Way #1 (Part 1)

1.6K 35 4
                                    

(-__-)

(o___o)

(-___-)

(o__o)

Ito lang ang ginagawa ko for the past 5 minutes. Naka-stare lang ako sa papel sa harapan ko.

Wala akong maisip na tip. -___-"

Bakit ba naman kasi kailangan pa magpaganda? Eh, kung pangit ka, masanay ka na! Walang magagawa eh. Hindi ko naman kasalanan kung pangit ka. Hindi mo rin naman kasalanan kung bakit pangit ako. So why worry?

HAAAYYY. Kung ganyan lang kadali ang buhay. T__T

Ang kulit kasi ni Jean. Kung hindi lang siya mas matanda sa akin...

Baka nagtataka kayo, bakit ko ka-close ang isang hot (yes, HOT) na senior?

Well, simula freshman pa lang ako, kasali na ako sa "The Chatbox". And dati, taga-gawa lang ako ng horoscopes. -__-" Si Jean naman, journalist na talaga. So tuwing nagmemeeting dati, kami lagi ang nagkakalapit. I have no idea why pero masaya ako kasi naging close kami gawa nun.

"Anak! Aalis na ako!" narinig ko ang sigaw ni mama.

"Sige, ingat!" sigaw ko pabalik.

Si mama kasi ay nagtatrabaho bilang yaya. Malapit lang naman ang bahay ng pinagtatrabahuan niya kaya pinapayagan siyang umuwi tuwing gabi. Wala kasi akong kasama sa bahay 'pag hindi siya umuwi.

Pero hoy! 'Pag nilait mo ang mama ko sa pagiging yaya, makakakuha ka ng sapok! Hindi nakakahiya ang magtrabaho para sa nag-iisang anak. Kaya proud ako na yaya ang mama ko! Ibig sabihin lang nun ay masipag siya!

Pag-alis ni mama ay umalis na rin ako.

Habang ako'y naglalakad sa school (private school siya, scholar ako. :P), iniisip ko kung anong pwede kong tip 1.

*KRINNG*

O.o May nagca-call sa phone ko.

Opo. Kahit hampas lupa akong pangit, may cellphone po ako. Wala siyang camera o kung anu-anuman na nakikita sa phone. Pangtext at call lang po siya. Second hand ko pa nga binili. XD

"Hello?" tanong ko.

"Anak? Pwede ka bang pumunta dito sa mansion? Nalimutan ko ang susi ko. T___T" narinig ko sa other end si mama.

"Sige, sige," sabi ko. "Bye,"

Bumalik ako sa bahay at kinuha ang susi ni mama. Buti na lamang hindi pa ako napapalayo masyado sa bahay. Kung hindi, mamamayat ako sa pabalik-balik ko. XD Malilimutin siya, anong magagawa ko?

At naglakad na ako papunta sa mansion.

Actually, kahit 3 years na si mama nagtatrabaho sa kanila, hindi ko pa rin nakikita yang mansion na yan. Wala naman akong reason para pumunta doon eh. Bakit pa ako pupunta? Baka mautusan pa ako ng pamilyang nakatira dun. T__T Tamad ako, hindi ba halata sa fats?

Pero...WOW lang ha.

Pagliko ko ng corner, nakita ko ang tinutukoy na mansion ni mama. And mansion nga siya! Grabe!!! Ang laki!!! Parang kumikinang pa nga sa ganda! O.O

Nagpakilala ako sa guard (may GUARD pa silang nalalaman!!) at pumasok sa loob. There, nakita ko ang mama ko.

"Ito po," sabi ko. Binigay ko ang susi.

"Thank you talaga, anak! Nakakatamad kasing umuwi pa. XD Eh, tatlong kanto rin ang lalakarin ko!" sabi ni mama.

T_T Limutin niyo na yung sinabi kong proud ako sa sipag ng mama ko. Tamad din naman pala.

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now