7 Ways to Become Beautiful

By SecretlyAPanda

25K 546 105

Meet Luisa. Siya ang babaeng aminadong pangit and halos wala na siyang pakialam. Kung tutuusin, proud pa ng... More

Prologue
Ask Miss Pretty!
Way #1 (Part 1)
Way #1 (Part 3)
Way #2 (Part 1)
Way #2 (Part 2)
Way #2 (Part 3)
Way #3 (Part 1)
Way #3 (Part 2)
Way #3 (Part 3)
Way #3 (Part 4)
Way #3 (Part 5)
Way #4 (Part 1)
Way #4 (Part 2)
Way #4 (Part 3)
Way #4 (Part 4)
Way #4 (Part 5)
Way #4 (Part 6)
Way #5 (Part 1)
Way #5 (Part 2)
Way #5 (Part 3)
Way #5 (Part 4)

Way #1 (Part 2)

1.3K 27 4
By SecretlyAPanda

Huminga ako ng malalim.

Breath in. Breath out.

Ang bilis ng tibok ng puso. Lalabas na yata.

Pero kaya ko 'to.

Tandaan mo, Luisa. Maganda ka. Maganda ka.

Napakaganda mo! Kasing ganda mo na si Aphrodite!

Heck, Ikaw na nga si Aphrodite!

Hindi na ikaw yung pangit na si Luisa, ikaw na ang magandang dyosang si Aphrodite. At si Aphrodite ay walang pakealam sa opinions ng iba kasi maganda siya.

Sexy ka at may line ka ng manliligaw sa likod mo!!!

Huminga ulit ako ng malalim. Lunch time na at makikipagkita na ako sa mga friends ni Neon para sa date namin. (AYYIIIEE. XD) 

Kaya ko 'to.

Then, I started walking.

Lumakad ako papunta sa rooms ng seniors. Todo ako sa kembot. Feel na feel ko ang kagandahan ko.

Kembot to the right,

kembot to the left,

and shake it all around. XD

Remember: If you feel pretty, you'll be pretty.

Feel ko na! Kembot na lang. Shake lang ng puwet. Oh yeah. 

Kahit mataba ako, nararamdaman ko na rin na sexy ako. 

Sige, Luisa. No, si Aphrodite ka na nga pala. Kahit mataba ka at maitim, sexy ka pa rin. Napaka-sexy mo! Napakaganda mo! Go lang ng go! Ayan, ishake mo pa ang puwet mo! Shake! Shake! Shake!

Nagji-jiggle na ang bilbil ko pero todo pa rin ako sa kembot habang naglalakad.

Ba't ngayon ko lang naisipan maging maganda? 

Pag tingin ko sa iba, lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakanganga.

Siguro napatigil sila sa presence ko. Ang ganda ko kase. Tumitibok na ang puso nila. Ay, naku!! At awe sila sa mere presence ko. Ang laking problema talaga ang maging maganda, nagiging distraction sa iba. XD

"Sorry, but you aren't a senior," lumapit sa akin ang isang magandang babae na sigurado akong senior. "So you should, like, get out? Make layas?"

Humawak ako sa bewang ko (See? Naka-sexy pose ako!) . "Excuse me?"

"I said, lumayas ka!" sinabi niya na parang naiirita. "Hindi ka bagay dito. Pangit mo!"

"Pangit ko? Bulag ka ba? Maganda po ako!" Finefeel ko na ang beauty ko. 

Hay. Maganda ako. Maganda ako!!!

"Oy! Sandra!" bigla kong narinig ang boses ni Neon.

Tapos parang naging hearts na lamang ang eyes nung girl. Tumalikod siya at tumingin kay Neon. Mukhang kinikilig. Asus, kinilig siya sa date ko?!? Ang feeler niya. No matter how pretty siya, mas pretty ako!

Tapos ang panget ng name niya. Sandra? Eew. Buti pa ang akin, Aphrodite. Este Luisa.

"B-bakit?" tanong ni Sandra.

Lumakad palapit sa amin si Neon. Pero woah lang ha. Parang nag-slow motion ang lahat at nawalan ng kahit anong ingay. Tapos parang may pa-wind effect pa sa buhok si Neon. Naka-sun glasses pa siya sa loob ng room.

