Way #1 (Part 2)

1.3K 27 4
                                    

Huminga ako ng malalim.

Breath in. Breath out.

Ang bilis ng tibok ng puso. Lalabas na yata.

Pero kaya ko 'to.

Tandaan mo, Luisa. Maganda ka. Maganda ka.

Napakaganda mo! Kasing ganda mo na si Aphrodite!

Heck, Ikaw na nga si Aphrodite!

Hindi na ikaw yung pangit na si Luisa, ikaw na ang magandang dyosang si Aphrodite. At si Aphrodite ay walang pakealam sa opinions ng iba kasi maganda siya.

Sexy ka at may line ka ng manliligaw sa likod mo!!!

Huminga ulit ako ng malalim. Lunch time na at makikipagkita na ako sa mga friends ni Neon para sa date namin. (AYYIIIEE. XD) 

Kaya ko 'to.

Then, I started walking.

Lumakad ako papunta sa rooms ng seniors. Todo ako sa kembot. Feel na feel ko ang kagandahan ko.

Kembot to the right,

kembot to the left,

and shake it all around. XD

Remember: If you feel pretty, you'll be pretty.

Feel ko na! Kembot na lang. Shake lang ng puwet. Oh yeah. 

Kahit mataba ako, nararamdaman ko na rin na sexy ako. 

Sige, Luisa. No, si Aphrodite ka na nga pala. Kahit mataba ka at maitim, sexy ka pa rin. Napaka-sexy mo! Napakaganda mo! Go lang ng go! Ayan, ishake mo pa ang puwet mo! Shake! Shake! Shake!

Nagji-jiggle na ang bilbil ko pero todo pa rin ako sa kembot habang naglalakad.

Ba't ngayon ko lang naisipan maging maganda? 

Pag tingin ko sa iba, lahat sila ay nakatingin sa akin. Nakanganga.

Siguro napatigil sila sa presence ko. Ang ganda ko kase. Tumitibok na ang puso nila. Ay, naku!! At awe sila sa mere presence ko. Ang laking problema talaga ang maging maganda, nagiging distraction sa iba. XD

"Sorry, but you aren't a senior," lumapit sa akin ang isang magandang babae na sigurado akong senior. "So you should, like, get out? Make layas?"

Humawak ako sa bewang ko (See? Naka-sexy pose ako!) . "Excuse me?"

"I said, lumayas ka!" sinabi niya na parang naiirita. "Hindi ka bagay dito. Pangit mo!"

"Pangit ko? Bulag ka ba? Maganda po ako!" Finefeel ko na ang beauty ko. 

Hay. Maganda ako. Maganda ako!!!

"Oy! Sandra!" bigla kong narinig ang boses ni Neon.

Tapos parang naging hearts na lamang ang eyes nung girl. Tumalikod siya at tumingin kay Neon. Mukhang kinikilig. Asus, kinilig siya sa date ko?!? Ang feeler niya. No matter how pretty siya, mas pretty ako!

Tapos ang panget ng name niya. Sandra? Eew. Buti pa ang akin, Aphrodite. Este Luisa.

"B-bakit?" tanong ni Sandra.

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now