Malapit na kami sa school, kasi natatanaw ko na yung building ng COSTARICA DEL PILLAR UNIVERSITY o mas kilala bilang C.D.P.U. Gaya kagabi ay bumalik na ang kaba ko kaya huminga ako ng malalim para maalis ito. Kaya mo yan Marianne, fighting!
Nang makarating na kami ay dali-dali akong bumaba ng kotse.
"Bye Manong Rey " sabi ko
"Sige ingat, HAVE A NICE DAY "
Hindi na ako nagpasalamat pa kay manong kase nga late na talaga ako. Kase naman eh, sa susunod matutulog na talaga ako ng maaga.
Napatingin nalang ako sa relo ko at tumambad saakin ang 7;45 A.M. Oh my ghod, late na ako ng fifteen minutes. Wala na akong pake sa sarili ko at napagdesisyonan kong tumakbo nalang kahit pagpawisan pa ako or maging losyang, basta kaylangan ko na talagang makapunta sa room namin. Baka mamaya masunget yung teacher namin ay madadli ako niyan.
Binilisan ko pa ang pagtakbo na halos hindi na ako tumingin sa dinadaan ko. Maya maya pa ay bigla nalang akong napadapa ng may nabangga ako, akala ko pader or puno iyon dahil sa sakit at tigas nito. Nahulog lahat ng books na hawak ko , pati mga notes at yung diary book ko nahulog din. Napatingin ako sa pinagkabanggaan ko ng laking gulat ko ng hindi pala pader o puno ang nabangga ko kundi lalake pala, napatingin ako taas baba sakanya at napakalinis niya, ang cool ng datingan niya at mukhang yayamanin. Bumaba siya para tulungan ako sa pagpupulot ng mga papel ko, wow naman! Ang gentle naman ni Kuya! Napatitig nalang ako sakanya habang pinupulot ang mga papel ko at aminado akong nagwagwapuhan ako sakanya.
Akala ko tutulungan nya ako kasi pinulot nya ang iba sa mga notes ko , pero laking gulat ko ng bigla nyang pinunit ito at sabing...
"What a Fucking You Are"
Gulat na gulat talaga ako as in sa mga sinabi niya. Nanlaki pa ang mga mata ko. Totoo ba yung mga sinabi niya? Totoo bang pinunit niya ang mga papel ko?
"Kilala mo ba kung sino ang binabangga mong babae ka?"
"Hi-hindi" nahihiya kong sagot
"Ako lang naman ito, si JOHN LIDEN LIM. Kami lang naman ang nagmamay-ari ng lugar na tinatapakan mo, Yes, saamin ang school na ito. Alam mo bang wala pang nakakagawa saakin niyang ginawa mo? Firstday of school ikaw na kaagad ang sumira. Haysst!"
Napayuko nalang ako bigla dahil sa hiya. Sinusubukan kong isipin na panaginip lang tong nangyayari saakin pero hindi. Nakabangga ako ng lalaking akala ko sa una ay napakagentle man pero apaka demonyo pala.
Hindi ko man nakikita ang mga estudyante na lumalakad at nakatingin saakin ay sobrang nahihiya ako dahil rinig ko ang mga sinasabi nila.
"Sobrang kapal naman ng babaeng yan, hindi ba niya kilala si Liden?"
"Deserved niya yan."
"Siguro sinadya niyang madapa para magpapansin kay oppa Liden."
"So phatetic!"
Huminga nalang ako ng malalim. Malakas ako at alam ko sa sarili ko na walang katotohanan yung mga sinabi nila. Walang katuturan kung magpapaapekto lang ako sakanila kaya iniangat ko ang ulo ko at dahan dahang tumayo. Inirapan ko nalang ang lalaking nabangga ko at dali dali akong tumakbo dahil late na late na ako dahil sa FELING, IMPAKTITO,ASUNGOT AT SA BWISET NA LALAKING YUN. Duh, kung sa school na pinagawa ng pamilya mo ako pumapasok , well sa mall na pagmamay-ari namin lagi ka dun noh! Sa CITYMALL kaya wag mo akong maechos echo na lalake ka.
What a memorable first day of school experience
Binilisan ko nalang muli ng pagtakbo kahit na pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Kainis naman kase. Sa dinami dami pa ng mababangga ko bakit yung lalaking yun pa?