In other words: Ang hot niya.

"Kasama ko siya," sabi niya kay Sandra habang tinuturo ako.

Tumalikod siya at bumalik sa pinanggalingan.

Binigyan ko ng belat si Sandra at sinundan na si Neon. 

May kasama siyang dalawang lalake at tatlong babae. At grabe lang ha. Halos lahat sila, parang kumikinang! O_O Nasisilaw ako!!!

"She's the girl I was talking about," sabi niya. "Her name's..."

"Aphro-I mean, Luisa," sagot ko. T___T Close call na 'yun ah!

"Ah! Siya ba yung proud na proud na siya'y pangit?" tanong nung isang guy.

Mukhang nakakatakot siya at ma-angst. Tapos parang may aura siya na black. Sheesh. Parang emo.

"Yeah, Orion," sabi ni Neon sa kanya. "Go on, ask her,"

Ako ba?! @__@ Anong tatanong sa akin? At akala ko ba may date kami?!? Ano ba ang nangyayari?

Oh well, basta maganda ako! ;)

"Hey, Luisa!!" sinabi nung isang babae. "Are you pangit?"

Hindi pa ako nag-iisip, lumabas na ang mga salita sa bibig ko. "No, I'm the most beautiful girl in the world,"

Bigla silang tumawa. >____<

Ano ba problema nila? Hindi ba nila nafe-feel na maganda ako?!? Feel ko naman ah! Hinawakan ko ang feel kong sexy kong waist.

"What's wrong?"

"Hahahaha! Nothing! You're just so funny!" sabi ni Neon na parang hindi na maka-hinga kakatawa. "You're the most beautiful girl in the world?"

"YES!"

"Aling world? Mars?" tanong nung isa pang girl.

"Well, kung gusto mo," sabi ko. "Most beautiful girl ako on both Earth and Mars,"

Lalo lang lumakas ang tawa nila. -___-

"Guys!!" sigaw ni Neon.

Napatingin tuloy lahat ng seniors sa loob ng classroom sa kanya. 

Tumingin sa akin si Neon. "How pretty are you?"

"I am as pretty as godesses. I am an angel. I am beauty itself," sinabi ko kay Neon na nakangiting nakangiti.

Then, nag-burst out ang class katatawa.

...

Nakaramdam ako ng matinding hiya. >.< Tawa lang sila ng tawa sa akin. Yung iba, nagpopoint pa ng fingers. Para lang akong hayop sa zoo.

Tiningnan ko si Neon. Siya ang may pinakamalakas na tawa sa kanilang lahat.

Ngayon ko lang na-realize 'to. Ang maganda palang pakinggan na tawa niya ay dapat ko palang isipin as an insult. Pinagtatawanan niya ako.

Ang sakit naman isipin. Ang sakit isipin na pinagtatawanan ako ng crush ko.

Naiiyak na ako.

Bakit ganun?

Nabulag ata ako. Masyado kasing nakakabulag ang kanyang shiny-shiny na kagwapohan.

"Tigil na kayo..." sinabi ko ng mahina.

Lumapit lang sa akin si Neon at lalo akong tinawanan. "Sinong may sabi? Beauty itself?"

Lumakas lalo ang halakhak sa loob ng classroom.

*SLAP*

Wala na akong nagawa. Sinampal ko na lamang si Neon.

Ngayon, bigla namang tumahimik ang buong classroom. Parang in-shock ang lahat sa ginawa ko.

Kahit ako, in-shock. Paano ko 'yun nagawa?

Pulang pula ang pisngi ni Neon. Hindi rin siya gumagalaw.

Bakit ko nga ba siya nasampal?

Ay, oo nga. 

"Grabe, ano? Ang gwapo mo!" sinabi ko ng sarcastic at umalis na ako palabas.

Paglabas ko ng pinto, tumakbo na lamang ako. Wala na akong nakikita dahil patuloy ng dumadaloy  ang luha ko.

*WHAM*

Ayan, may nakabangga na naman ako. Malas nga naman.

Pero tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Lu-Luisa? Ok ka lang ba?!?" tanong sa akin ni Jean.

----

Chapter is done!

Continue Reading