Way #4 (Part 4)

440 13 1
                                    

"AAAAAAH!"

"Ay, ma'am. Sorry po!" kinuha ko yung tissues sa tray at pinunasan yung legs niya.

After school, pumunta na ako sa Artista Infinity Café. Actually, 3rd day ko na ngayon sa part-time job. Nagseserve ako ng coffee sa tatlong babaeng customers nang matalapid ako at nabubo ko yung coffee sa isa sa kanila. Uh oh.

"You're so clumsy kasi eh! Don't touch my legs, akin na yang tissues!" hinablot niya yung tissues at siya na ang nagpunas. 

"Such bad service. Akala ko pa naman star treatment ang trato sa atin dito. Such a lie," sabi nung friend niya.

"Star treatment? Star treatment ba ang may magserve sa'yo ng coffee na unggoy in a dress?" tumawa yung isa.

"Sorry po talaga. Hindi ko sinasadya," sabi ko, nagpipigil. Aba, kasalanan ko bang pink maid outfit ang uniform namin? Eh, sa hindi sa akin bagay. Wala naman akong magagawa dun.

"Don't mind her, bestfriend. She's just jealous of your flawless legs. You know naman what unsecure people do, di ba?" sabi nung isa.

Ang feeling naman nila. Mas malala pa ang pagiging feeler sa akin! Eh, halos magkakamukha rin naman kami! Flawless lang skin nila. Wala naman kasi kaming aircon, 'yan tuloy, puro kagat ng lamot ang legs ko.

"Sorry po ulit," pangatlong beses ko na sinabi. "Kukuha ko na lang po kayo ng bagong coffee."

"O sige, miss unggoy," tapos tumawa silang lahat, parang nakakatawa yung sinabi niya. Eh, mas nakakatawa naman mga mukha nila.

Pero pinakanakakatawa pa rin mukha ko. Tawa tayo? Ha-Ha-Ha. Huhu.

Tahimik akong bumalik sa kitchen at kumuha ng bagong kape. Masaya naman ako dito, mabait ang mga kasama kong waitresses tapos okay rin naman ang sweldo.

"Dahan-dahan ha? Pagkatapos mo ibigay yan sa tres marias, ibigay mo naman 'tong coffee sa table 3," sabi ni manager.

Bumalik ako sa table nung tres marias at binigay na yung coffee sa babeng nabubuan ko.

"Order rin pala ako ng slice of cheesecake." sabi niya. "Careful ha. Mahal ang cheesecake. Kapag natapon mo yan, wala nang matitira sa sweldo mo."

Um-oo na lamang ako at pumunta na sa table 3.

AAAAH! Ang sarap nilang iluto sa kape! Porke't afford lang nila mag-café, ang taas na ng tingin sa sarili! Afford ko rin dito n'oh!

Tiningnan ko yung price ng cheesecake. 

Ay, hindi pala. Sige, mag-iipon na muna ako. >.<

Tumigil ako nung makita ko kung sino yung nasa table 3. Si Orion.

Nasa table 4 pa lang ako, nagsimula na siyang magsalita. "Ano ang alam mo sa kanila? Sabihin mo sa akin."

"H-hindi ko po alam ang tinutukoy niyo, sir," sagot ko, dahang-dahan lumapit. Kunwari na lang hindi ko siya kilala.

 "Yung totoo?"

"Hindi ko nga po--" hindi ko agad napansin na hinarang niya ang kanyang paa sa daan ko at natalapid ako ulit. Natapon ko yung kape sa floor.

"Ang clumsy mo naman," nag-smirk siya. "Kung hindi ka sasagot, kaya ko pahirapan ang buhay mo."

"Kukuha na lang po ako ng bagong kape," kunwari hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. Hindi ko naman talaga kasi alam kung anong tinutukoy niya.

Pabalik na ako sa kitchen nang madaanan ko yung table nung tres marias.

"Ang clumsy talaga. Tsk."

"What do you expect? Unggoy nga eh."