After a few minutes ay nakarating na ako sa room namin. Bago ako nagpakita sa pinto ng room namin ay pinunasan ko muna ang mukha at katawan ko na pinagpapawisan. Huminga ulit ako ng malalim para marelax ang isip ako at tuluyan ko ng kinalimutan ang nangyaring pagkakabungo ko kanina. Thiz iz it Marianne!
"Good morning ma'am Chaves, good morning new classmates sorry im late" pagbati ko sakanila.
"Oh Ms. Baniqued! Good morning too, come here, go inside na."
Nakahinga nalang ako ng malalim dahil kahit papaano pala ay hindi masunget ang teacher namin.
"Ok ms. Baniqued introduce yourself in front, actually natapos na kanina yung iba so it's your turn to introduce your self"
Kinakabahan ako at nahihiya. Normal lang naman to kaya agad akong pumunta sa harap para i-introduce ang sarili ko. Napaghandaan ko naman na ito eh kaya Marianne relax.
"Magandang umaga! Maayong buntag! Makasta nga aggaw! Naimbag nga aldaw! Good Morning ladies and gentlemen, Iam Marianne Charrisse Baniqued you can call me as Marianne, from Eucariou's subdivision , Iam 17 yearsold turning 18 next month, Iam the youngest daughter of Mr.& Mrs. Allan Baniqued, my hobby is to draw something and playing tennis and last but not the least Iam pret..."
bigla nalang akong nahinto at natigilan sa pagsalita ng may narinig akong boses ng lalaki. Naghiyawan ang mga kaklase kong babae akala mo naman kung may artista na paparating, kaya na curious ako at lumingon sa may bandang pintuan. Laking gulat ko na halos lumaki ang mga dalawa kong mata ng biglang tumambad ang isang asungot, bwiset at impaktitong John Liden nayun. What is the meaning of this? Bakit nandito siya?
"Good morning ma'am"
Muli na naman akong nagulat sa mga sumunod na sinabi ni ma'am Chaves.
"Ok class, sya rin ay isa sa mga kaklase nyo ..ahm he's late because of the traffic, tama ba ako Mr.Lim?"
"Yes ma'am ang traffic kasi kaya ako nalate" pagsisinungaling nya kahit dumeretsyo sya kanina sa canteen.
Gosh! Iritang irita ako sa mukha niya. Kung kanina ay gwapong gwapo ako sakanya, ngayon ay panget na panget na ako sakanya. Like Duh! Kasing pangit niya ang ugali niya. Mas lalo akong nainis sakanya dahil sa pagsisinungaling nya and the worst is magiging kaklase ko pa sya. Ewan ko nalang kung paano ako makakasurvive kung araw araw kong makikita ang lalaking toh. Hayst, umupo nalang ako at hindi na tinapos ang introduction ko, hindi narin naman kase ako napansin ni maam at ng mga kaklase ko dahil lahat ng atensyon nila ay nakay Liden na yan.
"Ok, Mr. Lim please introduce yourself infront"
"Ok ma'am" sagot nya..." So Iam john Li..."
Bigla syang naputulang magsalita dahil sa lakas ng sigaw ng mga babae naming kaklase. Jusko! Patay na patay lang mga ghorl? Nu bayan anong meron sa lalaking yan bakit attract na attract sila sa bwiset na lalaking yan?
"Siguro kilala nyo na si Mr. Lim, kaya hindi na niya kaylangan pang magintoduce ng sarili. Kaya please sit down besides Ms. Baniqued chair's para masimulan na natin ang klase." said ma'am Chaves sabay turo sa kinauupuan ko.
Napanganga nalang ako sa gulat. Ano raw? Magiging katabi ko ang impakto na lalaking yan? Why naman ang bad mo tadhana? Bakit naman ganito ang first day of class ko?
Lumapit sya saakin na nakangiti ,hindi ko sya tinitigan. Gusto ko sana syang pigilan na tumabi sakin dahil iritang irita ako sakanya pero nakakahiya ako kase first day of school.
"Hi miss!"
Wow! Kung umasta siya parang walang naagyari. Maka-hi siya ng wagas, akala mo naman hindi niya pinagpupunit yung mga papel ko. Makangiti siya saakin, akala mo naman hindi niya ako pinahiya sa harap ng maraming tao. Kaya gaya ng dati ay inirapan ko nalang siya at nakinig nalang sa klase.
First day of classes as a collage student but it is my worst day ever.