Way #2 (Part 2)

1.2K 26 0
                                    

Bakit ako natatakot sa PE?

Well....

Let me explain.

GUTOM PO AKO. Na-experience mo na ba yun? Yung parang kumukulo na ang tiyan mo, puno na ng laway ang bibig mo pero wala ka pa ring makain? Tapos parang natatakam ka sa mgapagkain na dala ng mga tao sa paligid mo? Then, feeling mo talaga mabubutas na ng acids ng laway mo ang tiyan mo?

MAHINA NA RIN PO AKO. Bakit? Hindi ka ba nakakarelate dito 'pag gutom ka? Yung parang sa sobrang ayaw mo maramdaman ang gutom mo, mas gugustuhin mo na lamang matulog? Lalo na kasi estudyante ako, naglalakad pa ako papuntang school. At dahil pangit ako, wagas ang mga utos sa akin ng mga teacher kong tamad. XD

At lastly, GUTOM PO AKO. ...teka, parang umulit. Oh di ba? Pag gutom ka, hindi mo na alam kung anong pinagsasabi mo.

Kaya isipin mo, MAY POWER PA BA AKONG MAG-PE?!?

Kasi kung sasabihin mong oo, sasakalin kita! Aba! Maawa ka naman sa akin! First day ko lang to ng diet! Wala pa akong "period of adjustment". XD  (Inglishera na po ako!)

Ang masama pa: Dodgeball kami ngayon.

Usually, game ako sa mga ganitong laro. Ako nga lang sa mga girls ang mahilig dito eh. Kasi, sabi ng ibang mga girl classmates ko, baka daw matamaan sila ng bola. Buti na lang ako, pangit. Kahit anong tama ng bola sa face ko, walang magbabago. Pangit pa rin!

Ready...Set...Go!

*WOOOSH*

Kasi nga pangit ako at maaarte ang mga kaklase kong babae, ako lagi ang inu-una ng mga lalake. -_____-" Pero, dahil dito, mabilis na ang reflexes ko! Nakakasambot pa ako ng bola!

Kaya naman, yung nag WOOSH na bola sa harapan ko, nasambot ko! 

Ha! Kahit pangit at pagod, magaling pa rin ako sa sports! Woo Hoo! Extra life kasi pag nasambot! YEAH!!!

Then, nag-rumble ang stomach ko. TT___TT Gutom nga pala ako.

*Woosh*

May bola nanaman! Iniwasan ko agad.

*Woosh* *Iwas*

*Woosh* *Iwas*

*Woosh* *Woosh* *Woosh*

*Iwas* *Iwas* *Iwas* 

Teka, BAKIT AKO ANG PINUPURO NG MGA KAKLASE KO!?!? AKO LANG BA ANG TAO SA MUNDO? ABA!

Napapagod na ako, ramdam ko na pawisan na talaga ako. Basang-basa na nga ang PE t-shirt ko.

*Woosh*

Nasambot ko ang bola. Tiningnan ko ng masama yung nagtapon sa akin. Kanina pa kasi siya eh! Nakakainis...

*BOOGSH*

If you thought na ako yung natamaan, nagkakamali kayo.

Binato ko lang naman yung nagbato sa akin nung ball. Sapol! Hahahaha~

"Ramos! Mag-ayos ka!" sigaw ng PE teacher namin.

TT___TT Ako na nga ang tinatarget, ako pa ang napagalitan.

*BOOGSH* 

Aray. Ansaket.

Opo, ngayon, ako na ang natamaan ng bola. Huhuhuhuhu. Sa ilong ko pa sumakto. TT_____TT

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now