Way #4 (Part 2)

579 9 0
                                    

“Tahan na,” naririnig kong binubulong sa akin ni Jean. “Huwag ka nang umiiyak. Hindi bagay sa mga babae ang mga umiiyak. Lalo na sa’yo, Luisa.”

Imbis na tumahimik ako, lalong lumakas ang mga hikbi ko. Hindi ko na talaga mapigilan. Lumalabas na talaga lahat ng hinanakit ko. Biglang dumaan sa isip ko lahat ng taong sinabihan ako ng pangit. Lagi na lamang akong naglalakas loob. Lagi ko na lamang pinapakita sa kanila na hindi ako naaapektuhan.

“Shh. Hindi nga bagay sa’yo ang umiiyak, Luisa. Tahan na,” naririnig ko nanaman ang mga bulong ni Jean. Pinipispis niya ang likod ko habang nakayapos ako sa kanya.

Buti pa si Jean. Kahit alam kong mga kasinungalingan lang ang mga sinasabi niya para mapatahan ako, at least nirerespeto niya ako. Never ko pa sa kanya narinig na pangit ako.

“A – ayaw ko na,” bulong ko sa kanya. “Sumosobra na sila.”

“Sino?” tanong ni Jean. Tumigil na siya sa ‘pag pispis ng likod ko. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa pisngi ko at pilit niya tinataas ang ulo ko. Pero nanatili akong nakatungo, ayaw kong makita ni Jean ang itsura ko ngayon. Siguro mandidiri na talaga siya.

“Lahat si – sila!” sabi ko. “Hindi ko maintindihan! Pinapakita ko naman sa lahat na hindi ako affected tuwing niloloko nila ako pero bakit hindi sila tumitigil? Hindi ba sila nagsasawa?”

Tahimik ng ilang segundo ang paligid. Nagsalita na ulit ako. “Ako nagsasawa na eh! Oo, pangit ako! Oo! Paulit – ulit na lang. Alam na yan ng lahat! Hindi na kailangan ulit – ulitin pa. Pangit na! Pangit na ako!”

 “Luisa, ‘wag mo yan isipin,” bulong ni Jean.

“’Di ba?” tanong ko. “Kahit ikaw, hindi mo ma-deny na pangit nga ako. Nakakainis talaga! Ang masama pa, wala akong masisisi. Sino ba ang sisihin ko? Sino? Yung mga taong nagsasabing pangit ako? Eh, sinasabi lang naman nila ang totoo. Yung mga magulang ko dahil sa kanila ko nakuha genes ko? Eh, hindi naman sila pangit eh. Ang swerte ko nga at pinalaki nila ang isang katulad ko. Ako ba? Sisisihin ko ba ang sarili ko dahil pinanganak ako ng ganito? Wala din naman akong magagawa. Kung kaya ko lang i-control ang mukha ko, matagal ko na siya inayos. Wala akong masisisi eh. Yun yung masakit.”

Tahimik lang ulit si Jean. Wala siyang masabi. Hindi ko naman siya masisisi; ano ba ang pwede mong i-counter sa mga pinagsasabi ko? Hindi mo naman madedeny na may katotohanan ang mga salita ko.

Ngunit okay lang. Ang gusto ko lang naman ay isang taong makikinig. Wala naman talaga kasing makaka-relate sa sitwasyon ko. Ngayong naibuhos ko na lahat, pwede na ako bumalik sa dating Luisa. Yung Luisang nagbibingi-bingihan sa lahat ng insultong ibinabato sa kanya.

Dahan – dahan tumigil ang mga luha ko. Gaano na kami katagal dito? Habang nakatungo pa rin ako, pinunas ko na ang mga luha sa mga mata ko gamit ang palad ko.

Teka, hindi ba’t may kasama nga pala si Jean kanina? Nasaan na sila?

“Wala rin palang laman yang utak mo, ano?”

