Way #5 (Part 2)

535 11 1
                                    

WHOOOOSH.

Anong tunog yan? Simple lang naman. Yan ang tunog ng tubig na ibinuhos sa'yo ng mga kaklase mong masarap sapakin to the highest level of the highest mountain.

"ANO BA!" sigaw ko, inaalis yung tubig sa aking mukha.

Yung lima kong kaklaseng nagtapon sa akin ng tubig, nagsitawanan lamang. "Mukha kang basang pusa, Princesa Pangit!"

"Napala mo! Karma yan sa ginawa mo kay Kuya Orion."

"Gusto niyong masipa ng hindi oras?" sabi ko na lamang. Wala naman akong ginagawa sa Orion na 'yun, ako pa yung nasabihan na may kasalanan. SIYA KAYA ANG MAY GAWA KUNG BAKIT AKO (LALONG) BINUBULLY SA SCHOOL. MAKARMA SIYA.

Nung umalis na sila sa pagmumukha ko (na pumuputi na. :'> ), tiningnan ko yung bag ko kung basa yung mga notebooks ko. Dry naman silang lahat, ako lang talaga ang basang-basa.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang gusto sa akin nung Orion na yun. Nananahimik naman yung tao, ginugulo pa niya. Nung isang araw pa nagsimula itong trip ng mga kaklase kong buhusan ako ng tubig. Ngayon, natuto na akong magdala ng extra na damit. Opo, girl scout ako!

Actually, nasa labas ako ngayon ng gym namin. Dahil tapos na ako maglaps para kay coach (200 na lang!), papauwi na sana ako. 'Yun pala, naghihintay sa labas ang mga kaklase kong walang social life.

(Wow, para namang may social life ako, 'no?)

Bumalik ako papasok ng gym at pumunta na sa girl's changing room. Hinubad ko na ang pang-itaas ko nang marinig kong bumukas ang pinto.

Hindi pa siya bumubuka ng malaki ay sinipa ko na siya pasarado. "MANYAK! MANYAK! SAKLOLO!"

Hindi ko naman kasi ni-lock yung pinto. Malay ko bang may taong nanaising manilip sa akin. Hoho. Maganda na ba ako? Sexy na ba? Pwede, pwede!

Teka, may crisis nga pala. Mamaya na ako magpapakavain.

"SAKLOLO! BASTOS KA! BASTOOOOS!" sigaw ko dun sa taong nasa kabila ng pinto.
"H - hindi! Hindi ako bastos!" mahinhin yung boses, parang kilala ko 'to ah. Si Anna ba?

Bigla kong binuksan yung pinto. "Anna?!?"

O/////O Namula ang kanyang mukha tapos tinuro niya ang dibdib ko.

Tumingin naman ako pababa. NAKA-BRA PA NGA PALA AKO!

Sinarado ko ulit yung pinto. NAKAKAHIYAAAAAAAAAAAAA.

Well, at least nalaman ko si Anna 'yon. Ang lakas naman ng loob kong mangarap na may magtatangkang manilip sa akin. TT____TT (Dapat ba ako maging masaya o malungkot?)

Sinuot ko yung hawak-hawak kong pamalit at binuksan ko na ulit yung pinto.

"Anna! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Hi, Luisa," mukha siyang nahihiya sa akin. "Sorry, kanina pa kita hinahanap eh. Tapos nung nakita kitang pumasok ulit ng gym, sumunod na ako."

"Akala ko nga naninilip ka. Umasa pa ako," sabi ko. "Magpapalit muna ako, ha?"

"Ay! Oo. Sorry, sorry. Maghihintay na lang muna ako sa labas," sinarado ni Anna yung pinto.

Habang nagpapalit ako ng pambaba, bigla kong naisip kung kelan kami huling nagkita ni Anna. Sinigawan at pinaiyak siya ni Neon, pinagsabihan na sa kinarami-rami daw na pwede niyang gawin, wala daw siyang ginawa. Pareho ko naman silang naiintindihan. Dahil kung nagkapalit kami ng pwesto ni Anna, siya ang inaapi at ako yung boss, malamang, matagal ko ng pinalayas yung tres marias na 'yun. Ang problema naman kasi na hindi naiintindihan ni Neon, hindi katulad namin si Anna. Hindi malakas ang loob ni Anna, mahinhin siya at shy. Hindi niyang magagawang umaway ng tao. Ano pa ba ang magagawa niya?

7 Ways to Become BeautifulWhere stories live. Discover now