Hay buhay. Ang raming tao sa mundong ito ang kailangan iligo sa kumukulong kape. Haha. Nakakapayat kaya yun? Try ko kaya. XD

Binigay ko yung cheesecake doon sa tres marias at dinala ko na ulit yung kape kay Orion. This time, iniwasan ko na yung paa niya. Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me.

Oh, di ba? English yun! Haha.

"Sige, pwede ka nang umuwi. Ako na ang kukuha sa payment nila." sabi ni manager. "Ingat sa kape next time, ha?"

YEHEYYY! Dali-dali akong nagpalit at tumakbo palabas na café nang makita ko si Jean.

"JEAN!" tawag ko.

Nung lumingon siya, mukhang haggard na haggard. Pero 'wag kayong magkakamaling isipin na mukha na siyang pangit, hindi no! Stressed lang.

"Luisa! Buti na lang at nagkita tayo" sabi niya tapos binigay niya sa akin yung hawak niyang notebook at school camera. "I'm really sorry but pwede bang humingi ng favor?"

"Ano ba yun?"

"I was on my way to a friend's house and narealize ko na wala pa pala akong ina-assign sa newspaper natin na mag-interview ng students sa school natin. Nagvolunteer kasi yung iba sa Build-A-House project. Ako na lang sana pero may kailangan talaga akong gawin ngayon eh. Pwede bang ikaw na lang ang mag-interview?" in-explain niya sa akin habang sumisilip sa relo niya.

"Um. Sige?" kahit pagod na ako, pumayag na rin ako. Mukha naman kasing importante yung pupuntahan niya. "Saan ba yun?"

"Thanks a lot, Luisa! Malapit lang siya. Go straight ahead and you'll see a sign," sabi niya. "Sige, I need to go. Thank you again."

Bumalik na siya sa direction na pinanggalingan niya at naglakad naman ako sa direction na tinuro niya hanggang may nakita akong tarpaulin: BUILD-A-HOUSE PROJECT STRAIGHT AHEAD. VOLUNTEER NOW!

Nang makarating ako, napansin kong kakaunting tao na lang ang natitira. Nagsimula na akong maghanap ng mga schoolmates ko.

Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap, may nagsabi sa akin na karamihan na daw kasi ng nagvolunteer, kasama na dun ang schoolmates ko, ay umuwi na. Bukas na lang daw sila babalik. Pero may lima pa daw akong schoolmates na tumutulong pa.

Habang hinahanap nung nakausap ko yung mga classmates ko, pinukturan ko muna yung ibang mga mangagawa at yung ginagawa nilang mga bahay. Karamihan sa kanila, mukhang pagod na pagod na, mabagal na kasing gumalaw. Pero may isa akong nakitang lalaki, na naka-long sleeves at baseball hat, na parang bibong bibo sa paghuhukay.

Lumapit ako sa kanya pero hindi niya ako napansin kasi nakatalikod siya sa akin. Medyo nakakatawa siya tingnan kasi parang binubuhos niya lahat ng galit niya sa paghuhukay. Ang rami niyang energy. Ang galing naman niyang volunteer!

Pinikturan ko yung likod niya at lumapit para kausapin.

"Excuse me, sir. Ang galing niyo nama -- " napatigil ako kasi halos tumalon yung lalaki sa gulat. Humarap siya sa akin at ako naman ang nagulat. "N-Neon?"

Nanlaki ang mga mata ni Neon at nabitawan niya yung kanyang shovel. Parang frozen in place siya nung nakita niya ako.

"Bakit ka nandito?" tanong ko. Hindi ko in-eexpect na isang spoiled brat na si Neon ay magvo-volunteer para gumawa ng bahay. Dare kaya 'to? Nakipag-pustahan kaya siya? 

Hindi siya sumagot. Tumungo lang siya at tumakbo na papalayo. Naiwan ako sa kinatatayuan ko, nagtataka.

Ano na kaya ang nangyayari sa lalaking yun?

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now