Sa gulat ko, napatingala ako para titigan si Jean. Mukha rin siyang gulat. Hindi siya ang nagsalita eh. Hindi niya boses…

Nang tumingin si Jean sa kanyang left, tsaka ko lang narealize na kasama pa rin pala namin yung mga kaibigan niya. Sinundan ko ang gaze ni Jean at nakita kong may tatlong lalaking nakatayo sa tabi namin.

Ang isa’y hindi ko pa nakikita, siguro siya yung tinutukoy ni Jean na kaibigan niyang bumisita galing sa ibang school.

Yung isa naman ay si Orion, na iniiwasan ang tingin ko.

Ang huli…Ang huli ay yung nagsalita.

Si Neon.

“A – ano?" mahina kong tanong. Medyo shaky pa ako pagkatapos umiyak.

“Ang sabi ko, walang laman yang utak mo.” Kahit medyo harsh yung sinabi niya, walang init sa boses niya. “Sabi mo problema mo ang pagiging pangit, di ba? Bakit ka naghahanap ng sisisihin? Hindi hinahanapan ng masisisihan ang problema, sinosolve ito.”

For once, at loss ako kung anong sasabihin. Seryosong nakatingin sa akin si Neon.

Halata mo sa mukha niya na nagagalit siya, pero nararamdaman kong hindi sa akin.

Kanino?

Lumakad siya papalapit sa amin ni Jean. Hinawakan niya ang mga balikat ko at hinarap ako sa kanya. Face to face na kami ngayon.

“Lumaban ka."

Binitawan niya ako, hinawakan niya ang mga balikat nina Orion at yung isa nilang kaibigan, at umalis na sila. Natira na lamang kami ni Jean.

"Ikaw pala."

Tumalikod ako para tingnan ulit si Jean. Imbes na seryosong mukha ang makita ko, ang laki-laki ng ngiti na nasa mga labi niya.

"Ha? Ako sino?"

"Wala." Nagsimula na siyang maglakad pababa ng stairs, sumunod naman ako. Kanina, parang ang sama-sama ng loob ko. Ngayon naman, dinagdagan siya ng lito. "I just didn't know that you and Neon knew each other."

"Hindi ko rin alam na magkakilala pala kayo." sabi ko. Anong nangyayari?

----

Natapos ang araw na gulong-gulo ako sa mga pangyayari. Kung tutuusin, mas nag-impact pa sa akin ang fact na kinausap ako ni Neon nang walang mga insulto (medyo) kaysa sa mga sinabi niya. Hindi ko na nga gaano maalala eh. Oh well, maaalala ko rin yan someday.

Pumasok ako ng bahay na pagod. Nakakapagod din ang pagiging panget, ano? Nakaka-stress! Buti na lang hindi ako nakita kanina ni Mang Warlito. May ginagawa siguro.

"Anak! Buti na lamang at naabutan kita!" sabi ni mama na mukhang paalis.

"Bakit po?"

"Tinanggap ako! May trabaho na ulit ako!" sabi niya. "Katulong ako dun sa malaking bahay sa tapat nung subdivision na dinadaanan lagi ng jeep. Naaalala mo ba yung bahay na 'yun?"

Inisip kong mabuti. "Opo. Yung kulay green ang gate?"

"Oo! At may anak sila, anak! Parehas kayo ng school. Isang taon lang ata ang tanda niya sa'yo." Mukhang nag-isip ng malalim si mama. "Ano nga ba ang pangalan niya?"

Parang nawalan ako ng hininga. Alam kong karamihan ng mga 4th year ayaw sa akin (kahit wala naman akong ginagawa sa kanila). Paano 'pag nalaman nilang nanay ko si mama? Tatratuhin din ba nila ng masama si mama katulad ng ginawa ni Neon? 'Wag naman sa-

"Alam ko na! Orion ang pangalan niya!"

Oh no.

7 Ways to Become BeautifulМесто, где живут истории. Откройте их для себя