Ask Miss Pretty!

2.2K 49 4
                                    

Tip toe. Tip toe. Tip toe.

"Ehem," may narinig akong husky voice sa likod ko.

Tumigil ako at dahan-dahang humarap sa boses. Galing 'to kay Jean Guiden, the totally hot single fourth year student. (Hindi po ako malandi. Sinasabi ko lang ang totoo XD)

Binigyan ko siya ng sheepish smile. "Uh...Ako ba?"

"Yes, ikaw," sabi niya sa akin. Tapos, he motioned me to come closer to him "Dalika,"

Dahan-dahan din akong lumapit sa kanya.

Katatapos lang kasi ng meeting of the school journalists. Pinag-usapan namin ang next issue ng "The Chatbox". Ito ang official newspaper ng school namin. And I was hoping hindi ako mapapansin ni Jean. Siya kasi ang Editor-in-Chief namin.

Nang magkatapat na kami, nagsalita ulit siya. "Nasaan ang article mo?"

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. "Nasa pwet ko, nagkakape,"

"Miss Ramos," T__T Seryoso niya akong tiningnan.

"Mr. Guiden," T___T Kinopya ko siya. 

Kinamot niya ang ulo niya. "Ang hirap mo namang kausap,"

Binigyan ko siya ng smile.

"Tama ka! Kaya dapat, iwasan kita! Para hindi ka mahirapan!" Dahan-dahan akong naglakad papuntang pinto. "Sige. BYEE!!!"

Tumakbo ako sa door at hinawakan ang doorknob. Tinurn ko siya pero walang nangyari. O.o Sinubukan ko ulit. Wala din. 

"Nilock yan ni Mariel," sabi ni Jean. "Kaya wala kang takas,"

Si Mariel ang aming copy-reader. T__T Best friend ko siya. Well, former best friend. Why?

KASI BEST FRIEND KA BA KUNG IIWANAN MO ANG BEST FRIEND MO SA LOOB NG ROOM KASAMA ANG KANYANG EDITOR-IN-CHIEF?!?

Well, ang laki naman kasi ng crush ni Mariel kay Jean eh. Pssh. 

"Kailangan ko na po umalis," sinabi ko habang lumapit siya sa akin.

Kailangan ko nang umalis! AHH~ Papatayin ako nito. Masyado pa akong pangit para mamatay. Kulang ang pangit sa mundo, dapat magaganda na lang ang pinapatay. 

"Nasaan ang article mo?" tinanong niya sa akin. 

\(=O=")/ Tulungan niyo ako! Papatayin na ako! Kyaa~

"A-Aling article?" sabi ko, acting innocent.

Binigyan niya ako ng isang nakakakilabot na smile. OMG, mamamatay na nga ako!!

"Luisa, iisa lang naman ang article na kailangan mong isubmit sa akin. 2 weeks ka nang late," sinabi niya. 

Ayan na! Lalabas na ang demonyo!!! 

"Hindi ko pa nagagawa," sinabi ko.

Pinikit ko ang mga mata ko. Hinihintay ko na siyang mag-explode. Ayan na...Sisigaw na yan....Babatukan na ako....Ayan na....Malapit na....

Parang angtagal. Kelan ba nito ako babatukan? (-__-)

Sige, silip sa isang mata. (-__o)

(o____o) 

Instead na ako ang saktan niya, hinahampas niya ang ulo niya against the wall. 

*Dug* Hinampas niya ang ulo niya ng isang beses. 

*Dug* Dalawang beses...

*Dug* Pangatlo...may lumalabas nang dugo?!?

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now